CHAPTER 4

2052 Words
Taling? Si Juan lang ang may karapatan na tawagin siya sa bantot na pangalang ibinigay nito sa kanya. How could he?  “Ah, sorry. Ayaw mo pala na tinatawag kang Taling kasi Natalie ang pangalan mo,” sabi ng lalaki Napatiimbagang siya kasi may hinala na siya kung sino ang kanyang customer pero may pag-alinlangan din naman sa kanyang isipan na baka nag-overthink lang siya. “Tama. Ako si Natalie, at sana, gano’n din ang itawag mo sa akin,” sabi niya sa lalaki. “Very well, no problem Miss Natalie. So, shall we start?”  Itinuro ng lalaki ang malaking kama. Ibig sabihin, kailangan na niyang simulan ang kanyang trabaho. Ibinaba niya ang dalang bag sa sofa na malapit sa kanilang kinatatayuan at nagtungo na sa kama. Maghuhubad na sana siya nang tawagin siya ng lalaki. “Shower muna tayo. Who knows? Baka may nauna pa sa akin sa paggamit sayo ngayong gabie, eh di para na rin akong nakipagromansa sa isang lalaki.” Patawarin sana siya ng Diyos pero naaaliw siya tuwing namumula ang pisngi ni Natalie sa inis na hindi mailabas. “Hmm p’wede bang mauna ka na lang?” Bakas sa kanyang boses ang pagiging hindi kumportable sa takbo ng pangyayari. Pwede pa naman siguro siyang mag back-out, di ba? “Hindi pwede. Baka tatakbuhan mo lang ako. And by the way, ibinigay ko na kay Mr. Chua ang bayad para sa serbisyo mo.”  “Ano?” Nagimbal si Natalie sa kanyang narinig. Sa ginawa ng lalaki, para na talaga siyang tunay na pokpok. “Kaya kung may balak kang layasan ako, mag-isip kang muli.” Nagtataka si Natalie kung saan nanggaling ang tapang na ipinamalas niya sa harap ng lalaki ngayon. Siguro na-challenge siya sa mga ibinintang nito sa kanya kaya gusto niyang patunayan rito na malinis pa rin siya. Imbes na sumagot pa sa lalaki, bigla siyang tumayo at nagtungo sa banyo. Nang makapasok na siya, sinigurado niyang naka-lock ang pinto upang hindi makapasok ang lalaki. Hinubad niya ang kanyang suot na damit at nag-shower nang mabilisan. Pagkatapos, lumabas siya na nakatapis lang ng tuwalya. “Kung handa ka na, ay handa na rin ako,” wika ni Natalie nang makalabas na siya mula sa banyo.   “Kung gano’n, ano pa ang hinihintay mo? Magsimula na tayo,” tinawag ni Juan ang babae upang lumapit na sa malambot na kama. Nang hindi pa rin ito kumilos, nauna na siyang naghubad ng damit. Tanging ang suot na boxer short lang ang kanyang itinira. Pumuwesto siya sa gitna ng kama at saka dumapa. “Pakikuha na lang ng  almond oil sa loob,” utos niya kay Natalie at pinapabalik ito sa loob ng banyo. Nandoon kasi ang lahat ng kanyang toiletries, lotion at mga massage oil. Almond oil? Saan nito gagamitin ang oil? Teka lang...paano kung...? Hindi naman siguro, sabi niya sa kanyang sarili. She refused to acknowledge her thoughts that the man could be bigger than a horse! “Mr. Sebastian, heto po ang oil na pinakuha ninyo,” tugon niya nang makabalik na siya. “Okay, you can start now,” utos ng lalaki. Nang hindi pa rin umimik si Natalie, tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. As expected, she was a beauty. “Halika na, masahiin mo na ako,” utos ni Juan kay Natalie. “Masahe lang po?” “Bakit, ano ba ang inaasahan mo? Hindi ako nakikipagtalik sa mga prostitute, Natalie.” Nilunok na lang ni Natalie ang mga masasakit na salitang ibinato ng lalaki sa kanya. At least, hindi siya mapapahamak ngayong gabie. Masahe lang naman pala ang gusto nito, nagbayad pa ng singkwenta-mil kay Mr. Chua. Marami namang massage parlor malapit sa Galaxy, ah. “Soft or hard?” “Ikaw na ang bahala kung ano ang kaya mong gawin,” sagot nito habang nakadapa sa kama. At dahil wala naman talaga siyang karanasan sa pagmasahe ng isang tao, pilit niyang binalik-balikan ang pelikulang pinanood nila ni Herlie kung saan minamasahe ng isang babae ang customer nitong lalaki. Una, ibinuhus niya ang isang bote ng almond oil sa likod ng lalaki. At dahil malaki ang bote, sobrang-sobra ang ang oil sa likuran ng lalaki. Sa katunayan, nagbabagang-uling na lang ang kulang at pwede na itong litsunin. Hindi napigilan ni Natalie ang sarili na matawa sa iniisip. “What's funny?”  “Hmm wala naman sir. Pwede bang umusog ka dito sa gilid para maayos kong magawa ang aking trabaho?” Nasa gitna kasi ng kama ang lalaki. At least kung nasa gilid ito, pwede niyang iusog ang isang upuan malapit dito.  “Pwede ba, tigilan mo na ang kaartehan mo?” Simpleng masahe lang, nag-aatubili pa si Natalie. Mabuti nga at masahe lang ang gusto niyang gawin nito sa ngayon. “Sorry po,” sabi ni Natalie habang sinimulan ang pagmasahe sa likod ng lalaki. “Harder,” daing ni Juan nang maramdaman niya ang mga kamay ni Natalie sa kanyang balikat. God, it's been a long time since he had a massage. Ilang taon na din kasi siyang hindi nakapagpahinga mula sa trabaho. Panahon na siguro upang magbakasyon muna siya, kasama ang babae na matagal na niyang hinintay. Harder daw, eh. Kasalanan ba niya kung hindi nito maramdaman ang kanyang mga daliri sa balikat nito? Siya ba itong may katawan na parang bato sa tigas? Siya ba ang nagsikap mag-ehersesyo araw-araw upang magkaroon ng makisig na katawan? Kung aasa lang siya sa kanyang mga kamay, wala na siyang ibubuga pa. Mahirap kasi ang kanyang posisyon kaya nangangalay na ang kanyang katawan. Alangan naman kung idikit niya ng husto ang kanyang katawan sa lalaking nakadapa. Tumingin siya sa kisame at isang malaswa na larawan ang na-imagine niya kung sakaling sundin niya ang nakita sa pelikula. Suddenly, she thought of something useful! “Stop!” Sumigaw ang lalaki. “Sir?”  “My God, Natalie! Siko ang ginamit mo sa pagmamasahe? Ano ang akala mo sa akin, kalabaw na matigas ang balat?” Itinulak niya ang babae palayo sa kanya at biglang bumangon mula sa pagkakadapa. Gusto lang naman niyang mag-relaks!  Salbahe talaga! Nataranta si Natalie nang malaglag ang nakatapis na tuwalya sa kanyang katawan nang itulak siya ng lalaki. Mabuti na lang at nakatalikod ito sa kanya. “As I was saying while ago – ” , hindi na natapos ni Juan ang gusto niyang sabihin nang makita ang hubad na katawan ni Natalie habang nakatihaya sa kanyang kama. “Sinabi ko na sayo na hindi ako nakikipagtalik sa mga katulad mo, bumangon ka na diyan at magbihis. Pagkatapos, palitan mo ang bedsheet ng kama.” Itinuro niya kay Natalie ang parte ng bedsheet na nabuhusan ng almond oil.  Sobrang nagulat si Natalie sa mga pinagsasabi ng lalaki sa kanya. Siya na nga itong itinulak, napagbintingan pa siyang nang-aakit. Diyos na mahabagin, konting-konti na lang talaga ang pasensya niya. Nagtitimpi lang talaga siya mula pa kanina. Pero sobra na. Kung tratuhin siya nito, para siyang isang katulong! Nag-aalburuto siyang tumayo at nagtungo sa banyo upang magpalit ng damit. Hindi na sanay sa malamig na kwarto ang kanyang katawan kaya pakiramdam niya ay may kabag na siya. Masakit man sa kanyang kalooban, hinanap niya ang lagayan ng mga malinis na bedsheet at comforter. Nang makita ito, kumuha siya ng isang set na kulay asul.  Bitbit ang kanyang bag, lumabas siya ng kwarto. Namataan niya ang lalaki sa kinauupuan nito kanina malapit sa pool. Nakasuot lang ito ng puting roba at nakatingin sa malayo habang nagsisigarilyo. “Excuse me po, pwede na ba akong umuwi?” “Saan ka uuwi, Natalie? Sa nirerentahang boarding house na nasa squatters area? Hindi ko alam kung bakit ka nagtitiis doon. Sa laki ng perang iniwan ng ina mo para sayo, kaya mong mamuhay ng marangya.” Nagitla si Natalie sa kanyang narinig. “Sino ka?” “Common, Taling. Hindi mo na ba talaga ako kilala? Sabagay, sino ba naman ako para lagi mong iisipin? Isa lang naman akong hardinero sa bahay ninyo dati.” May halong galit sa kanyang boses habang ipinaalala sa babae kung sino siya. “Ju-an?” Pero sobrang mabait si Juan, hindi katulad ng lalaking kaharap niya ngayon. Nagbabago ba talaga ang tao dahil sa pera? “Yup. Ang unfair mo, Taling. Sa loob ng maraming taon, ni minsan ay di ko nakalimutan ang hitsura mo.” Kung hindi pa niya nakilala si Alexander Ortega nang minsan itong mag check-in sa Galaxy kasama ang asawa nito, hindi na siguro niya makikita pa si Natalie. “Magkaiba na ang mundong ginagalawan natin ngayon, Juan. Huwag na natin pang balik-balikan kung ano man ang nangyari dati. At sana'y napatawad mo na ang ina ko,” pakiusap niya sa lalaki. Napatiimbagang si Juan nang banggitin ni Natalie ang ina nito. Kasi, hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa ina ni Natalie. “Simula ngayon, dito ka na magtatrabaho bilang katulong.” “Hindi kita maintindihan,” totoo na nagugulahan si Natalie sa takbo ng kanilang usapan. “Ganito kasi 'yon Miss Natalie. May kompanya si Mr. Chua na maid provider at ang papeles na pinirmahan mo sa bar kanina ay isang kontrata tungkol sa trabaho mo dito. Masyado ka kasing excited sa perang kikitain mo sa akin kaya hindi ka nagbasa bago pumirma. Pwede mong kunin ang kopya sa loob, nasa mesa ko.” Patuloy pa rin sa pagsasalita si Juan ngunit wala na siyang narinig pa. Sarado na ang kanyang utak sa mga pinagsasabi nito. Ano siya sinuswerte? Aba, taong 2017 na. Hindi na uso ang forced slavery! “You're crazier than I believed you are, Juan! Hindi mo ito pwedeng gawin sa akin!”  Natalie blurted out her thoughts. “Common, Natalie. Be practical! Ayaw mo bang tumira muli sa malaking bahay?” Positibo si Juan na magdadalawang-isip si Natalie na tanggihan siya. After all, she used to live there as a cool and rich kid, while he was just a household help. Wow. So dapat ay magpasalamat pa siya sa lalaki dahil sa maganda nitong alok sa kanya. Eh di, siya na ang dakilang tanga sa buong mundo! “Sa tingin mo ba ay gugustuhin ko pang bumalik sa bahay na 'yon? Hindi ako estupida, Juan!” “Alright, if you say so. In that case, you can go. At sana ay hindi na mag-krus ang landas nating dalawa.” He clenched his teeth when she turned her back. “By the way, alam ko kung nasaan ang ina mo.” What? Tumigil si Natalie sa paglalakad at nilingong muli ang lalaki. “Ano ang ibig mong sabihin?” Napatiimbagang siya habang hinintay ang kasagutan ng lalaki. “Hindi rin ako tanga para ipagtapat sayo ang aking nalalaman,” nakangiting sabi ni Juan at mas lalo pa siyang natuwa nang kinuyumos ni Natalie ang kanyang kamao. Nang banggitin ni Juan ang tungkol sa kanyang ina, maraming mga katanungan ang naglalaro sa kanyang isipan. Gusto niyang itanong sa ina kung paano nito nagawang iwanan siya noon? She was just a kid, merely a teenager when she left her alone. “Ano ba ang gusto mo?” “Work for me,” pahayag ng lalaki. Natalie was cornered. Ayaw niya sanang makipag-ugnayan pa sa lalaki pero kailangan niyang malaman kung nasaan ang kanyang ina. Gusto niyang sumbatan ito. “Fine,” sabi niya. “Good girl!”  Dinampot ni Juan ang kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng coffee table at tinawagan si ang kanyang secretary. “Lori, please do me a favor. Pakisabi sa accounting na bayaran ng two-months advance ang mga staff sa bahay. Paki-coordinate na rin sa JS Travel na i-book ng overseas vacation ang lahat ng household staff together with their immediate families.” Samantala, naguguluhan pa rin si Natalie sa takbo ng pangyayari .Ano kaya ang binabalak ni Juan? Kanina pa niya napapansin ang kakaibang ngiti sa labi nito. Posible kaya na kalaguyo nito ang tinawagang sekretarya? Hindi niya kasi matukoy ang dahilan ng pagngiti nito, maliban na lang kung sobra itong inlab sa kung sinuman ang nakausap nito kanina. “Natalie?” “Yes, Juan?” agad siyang sumagot nang tinawag nito. In good terms na ba sila? Infairness, maswerte ang mga staff ni Juan. Mas maswerte pa sa kanya. “Let's go home,” saad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD