Sa araw ng kanyang ika-labingwalong kaarawan ay halo-halo ang naramdaman ni Natalie. Sino ba naman ang hindi mati-tense kung ang kanyang escort ay walang iba kundi si Prince Harry? Hindi niya alam ang buong estorya kung bakit naging kakilala ng kanyang ama ang binatang prinsipe. Basta bigla na lang itong sumulpot sa kanilang bahay sa Cornwall noong nagbakasyon sila. Then, Sebastian Covarrubias and Prince Harry had a long and serious conversation over brandy that night.
At dahil hindi pa rin siya mapakali, tinawagan niya ulit ang kanyang ama upang siguraduhin kung talagang darating nga ang kanyang escort. Sa gitna ng kanyang pagka-excited ay naroon ang konting pangamba na baka may biglang dumating na mga reporter at pagpipyestahan siya. Medyo nabahala siya sa mga maaaring mangyari kapag dumating na ang napaka-gwapong prinsipe.
Eksaktong alas singko ng hapon, may chopper na lumapag sa helipad ng kanilang mansion. Definitely, it was Prince Harry! Sinalubong nila ito ng kanyang ama. At kahit na may kabigatan ang suot na ball gown, hindi niya ininda iyon. Hindi naman araw-araw na may isang tunay na prinsipe na darating sa kanyang buhay.
At nang bumaba na si Prince Harry mula sa chopper, nakanganga lang siya sa pagkamangha. Paano naman kasi, mas pogi pala ito sa personal. At ang s*x appeal, umaapaw! Pakiramdam niya ay malalaglag na ang kanyang suot na panty.
At nang naglakad na ito papalapit sa kanila, muntik na siyang himatayin sa sobrang tuwa. Maghunusdili ka, Natalie! Pinagalitan niya ang kanyang sarili at pinilit na maging kalmado.Pero hindi pa rin, eh. Sobrang malakas pa rin ang t***k ng kanyang puso.
Sinubukan niyang umatras ng konti para makahinga ngunit natapilok siya at nahulog mula sa helipad. Sumigaw siya ng malakas ngunit walang makarinig sa kanya dahil sa ingay ng umaandar na chopper. She had no choice but to close her eyes and accept her untimely death. Dalangin niya na sana buo pa rin ang kanyang katawan kapag bumagsak na sa lupa.
Life was really unfair, ‘ika nga ng karamihan.
“Hoy, Natalie, gising!” Niyugyog ni Herlie ang balikat ng kaibigan dahil kahit bumagsak na ito mula sa upper deck ng kanilang higaan ay tulog pa rin ito. Nang hindi pa rin ito dumilat kahit anong yugyog ang ginawa niya, kumuha si Herlie ng isang baso at nilagyan ito ng ice-cold water at walang pasintabi na ibinuhos sa mukha ng kanyang ka-roommate.
Nang maramdaman niya ang sobrang lamig ay bigla siyang bumangon at nakita si Herlie na may hawak na baso. “s**t! Herlie, ano ka ba! Konting ingat naman sa pag-inum ng tubig!” Kahit kailan kasi ay sobrang careless pa rin ang kanyang kaibigan. Iinum na nga lang ng tubig, natatapon pa. Tiningnan niya ito ng masama ngunit tinawanan lang siya nito. Aba't antipatika itong si Herlie, ah!
“Sinadya ko talagang ibuhos sayo ‘yong tubig. Eh, kanina pa kita ginising, ayaw mo namang dumilat. Syempre, nag-aalala ako sayo baka binangongot ka na!”
“Whatever! Teka lang,” then she remembered the dream, or mas tamang sabihin na isang nightmare iyon. Natuwa siya na panaginip lang pala at buhay pa siya, ngunit nanghihinayang din siya na panaginip lang pala ang lahat. Na bunga lamang ng kanyang malikot naimahinasyon ang pagbisita sa kanya ni Prince Harry.
At hindi rin siya mag-celebrate ng debut dahil twenty-five years old na siya. Matagal na siyang naging disi-otso at isang nilagang itlog lamang ang kinain niya sa araw na iyon. Well, taon-taon naman ay itlog lang tuwing birthday niya. Wala kasing budget, eh!
“Mabuti pa, magpalit na lang tayo ng higaan. Ako na sa itaas, at dito ka na sa baba,” suhestiyon ni Herlie kay Natalie. Ilang beses na din kasi itong bumagsak mula sa upper deck kaya naawa na siya sa babae.
“Wow, ikaw na ang pinakamabait na kaibigan sa buong mundo,” natutuwang sabi ni Natalie sa kaibigan dahil noon pa niya gustong makipagpalit sana ngunit nahiya lang siya.
“Sus, binobola mo pa ako. Maligo ka na nga para sabay na tayong mag-breakfast. At dahil medyo malaki ang kinita ko kagabi, ilibre kita ng Jollibee. Ilang chickenjoy ba ang gusto mo?”
Natalie smiled at her friend. Hindi man maganda ang trabaho nito, naisipan pa nitong ilibre siya. Nakakakonsensya! Lalo na at alam niya ang uri ng trabaho nito. “Sabi mo, eh. Iyong two-pieces chickenjoy ang sa akin ha tapos hot choco at french fries din. Itodo mo na friend ang panglilibre sa akin. Hayaan mo, kapag maraming labada si Aling Carmen, ililibre din kita. Malaki kasi magbigay ng tip yon,” pangako niya kay Herlie.
“Okay ka lang ba talaga, Nat?” Nag-aalala si Herlie para sa nag-iisang kaibigan. Kahit sanay na ito sa mga mahirap na trabaho, hindi pa rin niya maiwasan na maawa sa babae. On the outside, Natalie appeared to be a carefree woman, but she knew her well. Deep inside, she's still hurting and suffering because of what happened in the past.
In a time like this, she couldnt help but look back at her past. Kumusta na kaya ang kanyang ina? Nami-miss rin kaya siya nito? Hindi niya ikakaila na malupit si Maria Covarrubias, ganunpaman, ito lang ang nag-iisa niyang ina. Si Juan kaya, may panahon ba na naaalala siya ng lalaki? Two months ago, she sent him a letter, asking for forgiveness. Of course, she didn’t expect for his responce since there was no return address on her mail. Sapat na sa kanya ang makahingi ng tawad sa lalaki.
Matagal ng alam ng kanyang ina ang tunay na pagkatao ni Juan. Kaya pala masyadong mabigat ang dugo ni Maria sa binatilyong si Juan. Kaya pala wala itong pakialam maski nahihirapan ng tumayo ang lalaki dahil sa paglalatigo ng kanyang Mama. Kaya pala ilang araw nitong ikinulong si Juan sa kulungan ng kanilang mga aso noong nagpunta sa ibang bansa ang kanyang ama para sa isang business conference.
At kung nagalit siya sa kanyang ina noong nagmalupit ito kay Juan, mas galit siya sa kanyang sarili. Noong nakita niya ang ama na niyakap si Juan mula sa likuran, inakala niyang bakla si Basti Covarrubias at kinompronta si Juan. Iyon ang simula at dumistansya na siya mula kay Juan. Pinutol na rin niya ang kanilang pagiging magkaibigan at itinuring ito na isang katulong lang. In just a short time, she became like her mother and maltreated Juan in any way she could, and in every chance she got.
“Wala ka bang ibang damit?” Pinuna ni Herlie ang suot na t-shirt ni Natalie. Masyado na kasi itong luma at kumupas na rin ang kulay nito. Hay, ito talagang kaibigan niya, parang mamamalengke lang, eh pupunta kaya sila ng Jollibee!
“Mayroon naman, kaya lang hindi ako kumportableng isuot iyon.”
“At bakit naman?”
“Seksi kasi ang isang iyon, baka pagtawanan lang ako ng ibang kumakain sa Jollibee.” Dati, hindi niya pinapansin ang Jollibee dahil kadalasan sa mga kumakain doon ay hindi nila ka-level. Pero ngayon, may karapatan pa ba siyang tumanggi eh ililibre na nga lang siya.
“Sus, sige na kunin mo na at magpalit ka kaagad para makaalis na tayo.” Walang humpay ang pagbuntong-hininga ni Herlie. Ano kaya ang magagawa niya para sa kanyang kaibigan? Simula noong maging ulila ito, nag-iba na rin ang tingin nito sa mundo. Wala na itong pakialam sa mga damit na isusuot, pati sa pag-aayos sa sarili. Bente-singko pa lang si Natalie pero kung mag-ayos ito ay parang singkwenta anyos.
“Tara na,” sabi ni Natalie pagkatapos niyang magpalit ng t-shirt.
“Sabi mo seksi ang damit na ipapalit mo, ano 'yan?” Hindi sa nilalait niya ang kasuotan ni Natalie ngunit paano naging seksi ang isang tshirt na itim?
“Medyo maliit kasi siya kaya humahapit sa katawan ko, hindi ako sanay.”
“Hay naku, Natalie. Tara na nga,” hinila ni Herlie ang kaibigan. Wala na siyang pakialam kung mukha pa ring nanay si Natalie dahil nagugutom na siya.
Malapit lang sa kanilang nirerentahang boarding house ang Jollibee kaya naglalakad na lang ang dalawang babae papunta doon. At nang makapasok na sila, kaagad na umorder ng chicken joy si Herlie at si Natalie naman ay naghanap ng mauupuan.
Pinili ni Natalie ang isang mesang pandalawahan na nakaharap sa kalsada. At habang hinihintay si Herlie, muling pumasok sa kanyang isipan kung ano ang nangyari sa kanyang buhay. Aminado siyang minsan sa kanyang kabataan ay naging maldita siya lalo na kay Juan, pero sapat na ba iyon para parusahan siya ng ganito? Isang kahig, isang tuka na lang siya ngayon. Kung walang labada, dalawang beses lang siyang kakain sa isang araw dahil sa sobrang pagtitipid.
Ten Years ago
“Mom, bakit tayo pinapalayas ni Daddy?” umiiyak si Natalie habang binitbit ang kanyang maleta palabas sa malaking bahay. For fifteen years, it was her home. Masakit para sa kanya na bigla na lang itong iiwan.
“Hindi tayo pinapalayas. Tatakas tayo, Natalie. Bilisan mo at baka maabutan pa tayo ng mga pulis!” Maria was hysterical as she dragged her daughter from the mansion. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Basti ang kinaroroonan ni Abby. Pero papayag ba siyang maging talunan na lang? Of course not! Isang malamig na bangkay ni Sabrina ang sasalubong ni Basti sa sandaling mapasok nito ang kanilang rest house sa Logon.
“Pulis? Ano'ng ginawa mo?” Sandaling tumigil sa paglalakad si Natalie at nilingon sa huling pagkakataon ang bahay na kinalakihan. Ni hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na humingi ng tawad at magpaalam kay Juan. Hindi man niya gustong sumama sa kanyang ina ngunit wala siyang magagawa, dahil alam niyang hindi siya isang tunay na Covarrubias. At kahit hindi tahasang sinabi ng lalaking kinilala niya bilang ama na hindi siya anak nito, wala pa rin siyang karapatang manatili sa mansion. Isa pa, hindi niya matanggap na si Juan pala ang tunay na anak ni Basti Covarrubias.
“Stop asking!” hinatak ni Maria ang kanyang anak dahil ayaw niyang maabutan siya ng mga pulis. Ayaw niyang makulong. Kung papalarin sila ni Natalie, baka makalabas pa sila sa bansa. Pagdating nila sa may kanto, nagkataon naman na may dumaan na taxi at nagpahatid sila sa airport. Habang nasa taxi, tiningnan niya ang laman ng kanyang bag. Ilang bundle ng salapi at lahat ng kanyang mga alahas. “Manong, sa SM na lang kami i-drop.” Naisip ni Maria na baka i-hold pa siya sa immigration dahil sa dami ng pera at alahas sa kanyang bag.
Dinala ni Maria si Natalie sa isang kainan malapit ng Forever 21 . At habang hinihintay nila ang inorder na pagkain, sekretong inilagay ni Maria ang passbook sa loob ng maleta ni Natalie. Ibinigay niya sa anak ang isa niyang wallet na may lamang twenty-thousand bago nagpaalam na pupunta muna sa isang bangko na nasa tapat ng SM.
