Chapter 1

2009 Words
Umiikot na ang paningin ko at alam ko na isa o dalawang shot pa at mawawalan na ako ng control sa isip at katawan ko. Pero iyon ang gusto ko. Gusto kong mawala sa sarili ko kahit sandali lang sa pamamagitan ng alak at ng maingay na tunog ng paligid. Gusto ko makalimot sa kung sino ako at ano ang problemang dala ko. "Ezra, tama na. You look flushed." Nilingon ko ang pinanggalingan ng malambing na boses na iyon. Si Jennica. Mapait akong ngumiti. "Kaya ko pa." Umiling iling sya sa akin bago luminga sa paligid at humarap ulit sa akin. "I don't care kung mapagalitan ako sa amin dahil tumakas ako. But I care about you. You need to stop. Kung ano man ang problema mo, you can just tell me. Baka makatulong ako." She looks like she's really concern. Hindi ako sumagot. Malaki ang chance na makatulong sya pero dahil sa kakaunting pride na naiwan sa akin ay hindi ko magawang lumapit sa kanya. "Ezra, c'mon. This is wrong. Umuwi na tayo." Hinila nya ang braso ko pero hindi ako nagpadala. "Gusto ko pa uminom.." Groggy na ang pagkakasabi ko. Jennica sighed. Halata ang disappointment sa maganda at maliit nyang mukha. Hindi kami close. Ni hindi ko nga alam kung magkaibigan ba kami. Basta magkaklase kami at kami ang naging mag partner sa isang project na natapos na namin kanina. Nag aya ako sa kanya na mag celebrate, at kahit may alinlangan sya ay sumama sya. And I dragged her here. Kanina ko pa napansin na hindi sya comfortable. Hindi ko alam kung hindi lang talaga sya palapunta sa mga ganitong lugar o dahil sa mumurahing bar ko lang sya dinala. I spent my last penny drinking to forget, to think na iyon at iyon ang problema ko. Hindi ako suicidal pero ilang beses nang sumagi sa isip ko na magpakamatay na lang dahil sa problema. I hate telling people what's wrong dahil either wala naman silang pakealam at magkukunwari lang din naman silang concern, for sure generic phrase such as 'kaya mo yan'or everything will get better' lang din naman ang maririnig ko sa kanila. And hindi iyon nakakatulong. Lalo lang akong nadedepress. "Ezra, please." Lukot na ang maamong mukha ni Jennica. Pero ayoko pa talaga umalis. "Let's just talk about it. I'll treat you a coffee." Tumawa ako. "Ano, sa Starbucks?" She grinned. "Do you like Starbucks?" I rolled my eyeballs. So naïve. "No. Mas gusto ko ng alak. C'mon, uminom ka na rin." Aya ko sa kanya. Nilagok ko na naman ang inabot na shot glass ng bartender. "I can't drink. I'm driving, remember?" Sya naman ang parang na frustrated. Oo nga pala. Dala nya ang pink nyang kotse. Come to think of it, pwedeng pwede nya naman ako iwan. Sa dalawang lingo na madalas kami magkasama dahil sa project, hindi naman kami naging ganoon ka close. Sadyang mabait lang talaga siguro si Jennica. Madalas kaming gumawa sa bahay nila, at sa kanila kami galing kanina. Ilang beses ko kinailangan na bumalik bago ako nasanay sa laki ng bahay nila. Marahil ang alam ng mga katulong ay ihahatid lang ako ni Jennica sa labas ng village. At baka hanapin na ito sa kanila dahil halos tatlong oras na kaming wala at hindi pa bumabalik si Jennica. "Please, Ezra." "Mauna ka na lang. Iwan mo na lang ako dito." Pinaikot ko ang high chair upang matalikuran ko sya. "I can't do that. C'mon." Hinila nya ulit ang braso ko. This time ay napasama ako dahil hindi ko iyon inaasahan. Nagulat na lang ako nang maglapag ng isang libo si Jennica sa bar counter at mabilis akong hinila papunta sa pintuan ng bar na iyon. Wala akong nagawa dahil wala na akong lakas na hilahin ang sarili ko. Nang makalabas na kami ay para akong nakahinga ng maluwag nang maramdaman ko sa balat ko ang lamig ng hangin sa labas. Binitawan nya ako pero hindi sya lumayo sa akin. Muntik na akong mawalan ng balance. "Ihahatid na kita