Isang linggo ang matulin na lumipas ngunit wala pa ring nagbago sa kanyang mga gawain. Bilang amo ay malupit si Juan. Ilang beses na siyang nagreklamo na hindi niya kaya ang lahat kapag mag-isa lang siya pero giit ng lalaki na uuwi rin naman ang mga nagbakasyon na staff. Tiis-tiis na lang daw muna.
Kinulit niya ito tungkol sa kanyang ina ngunit lagi na lang na ang isasagot ni Juan sa kanya ay mamaya na o saka na lang o di kaya ay busy daw siya. Lagi na lang na gano’n ang sinabi ng lalaki sa kanya kaya nagsimula na siyang magduda kung talagang alam nito kung nasaan ang ina niya.
Nalungkot siya sa kanyang dinanas at higit sa lahat ay na-miss na niya si Herlie. Isang linggo na silang hindi nagkita ngunit hindi siya makakaalis ng bahay na walang pahintulot ni Juan. Gusto na niyang makita ang kanyang kaibigan o kahit matawagan man lang ito.
Muchacha pa rin siya at hindi makaalis sa poder ng lalaki. Hangga't hindi nito sasabihin kung nasaan ang kanyang ina, hindi niya iiwanan si Juan. Kailangan niyang makita ang kanyang ina dahil marami siyang gustong itanong rito. And the fastest way to know her location was through the impossible man. Definitely, she has no choice but to stay.
“Kakagising mo lang?” Tinanong ni Juan ang babae nang maabutan ito sa kusina na kakasimula lang magluto ng kanyang breakfast.
“Maaga pa naman ho, wala pang alas-sais.” Sumagot si Natalie kasi hindi naman siya late nagising. “Ikaw ho ang maagang nagising,” sabi niya.
“Bilisan mo at gutom na ako,” utos ni Juan.
“Masusunod sir,” sumagot si Natalie bago umirap. Hindi naman siguro iyon napansin ni juan kasi mabilis naman siyang tumalikod.
“May bisita ako mamaya kaya linisin mong mabuti ang swimming pool at doon kami tatambay,” utos ni Juan sa naglulutong babae.
“Sige po. Tatawagin ko na lang po kayo kapag handa na ang pagkain,” sabi ni Natalie.
“Tigilan mo na nga ang pagpo-po mo sa akin, Taling!” Biglang nagalit si Juan dahil kanina pa naririndi ang kanyang taynga sa pagpo-po sa kanya ni Natalie.
“Sabi mo kasi, dapat irespeto kita. Di ba?” Ipinaalala niya sa lalaki ang kanilang usapan noon na dapat lagi siyang gagalang sa lalaki.
Napailing na lang si Juan na iniwan si Natalie dahil wala siyang mapapala sa babae kung nakapagdesisyon na itong inisin siya araw-araw. Inakala niya sa pagbabalik ni Natalie sa mansion ay maipaghiganti na niya ang sariling niyurakan nito noon pero ilang araw na niyang sinubukang saktan ito kaya lang ay masakit sa kanya na saktan ito. Pinahirapan niya ito sa trabaho ngunit lahat ay kinaya ng babae. Hindi na niya alam kung paano ito saktan ng husto upang maramdaman nito ang kanyang naramdaman noon.
Bago namatay si Nanay Tina ay nakiusap ito sa kanya na hanapin si Natalie at patawarin ito sa kasalanang mga magulang naman nito ang gumawa. Hindi kasi alam ni Nanay Tina kung ano ang ginawa ni Natalie noon upang madiin siya ng husto. Napatiimbagang si Juan nang bumalik sa kanyang alaala ang nangyaring pagmamalupit ni Natalie at ng ina nitong si Maria.
“Pagkatapos mong maglinis ng pool, magluto ka na rin ng pulutan kasi mag-iinuman kami ni Keith,” sabi ni Juan.
“Sige po. May iba ka pa bang iuutos sa akin?”
“Wala na,” galit na nilisan ni Juan ang kusina at iniwan ang babaeng nagluluto.