Aminado si Maria na naging ganid siya sa kayamanan ni Basti pero hindi siya masamang ina. Laging nangunguna sa kanyang priority ang kanyang anak na babae. Sa katunayan, buwan-buwan ay hinuhulugan niya ng pera ang account nito. Habang lulan ng taxi papuntang airport, tumulo ang kanyang luha habang tinitingnan ang litrato nilang mag-ina.
Napadighay si Natalie matapos inumin ang coke na kasama sa value meal ng chickenjoy. “Thank you, friend. Sobra akong nabusog sa libre mo ngayon,” nagpasalamat siya kay Herlie kahit na hindi natupad ang kanyang gusto na hot choco na lang sana. Naubusan daw kasi kaya coke na lang.
“Hay naku, kung hindi ka kasi sobrang ma-pride, eh di kaya mong mag-jollibee araw-araw. Bakit ba ayaw mong gamitin ang pera na iniwan ng Nanay mo?” Minsan ay nakita ni Herlie ang passbook na nakapangalan sa kanyang kaibigan at napag-alaman niya na may malaking pera si Natalie sa bangko. Tinanong niya ito kung bakit nagtitiis sa pagiging labandera kung kaya naman nitong mamuhay ng marangya gamit ang perang iyon.
“Sinabi ko na sayo dati na hindi akin ang perang iyon,” napatiimbagang si Natalie nang maalala na naman ang kanyang ina, na walang pusong nang-iwan sa kanya. Ilang beses na siyang nagpabalik-balik sa bangko upang ibigay ang passbook na iyon sa tunay na may-ari pero ang sabi ng taga bangko ay hindi maaari ang gusto niya. At kung talagang gusto niya na isauli ang lahat kay Juan, makipagkita siya dito at saka gumawa ng arrangements. Kaya lang, hindi pa niya kayang makipagkita-muli sa lalaking unang nagpatibok sa kanyang puso.
“Whatever! Kung ako sayo, makipagkita na ako kay Juan upang matapos na ang lahat. Sa ganung paraan, magiging malaya na ang iyong nakagapos na puso.”
Kahit na may halong biro ang huling sinabi ni Herlie sa kanya, napagtanto ni Natalie na tama ang kanyang kaibigan. Dahil sa passbook na iyon kaya hindi niya magawang kalimutan ang lalaki. Kung wala nang mag-uugnay sa kanilang dalawa, baka tuluyan na niyang maibaon sa limot ang lahat at mamuhay ng mapayapa kasama si Herlie. "Hayaan mo, pag-iisipan ko ang bagay na 'yan. So, paano? Tara na?" Nauna na siyang tumayo at sumunod naman si Herlie.
“Nat, okay ka lang ba sa paglalabada?”
“Syempre naman, bakit?” Okay lang kahit hindi siya makakain ng tatlong beses sa isang araw. Okay lang kahit hindi niya kayang bumili ng mga bagong damit. Okay lang kahit ilang taon nang hindi siya nakapagpedicure at manicure. Okay lang kahit wala siyang cellphone. Okay lang kahit spartan ang suot niyang tsinelas dahil hindi kaya ng kanyang kita sa paglalabada ang isang pares ng Ipanema o Havaiianas.
“Sigurado ka ba talaga? Kasi,napag-utusan ako ni Mr. Chua na maghanap ng isang virgin na babae para sa kaibigan nito. Pihikan daw kasi ang lalaking iyon pagdating sa mga babae at ayaw din daw nito ang mga maluwang na.” Masakit man na maituring na maluwang, buong-puso na tinanggap ni Herlie ang katotohanan.
Dati pa ay inimbita na siya ni Herlie na mamasukan na rin sa bar na pinagtatrabahuan nito. Giit ng kaibigan na mas malaki ang kikitain niya bilang waitress kaysa pagiging labandera. “Lee, bugaw ka na rin ba ngayon?”
“Ang sakit mo namang magsalita, Nat. Concern lang naman ako sayo,” sabi ni Natalie.
“Alam ko pero sa tingin ko kasi, binubugaw mo ako sa kaibigan ng amo mo, eh.” Hindi siya galit kay Herlie, pero hindi pa rin siya kumportable sa takbo ng kanilang usapan habang nasa daan at naglalakad pauwi sa kanilang nirerentahang kwarto.
“Ang sa akin lang kasi kung papayag ka, eh di wow, malaki ang magiging komisyon ko.”
“Bakit, magkano ba ang ibabayad ng lalaking iyon kung sakaling papayag ako sa offer mo?" Naisip ni Natalie na hindi naman siguro big deal kung makipagtalik siya sa isang lalaki at babayaran siya. Isang beses lang naman niyang gagawin iyon at magkakapera pa siya. Kung tutuusin, mas lugi pa nga ang ibang mga babae na kusang ibinibigay sa kasintahan ang kanilang puri at hindi rin naman pinapakasalan.
“Fifty thousand at pwede pang lumaki ang magiging take home pay mo kapag willing kang gawin ang lahat ng gusto ng customer.”
Bakas sa boses ni Herlie ang pananabik. Magkano kaya ang magiging komisyon ng kanyang kaibigan? Sampong-libo? But a hundred thousand pesos was already too much for someone like her. Kakayanin ba niyang magpagalaw sa isang taong hindi niya kilala? “Sige, pag-iisipan ko. Teka, pogi ba iyong lalaki? Baka naman senior citizen. Mahirap na at baka biglang atakihin sa puso,” pagbibiro ni Natalie. Duda rin siya kasi bakit kailangan nitong gumastos ng mahal para sa isang gabi lang?
“Hmmm, hindi ako sigurado eh. Sabi ni Mr. Chua ay pogi naman daw at hindi pa senior citizen. Kaya lang, hindi pa nakapunta sa bar ang taong iyon, eh.”
“Kung ganun, paano kami magkikita kung sakali?”
“Kapag papayag ka, kakausapin ko lang si Mr. Chua at siya na ang bahala sa lahat.”
“Naks, ngayon pa lang, kinakabahan na ako sa Mr. Chua na iyan. Baka siya lang din ang customer at nagpapanggap lang para mysterious?” Kumunot ang noo ni Natalie nang biglang tumawa ng malakas si Herlie. Pinagtitinginan tuloy sila ng mga tao.
“Malabong mangyari ang iniisip mo. Bakla kasi ang amo namin at sobrang mabait.”
Umangat ang makakapal na kilay ni Natalie nang marinig ang sinabi ni Herlie. May mabait ba sa mga bugaw? Hay, nag-iiba na nga talaga ang takbo ng mundo. Baliktad na ang lahat. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?”
“Oo naman. Eh, kung sumama ka kaya sa akin mamaya para makita mo ng personal si Mr. Chua.”
“Mabuti pa nga, tutal wala naman akong labada ngayong araw.”
“Kung ganun, huwag na muna tayong umuwi sa boarding house. Punta muna tayo sa parlor ni Bennie para magpa-makeover,” suhestiyon ni Herlie.
Naisip ni Natalie na tumigil na sa pagiging labandera. Ilang taon na rin niya itong ginagawa at wala pa ring nangyayari sa kanya. Panahon na upang tuluyan na niyang kalimutan si Natalie Covarrubias. Kailangan niyang harapin ang mundo katulad ni Herlie.
Kinagabihan, suot ang isang maikling bestida na kulay itim, sabay silang pumasok ni Herlie sa bar. Ipinakilala siya nito sa amo nitong si Mr. Chua. At tama ang sinabi ni Herlie sa kanya na mabait ang boss nito. Ilang beses siyang tinanong ng bakla kung hindi ba siya pinilit ng kaibigan na gawin ang isang bagay na pwede niyang pagsisisihan sa huli.
Gaya nang napagkasunduan, pupunta siya sa isang hotel room malapit sa bar. Ihahatid siya ng sasakyan ni Mr. Chua kaya convenient 'yon sa kanya. Habang nasa loob ng sasakyan, panay ang pagpisil ni Natalie sa kanyang mga daliri dahil sobra siyang kinakabahan. Pinagpapawisan na nga ang kanyang kilili.
“Just relax, okay? Masasanay ka din,” sabi ni Herlie bilang pampalakas loob kay Natalie.