sa inyo." "Sabi mo manlilibre ka ng coffee?" Taas ang kilay na tanong ko. I might as well take advantage of her as a company. "Fine." "And you told me we'll gonna talk about my problem." I teased. Wala naman ako balak sabihin sa kanya. "Fine." Lumapit sya sa sasakyan nya ay binuksan ang pinto sa tabi ng driver's seat. "Get in." Seryosong seryoso ang mukha nya at gusto ko matawa pero pinigilan ko. Pumasok ako sa sasakyan nya at padabog na sinara nya ang pinto. My, the great Jennica Montenegro's about to get pissed. Mabilis nyang pinasibad ang sasakyan nya nang makasakay na sya. Wala kaming imikan. Seryosong seryoso ang mukha nya at kahit tipsy na ako ay medyo natakot ako thinking na galit na nga si Jennica. Maybe nasagad ko na nga sya. She parked her car in front of Starbucks. I groaned. Talagang Starbucks? Lulugo lugo na bumaba ako sa sasakyan nya. She locked her car at nauna maglakad papasok sa Starbucks. Nahimasmasan na ako pero nasa sistema ko pa rin ang alak. Pipilitin ko na lang sumuka mamaya bago matulog. Nasa counter na sya nang makapasok ako. Mukhang mas mahihimasmasan ako dahil sa lamig ng aircon. Umupo ako sa table na malayo sa pinto at nag relax, madami dami pa rin ang tao sa paligid. Karamihan, either may laptop or nakatutok sa cellphone. Ipinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang sarap ng pakiramdam. Nagmulat ako nang maramdaman ko na si Jennica. Inilapag nya sa harap ko ang isang baso samantalang hawak nya naman ang kanya. Frappe. "What's this?" Nakangiwi na tanong ko. Umupo sya sa upuan na nasa harap ko. "Americano. Para mahimasmasan ka." I groaned. "That s**t is so bitter." I eyed the coffee in front of me. "That's the point." Nakangisi na sabi nya. Wala ako nagawa. Wala na rin namang point na manatili akong may tama dahil wala na rin namang alak. Sumimsim ako at napangiwi. Umayos ng upo si Jennica. Inilapag nya na ang frappe nya sa mesa. "So, care to tell me kung ano ang problema mo?" Nakangiti pa sya. "I have tons of debt to tons of people." Mas mapait ang katotohanan na iyon kaysa sa kape na hawak ko. Nakatingin lang ako sa mesa. Hindi agad nakapagsalita si Jennica. Damn it. Baka isipin nya na uutang ako sa kanya. "Why?" Tiningala ko sya. "Basta, ayoko na pag usapan." "Eh kaya nga tayo nandito. Sinimulan mo na kaya tapusin mo na rin." She insisted. Napakurap ako. Nakakahiya talaga. Jennica's practically a stranger. Block section man kami at halos tatlong taon na kaming magkakilala ay ngayon lang kami literal na nagkasama, dahil sa project pa. Hindi naman ako loner, matipid lang talaga ako magsalita. Ganoon din si Jennica. "N-nakakahiya.." Ang tanging nasabi ko. Nagulat ako nang ginagap nya ang kamay ko. Nagtama ang mga mata namin. "That's what friends are for. C'mon, Ezra." Matipid syang ngumiti. Napalunok ako. Friends? Wow. Here I am thinking kung friends na ba kami. Huminga ako ng malalim. Ayoko maiyak. "Si Mommy kasi." "What happened?" "Iniwan nya na ako. Three months ago na, actually. Wala akong pera, walang kahit ano. Well, may naiwan syang mga alahas. Binenta ko na. Then I started borrowing money to some friends. Before I knew it, baon na baon na ako. Nakakahiya na. I was thinking na one of these days babalik rin si Mommy pero wala. I don't think next sem makakapasok pa ako." Napakurap si Jennica. "Oh." Ang tanging nasabi nya. I groaned. "I'm a f*****g mess." "How much did you owe?" Imbes ay seryoso na tanong ulit ni Jennica. Hindi ako sumagot. "Ezra.." "Almost sixty thousand, I think." Mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung bakit kay Jennica ako nagsasabi o bakit nagsasabi ako sa kanya. Nakakahiya. Maybe I'll just jump at the nearest bridge and die in peace. Mag iiwan na lang ako ng letter of apologies sa mga nautangan ko. I really don't know what to do. Dalawang gabi na akong umiiyak. "I d-don't have that kind of money. I mean, I have, but I don't have access to it-" "It's alright, Jennica. Problema ko 'to." Saway ko sa kanya. "No, Ezra. Problema na natin 'to. Pinilit kita na sabihin sa akin ang problema mo so now it also involves me too." Napalabi ako. "Jennica, please." "Please what?" "Why are you doing this? Ni hindi nga tayo halos nag uusap kung hindi dahil sa project natin." Nagtataka na tanong ko sa kanya. She shrugged her shoulders. "It's because I'm human. If I can help, I will." "But you told me you can't." "I can't. But my brother can and he might." "What? So now pati kuya mo iiinvolve na rin natin?" "Trust me. Mabait naman yun, medyo masungit lang." "Wala akong ipangbabayad sa kanya, Jennica. That's the thing. Kung hihiraman lang, marami akong pwede hiraman. Well, now kaunti na lang. Ang problema paano ko sila mababayaran." Napahilamos ako sa mukha ko. Tinitigan nya lang ako. "Umuwi na lang tayo." Walang pag asa na sabi ko. "No. Hindi tayo uuwi hanggang wala tayong solution." "Jennica, damn it! Alam ko na mabait ka. Sobra. Pero huwag mo na iinvolve sarili mo dito." Kita ko na lumungkot ang mukha nya. "But you're in pain.." Hindi ako sumagot. "I can't let you go back in your house alone. Sa bahay ka na muna. I'll tell Mommy na sa amin ka na muna." "No. Hindi na ako babalik sa mansion nyo." Mariin na tanggi ko. "Three months na akong nabubuhay mag isa. Kaya ko." "I'm sorry. Pero dadami lalo ang utang mo. Please, let me do this for you. Maluwag naman ang kama ko. Pwede tayo mag tabi." Is she for real? Tinitigan ko sya. Nairita lang ako dahil ang amo amo ng mukha nya. "I'm just trying to help. Please let me." "Jennica nakakahiya." "Huwag ka mahiya, please? Remember when you saw someone trying to open my car at the parking lot? Kung hindi ka sumigaw at hindi natakot, baka tuluyan nya nang nanakaw ang mga gamit ko, or worse, ang sasakyan ko. I am so grateful for that. I have been wanting to talk to you pero nahihiya ako. I'm actually glad na ikaw ang naka partner ko sa project." Nakangiti na sabi nya. Nakatingin lang ako sa manipis nyang labi the whole time. Para akong namamagnet sa kanya. Umiling iling ako. "W-wala ýon." "But it's something for me. So please, let me help you." Narealize ko na lang na tinanggap ko ang tulong ni Jennica nang bumaba na kami mula sa sasakyan nya at inaya nya na ako na pumasok. Alas onse na at patay na ang mga ikaw, tanging mga lampshade sa paligid na lamang ang bukas. Dahan dahan ang paglalakad namin. Successful ang pag akyat namin sa kwarto nya ng walang ingay. She opened the lights at muling tumambad sa akin ang kwarto nito na parang pang prinsesa ang ayos. Agad syang pumasok sa walk in cabinet nya. Umupo ako sa gilid ng kama. When she emerged back, may hawak na syang twalya, isang set ng underwear at set ng pajamas. Inabot nya iyon sa akin. "Here, mag shower ka para masarap ang tulog mo. And don't worry, mga bago yang underwear na yan. May stock ako just in case may mga kaibigan ako na mag overnight ng biglaan." She winked at me. Tiningnan ko ang mga hawak ko bago nagpasya na mag shower na nga. Nakapagpalit na sya into a different set of pajamas at nasa kama nya na habang busy sa cellphone nya nang makalabas ako. Nakabalot sa twalya ang buhok ko dahil basa pa iyon. "May blower ako, you can use it-" "Hindi na. I'm fine." Lumapit ako sa kanya sa kama. "Inaantok ka na ba?" Pinilit ko ngumiti. "M-medyo.." "Alright. Papatayin ko na ang ilaw." Nakatulugan ko si Jennica na hawak pa rin ang cellphone nya. Only to wake up the next morning na may gwapong lalaki na nakatunghay sa akin pag mulat ko ng mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD