Kumunot ang noo ni Natalie dahil ora-orada naman yata! “Now?” Tinanong niya ito.
“Yes. Teka, nag-aalinlangan ka yata?”
“Hindi mo naman ako masisisi, Juan. Ngayon lang tayo nagkitang muli kaya masyadong mabilis ang mga pangyayari,” pagdadahilan ni Natalie dahil pakiramdam niya, hindi maganda ang kalalabasan ng pakikipag-deal niya sa lalaki.
“Naks, tigil mo na ang kaartehan mo at kunin mo na ang iyong bag sa loob. Simple lang naman ang lahat, eh. Take it or leave it. Mamili ka,” sabi ni Juan. He has no choice but to give her an ultimatum. Ayaw niyang magbago pa ang desisyon ni Natalie. Ayaw niyang mahiwalay pa ito sa kanya. Not now, not ever. Matapos magsuot ng isang puting t-shirt, kinuha niya ang kanyang wallet at lumabas ng silid. Naabutan niya si Natalie na parang tuod na nakatayo pa rin.
Pagdating nila sa lobby, naroon lang ang kanyang driver at nang makita siya ay kaagad itong lumabas ng Galaxy upang ihanda ang kanyang sasakyan. Nang lumingon siya, nakasunod pa rin ang babae na nakayuko sa sahig. Nagbuga siya ng hangin at hinintay ito. Mabilis kasi siyang maglakad at hindi siya sanay na may kasamang babae. “Can't you walk faster?”
Faster? Paano kaya kung iiwanan na lang niya ang suot na high-heeled shoes na kanina pa nagpapahirap sa kanyang mga paa? Pinili niyang hindi na lang sumagot pa sa mga pang-aasar ni Juan sa kanya at tiis-ganda niyang binilisan ang paglalakad.
Nang makalabas silang dalawa sa Galaxy, naroon na ang service ni Juan. Nakabukas na ang pintuan ng passenger seat para sa kanilang dalawa. Pinauna niyang pumasok sa loob ng sasakyan si Natalie at sumunod kaagad siya.
Ilang saglit lang ay narating na nila ang malaking bahay ng mga Covarrubias. Para kay Natalie na ilang taon ng naninirahan sa squatters area, nalulula siya sa laki nito. Hindi na nasanay ang kanyang mga mata.
"Halika, ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo,” pagkuwa’y sabi ni Juan nang makapasok sila sa marangyang bahay ng mga Covarrubias. Nang mag-atubili itong sumunod sa kanya ay hinila niya ang babae at dinala sa servant's quarter.
“As in dito?” It's a very small room with just a single bed and no mattress. Just the bed frame and one pillow. Ni walang kumot. Then, one scene in her childhood flashed back. She was in his room while watching him sleep. It was the room he used to occupy while he worked as a gardener for her family.
“Kung ayaw mo rito, pwede ka doon sa kwarto ko. Share tayo kung gusto mo. Kung gusto mo lang naman,” tinukso niya ang babae.
Biglang pinagkrus ni Natalie sa kanyang dibdib ang dalawang kamay nang mapansin ang mga mapanuring mata ni Juan sa kanyang katawan. “Maniac!” Sigaw niya.
“Hindi ako maniac. Huwag kang mag-alala kasi hindi naman kita type,” pahayag ni Juan.
Naguguluhan si Natalie kung matuwa ba siya sa narinig mula sa lalaki o masaktan dahil sa panlalait nito. “Mabuti naman kung ganun. So, ano ang magiging trabaho ko dito?”
“All around katulong,” sagot ng lalaki.
“Ano? Sa dami ng pera mo, hindi mo kayang magbayad ng mga katulong?” Galit na nagtanong si Natalie sa lalaki. Hindi naman sa ayaw niya, kaya lang ay parang hindi naman yata niya kayang linisin ang buong bahay. “
“Hindi mo ba narinig ang pag-uusap namin ni Lori kanina? Magbabakasyon silang lahat,” saad ni Juan.
"Tapatin mo nga ako, Juan. Sinadya mo bang maiwan tayong dalawa rito sa bahay? Bakit?”
“Upang ma-solo kita,” diretsang sumagot ang lalaki.
Aba, loko pala itong si Juan. Oy, hindi siya isang tanga na maniniwala sa lahat ng mga salitang lumabas sa bibig nito. Sa ilang taong paninirahan niya sa squatters area, may mga bagay siyang natutunan mula sa mga kapitbahay. At isa doon ay ang maging mapagmatyag at hindi magpapauto dahil nagkalat ang mga manloloko sa mundo.
“Bakit ganyan ang reaksyon mo? Hindi ka ba naniniwala sa akin?” Nagtanong si Juan.
“Hoy Juan, magliwanagan nga tayo. Ano ba talaga ang pakay mo sa akin?”
He smirked. Juan found Natalie's rudeness to be cute and very appealing. Hindi niya inaasahan na asal-kalye na pala ang babae. Hindi bagay sa hitsura nito. “Mabuti naman at hindi ka kinilig sa sinabi ko dahil malayong mangyari na magustuhan kita,” sabi ni Juan.
Si Juan ang tanging patunay na nagbabago talaga ang isang tao dahil sa pera. Sumusobra na yata ang kayabangan nito. “Don't worry, Juan. Hindi rin naman kita type,” sabi ni Natalie.
“I see. Mabuti pa ay magsimula ka na sa trabaho mo. Linisin mo 'tong bahay, pagkatapos ay ipaghanda mo ako ng makakain. Iyong masarap, okay?” Kaagad na inutusan ni Juan si Natalie at ngumisi lang siya nang hindi nagustuhan ng babae ang kanyang sinabi.
Natalie was dumbfounded. So, this is it! From labandera to all-around muchaha na ang buhay niya ngayon. Hah, balang-araw makikita rin ni Juan ang kanyang hinahanap! Pero bakit gano’n? Naiinis siya sa inasal ni Juan pero parang may something na hindi niya maipaliwanag. Bakit, parang attracted pa rin siya sa lalaki? Totoo ba talaga ang kasabihan na First love never dies? Kung ganun, naloko na ang kanyang puso. Hindi maaari na muling umusbong ang kanyang pagkakagusto kay Juan dahil bawal ‘yon.
Hanggang kailan kaya niya kakayanin na makasama sa isang bubong ang lalaki? Kahit anong gagawin niya na huwag pansinin ang nakakalaglag-panty na dating ng lalaki, waley pa din itong epekto. Tuwing magkasalubong ang kanilang mga mata, pakiramdam niya ay dahan-dahan siya nitong hinihipnotismo. Grabe naman kasi kung makatitig si Juan, parang lasa ng manok sa Mang Inasal, nuot sa buto.