Napansin ni Natalie na nitong mga huling araw ay naging moody si Juan o sadyang moody lang ito araw-araw. Ganunpaman, hindi na niya dapat problemahin pa ang isyu nito sa buhay. Basta siya ay gagawin niya ang kanyang trabaho, sumahod ng husto at makakain ng maayos. Kung may gusto man siyang hilingin sa Panginoon, ito ay ang makitang muli ang kanyang kaibigan. Batid niyang nabahala na rin si Herlie sa kanya pero biglaan kasi ang nangyari.
Mga bandang alas onse ng umaga ay tapos na siya sa kanyang mga gawin. Nalinis niya ang pool, nakapagluto siya ng pulutan, at nakapaglinis na rin ng buong bahay. P’wede na siyang magpahinga pagkatapos magluto ng tanghalian. Kaya lang ang pisti na si Juan ay may iba palang balak.
Katatapos lang niyang maghugas ng mga pinagkainan nang dumating lumapit si Juan sa kanya. “Bakit? May ipag-uutos po ba kayo sa akin?”
“Dumating na si Keith, pakidalhan mo na lang kami ng malamig na beer sa may pool,” utos ni Juan kay Natalie at kaagad na kumunot ang noo nito pero saglit lang. Makalipas ang ilang sandali ay ngumiti na ito sa kanya at handang sundin ang lahat ng gusto niya.
“Ilang bucket po ba ang gusto ninyo?”
“Isa muna,” sagot ni Juan.
“Okay, ihahanda ko lang at pupunta na ako sa pool,” nakangiti niyang sabi pero nagngitngit ang kanyang kalooban. Hindi lang pala siya all around muchacha, ginawa pa siyang waitress! Nabwisit na talaga si Natalie kay Juan at gusto na niya itong pagsabihan.
Kaya lang ay kailangan muna niya magtiis. Hindi pa kasi niya alam kung nasaana ng kanyang ina at nangako naman si Juan na sasabihin daw sa kanya sa takdang panahon. Pagdating niya sa pool, medyo nakaramdam siya ng hiya dahil hindi siya sanay na may bisita sa mansion. Si Keith lang ang naging bisita ni Juan at panay ang tingin nito sa kanya.
“Pakilagay na lang dito at bumalik ka na sa loob. Ihanda mo na rin ang isang guest room para sa kaibigan ko,” dagdag utos ni Juan at tumango lang ang babae.
“Opo,” ang tanging sagot ni Natalie kasi ano pa nga ba? Kahapon pa niya gustong makapagpahinga ng maayos ngunit maya’t-maya ay may utos si Juan sa kanya. Malaki nga ang sahod niya ngunit mas may pahinga pa siya noong naglabada lang siya.
“Linisin mong maigi ang kanyang silid, okay? Masyadong maselan itong kaibigan ko pagdating sa kalinisan,” paalala ni Juan kay Natalie. Mahigit isang linggo na silang magkasama sa isang bahay. Siya ang amo at ang babae ang kanyang nag-iisang katulong. Gusto niyang iparamdam kay Natalie kung ano ang pakiramdam ng isang katulong na hindi tratuhin ng maayos. From time to time na pinupuna niya ang trabaho nito, hindi man lang ito nagbaba ng tingin. She's still very proud and he didn't like it! Gusto niyang lumuhod ito sa kanyang harapan at magmakaawa.
“Aling guestroom ang gagamitin niya?”
“Bobo ka ba? Kahit ano basta malinis!” Tinaasan niya ng boses si Natalie.
Hindi na lang pinansin ni Natalie ang lalaki at nakayukong iniwan ito upang simulan na ang paglilinis sa guest room. Pinili niya iyong malapit lang din sa silid ni Juan at habang pinalitan niya ng cover ang bed, sobrang sumakit ang kanyang braso. Mabibigat kasi ang mga mattress na nasa loob ng kwarto at kailangan niyang iangat ito upang maayos na mailagay ang kubre-kama. Pinalitan na rin niya ang mga kurtina upang umaliwalas naman ang silid at pagkatapos at pinaandar ang vacuum cleaner. Patapos na siya nang biglang pumasok si Juan. Wala ba itong ibang ginagawa? Lagi na lang kasi itong sumusulpot na parang mushroom.
