Pangatlong araw ko na sa mansion ng mga Montenegro. Maganda ang pakikitungo ng lahat sa akin pwera kay Nick na ilang beses ko ulit na nakasalubong at masama pa rin ang tingin sa akin. Ang sabi sa akin ni Jennica, may lending company si Nick aside sa pagiging active nito sa family company nila.
Three years ago pa daw nagtayo ng business si Nick. Eighteen pa lang daw ito nang simulant nito ang lending business nito. Very legal ang term ni Jennica. At the age of twenty-one, successful na ito eh ako? Disiotso, going disinueve pero baon na baon na sa utang.
Inaya ako mag swimming ni Jennica sa swimming pool nila. Pinahiram nya ako ng two-piece swimsuit sa pile ng swimsuits nya. Medyo may laman nga lang ang dibdib ko kaya ang naging dating ay fit na fit sa akin. Dinalhan kami ng mga kasambahay ng fresh lemon juice at baked macaroni.
"Masyado mo naman ako pinapampered, Jennica." Biro ko sa kanya.
"It's alright. Kagaya nga ng sabi ni Daddy, you're the first friend that I brought home."
"Bakit nga ba? I mean, hindi ba at may mga mas madalas kang makasama na mga friends mo sa campus?" Tanong ko tapos sumimsim sa hawak kong baso ng lemon juice.
"Sa labas kami madalas magkita nila Melanie. Tsaka diba sinabi ko naman sayo? Yung about sa sasakyan ko? So, I really find you special." Nakangiti na sabi nya.
Maya maya lang ay nagbabad na kami ulit sa pool. Nagtatawanan kami nang mapatigil ako dahil nakita ko na papalapit si Nick sa amin. Naka trunks lang sya na itim at kitang kita ko iyon sa nakabukas nyang bathrobe. Napaiwas ako ng tingin. Damn it, uminit ang mga pisngi at pakiramdam ko.
"Hi kuya! Kakagising mo pa lang?" Kumaway pa si Jennica dito.
Tumango lang ang lalaki. Hinubad nito ang suot na bathrobe at nag dive. Malaki ang pool nila kaya malaki rin ang chance na hindi kami magkabanggaan. Pwede na rin naman ako umahon. Pakiramdam ko kasi ijajudge nya na naman ako ng tingin.
He swam a few laps bago sya umahon. Gusto ko iiwas ang mga mata ko sa ganda ng katawan nya pero para syang may magnet. I bit my lower lip. Siniko ako ni Jennica at nang mapatingin ako sa kanya ay tumawa sya.
"Uyyy. Are you crushing on my brother?" Malapad ang ngiti na tanong nya.
Napalunok ako. "H-hindi 'no!" Agad na tanggi ko. And I don't know if I'm telling the truth though.
Humalakhak si Jennica at sinabuyan ako ng tubig. I can see Nick moving in my pheriperal view. Umupo sya sa isa sa mga lounge chair.
"Jennica!" Saway ko.
Tumatawa pa rin sya. "Maybe I should really push you na maging fake girlfriend nya."
"Don't do that again." Seryoso na sabi ko.
Tumawa lang sya and she swam away.
The whole time na nasa pool area kami ay katakot takot na pagtatago at pag iwas kay Nick ang ginawa ko. Pakiramdam ko kasi matutunaw ako sa sama ng tingin nya sa akin tuwing nakikita ko ang pag tingin nya. Isa pa, nakaka distract din ang katawan nya.
In the end, kami ni Jennica ang naunang umahon.
Nang makapag bihis na ako at si Jennica naman ay nasa guest room naligo ay napansin ko ang cellphone ko na nasa bedside table. I neglected my responsibilities for a few days. Malamang na hinahanap na ako ng mga inutangan ko. I deactivated my social media accounts. So either tinitext at tinatawagan na nila ako o pumunta na sila mismo sa bahay.
"Shit." I clenched my fist. I really need to do something.
Humiga ako sa kama ni Jennica at tumitig sa kisame. Magbenta kaya ako ng kidney? Babawasan ko na lang ang pag inom ko o pagkain ng junk foods. Pero sino naman ang pagbebentahan ko? Mariin akong napapikit.
Can I just die now?
"Grabe parang sinukat din talaga sayo mga damit ko eh. Fitted nga lang sa taas. You know, pinagpala ka eh." Jennica said coming in. Naka bathrobe pa sya.
Pumasok sya sa walk in closet nya. She went out fully clothed. Hindi maarte sa katawan si Jennica para sa kagaya nya na anak mayaman. Makinis at maputi. You might think na madami sya nilalagay sa katawan nya. Pero hindi. Lotion lang, hindi pa whitening.
"So anong gagawin natin today?" Magiliw na tanong nya habang nagboblower ng buhok nya.
Hindi ako sumagot. Eh kung umuwi na kaya ako at harapin sila? Pero natatakot ako. Wala naman akong intension na magtago. Walang wala lang talaga ako.
Nasaan ka na ba Mommy?
Ang pangit sa pakiramdam na palagi kang may iniisip na utang mo sa ibang tao.
"Earth to Ezra!" Tawag ulit ni Jennica.
"P-pwede bang mag nap muna ako?" Parang sasabog na kasi ang utak ko kakaisip at para akong maiiyak na. I need to shut down my brain even just for a while.
"Sure! Sa library na muna ako while you nap."
Nginitian ko sya at humiga patalikod sa kanya.
Naiiyak na ako habang binabasa ang message sa akin ng mga inutangan ko. Others are still very polite pero naintinidihan ko naman yung iba na galit na galit na. Yung pinsan ni Mommy nag banta pa na ipapakulong ako kung hindi pa ako magpapakita.
Nanghihina na pinatay ko ulit ang cellphone ko. I really need to do something. Nag reply ako sa lahat na ginagawan ko na ng paraan at na magbabayad na rin ako agad even though I know I still don't have the means to.
Bakit ba kasi nangyayari ito? Nasaan si Mommy? Hindi ko maisip kung bakit sya biglang aalis knowing na wala ako makakasama at wala ako alam sa buhay.
Naka idle lang ako sa kama nang bumukas ang pinto at iniluwa si Jennica.
"Hey, gising ka na pala." Nakangiti na bati nya sa akin.
Naka pink na sando at pink na shorts lang si Jennica pero dahil sa ganda nito at kutis ay kala mo artista. Kahit madalas ko sya nakikita sa school ay hindi ko pa rin minsan mapigilan ma starstruck sa kanya. And I don't know if I'll ever admit that. Ang creep ko naman kasi.
"Kakagaling mo lang sa library?"
Tumabi sya sa akin sa kama. "Yep. Nagpasama rin si kuya saglit sa casa. Pinapaayos nya kasi yung isang sasakyan nya. Nag convoy na lang kami pauwi."
Mabuti pa talaga sila walang problema sa pera. Gusto ko mainis sa sarili ko for even being here. Hindi ako inggitera pero parang sana ipinanganak na lang din ako na Montenegro. Wala nang problema sa pera, buo pa at masaya ang pamilya nila.
And maybe I can tolerate Nick as a brother.
Ugh! Where did that even came from?
"Let's go for a late lunch?"
Tumango ako at sabay na kaming bumaba sa dining hall nila.
"Hi Manang! Kakain na po kami." Sabi ni Jennica sa mayordoma.
Hindi ko alam eksakto kung ilan ang unipormadong kasambahay nila, isama pa ang ilang boy at driver. Pero kitang kita ko na maganda at maayos ang pakikitungo nila sa mga ito. Kung ako magkakatulong sa kanila malamang na matuwa rin ako.
What if mag katulong na nga lang din ako sa kanila?
"Jen.. what if mag maid na lang ako sa inyo? Surely, hindi na rin naman ako makakapasok next sem." Bigla ay sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain naming.
Napatigil sya sa pagsubo at lukot ang mukha na tumingin sa akin.
"You're crazy." Bigla ay naiiling na sabi nya.
"Seryoso ako. I mean, I don't do house chorse but I can learn. Magpapaturo ako kay Manang." Biglang lumakas ang loob ko.
Napanguso lang si Jennica.
"Jen, I mean it. I'll need a job."
"But I can't let you be one of our maids. Ano ka ba? Tsaka sayang naman yung pag aaral mo kung hindi mo itutuloy."
I sighed. Nanghihinayang rin naman ako. Pero wala akong choice. Hindi naman ako pwedeng nandito lagi. Ilang araw pa lang ako rito ay naki kwenta ko na sa isip ko ang gastos ni Jennica sa akin at lalo lang akong nalulubog sa hiya at utang na loob sa kanya.
