Turned out, pati sa katawan ay lalagyan ng lipstick. Kapag nadoble o dalawa o tatlo ang naka experience na, jack en poy kung sino na ang susunod.
Kaya pala pinagpalit ako ni Jennica into bikini.
Naghubad na rin ako. Hindi ko mapigilan mapatingin sa katawan ni Nick at ni Raven. Both are very sexy and lean.
“Your turn, Ezra.” Sabi ni Jennica.
I cleared my throat.
“Just sya random things. Naughty things are open. Open naman kaming tatlo sa mga bagay bagay.” Habol pa ni Raven.
“Never have I ever went to Paris.” It was the only thing I can think about.
Jennica and Raven groaned.
“Ano ba yan. Lahat kami nakapunta na doon eh.” Tapos inilahad nya ang braso nya. “Dito mo ako lagyan.”
Si Raven naman ay sa mukha at si Nick naman ay inilahad din ang mukha. Nag jack en poy silang tatlo. In the end, si Raven na ang sumunod.
Lahat kami ay may mga hawak na inumin at panaka naka ang pag inom namin.
“Never have I ever slap someone.” He was grinning.
Nagkatinginan kami ni Jennica, tapos tumingin kami kay Nick.
“Kuya?” Nagtataka na tanong ni Jennica.
Humalakhak si Raven. “Your turn, bro.”
“Have you slapped someone? Why?” Si Jennica iyon na gulat na gulat.
“Basta, I did. Hindi kasama sa game ang magkwento.” Sabi lang ni Nick habang pinahiran na ni Raven ng lipstick sa noo.
“Unbelievable!” Jennica rolled her eyeballs.
“Never have I ever had a threesome.” Bigla ay sabi nya.
Nagkatinginan kami ulit ni Jennica at sumunod na tiningnan namin si Raven na humalakhak na naman.
“Fine. Bumabawi ka.”
“Kuya Rave? Seriously! Yuck!” Parang diring diri na sabi ni Jennica. Mabilis naman itong pinunasan ni
Tumawa lang si Raven. “Hey, I’m just experimental. And that was just a one-time thing.” Kibit balikat lang na sabi nito.
Nakangiwi pa rin si Jennica. Tumawa lang ako.
“Never have I ever had a pet.”
Tinaas ko ang kamay ko. Pinunasan nya ako sa pisngi ng lipstick. Nagka pet na ako ng aso noong High School ako, pero nasagasaan sya kaya na trauma na ako. Masyado akong na attached kay Lyndon. Ilang buwan bago ako naka move on.
“Your turn babe, make it count.” Malapad ang ngiti na sabi ni Raven sa akin.
“Never have I ever been kissed.”
I saw Raven and Nick dropped their jaw.
Tumawa si Jennica. “Okay, silang dalawa lang magja jack en poy!” Pumalakpak pa ito.
“Seriously? You have never been kissed?” Sabi pa ni Raven kahit na pinupunasan ko na sya ng lipstick sa ilong.
“Oo nga.” Natatawa na sagot ko.
Nang si Nick na ang papahiran ko ay nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam na nakatitig pala sya sa akin. Umiwas ako ng tingin pero nang tingnan ko sya ulit ay nakatitig pa rin sya.
Pakiramdam ko ay mapapaso ako. Linagok ko na lang ang laman ng bote na hawak ko.
“Kuya! Jack en poy na!” Siniko ni Jennica si Nick.
Si Nick ang natalo kaya sya naman ang susunod.
“Never have I ever got into a car accident.” Agad na tiningnan ni Nick si Jennica.
Sumimangot si Jennica. “Fine.”
Tumawa naman si Raven.
Pinunasan ni Nick si Jennica sa balikat ng lipstick.
“Never have I ever had sex.” Nakanguso na sabi ni Jennica.
Hindi ako gumalaw.
“Dinadaya nyo yata kami eh?” Natatawa lang na sabi ni Raven.
Sa huli, si Raven ang pinaka madaming pahid ng lipstick at si Jennica naman ang pinaka kaunti. Uminom pa kami at naligo na sa dagat.
Masaya ako na hindi ako na awkwardan dahil kay Nick. Mukhang bumabait naman na sya sa akin pero I don’t want to take any chances. Gustohin ko man na ibahin ang tingin nya sa akin ay hindi ko alam kung paano.
Nauna kaming umakyat at naligo ni Jennica. Naiwan sila Raven at Nick sa baba. Mukhang mag iinuman pa ang dalawa. Naka tatlong bote ng beer lang ako at tama na iyon pampa antok.
Tuwang tuwa ako sa kwarto namin ni Jennica. Nasa second floor iyon ng bahay, nakaharap rin sa dagat at may veranda. Bukod pa sa glass walls at windows, puti pa ang lahat ng gamit.
Nang mapatuyo ko na ang buhok ko ay agad akong humiga sa kama. Sa susunod na araw pa raw kami uuwi sa Manila. Bukas daw ay pupunta kami sa isang hotel sa malapit kung saan share holder si Tito Nikko.
Nag stay kami ni Jennica sa veranda. Kitang kita namin sa baba sila Raven at Nick na umiinom pa rin sa buhangin.
“So hindi ka na talaga papasok next sem? Saan mo balak mag apply?”
“Ewan ko, maghahanap ako agad.”
“Sabi ko naman sayo baka may vacant sa company ni kuya.”
Tumawa ako. “Ayan ka na naman.”
“Ano ba kasing mali doon? At least madadalaw pa kita kung sakali.”
“Kapag wala na akong choice at may vacant doon, baka mag apply ako.” Sabi ko na lang sa kanya.
“Ang kulit mo naman kasi.” Nakanguso na sabi ni Jennica.
Pasado alas onse na kami nakatulog at hindi namin naisara ang kurtina kaya pareho kaming nagising sa silaw ng araw mula sa glass door sa veranda. Hindi na kami nakatulog ni Jennica kaya bumangon na kami.
Pagbaba namin ay hinahanda na ang pagkain ng dalawang katiwala dito sa vacation house. Naabutan namin na nagbabasa ng news paper si Tito Nikko sa sala.
“Dad, nasaan si Mommy? Sila Kuya Rave at Kuya Nick?” Tanong ni Jennica nang hindi namin Makita kung saan sila.
“Naliligo sa dagat ang Mommy mo at Tita Yna mo. Yung dalawa naman, nag jogging.”
Sinilip namin sila Tita at naliligo nga sila.
Nauna na kaming kumain ng agahan na dalawa dahil nagkape lang si Tito at naliligo pa sila Tita. Wala pa rin sila Raven at Nick.
Patapos na kami kumain nang pawisan at humihingal pa na dumating ang dalawa. Basang basa ang mga suot nilang sweatshirts. Naglakad lakad ang dalawa sa kusina at tsaka lang uminom ng tubig nang mawala na ang hingal nila.
“Sasama ba kayo sa hotel later?” Tanong ni Jennica sa dalawa.
“Nope. I should get back to Manila before three. I have a meeting. Enjoy na lang kayo.” Sabi ni Raven at muling uminom ng tubig sa baso.
“Wala na nga si Tito Astor, maaga ka naman aalis.”
“Baby, naisingit ko lang talaga ‘to kahapon. I’m sorry. Babawi na lang ako.” Ginulo ni Raven ang buhok ni Jennica bago ito naunang umakyat.
Humingi naman ng twalya sa kasambahay si Nick at sumalo na sa amin although patapos naman na kami. Paakyat na kami nang sila Tita Roxanne naman ay umahon na sa dagat.
Hindi na kami naligo ni Jennica dahil doon sa pool sa hotel na daw kami maligo. Nag suot na lang kami ulit ng bikinis underneath our clothes.
Nauna nang magpaalam si Raven bago kami naka alis. Babalik lang rin daw kami mamayang hapon dito at bukas ng umaga ay babyahe na pabalik.
Babalik na ako sa totoong mundo. Sa totoong buhay ko.
Bagong gawa pa lang pala ang hotel. Isang buwan pa lang daw iyon na nag ooperate sa La Union at half of the reason for this vacation is to visit it. Lahat kami ay nag check in sa presidential suit. Tatlo ang kwarto, spacious na living room at kitchen.
May pool sa rooftop at may pool rin sa baba.
Nag ikit ikot muna kami ni Jennica. Pinipilit ko iwaglit sa isip ko ang katotohanan na bukas, haharapin ko na ang mga problema. Living with Jennica might not solve my problem per se, but it helped me in making my sanity still intact.
Kung hindi ako pinilit ni Jennica na tumira muna sa kanila, kung hindi siguro ako nagpakamatay ay may nagtangka na sa akin pumatay sa mga inutangan ko.
Bahala na!
Kinuhaan ko ng picture si Jennica sa bawat anggulo ng hotel. Naka shorts at maluwag na t-shirt lang sya but she looks like she belonged in this elegant place.
Maya maya ay tinawagan si Jennica ni Tita Roxanne para bumalik na. Pinagbihis si Jennica dahil ipapakilala daw silang magkapatid sa mga official ng hotel. Kaya kami ang naiwan ni Tita Yna.
She stayed at the other room while I stayed at the other room. Nag kwentuhan kami saglit bago sya nagsabi na iidlip muna at inaantok pa daw sya. Ako naman nakatulala lang sa kisame habang nakahiga sa malambot na kama.
Hindi ko na namalayan na nakatulog ako.
Naalimpungatan ako nang makarinig ako nang ingay. Bumangon ako at na realize na cellphone iyon ni Jennica. When I looked around, she’s nowhere. Lumabas ako at nakita na nasa sala sya.
Inabot ko sa kanya ang cellphone nya. Nagpasalamat sya at nang matapos kausapin kung sino man ang tumawag sa kanya ay hinarap nya ako.
Suot nya na ulit ang suot nya kanina.
“Kain muna tayo tapos ligo na tayo sa pool.”
Tumingin ako sa wall clock. Pasado alas onse na.
May naka reserve na table para sa amin nang bumaba kami sa restaurant ng hotel. Nandoon na sila Tita at Nick. Kami na lang ni Jennica ang wala.
After the sumptuous meal, nagulat ako nang sumama sa amin si Nick para maligo at maglibot. I can see some girls ogling at him at parang wala lang iyon sa kanya.
I don’t know why I liked the fact na hindi nya pinapansin ang mga babaeng ‘yon. Naglakad lakad muna kami para bumaba ang kinain namin bago maligo. Sa rooftop pool namin napagpasyahan na maligo.
Mas kaunti ang tao at exclusive lang pala iyon sa mga naka check in on the De Luxe rooms to Presidential suite.
Sampu lang kami halos na nandoon. When Nick removed his shorts, napansin ko na may kumukuha ng video sa kanya sa di kalayuan. Mag babae na mas bata pa yata sa amin. Sinamaan ko sila ng tingin at agad naman silang naka intindi.
Nag stay kami sa four feet deep dahil naghahabulan at naglalaro lang naman kami ni Jennica pero si Nick ay nasa six feet doing some laps.
“Sus. Pasikat nanaman yung isa dyan.”
Tumawa ako. “He’s really good.”
“Palibhasa you’re crushing on him.” She rolled her eyeballs.
Sinabuyan ko sya ng tubig. “Of course, not!”
Tumitili sya ng tumitili at umaatras habang papalapit naman ako ng papalapit. Nagulat na lang ako nang madulas si Jennica.
Parang nalaglag ang puso ko nang marinig ko ang pagka bagok ng ulo nya sa gilid ng pool, then before I knew it, there’s blood on the water at sumisigaw na si Nick.
“J-Jennica!” Nang matauhan ako ay agad ko syang nilapitan.
“Jennica!” Sigaw ni Nick. Mabilis nyang binuhat at inahon ang walang malay na si Jennica. Agad na napuno ng dugo ang mga braso ni Nick nang buhatin nya ang kapatid nya.
Mabilis akong sumunod. Umiiyak na ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. We were just playing..
Agad na tumulong ang mga lifeguard na nasa paligid. Nanginginig ang mga tuhod ko, hindi na ako nakahabol sa elevator na pinagsakyan nila. Nicks been screaming, calling Jennica.
Nanghihina na napakapit ako sa barandilya ng hagdanan. Si Jennica..
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumalik sa suite namin. Hindi ko alam kung saan dadalhin si Jennica. Buong oras akong lumuluha. Ilang oras akong naghintay sa suite. I was chanting prayers. My insides are shaking.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hawak ko lang sya kanina. Tapos puro dugo na. Masakit na ang mata ko kakaluha pero hindi ko mapigilan ang umiyak.
Pasado alas sais na ng hapon nang bumukas ang pinto ng suite. Iniluwa noon si Nick. Namumugto ang mga mata at magulo ang mga buhok.
Napahagulhol ako kahit wala pa syang sinasabi.
“N-Nick..” Akmang lalapitan ko sya pero umiwas sya.
May kinuha sya sa bulsa nya. Isang envelope. Makapal ang laman.
“Nick kamusta si Jennica? Anong lagay nya?” Nag aalala na tanong ko.
Hindi sya sumagot. Masama ang tingin nya sa akin. Sinisisi nya ba ako? Oh God.
Inilapag nya sa glass table sa sala ng suite ang envelope.
“That’s one hundred-thousand-peso cash.”
Tiningnan ko ang envelope. Bakit nya iyon sinasabi sa akin?
“Kunin mo yan and disappear from Jennica’s life. Disappear from our lives!
Ayoko nang makita ka pa dito pagbalik namin.” Every word stung. Ngayon ay nanlilisik na ang mga mata nya.
Nanginig ang mga tuhod ko.
Gusto ko magpaliwanag pero wala ako masabi.
Tumalikod si Nick at iniwan ako mag isa.
FOLLOW ME ON MY SOCIALS!
instagram.com/taleswithelle
twitter.com/taleswithelle
facebook.com/taleswithelle