3. The Encounter

2562 Words
Malayo pa lang ang kotse ay nag hitch sign na 'ko. Bumagal ang takbo niya hanggang huminto siya sa harap ko. Natuwa ako na hinintuan niya ko. Lumapit ako sa pinto ng kotse. Pansin kong sports car ang kotse niya. Kasali rin ba siya sa car racing kanina? Binuksan ko ang pinto. Agad na tumambad sa paningin ko ang isang lalakeng nakangiti sa akin. "Hey!" Nakangiti niyang sabi. Ang gaan sa pakiramdam ng smile niya. Feeling ko agad naglaho 'yung takot na naramdaman ko kanina. Napansin ko ang canned whiskey sa tabi niya. May ilan pang canned whiskey ang nasa sahig ng kotse. Bigla tuloy ako naalangan na sumakay. Mukhang lango na sa alak ang lalakeng ito. "I'm not drunk yet if that's what you're thinking!" His deep husky voice gives me chills. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Siguro dahil ang gwapo niya. Yeah, he's so gwapo, walang wala ang kagwapuhan ng tatlong racer kanina sa lalakeng ito. Kinuha niya ang mga canned whiskey na nakakalat sa sahig at pinasok sa loob paper bag. Wala naman dun ang pansin ko kundi nasa maskulado niyang braso. May tattoo din siya sa left arm niya na hindi ko naman maintindihan kung ano. "I'm sorry, nagkalat kasi ito kanina nung lumipad ako!" Humalakhak siya. Pati pagtawa niya ang sarap sa pandinig. Bahagya kong pinilig ang ulo ko para mawala na sa isip ko ang napapansin ko sa kanya. "Lumipad?" Paguulit ko sa sinabi niya. "Yeah!" Tanging sagot niya. "Come in. You need a ride, right?" Ngumiti siya at feeling ko gumaan naman ang pakiramdam ko. Hindi na ko nag isip pa ng kung ano ano at sumakay na. Lumapad ang ngiti niya nang sumakay at umupo ako. Itinakip ko ang bag ko sa legs ko. Nagsisi ako bigla na maigsing skirt ang sinuot ko. "Make yourself comf'table!" Kinuha niya ang canned Jack Daniels sa tabi niya at uminom. "Do you want?" Tanong niya. Kinuha niya ang paper bag at inabutan din ako ng alak. Binuksan niya muna 'yun bago iabot sa akin. Agad ko naman 'yun tinanggap. Kaiinom lang namin kanina at nalasing pero nawala rin nang mag joyride kami at mapadpad sa car racing. Feeling ko sa lahat ng pangyayari ngayong gabi ay nauhaw ako. Hindi ako sanay sa whiskey dahil hard drink 'yun pero nakaya kong inumin ang kalahati. Pinaandar na niya ang kotse. "I can't believe you're here with me!" His brown eyes stared directly at me. "Huh?!" Nagtataka kong sabi sa sinabi niya. "Wala bang pumili sa'yo sa tatlong bugok na 'yun.... Such an idiót!" Sarkastiko siyang tumawa. Sa sinabi niya naalala ko na naman na walang pumili sa akin. Nawala naman din 'yun agad sa isip ko nang marealize ang sinabi niya. So tama nga ako na nandoon siya kanina at kasali sa car racing. "Nandoon ka?" Kunot noo na tanong ko. "Yeah and I saw you up there. Gusto kong manalo coz I want you to be my prize kaso hindi eh... I lost in the first round. Damn!" Napahampas siya sa manibela niya. Nasa itsura niyang naiinis na natalo siya. Tumingin siya sa akin at biglang nag iba ang expression ng mukha niya. "Sobra ako nanghinayang kanina, dahil natalo ako kaya hindi ko makukuha yung prize na gusto ko. But now you're here with me and I feel like I won!" Namungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. So kung nanalo pala siya sa karera ako ang pipiliin niya pero natalo siya at walang pumili sa akin sa tatlong racer na nanalo at ngayon naman ay magkasama kaming dalawa. Is it destiny?! What the heck bakit ko ba naiisip na destiny ito. I cleared my throat and spoke. "You mean ako ang pipiliin mo kung nanalo ka?" Yung gusto ko talaga klaruhin ang sinabi niya. "Yeah, baby!" Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Hindi mawala wala ang pamumungay ng mga mata niya. Attracted siya sakin?! Hindi ko makontrol at maalis sa pakiramdam ko ang kiligin. Napatingin ako sa kamay niya ng akbayan niya 'ko. Hinaplos pa niya ang balikat ko. Spaghetti strap blouse ang suot ko kaya damang dama ko ang init ng palad niya sa balat ko at pakiramdam ko ay nagustuhan iyon ng katawan ko. Bigla kong naalala si Wade dahil ginagawa niya rin ito sakin. "Wait, sorry I'm taken na. I have a boyfriend!" Sambit ko at inalis ang kamay niya sa balikat ko. Feeling ko may biglang bumara sa lalamunan ko. Parang gusto ko magsisi kung bakit ko pa sinabing may boyfriend ako. Inalog ko ang ulo ko sa mga naiisip ko. Bakit ba ako nag iisip ng ganito na parang plano kong mag cheat kay Wade. Saglit siyang natigilan sa sinabi ko. "Pero nandoon ka as a prize girl!" Kunot noo niyang sabi. Bigla akong nainis na kanina ko pa naririnig sa kanya ang term na prize. Yun ba ang tawag nila sa mga babaeng nandoon sa car racing na makaka-date ng mananalong racer? Siguro 'yun nga. Masyado kaming nagpauto ng mga kaibigan ko sa bakla kanina, gagawin pala niya kaming papremyo. So anong mangyayari sa tatlo kong kaibigan na isinama ng tatlong racer? Pero palaban ang tatlong 'yun kaya alam kong hindi naman sila mapapaano. Isa pa pare-pareho na rin ang sitwasyon namin ngayon dahil kasama ko rin ang racer na ito na ang tingin din sa akin ay prize girl. Nakatingin siya sa akin at hindi nawawala yung pamumungay ng mga mata niya. "I'm sorry if I offended you..." I could feel the sincerity in his deep voice. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at tumingin sa labas ng bintana. "But, well, it's fine with me... aside from car racing, playing basketball is also my hobby, so sanay ako mang-agaw!" He chuckled a little. Mang agaw! Pinagsasabi ba nito. Magtatanong sana ako nang mapansin kong huminto ang sinasakyan namin. Napatingin ako sa labas. Wala akong nakikitang kahit na ano. Lumabas siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. "Wait nasan ba tayo?" Tanong ko Bigla kong naisip na basta na lang pala ako sumakay na hindi ko man lang sinasabi sa kanya kung saan niya ako ibababa. "In my favorite place!" Nakangiti niyang sagot. Bukod sa nadala na naman ako ng ngiti niya ay nacurious din ako sa sinabi niya. Lumabas ako ng kotse. Pansin kong nasa mataas na lugar kami. Nakikita ko ang mga nagtataasang building sa city at mga nagkikislapang mga ilaw. Tumingin ako sa lalakeng kasama ko na umupo sa unahan ng kotse niya. "Let's sit here!" Pagyaya niya sa akin. Para naman akong robot na sumunod lang sa sinabi niya. Inalalayan niya ko pag upo ko. Umangat ang laylayan ng skirt kong suot pag upo ko kaya agad kong hinatak pababa kaso nakikita pa rin ang kalahati ng legs ko. Napatingin ako sa kanya nang umalis siya sa pagkakaupo at may kinuha sa loob ng kotse niya. Pagbalik niya ay may bitbit siyang coat na agad niyang itinaklob sa legs ko. Natuwa naman ako sa gesture niya. He is such a gentleman. Feeling ko tuloy naging komportable agad ako sa kanya. Binuksan niya ang canned whiskey at inabot sa akin. Naubos ko na ang isa kong hawak kanina kaya nakakaramdam na ako ng hilo pero para akong nauuhaw pa rin. Kinuha ko ang alak. "Cheers!" Sambit niya at inilapit sa akin ang hawak niyang alak. Napangiti naman ako at nakipag toast sa kanya. "Cheers!" Nakangiti kong sabi at sabay naming ininom ang alak. "You look prettier when you smile!" Namungay muli ang mga mata niya. Malalim siyang tumitig sa akin kaya alam kong sincere siya sa sinabi niya. "Thank you!" Pasasalamat ko sa kanya. Feeling ko namumula ang pisngi ko. Sanay naman ako sa compliments pero biglang nakaramdam ako ngayon ng hiya na siya ang nagsasabi sa akin. "I'm Maximus!" Pakilala niya sa akin. Maximus, napakaganda ng pangalan niya. Bagay sa kanya, lalakeng lalake ang dating. "And you're?" Nasa itsura niyang naghihintay na banggitin ko ang pangalan ko. "Claire!" "Oh, Claire! Nice name... Very pretty like you!" Nagblush uli ako sa sinabi niya. "Thank you!" Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil ayokong makita niyang nagbablush ako. Dumako ang paningin ko sa mga nagtataasang building. "I like being here! I always want to come here when I feel... empty!" "Huh!" Napakunot noo ako sa sinabi niya. "But of course kanina 'yun, before you came to me... Gusto pa kitang makasama kaya I brought you here!" "Hmm okay!" Sa sinabi niyang gusto niya kong makasama bigla ko ring naramdaman na gusto ko pa rin siyang makasama. "Today is my birthday!" Sambit niya. Napatingin naman ako sa kanya at napangiti. "Woah really! Happy birthday!" Malawak ko siyang nginitian. Natuwa naman siya at natuwa rin akong napasaya ko siya. "Thank you!" Nakangiti niyang sabi. "So may celebration ka? Party?" Tanong ko na ikinatawa niya. "Ano ko bata, may birthday party?!" Sambit niya. Bigla rin naman akong natawa. Maya maya ay biglang sumeryoso ang mukha niya. "When I was a kid I always had a birthday party coz my Mom wanted it for me. Pero dati 'yun. Aside sa hindi na ko bata, my Mom is gone kaya I didn't celebrate my birthday anymore dahil wala ng magpe-prepare for me." Bigla namang naantig ang puso ko sa kanya. Naisip ko ang Mama ko na parati akong hinahandaan sa tuwing birthday ko. "How about your Dad?" Bigla kong naisip na sabihin. Uminom muna siya ng alak tsaka nagsalita. "Hmm my Dad is always busy. I don't think maiisip niya. Sanay na rin ako dahil parati rin naman akong busy." Bahagya siyang ngumiti at uminom uli ng alak. Ganun lang naman ang sinabi niya pero parang kinurot uli ang puso ko. Siguro kaya niya nasabi kanina na feeling niya empty siya dahil birthday niya ngayon at wala na siyang Nanay at ang Tatay niya parating busy. Feeling ko mas close rin siya sa mother niya kaysa Dad niya. At bigla ko ring nasense na mayaman siya. Sa sports car pa lang na meron siya at pananamit niya. Maging kilos niya ay yayamanin. "Don't worry kapag grumaduate na 'ko at nagkatrabaho. Ililibre kita ng birthday party dun." Sabi ko sabay turo sa Montevista hotel na kitang kita mula sa kinapupwestuhan namin. "Really!" Natuwa niyang sabi. "Maganda ba diyan?" Tanong niya. "Oo! Nakapunta ako diyan nung ano eh!" Napaisip ako bigla dahil hindi pa naman talaga ako nakakapasok sa loob. "Nung kumain kami ng Mama ko sa Jabee na nasa loob ng hotel!" Inassume ko lang na may ganung fastfood nga sa loob ng Montevista hotel. "What? Jabee inside the hotel?" Napaisip siya at napaisip naman din ako, baka kasi nakapunta na siya doon. Pero nagtanong siya kung maganda ba sa Montevista Hotel so maybe hindi pa nga siya nakakapunta. Napatingin ako sa kanya nang tumawa siya. "Well, I like the idea of having Jabee inside the hotel." Tumawa din ako kahit hindi ko siya gets. Nakaramdam naman rin ako ng saya sa puso ko na tumatawa siya na kahit papano napasaya ko siya ngayong birthday niya. Nagkwentuhan kami habang nagtatawanan. Naubos ko na 'yung isang alak at binigyan niya pa 'ko ng isa pa. Pinag uusapan namin yung about sa pag aaral ko. Pansin kong hindi naman siya nagkukwento ng tungkol sa sarili niya at hindi na rin ako nagtanong pa baka kasi lumungkot na naman siya. Ibinato ko sa kung saan ang canned whiskey nang maubos ko. Pangatlo ko na 'yun at hilong hilo na ako. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit. Dinikit naman niya ang katawan sa akin. "Hey you told me na mag iinuman tayo hanggang umaga!" Sabi niya at bahagyang niyugyog ang balikat niya na mas ikinahilo ko. Hinampas ko naman ang braso niya. "Stop it!" Sambit ko at tumingin sa kanya pero hindi ko na maimulat ng maayos ang mga mata ko. Ibinagsak ko uli ang ulo ko sa balikat niya. "Wow, you're cute when you're drunk!" Mahina siyang tumawa. Hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya. Humangin ng malakas at bigla ako nakaramdam ng lamig. Actually kanina pa talaga ako giniginaw. Napakalamig kasi ng lugar dito! Hindi ko alam kung dala ng kalasingan ko o sadyang nilalamig lang talaga ako kaya niyakap ko siya habang nakahilig ang ulo ko sa balikat niya. Pinulupot ko ang braso ko sa bewang niya. Ang sarap niyang yakapin. Malambot na matigas ang katawan niya dahil sa muscles. Nalalanghap ko rin ang scent niya sa leeg niya. Napakabango. Ang sarap niya amoy-amuyin. May kakaibang sensasyon ring hatid sa akin ang amoy niya at feeling ko nahi-hypnotize ako. Naramdaman ko ng haplusin niya ang braso kong nakapulupot sa tiyan niya. Ang sarap sa pakiramdam ng haplos niya. "Are you cold?" Tanong niya. "Uhm uhm!" I nodded. "Do you want me to warm your body?" He said sensually. I was suddenly curious as to how he could warm my body. "Paano?" Tumingin ako sa kanya. Namungay muli ang mga mata niya. Naniningkit naman ang mga mata ko sa kalasingan nang biglang mamilog nang dampian niya ng halik ang gitnang part ng leeg ko. Tumingin siya sa akin na may nakakalokong ngiti sa labi niya. "Do you like it? Does it make you feel better?" Ngumisi siya. Hindi ko naman maintindihan ang nararamdaman ko dahil bigla akong nainis. Nainis ako at hindi ko alam kung dahil sa hinalikan niya 'ko o dahil nabitin ako sa saglit niyang halik sa leeg ko. Nawala naman 'yun agad sa isip ko nang muli niyang ilapit ang mukha niya sa leeg ko at muling halikan. And this time hindi na 'yun kasingbilis ng kanina. He brought his hands to my waist and tightened his hold on me as I felt him planting soft and light kisses on my neck. Feeling ko walang parte ng leeg ko ang hindi niya hinahalikan. Kakaiba ang sensasyong dulot sa akin ng dila niyang humahagod sa leeg ko at nakuha ko pang itingala ang ulo ko para mas mabigyang laya siya sa ginagawa niya. Naalala ko nang gawin ito sa akin ni Wade pero bigla ko siyang naitulak dahil ayaw kong magtuloy tuloy 'yun. Hindi pa ko handa. Pero heto ako at dinadama ang halik ng isang estranghero. Bigla akong natauhan. Hindi ito pwede. Kahit lasing ako at nalalasing ako sa halik niya nasa tamang wisyo pa rin ako para tanggihan siya. "Wait, mister....!" Pinilit kong magsalita kahit napakahirap. Inilapat ko ang dalawa kong palad sa dibdib niya para itulak siya pero ni hindi man lang siya natinag. "Please, no... I have a boy....!" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya kong halikan sa labi. Feeling ko sinasadya niya para putulin ang sasabihin ko. Alam niyang aayaw ako pero paano ko pa magagawang umayaw ngayong hinahalikan niya ako sa labi at nararamdaman ko kung gaano iyon kasarap. He kissed me harder, almost aggressively. Kung gaano ako nalasing sa halik niya sa leeg ko ay mas malala pa ngayong sinisiil niya ako ng halik sa labi. Ilan na rin ang nakahalikan ko pero bakit sa halik ng estrangherong ito ako nahumaling. Nakakadarang ang galaw ng labi at dila niyang gumagalugad sa loob ng bibig ko. Hindi naman kalakihan ang labi niya pero kayang kaya niyang sakupin ang bibig ko at para iyong nagpapawala sa akin sa sarili ko na ang tanging nagagawa ko lang ay gantihan ang halik niya. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD