Kanina pa sila tapos sa pamimili at habang pinagmasdan niya si Juan ay hindi mapigilan ni Natalie ang kanyang sarili na humanga sa maganda nitong katawan. Habang nakamasid siya sa braso ni Juan, hiniling niya na sana, isa siya sa mga grocery bags, at nang mahimasmasan ang sarili, bigla siyang napailing at kaagad na sumimangot. "Ano? Hindi ka ba papasok?" Tanong ni Juan nang hindi nakapasok ang babae sa loob ng sasakyan at ang mga mata nito ay nanatiling nakatingin sa likod na parang may nakalimutan sa loob ng supermarket. “Common, Natalie. Gabi na at kailangan mo pang magluto pag-uwi natin,” paalala niya sa mga responsibilidad niya sa Rivera. “Gusto kong bumili ng maiinom,” sabi niya, at pagkatapos ay humiram ng pera sa lalaki. "Huwag na, may nabili naman tayong bottled water,” tuman