Anong masasanay ang sinabi nito? Gagawin niya lang ito dahil gusto niyang magkapera na pwedeng gawing puhunan sa maliit na negosyong pinagplanuhan niya. Kaya nga niya nilakasan ng husto ang kanyang loob dahil nabanggit ni Mr. Chua na pwede siyang kumita hanggang kalahating milyon, kung mapapaligaya niya ng husto ang kanyang unang customer.
Well, this is it. Sabi ni Natalie sa kanyang sarili habang pumasok sa elevator, at pinindot ang penthouse. Gamit ang bitbit na panyo, pinunasan niya ang kanyang mga daliri na pinagpapawisan, pati na rin ang kanyang kilikili. Binuksan niya ang dalang shoulder bag, dinukot ang isang bote ng cologne at nag-spray ng konti sa kanyang katawan.
Nang bumukas ang elevator, hindi na siya nagdadalawang-isip pa at lumabas kaagad. Wow! Kung sino man ang kanyang customer, ngayon pa lang ay sigurado na siyang sobra itong mayaman. Kasi kung hindi, paano nito kayang bayaran ang buong penthouse ng Galaxy Hotel?
Paglabas niya ng elevator, nilapitan kaagad siya ng isang staff at sinabihan na kanina pa naghihintay sa kanya si Mr. Sebastian. Naroon daw ito sa swimming pool at nagre-relax. Habang binigyan siya nito ng instruction, nanliit siya sa kanyang sarili. Dahil isa lang siya sa maraming babae na pinapapunta ng lalaki sa Galaxy.
“Have a seat, Miss Natalie.”
Malapit na siya sa lalaki nang marinig ang namamalat nitong boses na parang harana sa kanyang pandining. Boses pa lang, maganda ng pakinggan. Dalangin niya na kasing-pogi ng boses nito ang hitsura ng lalaki. Kung hindi naman, magiging choosy pa ba siya?
“Salamat, sir,” sabi niya. Ngunit saan ba siya maupo? Sa bakanteng chaise lounge na nasa tabi nito? Nagpalinga-linga siya sa paligid at nang may mamataan na upuan sa di-kalayuan ay kusang gumalaw ang kanyang mga paa papunta doon, pero tinawag siyang muli ng lalaki.
“So, I will be your first?”
“Tama po,” nahihiyang sumagot si Natalie. Lucky bastard, isn't he? Napalingon siya sa lalaki nang bigla itong tumawa ng malakas.
“At ano'ng akala mo sa akin? Tanga? Gasgas na ang linya mo, Miss Natalie. But I'm still willing to pay the agreed fifty thousand pesos.” Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan na isang pukpok lang ang kausap niya ngayon. Pagkatapos ng ilang taon na paghihintay, hindi niya inaasahan na sa ganitong sitwasyon sila magkikita ng babae.
“Masakit kang magsalita mister pero makakaasa kang hindi ako nagsisinungaling. Ano pa ang hinihintay mo? Magsimula na tayo at nang makauwi na ako sa amin” aniya na parang nababagot.
“You are really something. In that case, follow me,” sabi niya. Tumayo si Sebastian at nagtungo sa kanyang silid. Nakasunod pa rin sa kanya si Natalie. Nang makapasok ang babae sa kanyang silid, saka niya isinara ang pinto. Nakita niya na napaigtad ito na parang kinakabahan. Pinanindigan talaga nito ang pagiging malinis. Lumapit siya sa isang drawer, may kinuha na mga papel, at ibinigay ito sa babae. “Sign here please,” binigyan din niya ng signpen ang babae.
“Ano 'yan?” Oo nga at labandera lang siya at hindi nakapagtapos ng pag-aaral, ngunit hindi rin naman siya bobo. Ibinalik niya sa lalaki ang ibinigay nitong signpen at mga papeles.
“Confidentiality agreement. Nag-iingat lang ako, Miss. Alam mo naman ang mga katulad mong mga babae, karamihan ay mga oportunista. Hindi ko sinasabi na isa ka sa mga oportunistang nabanggit ko, nag-iingat lang ako kasi alam mo naman na respetado akong tao.”
Respetado? Napatiimbagang si Natalie na kinuha ang signpen at mabilis na pumirma sa mga papeles. “Okay na ba?”
“Of course, Taling.”