CHAPTER 2

782 Words
"Mom, hindi ko kayang saktan si, Juan. I like him!" Hindi niya ugaling sumagot sa kanyang ina pero sumusobra na ito. Gusto nito na huwag niyang ituring na kaibigan si Juan dahil magiging kaagaw daw nila ito sa kanyang ama. "At bakit hindi? Hihintayin mo pa ba na mapupunta sa kanya ang lahat? My God Natalie, will you just listen to me?" Kanina pa naglalabasan ang kanyang mga ugat sa leeg pero wala pa din siyang napapala sa pakikipag-usap kay Natalie.  "No, Mommy. Ikaw dapat ang makinig sa akin. Ano ba ang nagawang pagkakamali ni Juan para itrato mo na parang hayop?" Alam niya kung ilang beses kinastigo ng kanyang ina si Juan kapag wala ang Papa niya at pinagsisihan niya kung bakit hindi niya tinulungan si Juan noon. "Matigas talaga ang ulo mo, ha. Halika," hinawakan ni Maria ang dulong bahagi ng mahabang buhok ni Natatie at sinabunutan ito. Pagkatapos, ay kinaladkad niya ang anak papasok sa silid nito at ikinandado ang pintuan upang hindi na ito muling makalabas pa. Tingnan lang niya kung hanggang saan ang kaya nito sa pagsuway sa kanya. Siya pa rin ang ina at alam niya kung ano ang makabubuti para sa kanyang anak! Bumagsak siya sa sahig nang itulak siya ng kanyang ina papasok sa kanyang silid. At nang marinig niya ang pag-klik ng siradura sa labas, alam niyang muli na naman siyang mananatili sa kanyang silid sa loob ng ilang araw, katulad dati noong nakipaglaro siya kay Juan. Lumapit siya sa may pintuan at tinawag ang pangalan ng kanyang ina at nagmakaawa na palabasin siya. Ilang saglit lang, narinig niyang binuksan nito ang pintuan at bumungad ang matapang nitong mukha. "Mommy, maawa ka sa akin, please palabasin mo na ako." "Sa isang kundisyon Natalie na layuan mo si Juan. Or else, baka mapipilitan akong idespatsa ang batang iyon." Ilang beses na niyang napansin na iba ang pagkakalapit ni Basti sa kanilang hardinero. The way her husband looked at the young man was something she should worry about, especially for Natalie's sake. Siya lang ang nakakaalam sa katotohanang hindi tunay na anak ni Basti si Natalie. Kaya nga niya ipinadukot si Sabrina at itinago upang hindi malaman ng publiko na hindi valid ang kanilang kasal ni Basti noon. As long as Sabrina was out of the picture, she and Natalie would be the legal heir of Sebastian Covarrubias. "Idespatsa? Ibig sabihin, papalayasin mo si Juan?"  "Palayasin? Napakalayo niyan sa gusto kong gawin sa pesteng lalaking iyon!" Kung kinakailangan, kaya niyang pumatay ng tao, maproteksyunan lang ang karapatan ni Natalie. Kahit dalagita pa lang siya, kilala niya ang kanyang ina. Batid niyang hindi lang simpleng pagpapalayas ang gagawin nito kay Juan. "Gagawin ko lahat ng gusto mo," pangako niya. "Mabuti at nagkaintindihan na tayo!” Bago iniwan ni Maria ang kanyang anak ay binigyan niya ito ng warning na hindi siya nagbibiro. Sigurado siya na nakuha ni Natalie ang ibig niyang ipahiwatig dahil hindi naman ito boba.  "Mom, can you tell me why you hate him so much?" "Because he's going to take everything from us, including your Daddy!" Histirikal na sumagot si Maria kay Natalie. Saan ba siya nagkamali? Malinis naman ang naging trabaho ng mga galamay niya. Sa katunayan, hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung buhay pa ba si Sabrina. At sa tingin niya, nakalimutan na ito ng lahat. Kaya't hindi siya makakapayag na mabaling kay Juan ang atensyon ni Basti! "Ano ang ibig mong sabihin?" Hindi naintindihan ni Natalie ang pinagsasabi ng kanyang ina. Paanong kukunin ni Juan ang lahat?  "Maintindihan mo rin ang lahat," sabi ni Maria bago iniwan si Natalie at pumasok sa sariling silid. Kinabukasan, magulo pa rin ang utak ni Natalie. Minabuti niyang magtungo muli sa hardin upang makipag-usap kay Juan. Matindi ang kanyang pagka-crush sa gwapong binata. Makausap lang ito ay sapat na upang maging maganda ulit ang kanyang nasirang araw. Hanggang taynga ang kanyang mga ngiti ng masilayan si Juan na abala sa pagti-trim ng mga bonsai. Palundag-lundag ang ginawa niyang pagtakbo upang mas mabilis na makarating sa kinaroroonan ng lalaki. She was almost there when she saw her father hugged Juan from behind. Nanatili siyang nakatayo habang pinagmasdan ang kanyang ama na matamis na ngumiti sa binatilyo. Bakla ba ang kanyang ama? Kaya ba nasabi ng kanyang ina na aagawin ni Juan ang lahat dahil may relasyon ito at ang kanyang ama?  Yuck! Sa isang iglap, hindi na niya ito crush, at hindi na rin niya ito gusto bilang kaibigan. Mabigat ang kanyang mga hakbang na bumalik sa loob at dumiretso sa kanyang silid. Doon niya ibinuhos ang lahat ng sakit sa kataksilang ginawa ni Juan. Bukas, makikita nito kung paano maghiganti ang isang Natalie Covarrubias!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD