bc

MAX MONTEVISTA: My Boyfriend's Stepbrother [SPG]

book_age18+
4.0K
FOLLOW
40.5K
READ
love-triangle
one-night stand
HE
boss
drama
bxg
office/work place
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

‼️ SPG ?‼️ Age Gap ‼️One Night Stand ‼️

One HOT NIGHT with a total stranger. Ito ang naranasan ni Claire isang gabi kasama ang isang estranghero. Makalipas ang ilang araw ay natuklasan niyang ito ay si Max Montevista na Stepbrother ng Boyfriend niya at may-ari ng Hotel kung saan siya naka assign na mag-OJT. Nalaman niyang hinanap siya nito matapos ang mainit na gabing pinagsaluhan nila pero dahil sa kumplikadong sitwasyon ay nagpanggap na lang siya na hindi niya ito kilala at hindi siya ang babaeng naka-one night stand nito.

Makakayanan kaya niya ang pagpapanggap na ibang tao kay Max kung sa araw-araw ay binubuyo siya ng kakaibang damdamin para sa binata? Damdaming kailangan niyang pigilan dahil ayaw niyang masira ang relasyong magkapatid nito sa kasintahan niya. Hanggang saan kaya niya makakayang pigilan ang sarili?

.Age gap

.Hotelier (Billionaire) x College Student (OJT)

.Mature Content

.Emotional Punch/Kilig Overload

-----

This story contains s*x scenes, drug use and some inappropriate language. Please read at your own risk as a trigger warning will not be designated at each chapter.

The story is not perfect so expect some typo graphical errors, grammatical errors, wrong spellings and other errors.

Copying of the story without the permission of the author is illegal. Plagiarism is a crime.

