Hindi na siya nagtaka nang mapansin niyang nagbago ang pakikitungo ni Natalie sa kanya. Dapat nga ay matuwa pa siya dahil iyon naman ang gusto niya kaya lang ay na-miss niya ang kakulitan ng dalagita. “Hello.” Kaagad na lumingon si Juan sa pag-akala na si Natalie ang dumating. Kumunot ang kanyang noo dahil hindi niya kilala ang babae. “Bago ka ba?” Tinanong niya ito pero mukhang hindi nagustuhan ng babae ang kanyang tanong kasi biglang umasima ng mukha nito. “Na ano?” “Katulong,” sagot ni Juan. “Mukha ba akong katulong? Probinsyana lang ako pero hindi ako katulong. Ako nga pala si Jamaica,” pakilala niya sa lalaki. “Sabi sa akin ni Natalie ay mabait ka raw.” “Nagkita kayong dalawa?” “Why not? Magpinsan naman kami. Share pa nga kami sa isang silid eh!” Tuwang-tuwa si Jamaica na ibin