Chapter 2

2029 Words
"Who the hell are you?" Salubong ang kilay at mariin na tanong ng lalaki. Mabilis akong napabalikwas ng bangon mula sa kama. Tiningnan ko ang space ni Jennica pero wala na sya doon. Kumabog ang dibdib ko. The man in front of me is intimidating. Handsome yet very intimidating. He was wearing a black wifebeater and a white jogging pants. Nakapamewang itong nakatunghay sa akin. His dark eyes are already scanning my whole existence. "Hey? I'm asking who the hell are you?" Tanong nya ulit. Nangangatal ako. Hindi ako makasagot. "Relax, kuya. She's my classmate and my friend." Mula sa pintuan ay sumulpot si Jennica holding a tray with foods. Kumunot ang noo ng lalaki. "Since when do you do sleepovers?" "Since last night! Dito muna sya sa atin habang wala pa ang Mommy nya." Inilapag ni Jennica ang hawak na tray sa bedside table nya at hinarap ang katapid. Nakatingin lang ako sa kanila. "What? Are you adopting her?" Parang hindi makapaniwala na tanong ng lalaki. Bakat sa suot nyang wifebeater ang matipuno nitong dibdib. His chest was somehow heaving. Parang ang sarap din hawakan ang biceps nito. He's not bulky but on the lean side. "Ilang araw lang naman. Will you relax? At bakit ka pala pumunta dito? Handa na ang breakfast mo sa baba." Tumabi sa akin sa kama si Jennica. "Alas nueve na ako umuwi kagabi at wala ka pa. Sabi ni Manang ay ihahatid mo lang ang kaklase mo pero ang tagal mo. So I checked kung nandito ka na. Sya ba ang kasama mo kagabi?" Tinapunan na naman ako ng tingin ng lalaki. Parang gusto ko magtago sa ilalim ng comforter. "Yes. Nag coffee lang naman kami. Then I asked her to stay here dahil mag isa lang naman sya sa kanila." Very enthusiastic na sagot pa ni Jennica. Tiningnan ako ng masama ng lalaki bago muling tumigin kay Jennica. "Fine, pero once na malaman ko na bad influence sya sayo, she better leaves before I make her." Puno ng pagbabanta na sabi nito bago tumalikod at naglakad palabas. Nakangiti na tumingin sa akin si Jennica. "Pasensya ka na kay kuya. Bad morning yata." "Yun ba yung sabi mo na makakatulong sa akin? Eh parang gusto ako lamunin ng buhay, eh!" Angil ko. I was honestly scared with the way he talks at look at me. Tumawa si Jennica. "Sabi ko naman sayo medyo masungit pero mabait naman. Over protective lang sa akin yun. Anyway, kain na muna tayo." Kinuha nya ang tray at inilapag sa kama sa pagitan namin. May dalawang bowl ng fruit salad at dalawang baso ng pineapple juice. Heavy eater ako ng breakfast pero alangan naman na mag reklamo pa ako. Nag effort si Jennica na dalhan ako ng agahan to think na sya ang pinagsisilbihan dito sa kanila. "Last day na ng class natin today at sembreak na. Where do you wanna go later?" Maya maya ay tanong nya. We were supposed to submit our project today. Alas dose hanggang alas siete ang pasok namin today. "W-wala." Sagot ko. Wala naman talaga. Sa sitwasyon ko, saan ko gugustuhin pumunta? Sa nearby bridge para makapag suicide na ako. Ayoko na tingnan ang cellphone ko dahil malamang na puno na iyon ng messages ng naniningil sa akin. I told them na ginagawan ko na ng paraan pero syempre ay may pangangailangan rin sila. And that's what I hate myself about the most. Pinahiram nila ako nung nangangailangan ako tapos ngayon na kailangan na nila ang bayad ko, ako ang hindi makapag provide. What was I thinking anyway? Sa schedule ko naman sa school ay hindi ako makakasingit ng trabaho. At anong trabaho? Ni mag saing nga hindi ko magawa ng maayos. I was pampered growing up. Until my father, who was an Engineer providing for us left us for another woman. Naging madiskarte si Mommy. Ang naiwan na pera sa kanya ni Daddy ay pinang business nya. Buy and sell. She's good at using the social media for networking. Malaki ang kita nya sabay pa sa