Isang araw, nagulat na lang si Natalie nang makatanggap siya ng utos mula kay Juan na kailangan niyang magluto ng marami. Tinanong niya ang binata kung may bisita bang darating ngunit umiling lang ito. Gusto niya pa sanang kausapin ang binata tungkol dito pero tinalikuran na siya. Mga bandang alas singko y medya ay tapos na siyang magluto ng para sa maraming bisita. Tinulungan siya ni Franco sa pag-set up ng buffet table para sa mga bisita nang dumating si Juan at kaagad itong sumimangot. “May problema ba?” Kaagad na nagtanong si Natalie. “Bakit buffet ang set-up? Gusto ko plated lang upang sabay-sabay na tayong kakain,” pahayag nito habang sinenyasan si Franco upang ibalik sa lagayan ang mga chaffing dish. “Plated? Bakit?” “Dahil iyon ang gusto kong mangyari,” giit ng lalaki. M