chap-preview
Free preview
1. Max Montevista
(Claire's POV) Montevista Hotel Hindi ko maitago ang pagkamangha habang inililibot ko ang paningin sa loob ng isang sikat na five-star hotel pagpasok namin ng boyfriend kong si Wade. First time kong makapasok sa loob ng hotel na dati-rati ay nadadaanan ko lang sa tuwing papasok ako sa school. Nandito kami sa hotel dahil may interview ako sa HR manager. Tinulungan ako ni Wade para makapasok bilang OJT as part of my school curriculum. Stepfather niya kasi ang may-ari ng Montevista Hotel at sinabi raw nitong magtungo ako ngayong araw para mafinalize sa HR ang internship ko. HRM ang course ko at graduating na this year. Si Wade naman ay Criminology at kasalukuyan na ring OJT sa isang police station. Natuwa ako matapos kausapin ang HR manager at tanggapin ako as OJT. Mabuti na lang accredited ng school namin ang hotel na ito. May inendorse na ibang hotel ang Dean namin pero pwede rin naman kami mag OJT kahit saang hotel namin gusto basta accredited ito ng school at dito sa hotel na ito ko gustong mag OJT. Pumunta rin kami sa office ng Stepdad ni Wade. Naroon rin ang Mom niya. 1 month and 2 weeks to be exact pa lang kaming mag karelasyon ni Wade af first time kong ma-meet ang family niya so I felt a little nervous. "Ma-magandang araw po!" I don't know how to greet them. Hindi ko rin alam kung kakamayan ko sila or ano, I felt awkward. Ngumiti ang Mom niya at lumapit sa akin. Nabigla ako ng yakapin niya 'ko at i-tap ang likod ko. "Nice to meet you, iha!" Feeling ko agad nawala ang kaba at pagka-ilang ko sa reaction ng Mom niya. "I'm happy to meet you din po!" Magalang kong sabi at nginitian siya. Natuwa ako na nakikita ko sa mga mata niya na gusto niya 'ko. Lumapit din ako sa Stepdad ni Wade na nakaupo sa swivel chair at kinamayan siya. Nakangiti siya at feeling ko mabait rin siya. "Wade, sana tumino ka na this time, sumasakit na ang ulo ko sa mga kalokohan mo!" Sinamaan ng tingin ng Mom niya si Wade. Napakamot naman siya ng batok niya. "Of course Ma, matino naman talaga ako eh!" Kumindat sa akin si Wade at humawak sa bewang ko. Kilalang playboy si Wade sa school namin kaya naalangan ako sa kanya noong una pero naging matyaga siya sa panliligaw sa akin at naramdaman ko namang seryoso siya sa akin. Plano ko sana na grumaduate na muna bago sumubok muli makipagrelasyon matapos kong masaktan sa huli kong naging boyfriend pero hindi ko na rin napigilan ang damdamin ko para kay Wade kaya sinagot ko agad siya. Lumabas na kami sa office ng Stepdad niya. "Let's go to Kuya's office." Saad ni Wade paglabas namin sa office ng Stepdad niya. "Kuya?" Kunot noo kong tanong. "My Stepbrother!" Agap na sagot ni Wade. "Ah okay!" Naalala ko bigla na nabanggit niya noon na may Stepbrother siya. Nag iisang anak si Wade pati na rin ang Stepbrother niya kaya naging malapit siya dito na itinuring niya talagang totoong Kuya simula nang magpakasal ang Mom niya sa Stepdad niya 5 years ago. Magkalayo rin ang agwat ng edad nila. 12 years. Same kami ng age ni Wade na 21 years old, so ang Kuya niya ay 33 years old na. Katabi lang ng office ng Stepdad niya ang office ng Stepbrother niya. Kumatok si Wade sa pinto. May ilang beses siyang kumatok hanggang magbukas ang pinto at lumabas ang isang janitor. "Wala pa po si Sir dito!" Saad ng janitor tsaka siya lumabas sa office. "Baka nasa pad niya!" Hinawakan ni Wade ang kamay ko patungo sa elevator. Pagsakay namin sa elevator ay pinindot niya ang penthouse. Hanggang 37th floor ang nasa button at may penthouse pa so 38 floors pala ang hotel na ito. "Madalas kitang dadalhin dito once binigyan na ako ni Mom ng unit.." Namumungay ang mga matang bulong niya sa akin sabay hapit sa bewang ko. Na-sense ko naman ang ibig niyang sabihin. "Hey, I told you ayoko pa!" Bahagya akong lumayo sa kanya, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil meron akong naalala na pilit ko namang inalis sa isip ko. I felt guilty again for Wade nang maalala ko 'yun. Bumaba na kami sa elevator pagdating sa penthouse. Curious akong makita at makilala ang stepbrother ng boyfriend ko. Nasa penthouse siya nakatira, of course dahil anak siya ng may-ari ng grandyosang hotel na ito, isa rin siya sa nagpapatakbo ng hotel at one day for sure, siya rin ang magmamay-ari ng lahat ng ito. Nag-doorbell si Wade. Maya maya ay tumapat siya sa camera ng intercom. Itinaas niya ang gitnang daliri niya at tumawa. "Fvck you!" I heard a voice on the intercom. Hindi naman ganoon kalinaw ang tinig at nagmumula pa sa intercom pero pakiramdam ko ay parang may gumapang na kung anong sensasyon sa sistema ko nang maisip ko na familiar ang tinig na 'yun. Agad naman 'yun nawala sa isip ko nang buksan na ni Wade ang pinto at pumasok kaming dalawa. Namilog ang mga mata ko nang bumungad sa paningin ko ang lawak at karangyaan sa loob. Napakalinis at bango pa. Sinabi ni Wade na stepbrother niya lang ang nakatira dito, so mag isa lang siya pero kahit yata sampung tao ang tumira ay napakaluwag pa. "Kuya!" Nawala na ang pansin ko sa paligid nang marinig si Wade at makita ang isang lalakeng lumabas sa isang kwarto habang nagpupunas ng towel sa basang buhok. Tanging towel lang rin na nakatali sa bewang ang saplot niya sa katawan. Napadiin ang kapit ko sa kamay ni Wade kasabay ng tila panghihina ng mga binti ko habang naglalakad kami papalapit sa taong 'yun dahil malinaw ko ng nakikita ang mukha niya. Feeling ko para akong robot na lang na naglalakad at sumusunod sa mga yapak ni Wade. Parang tumigil ang mundo ko na makita siyang muli. Kasabay ng pagkagimbal ko na makita siya ay pagkabigla rin ang nakikita ko sa mukha niya. Natigilan siya habang nagpupunas ng tuwalya at nagmistulang estatwa habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung pareho lang ang nasa isip namin nang sandaling iyon. Bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Wade na magkahawak at hindi ko maintindihan ang nasa expression ng mukha niya. Nilapag niya ang towel sa couch at sinalubong kami ni Wade. "Bro, wazzup!" Lumapit siya kay Wade. Nag fistbump sila tsaka siya bumaling ng tingin sa akin. "Sorry, I didn't know may kasama ka, nagbihis sana ako!" He smirked a bit. Pumamewang siya na parang ibinabalandra niya sa akin ang katawan niya. Feeling ko sinasadya niya 'yun. Hindi ko tuloy naiwasan tumingin sa katawan niyang may ilang beses kong napagmasdan noon. And for pete's sake hindi lang basta napagmasdan! "No worries, it's fine..!" Saglit siyang tumingin kay Wade nang magsalita ito at binaling uli ang paningin sa akin. "Is she your.... girlfriend?" His deep voice was cold. Alam kong malamig 'yun dahil hindi naman ganoon ang tinig niya noong nakasama ko siya. "Yeah, she's Claire... Babe he is my Kuya Max." Wade introduced us. Max... Maximus! Yun lang ang pakilala niya sa akin noon. "Hi... Claire!" Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Nakatingin naman ako doon at hindi ko alam kung tatanggapin ko ba. I wonder if he recognized me but based on his expression, I'm sure he did. Sino ba namang makakalimot doon?! "Babe!" Wade looked at me then looked at his brother's hand na nanatiling nakalahad. Gusto niyang tanggapin ko ang kamay na 'yun. Biglang nabuhay ang guilt na naramdaman ko para kay Wade dahil sa nagawa ko. Pilit kong tinatakwil sa isip ko ang pangyayari. Gusto ko ng kalimutan ang lahat pero hindi ko magawa-gawa at ngayong nakita ko uli ang taong ito ay biglang bumalik ang lahat sa akin. Pinilit kong maging normal ang kilos. Ayokong isipin ng lalakeng ito na ako ang babaeng nakasama niya noon. Base sa reaction niya naaalala niya 'ko at ayokong isipin niyang naaalala ko rin siya o affected ako. Ano kaya kung magpanggap na lang ako na hindi ko siya kilala?! Mas safe ako doon dahil magiging complicated ang sitwasyon namin ngayong siya pala ang Kuya ni Wade at isa sa namamahala ng hotel na ito kung saan ako mag o-OJT. I took a deep breath and smiled. "Hi po, I'm Claire. So kayo po pala ang Kuya ni Wade... Nice to meet you!" I saw his jaw clench. Tinanggap ko ang pakikipag-kamay niya. He gently held my hand just like the way he did before until he held it firmly. I even felt his thumb caressing my hand na parang meron siyang pinahihiwatig sa akin at tila ba libo-libong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko na kagaya noong unang beses niya 'kong hinawakan. Hindi ko na kinaya pa kaya hinila ko na ang kamay ko. I know this man. I met him two weeks ago on an unexpected crazy night I will never forget. And this time, he's no longer a stranger to me. He is Max Montevista, a Hotelier and my Boyfriend's Stepbrother. ♥️

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook