Chapter 4

2109 Words
Dumaan kami sa office ni Nick. MAGNUM FINANCES. Hindi na kami bumaba ni Jennica sa sasakyan. Magkatabi sila sa unahan at ako naman mag isa sa likod kasama ang mga backpack namin ni Jennica at travelling bag naman ni Nick. Sa harap na ng four storey building nakaparada ang sasakyan. Sabi ni Jennica sakop daw ng company ni Nick ang buong second floor ng building. Nagkwentuhan kami habang hindi pa nakakabalik si Nick sa sasakyan. “Maybe he can just hire you kung may bakante?” I groaned. Bakit ba ang lumalabas ay si Nick talaga ang sagot sa mga problema ko? Tumawa si Jennica. “What? Sasabihin mo bang hindi maganda ang idea na iyon? At least you’ll be working.” Nagkibit balikat lang ako. Tumagal nang halos kalahating oras si Nick sa office nya. Nang bumalik sya ay may kausap na naman sya sa cellphone nya. Si Jennica ay busy na rin sa cellphone nya. “I hate talking figures on the phone, Laney. Let me get back to you after two days, my family will be on a vacation. Yes. Alright.” Inilagay nya ang cellphone nya sa dashboard at inistart na ulit ang kotse. “Was that ate Laney? Magloloan sya sayo?” Tanong ni Jennica. “She’s attempting to.” Kibit balikat na sagot ni Nick. Loan. Kaya lang ang alam ko pwede ka magloan kapag alam nang loloan-an mo na may pinagkakakitaan ka o may kakayahan ka na. I’ll never have a chance. Napasandal ako sa upuan. “Bagkano hinihiram nya?” It’s Jennica again. “Don’t worry about it. She’s proposing a business with the money she’ll be needing and promising me equity. Kailangan ko malaman kung plausible.” Tumango tango lang si Jennica. In a short while ay binabagtas na namin ang NLEX. Biglang nagreklamo si Jennica na wala man lang daw kaming baon na makakain kaya pina stop nya sa isang gasoline station na may convenience store si Nick at bibili daw sya. “Huwag na kayo bumaba. I can manage.” Mabilis na sabi nya nang akmang bababa rin ako. Wala ako nagawa dahil mabilis syang naka alis. Tiningnan ko si Nick, nahuli ko sya na tinitingnan ako sa rear view mirror pero binawi nya lang din agad tingin nya. Umiwas na lang din ako. Tiningnan ko sa may bintana ang pag pasok ni Jennica sa convenience store. Nagdadasal na ako na sana bilisan nya. Ang awkward ng pakiramdam na kami lang ni Nick dito. Wala akong dalang cellphone pang distract sa sarili ko. Iniwan koi yon para hindi na ako matempt na buksan. Kailangan ko ng solusyon, hindi ang puro pangako. “So, until when are you going to stay with us?” Napa straight ako nang upo nang marinig ko sya magsalita. Napakurap ako. “H-ha?” I heard him, I just don’t know what to say. “Until when are you going to stay with us?” Nilingon nya ako. He shifted his position para masisilip nya ako sa likod ng mas comfortable. “Uh..” In a week? In a month? Hindi ko alam ang isasagot. Nangunot ang noo nya. He smirked. “Don’t tell me na magpapa ampon ka na talaga?” Umiling iling ako. “Hindi naman sa ganon.” “Then why can’t you answer?” There’s this smug smile in his lips. Lalo ako nanliliit sa kanya. Lumingon ako sa bintana, there’s no way na makakabalik agad si Jennica pero umaasa ako. I chewed on my lips. Bumibilis na ang kaba ss dibdib ko. “You know what? I really don’t understand what my sister saw in you. At kung bakit ka nya pinipilit na tumira muna sa bahay. Are you blackmailing her or something? What’s your deal?” Matiim ang pagkaka titig nya sa akin habang nagsasalita. Napa awing ang labi ko. Blackmail? “Hindi. I’m not blackmailing her or what.” Defensive na kung defensive but paano nya naman na conclude ang ganong bagay? “Then what? You’re not a good influence on her. I can see that, but I just don’t say it because she seemed to be so fond of you.” Hindi ko talaga alam kung bakit ganoon sya mag isip sa akin. I clasped my hands. “S-she just wanted to help..” Gusto ko idagdag na ayaw ko naman ng asana pero si Jennica ang nagpilit, but I don’t want to put her in a position na parang sya pa ang masama. “Help?” Ngumisi sya ng nakakaloko. “Tulong? Pera?” Napalunok ako. My throat became dry in a matter of seconds. We are confined in a small space at ang dibdib ko ay pabilis ng pabilis ang t***k. His scent was all over the car. Hindi ko iyon pinapansin noong una pero ngayon parang sinusuffocate ako ng amoy nya. “You are befriending her because she has the means to help you, right?” He was mocking her. Mabilis syang umiling iling. “No. Of course not.” “Of course, yes.” Nagkatitigan kami. There was hatred in his eyes at hindi ko alam kung matagal na iyon na nandoon o dahil iyon sa akin. He’s gorgeous in every way, but he was a snob. May maliliit na stubbles na ang nasa baba nya at nakadagdag iyon ng appeal sa kanya. Ako na ang unang umiwas. I can’t keep up with his itense stare. “I’ll make you an offer you can’t refuse soon.” Final na sabi nya bago namin napansin na palabas na sa convenience store si Jennica at umayos na sya ng upo. Hindi na ako nagsalita the whole drive, si Jennica ang pala kwento at sumasagot sagot na lang ako kapag kinakausap o kung kailangan ng sagot ko. Hindi na ako ulit tinapunan ng tingin ni Nick. Masakit ang paratang nya sa akin pero hindi ko naman sya masisisi. After this trip with them, aalis na talaga ako. Bahala na kung saan ako mapunta. I might really jump on any bridge to end this agony. Para matapos na. Nakakapagod. Smooth driver si Nick. Nakatulog kami ni Jennica. Nagising ako na tulog pa rin si Jennica kaya nag try ako ulit matulog. Nagising ako na papasok na kami sa isang daan. “Hey, you’re awake. Malapit na tayo.” Nakangiti na bati ni Jennica. Madami dami din kaming junk foods na nakain, nilagay namin sa isang plastic ang mga basura. “Mom’s calling. Sagutin mo. Sabihin mo papasok na tayo.” Sabi ni Nick kay Jennica. Mabilis na sinagot ni Jennica ang tawag at sinabi nga nito sa Mommy nito na papasok na kami. Maya maya lang ay buhanginan na ang dinadaanan namin. Kita sa dulo ang malinaw na dagat. Na excite ako. I love swimming. I love the sea. Lumiko si Nick at sa daanan na halos sa gilid na rin ng dagat ang daan namin. After a while ay may nakita na kaming puting vacation house na nasa edge ng isang bangin. Kaunti lang ang pagkaka elevate noon sa dagat. May hagdanan paakyat at doon ko napansin na kumakaway si Tita Roxanne sa amin. It was a beautiful house. May mga open spaces at balcony. May mga roots ng ilang halaman ang gumapang sa ilang bahagi ng pader. Damn, ang ganda! Lumilipad lipad pa ang puti na kurtina mula sa pintuan ng bahay palabas sa outdoor dining space. Sumulpot rin mula sa kung saan si Tito Nick. “Look at Dad, para na namang bata na nakalabas sa kulungan.” Jennica told Nick. He laughed. “You know how he goes. Palagi nyang inuungutan si Mommy ng vacation at ngayon lang sya pumayag.” Nakikinig lang ako sa pag uusap nilang magkapatid. Nick parked his car next to his parent’s car and a one more unfamiliar car. Sabay sabay kaming bumaba. Kinuha nung dalawa ang mga gamit nila mula sa backseat kung saan ako umupo. He locked the car using his keys. Sinundan ko lang silang magkapatid. May hagdan na may halos sampung steps bago makarating sa mismong wooden gate ng vacation house. It was breathetaking. I swear para akong nasa paraiso. May ilang bahay kami na nadaanan papunta dito pero nothing compares to this house. “Ang ganda ganda naman dito.” Hindi ko mapigilan na sabi kay Jennica. She giggled. Nauna na sa amin si Nick at sinalubong ang parents nila. “I know, right? Five years’ pa lang mula nang bilhin ni Daddy ‘to. Tapos mas pinaganda.” Tumango tango ako. Lumapit na rin kami sa parents nila. “Pinapag ihaw na namin si Raven sa likod.” “Oh my God! Nandito si kuya Raven?” Biglang naexcite ang boses na sabi ni Jennica. Nangunot lang ang noo ko. I heard the name ‘Raven’ once or twice from her pero hindi na ako nagka chance na itanong kung sino iyon. Tumawa si Tita Roxanne. “Yes, napilit ko rin na sumunod.” “I’ll see him Mom!” Bigla akong hinila ni Jennica at pumunta kami sa likod. May usok nga na nagmumula doon. “Kuya!” Sigaw ni Jennica. Agad nyang dinamba ng yakap ang lalaki na nag iihaw. Muntik na sila mawalan ng balance at handa na sana ako saluhin sila pero nakapag regain ang lalaki ng balance. Humahalkhak ang lalaki. “Baby! I miss you!” Sabi ng lalaki. Lumayo si Jennica at pinalo sa dibdib ang lalaki. “Miss ka dyan? Ni hindi ka na dumadalaw sa bahay. Nakakapag tampo ka na kuya. Ilang months ka pa lang umalis nawiwili ka na.” Humalakhak ulit ang lalaki. “May mga tinatapos lang ako na project.” The guy pulled Jennica and kissed her temple. “Dalawa na kayong umaaway sa akin ni Mommy Rox.” Mommy rin ang tawag nya kay Tita? Eh ang alam ko dalawa lang silang magkapatid ni Nick. Who is this Raven guy? “Ay, kuya, classmate and friend ko pala, si Ezra. Ezra, this is my cousin, si kuya Raven.” Napakurap ako. Inilahand ng lalaki ang isang kamay nya at inabot ko naman iyon. “Nice meeting you. I hope you’re not having a hard time being a friend of Jennica.” He teased. “Kuya! Mabait akong friend, ‘no! Diba Ezra?” Parang bata na nagmamaktol sya. For the first time ay natawa ako. “Oo naman.” Nagulat ako nang mag wink sa akin si Raven. Damn. Bigla akong kinilig na ewan. Yumuko ako to calm myself down. Minimized naman ang smoke doon dahil griller ang gamit ni Raven. He looked so good while doing so. His icy blue eyes are intense. Medyo dirty blonde din ang buhok nya, pero ang tatas nya rin magtagalog habang nag uusap sila ni Jennica. Unlike Nick ay palangiti si Raven. Mukhang mas approachable. Nakikinig lang ako sa pagkukwentuhan ni Jennica at ni Raven nang sumulpot kung saan si Nick. Nag high five si Nick at Raven. “How have you been, bro?” It was Nick. He was already holding a bottle of Budweiser. “Never been better. Don’t tell me aawayin mo rin ako gaya ni Jennica at ni Mommy Rox? I really want to visit, kaya lang booming ang business. Strike whilst the iron is hot.” Agad na paliwanag na nito. Nick laughed. “Paano ba yan? Naunahan mo na ng explanation.” Umupo ako sa isang wooden bench na nandoon. Ayoko maka abala ang presensya ko sa pag uusap nila. Lumilinga linga ako sa paligid. Presko ang hangin, dinig na dinig ang paghampas ng alon ng tubig sa dalampasigan. Nakaka relax. “Ihahanda ko ang mga drinks.” Maya maya ay narinig ko na sabi ni Nick. Napalingon ako sa kanya. Inilapag nya na sa mesa ang wala nang laman na bote ng Budweiser. Painom inom ito kanina habang nagkukwentuhan silang tatlo. “Ezra can help you.” Bigla ay sabi ni Jennica. Nag froze na naman ako. Nagpalipat lipat ako ng tingin sa dalawa. “Yeah, Jennica can assist me here.” Sabi naman ni Raven. Awang ang mga labi ko na tiningnan si Nick. He wasn’t smiling at hindi ko alam ang isasagot nya. Alam ko naman na hindi sya papayag. Hindi ko lang talaga alam kay Jennica at parang lagi akong tinutulak sa kuya nya. “Sure.” Kibit balikat na sabi nya na ikinagulat ko. Naglakad sya papalapit sa akin. Nakatingala ako sa kanya. Yumuko sya at nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko at hilahin iyon para tumayo ako. “Let’s go.” Sabi nya at nagpa tangay na lang ako. FOLLOW ME ON MY SOCIALS! instagram.com/taleswithelle twitter.com/taleswithelle facebook.com/taleswithelle
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD