“There is ice in the freezer. Gamitin mo yung basket para madami makuha mo.”
Mabilis kong kinuha ang basket na tinutukoy nya at naglakad papasok mula sa backdoor ng kusina. Hindi ko alam kung nasaan ang freezer pero gusto ko maipakita sa kanya na helpful naman ako. Nakasalubong ko si Tita Roxanne.
“Ezra, hija. Where have you been?” Malambing na tanong nya sa akin. Bumaba sa d
ala kong basket ang tingin nya.
“Tita, tinutulungan ko po si Nick ayusin ang mga inumin. Kukuha po ako ng yelo. Saan po ang freezer?” Maisglang sabi ko naman.
“Ganoon ba? Pasok ka na lang dyan sa kaliwa.”
“Salamat po.” Akmang lalagpasan ko na sya nang hawakan nya ang braso ko. “Tita?” Nagtataka na tanong ko.
“Ezra, I want to thank you for being Jennica’s friend.” Malamlam ang mga mata na sabi nya.
Tumawa ako. “Si Tita naman. Kahit sino gugustuhin na maging kaibigan si Jennica.”
“She told me about the incident in the parking lot, too. You’re a good person, Ezra. At totoo ang sinabi ng asawa ko. Hindi pa sya nagdadala ng kahit sinong kaibigan sa bahay bukod sayo. So, you must be really special.”
Nahihiya na ngumiti ako. “Hindi po ako special. Si Jennica ang special. Hindi ko nga po alam kung ano ang nakita nya sa akin. Nag usap lang po kami dahil sa project.”
Tumawa si Tita. “Then maybe the project was destined to be the stepping ground of your friendship.”
“Siguro nga po. Sige po Tita, baka hinihintay na po ako ni Nick. Medyo masungit po ang panganay nyo.” Biro ko.
Malakas na tumawa si Tita. “True. Malayo sa Daddy nya nung kabataan. Sige, go. I’ll be outside.”
Agad ko namang nakita ang freezer at mabilis ang mga kilos ko. Sumigla ako dahil sa pag uusap namin ng Mommy nila Jennica. Kahit papaano pakiramdam ko ay parte na rin ako sa kanila. Atleast, that’s what I am telling myself.
Kunot na ang noo ni Nick nang lumabas ako. Sampung yelo ang nagkasya sa basket. He was already holding an ice pic. Nailagay nya na rin ang ilang beer at juice sa cooler. Hindi pa man ako nakakalapit ay sinalubong nya na ako at kinuha ang basket mula sa akin. Sinundan ko lang sya ng tingin. Hinubad nya na ang learher jacket nya at nakasampay na iyon sa
Isa isa nyang nilagay sa cooler ang yelo at sinaksak ng ice pick para madurog.
“M-may pwede pa ba akong gawin?” I asked.
Nilingon nya ako.
“Just sit for a while.” Tapos bumalik sya sa ginagawa nya.
Umupo ako sa dating kinauupuan nya at tinitingnan ko lang ang ginagawa nya. The atmosphere was less awkward than the previous ones. Hindi mawala sa isip ko na oportunista ang tingin sa akin ni Nick, iniisip ko na last naman na ito.
Determinado ako na harapin na ang problema ko pagbalik namin sa Maynila. Uuwi na ako at bahala na kung paano ko babayaran ang lahat. Ipahiya man nila ako, wala naman ako choice.
“Paki abot yung isang case.”
Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan nang muling magsalita si Nick.
“Sige. Alin dito?” Agad akong lumapit sa ilang case pa ng inumin. Ilang case din ang beer pero madami ring softdrinks at juice.
“Coke.” Matipid lang na sabi nya.
Hinila ko iyon papalapit sa kanya.
“Thanks,” he muttered.
Hindi na ako sumagot. Tinitingnan tingnan ko lang sya hanggang sa huli ay iasara nya na ang cooler.
Itatanong ko sana kung may gagawin pa dahil gusto ko sana balikan si Jennica sa likod when Tito Nikko came.
“Nick, tapos na ba kayo dito? Nasa bayan na ang Ninang Yna mo. Ikaw na ang magsundo.” Nakapamulsa na sabi ni Tito Nikko.
Their resemblance is uncanny. Bagay na bagay kay Nick na maging junior kay Tito Nikko.
“Sure, Dad.”
Nilingon ako ni Tito Nikko. I smiled at him.
“Isama mo na si Ezra. Hindi pa yan maaasikaso ni Jennica at tumutulong pa kay Raven sa pag ihaw.” Tinapik pa ni Tito Nikko si Nick sa balikat. “Alright?”
Tinapunan ako ng tingin ni Nick. It was a blank stare. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya ng mga oras na iyon. Ang pabigat ko naman sa kanya. Bakit parang ang lahat ay sa kanya ako pinapasama?
“Alright, Dad. Hindi ba kasama ni Ninang si Nadine?”
Tumawa si Tito Nikko. “Nope, busy daw sa extraculicular activities sa school.”
Tumango si Nick at iniwan na kami ni Tito Nikko.
“Pasensya ka na.” Bulalas ko.
“For what?” Salubong ang kilay na tanong nya.
“I Know you don’t like me.” Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang lakas ng loob na kausapin sya ng ganito.
I saw his lips moved. “You think I don’t like you?” Bahagyang tumaas ang kilay nya.
“I don’t think. I know. Alam ko na iniisip mo na oportunista ako-”
He cut what I was about to say. “Hindi ba?” He was mocking me.
I sighed. “Mali ka ng iniisip.”
He shrugged his shoulders. “Fine. Sabi mo, eh.”
I pressed my lips. Pinigilan ko na lang ang sarili ko. Mukhang hindi naman sya makikinig kahit ano ang sabihin ko, let alone ang maniwala pa sa akin.
“Hindi mo na ako kailangan isama.” Inis na sabi ko.
“You heard my father. Isasama kita.” May finality ang boses na sabi nya.
At kahit naiinis ako sa kanya ay nainis naman din ako sa sarili ko for finding his authoritative side sexy.
“Let’s go.” Inayos nya ang manggas ng tshirt nya bago naunang maglakad.
Sumunod ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa likod nya the whole time.
Tuloy tuloy syang bumaba ng hagdan at sumakay sa sasakyan nya. Binagalan ko ang paglalakad. Mula sa loob ay binuksan nya ang pintuan sa kabilang side nya para doon ako pumasok.
Agad akong nagsuot ng seatbelt at mabilis rin nyang pinasibad ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa bintana sa side ko dahil ayoko sya tingnan.
His phone rang, at nakasaksak iyon sa kotse nya kaya nang sagutin nya ay naka loud speaker.
“What do you want? I’m driving.” Agad na sagot nya na focus pa rin sa driving.
“Last price, Junior. Two million.” It was a woman’s voice.
I heard Nick groaned. “Laney, I told you I don’t like talking about figures in the phone and I also told you na makikipag usap ako sayo after two days. Nauubusan na ako ng pasensya. I’m serious.” Mariin na sabi nya.
Napatingin ako sa kanya. Nalula ako sa laki ng pera na pinag uusapan nila.
“C’mon. You wanted to know if plausible ang business proposal ko, right?” Sabi pa ng babae sa kabilang linya.
“Let me get it straight, Laney. You need me. You need my money. So, can you please let me have my time? I’m with my parents and Jennica on a vacation.” He sounded pissed.
Hindi kaagad nakapag salita ang babae. Masyadong prangka si Nick.
“Laney. Are we clear?” Sabi pa ni Nick. Focus pa rin ang lalaki sa pagda drive.
“Yes, sorry. Just send me a message kapag available ka na.”
Then the line went dead.
Para ako pa ang nakahinga ng maluwag. Hindi ako sanay makarinig ng ganoong usapan. I wasn’t even used to borrowing money until three months ago. Well provided naman kasi ako before.
I massaged my temple. Naaalala ko na naman ang mga utang ko. s**t.
Somehow ay nakakarelate ako sa Laney na iyon. Although hindi ko naman naranasam ang nararanasan nya dahil madali naman akong napahiram ng mga nagpahiram sa akin ay pareho kaming desperada.
After ten minutes, itinigil ni Nick sa gilid ng isang mini grocery store ang sasakyan nya. He dialed in his phone.
“Ninang? Nandito na po ako. Gray na Mercedes. Ay hindi po, nasa bahay po yung isa. Sige po.”
Luminga linga sya ilang saglit bago may babae na papalapit na sa amin. The woman was pretty. Naka pixie cut ito at bagamat halatang may edad na rin ay alaga ang katawan at mukha pa rin dalaga.
“Ang init! Mabuti at dumating ka agad.” Nagpunas ito ng panyo sa leeg. Halata ang pagtataka dito nang ma kita nya ako.
“Ninang, si Ezra. Classmate at kaibigan ni Jennica.” To the rescue na sabi ni Nick.
Ngumiti sa akin ang babae. “Hello, Ninang ako ni Nick. Best friend ko ang Mommy nya.”
“Nice meeting you po.” Nakangiti ko rin na sabi.
Pinaandar na ni Nick ang sasakyan nya. Nagkakamustahan silang dalawa habang nakatingin lang ako sa daan. The drive way back was fast, sinalubong kami ni Jennica at ni Tita Roxanne.
“Pinasama ka daw ni Daddy kay kuya? How was the ride?” Malapad ang ngiti na tanong ni Jennica nang paakyat na kami pabalik sa bahay.
“O-okay naman.” Rinig pa namin sa likod ang tawanan nila Tita Roxanne at ng ninang ni Nick.
“Anyway, kakain na tayo! Super late lunch.” Hinila nya ako sa outdoor dining space na nakaharap sa dagat.
Nakahanda na sa hapag ang inihaw na liempo, barbecue, paella, lasagna, nilagang baka at mga prutas. Parang may handaan. Noon ko pa lang naramdaman ang gutom. Nasa table sa isang gilid ang cooler.
Halatang gutom na ang lahat kaya agad na kaming sumalo. Lahat sila may kwento, pwera sa amin ni Nick na tahimik lang na kumakain. Katabi ko si Jennica at nasa kanan naman si Raven. Kaharap ko naman si Nick.
Alas tres na noon, pagkatapos namin kumain ay inaya ako ni Jennica maglakad lakad sa buhangin. Hindi naman na masyadong mainit ang araw. May ilang mga bata ang nagtatampisaw a few meters away.
“Mag bonfire tayo mamaya nila Kuya Nick at Kuya Raven. Tradition na namin iyon kapag nandito kami. Tapos iinom sila Kuya Raven at Kuya Nick hanggang sa malasing sila and they do stupid stuff.” Natatawa na sabi nya.
“Stupid stuff such as?” Na curious ako bigla.
“Secret!” Makahulugan na sabi nya. “You’ll find out.” She grinned at me.
Napanguso na lang ako.
Pinipilit kong I enjoy ang sarili ko dahil hindi ko na alam ang mangyayari sa akin pagbalik ko. I am really lost.
Dahil late na kami nag lunch, late na rin ang dinner. Pagkatapos kumain ay nag aya na si Jennica na mag bonfire sa kapatid at pinsan nya.
Kami ang nagdala ng mga snacks, sila Raven at Nick naman ang nagdala ng inumin at iba pang kailangan.
“Start na ba tayo?” Excited na tanong ni Jennica.
Nanguha kami ng mga pwedeng igatong sa paligid para makapag bonfire. Tapos naglatag kami ng malaking tela para upuan. Abot kamay lang ang inumin sa cooler.
“Start ng alin?” nagtataka na tanong ko.
So far ay hindi pa naman ako tinitingnan ulit ng masama ni Nick at nakakahinga naman ako ng maluwag dahil pinapansin ako ni Raven.
“We usually pley Never Have I Ever game.” Nakangisi na sabi ni Raven. Naka dalawang bote na ito ng local beer pero parang tubig lang ang iniinom nito.
Sabagay, matanda na ito kumpara sa amin na mga kasama nya. Ako naman ay kakabukas pa lang ng second bottle.
“Game!” Umupo si Nick sa tabi ko, si Raven naman sa tabi ni Jennica.
“Who’s first?” Si Jennica.
“Dahil bago si Ezra, sya ang mauuna. Do you know the mechanics?” Si Raven iyon. He patted my shoulder.
“Uh magsasabi ako ng bagay na hindi ko pa nagagawa tapos kapag may isa sa inyo na nagawa na iyon, may parusa? Is that right?” Hindi ko kasi sure. I just heard of the game somewhere.
“Hindi naman necessary na isa. Kahit lahat pwedeng naka experience na. So game?” It was Raven.
Tumango ako. “May parusa ba? Ano?”
Mula sa bulsa ni Jennica ay nilabas nya ang isang lipstick. “Lipstick!” Masigla na sabi nya.
Nagulat na lang ako nang maghubad silang tatlo ng mga damit including Jennica.
FOLLOW ME ON MY SOCIALS!
instagram.com/taleswithelle
twitter.com/taleswithelle
facebook.com/taleswithelle