“May kailangan po kayo?” Tinanong niya ang kanyang amo.
“Dalhan mo ng towel si Keith,” utos ng lalaki.
“Okay,” sagot niya.
Tuwing sumusobra na siya Juan at nangangati na siyang sagutin ito, pilit niyang ipinapaalala sa kanyang sarili na hindi wais ang kanyang gagawin. At bilang pampakalma sa kanyang kumukulong dugo, huminga siya ng malalim bago kumuha ng towel para sa kanyang bisita.
“Diyos ko po!” Biglang tinakpan ni Natalie ang kanyang mga mata gamit ang towel na kanyang dala at saka umatras siya at bumalik sa pinanggalingan nang magkasalubong sila ni Juan.
“What's wrong? Hindi ba at inutusan kitang dalhan ng towel si Keith?”
Demonyito talaga si Juan. Ni hindi man lang nito sinabi sa kanya na hubo't-hubad na naligo sa pool ang kaibigan nito. Mabuti na lang at mabilis ang kanyang mga kilos kanina, kung hindi, baka nakakita pa siya ng isang bagay na hindi dapat. Kung maka what's wrong itong si Juan, parang napaka-inosente nito eh halata namang sinadya nitong papuntahin siya sa pool. Para ano? Para ipahiya siya?
“May problema ba, Natalie?”
“Wala,” sagot ni Natalie at ibinigay sa lalaki ang dala niyang towel bago ito tinalikuran ngunit mabilis siyang nahawakan ni Juan.
“Saan ka pupunta?”
“Ano ba? Nasasaktan ako!” Nagpumiglas siyang makawala mula sa mahigpit na hawak ni Juan.
“Ibigay mo muna ‘yan kay Keith bago ka bumalik sa loob, naging ulyanin ka na ba Natalie?”
“Sorry,” humingi na lang siya ng paumanhin kaysa humaba pa ang kanilang usapan. Bumalik siya sa kanyang pinanggalingan at mabuti na lang at nakasuot na ng roba si Keith. “Excuse me, sir. Kailangan n’yo raw ng towel,” sabi niya.
“Ay oo naman, maraming salamat.”
Magsasalita sana si Natalie ngunit biglang dumating si Juan eh kaya nanahimik na lang siya. Paalis na siya nang marinig niyang muling nagsalita si Keith.
“Ehem. Juan bakit hindi mo sinabi sa akin na may kasama kang maganda rito sa bahay? Eh di araw-araw sana akong nagpunta rito,” pabirong sabi ni Keith.
“Tumigil ka nga, Keith. Lahat ng nakapalda ay maganda para sayo. O, Natalie bakit andito ka pa? Alis na! Hindi ka matatapos sa mga gawain mo kung tatanga-tanga ka na lang diyan!” Ano bang meron sa kaibigan niya at lahat na lang yata ng mga kababaihan ay nahuhumaling rito. Kung hitsura lang ang pag-uusapan, hindi naman siya pahuhuli kay Keith. Medyo, brusko lang ang kanyang dating dahil sa mga masel at ugat na makikita sa kanyang braso.
Nang makalayo na ang babae, saka lang nagkaroon ng lakas ng loob si Keith na tanungin si Juan. Hindi kasi nakaligtas mula sa kanyang mapanuring mga mata ang pagtiimbagang nito kanina na tila naiinis sa babae na walang dahilan. Posible kayang may nararamdaman si Juan sa babaeng balak nitong pahirapan? “Naku, pare. Relaks lang. Hindi ko naman type si Natalie.” Hindi sumagot si Juan, bagkus, tiningnan lang siya nito ng masama.
“Good! Because she’s mine,” deklara ni Juan.