trabaho nya bilang clerk sa local government. Kaya natutustusan ang pag aaral at luho ko. We were doing okay at hindi ko alam kung bakit bigla na lang umalis si Mommy. She knew I can't do anything. She just left me a letter in her room she emptied. "Okay, uwi na lang tayo agad." Pinahiram ako ng damit ni Jennica. Karamihan sa mga damit na nasa walk in closet nya ay may mga tag price pa. Madalas daw kasi na namimili sya o minsan kasama ang Mommy nya ay may magugustuhan syang damit tapos nakakaligtaan nya isuot or hindi nya naman feel isuot. "Feel free to choose what you want to use or wear. Magkasing katawan naman tayo." Puting bestida na may lace sa dulo ng manggas at laylayan ang pinili ko. Maganda naman at mukhang matagal nang hindi ginagamit ni Jennica. Even our feet were the same size. Hindi ko alam kung sinasadya o swerte lang talaga ako. Quarter to twelve ay nasa classroom na kami. Kapansin pansin ang pagtataka sa mga mukha ng mga kaklase naming kung bakit magkasabay kaming pumasok ni Jennica at kung bakit tumabi sa akin si Jennica. Walang naglakas ng loob magtanong. Nakahinga na ako ng maluwag nang matapos na ang klase at naipasa na namin ang written project namin. Bago mas alas otso ay papasok na sa gate nila ang kotse ni Jennica. This time ay sinalubong kami ng isang katulong. "Good evening po senyorita." "Good eve Manang. Sila Mommy po?" Magiliw naman na bati rin ni Jennica. Nasa tabi nya lang ako. "Pababa na po maya-maya. Hinahanda na po ang hapunan." "Thank you po. Tara." Aya nya sa akin. On the way sa kwarto ni Jennica ay nakasalubong namin ang kuya nya. Naka puti na polo at slacks ang lalaki. Kumikinang ang gold watch nito at masama na naman ang tingin sa akin. "Are you going somewhere kuya?" Tumigil sa paglalakad si Jennica ganoon din ang kapatid nya. "Yes." "Pwede ba kami sumama ni Ezra?" "No." Nangunot ang noo ng lalaki. "Blind date na naman? From Lolo?" Jennica's teasing. Nawala ang pagka tense sa mukha ng lalaki and for the first time ay nakita ko sya ngumiti. "Yep, cannot be late." Akmang aalis na ito nang pigilan ni Jennica ang braso nito. "Diba sabi mo you want your blind dates to stop without hurting Lolo? You know, kuya? As cliché as it sounds, pwedeng magpanggap na girlfriend mo si Ezra then you just pay her for her service." Nanlaki ang mga mata ko matapos marealize ang sinabi ni Jennica. Nakita ko rin na tumaas ang kilay ng lalaki at tiningnan ako na parang ako ang nag sabi ng masamang idea na iyon sa kapatid nya. "What?" Angil bigla ng lalaki. "J-Jen what are you doing?" Sobrang lakas na ng kabog sa dibdib ko. My hands are starting to sweat. "It's a great solution diba? Sasabihin natin kay Lolo na nagkakilala kayo kasi classmate ko si Ezra. Tsaka she's pretty naman diba? She's your type nga." Sabi pa ni Jennica. Para akong mahihilo sa sobrang kaba. Nanlalabo na ang paningin ko. "Is that her idea?" Rinig ko na tanong maya maya ng lalaki. "What? No. It's mine. Gusto lang kita tulungan. And Ezra can be your solution, you can just pay her in exchange." Proud na proud pa na sabi ni Jennica. Napakapit ako sa braso nya. "Jennica stop." Sabi ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob at mabilis ko syang nahila papasok sa kwarto nya. Napasalampak ako sa carpeted na sahig ng kwarto nya nang makapasok na kami. "Ezra? Oh gosh. Are you okay? You're so pale!" Nagpapanic na sabi nya bigla. Hindi ako nagsalita. Nanlalamig pa rin ako at nanuyo ang lalamunan ko. Sana huwag kami sundan ng kuya ni Jennica. I didn't know what came to Jennica's mind to propose something like that. Nahihilo pa rin ako. Before I knew it ay nasa harap ko na ulit si Jennica holding a glass of water. Agad kong kinuha iyon at ininom lahat. "What happened? Okay ka na ba?" Nag aalala pa rin na tanong nya. Tinulungan nya ako makatayo. "Jennica.. what were you thinking?" Mahinang tanong ko sa kanya. Umupo ako sa sofa na nasa malapit. "I was just trying to help you.. and kuya at the same time. Magbebenefit naman kayo pareho sa ganoon diba? I read that in the stories I have been reading." Umiling iling ako. "That's fiction. Iba ang totoong buhay." "But that makes sense." Pilit pa rin ni Jennica. "Masyadong makulit si Lolo, eh. Ayaw lang madisappoint ni kuya si Lolo kaya pinagbibigyan nya pero naiinis na sya sa idea ng blind dating. He's only twenty-one at dahil wala pa syang naipapakilala na girlfriend ay si Lolo na daw ang gagawa ng paraan." Umupo sya sa tabi ko. "And then naisip ko bigla kanina when I learned na makikipag blind date na naman sya na what if may maipakilala na girlfriend nya si kuya at ikaw 'yon? He can just pay you para matapos na ang agony nya sa pakikipag blind dating." She's still pushing the idea. Pero tingin ko ay nagdududa na sa intension ko ang kuya nya. He might be thinking na bad influence na nga ako at pineperahan ko pa sila. Sumakit bigla ang ulo ko thinking that. "Nakakahiya sa kuya mo." "Baka nga pinag iisipan nya na ngayon ang offer ko." Nakangiti pa rin na sabi ni Jennica. I frowned. Seriously. Maya maya lang ay kinatok na kami ng katulong at kakain na daw. Mabilis kaming nag ayos at bumaba. Nakilala ko naman na ang parents ni Jennica once, pero mabilisan lang dahil paalis ang mga ito papunta sa airport dahil sa business. Naabutan namin ang parents ni Jennica na nakaupo na sa harap ng hapag kainan. She kissed her parents. "Mommy, Daddy, you remember Ezra?" Tumango naman ang dalawa. "Of course, hija. Sya yung classmate mo na partner mo sa project, right?" It was her mother. Mrs. Roxanne Montenegro. Simpleng simple lang ang ayos nito at palagi syang nakangiti. "Yes Mommy. The thing is, umalis kasi yung Mommy nya. Mag isa lang sya sa kanila. Naisip ko na dito muna sya habang wala pa ang Mommy nya. Pwede naman po, diba, Mommy? Daddy?" Nagkatinginan ang dalawa. Nanliliit ako ng mga panahon na ito at parang gusto ko na umalis bigla. "Of course, baby. She can stay. Marami namang kwarto sa bahay. And she's the first friend you brought to our house so she must be special." Malapad naman ang ngiti na sabi ng Daddy nya. Mr. Nicholas Montenegro. Ang perfect ng family ni Jennica. How I envy her. We started eating. Naging comfortable naman ako agad dahil tinatanong tanong rin ako nila Mr. and Mrs. Montenegro at sinasali nila ako sa usapan. "Anyway, saan na naman ba nag punta ang kuya mo? Have you seen him left?" Tanong ng Mommy ni Jennica kapagdaka. Nagkibit balikat si Jennica. "Lolo got another blind date for him." Tumawa si Mr. Monetengro. "Dad's been really busy matchmaking Nick." "Ang bata bata pa naman ng anak mo ewan ko ba kay Daddy kung bakit." Naiiling pero natatawa naman na sabi ni Mrs. Montenegro. "Eh kasi wala pa daw pinapakilala na girlfriend si Kuya." Si Jennica ulit. Nakikinig lang ako sa usapan nila habang kumakain. Tumawa ang mag asawa. "Malay ba natin kung wala lang pinapakilala pero marami nang naging girlfriend?" It was Mr. Montenegro. "At itotolerate mo naman? Baka mamaya nyan mapikot yang anak mo. Alam mo naman ang lahi nyo." Pinandilatan ni Mrs. Montenegro ang asawa. Tumawa kami ni Jennica. "Muntik na kasi mapikot si Daddy before bago sila magpakasal ni Mommy. Tapos yung tito ko naman na half brother ni Daddy, muntik na rin. So baka si kuya rin." Kwento ni Jennica sa akin. Tumango tango ako. "Huwag naman ang kuya mo." Sabi pa ni Mrs. Montenegro. "Well, we'll never know. Baka isang araw may ipakilala na lang si kuya na girlfriend nya." Nagkatinginan na lang ang mag asawa sa makahulugan na sabi ni Jennica na sinipa ko naman sa ilalim ng lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD