Kumunot lang ang noo ni Natalie dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ng kanyang ina. “Na ano po?” “Basta,” ang tanging sagot ni Maria. Naghinala siya na may alam na si Basti sa tunay na nangyari at bahagya siyang kinabahan. Hindi man siya kinompronta ng kanyang asawa, batid niyang nag-iba na ang turing nito sa kanya at kaagad na nagngitngit ang kanyang kalooban nang maisip niya si Juan. “Papuntahin mo nga si Juan dito,” utos ni Maria kay Natalie. “Dinala si Juan sa hospital, Mommy.” “Hospital? At bakit?” “Nakagat ng ahas,” sagot ni Natalie. Kaagad na nagduda si Maria kung talaba bang may business conference si Basti o dinalaw lang nito si Juan sa hospital. Hindi siya makakapayag na magkasama ang dalawa ng matagal dahil pakiramdam niya ay napapansin na rin ni Basti kahawig ng in