"Basta magpapatulong tayo kay kuya."
I froze when she mentioned her brother. The last thing I ever want to do is to be involve with Nick. Bukod sa parang lagi syang galit sa akin at malamang na iniisip nyang mukha akong pera o pineperahan lang si Jennica, hindi ko mapigilan ang pagbilis ng t***k ng puso ko kapag nakikita ko sya o malapit sya.
Hindi ko alam kung crush o gusto ko sya, pero ayoko ng nararamdaman ko.
"I'll talk to kuya once I see him. Baka natutulog sya ulit eh."
Hindi ako nagsalita. We just ate in peace after that.
The next morning is like a nightmare. Nag aya sa vacation house nila sa La Union ang Mommy ni Jennica. Sabi sa akin ng mag asawa ay Tita at Tito na lang ang itawag ko sa kanila. Natawag ko kasi sila na Mr. and Mrs. Montenegro, ang formal naman daw masyado.
"Mauuna na kami para ma handa ang lahat doon. Nagbilin naman kami kay Manang Esther pero baka may kulang o ano. Sumabay na kayo kay Nick, may dadaanan lang daw sya saglit at aalis na rin sya." It was Tita Roxanne. Very hands on sya when it comes to her family kahit na busy rin sya sa trabaho.
I remember my mother on her. Maasikaso rin si Mommy. And I miss her so damn much already.
Hinila ako ni Jennica pabalik sa kwarto nya nang maka alis na ang Mommy at Daddy nya. Ayos naman na ang gamit 'namin' which was gamit naman talaga lahat ni Jennica. Pati backpack na gamit ko ay kanya.
"P-pwede bang magpa iwan na lang ako? I swear hindi ako lalabas ng kwarto mo o makekealam ng kahit na ano dito."
Tumawa si Jennica. "Hindi pwede. Dapat sumama ka."
"Jen, family vacation 'yon. I'm not supposed to be there."
"Pero ininvite ka na rin nila Mommy at Daddy. Akala ko ba okay na? Why are you having cold feet?" Nakakunot ang noo na tanong nya.
"It just feels.. weird. At nakakahiya." Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Ngayon ka pa ba mahihiya?" Tumabi sa akin si Jennica. "C'mon, mag ayos ka na. Check your things. Pupuntahan ko lang si kuya." Inayos nya ang bangs ko bago sya umalis.
Hindi ako gumalaw. I am grateful for whatever Jennica's doing for me, lalo na ang parents nya for accepting me here. Pero hindi ako sanay ng ganito. Hindi ako mapakali. Sumusulpot sulpot pa sa isip ko ang mga utang ko. I ruined some friendship I had with people I owed to.
At my age, I wasn't supoosed to be having problems like this. I should be falling in love, or crushing hard on someone. I should be mending a broken heart, not owing people money because my mother left me.
Bumalik si Jennica after a while. Nag aayos pa lang daw si Nick at in twenty minutes ay bumaba na daw kami. Wala naman ako choice. Kahit sinabi ko na mas gusto ko magpaiwan, I wasn't even supposed to be here, so mas okay na sumama na lang sa kanila.
Lalo lang akong naiinggit knowing na madalas pala sila mag family vacation. May Hacienda daw sila sa Laguna, hometown ng Daddy nya. May mga beach house rin daw sila sa Cebu, Batangas at Caramoan. Madami pang kinikwento si Jennica pero alam ko naman na hindi sya nagyayabang.
Maya maya lang ay bumaba na kami. Naabutan namin si Nick na nakatayo sa gilid ng sasakyan nya, nakapamewang ang isang kamay at ang isa naman ay busy sa cellphone.
"Yes. With that kind of money, a two percent interest rate is charity. Tell him that. I have to go." Iyon lang ang naabutan namin before he put his cellphone at his pocket.
He was wearing a gray tshirt underneat his black leather jacket. Naka rugged jeans at boots din sya. Pakiramdam ko tuloy ay nanunuod ako ng photoshoot na sya ang model. His hair's a mess, giving him a 'just woke up sexy look'and I can't stop looking at him.
"Let's go?" Aya ni Jennica.
Tumango si Nick bago ako tapunan nang masamang tingin at sumakay na sa driver's seat.