Habang nakatanaw siya sa papalayo na si Natalie hindi niya maiwasang maalala ang kanilanga mga pinagdaanan at kung saan nagsimula ang lahat. Noong nasagasaan siya at binalewala ng babaeng kumupkop sa kanya, si Nanay Tina ang nagligtas sa kanya. Dinala siya ng babae sa hospital at binantayan na parang tunay na anak. Noon pa lang ay namangha na siya sa mabuting puso ng ginang at ipinangako niya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat upang makaahon sila sa harap. Kaya lang ay mukhang iba naman yata ang nakatadhana sa kanya at iyon ay ang pagiging hardinero ng mga Covarrubias. Hindi naman sa nagrereklamo siya pero parang gano’n na nga dahil sa hirap ng kanyang trabaho. Ang lawak kasi ng harden na kailangan niyang alagaan at napakamaldita ng kanyang among babae. Ganunpaman, tiniis niya a