DAHIL sa nangyari sa kanya, ibinalik ni Supremo ang drone sa buong area. Ginagamit lang nila iyon dati kapag may event dito or private na meeting na nagaganap.
“Ouch!” daing ko nang dampihan ni Silent ng gamot ang sugat ko. Nilinis niya dahil oras na.
Buong araw siyang tulog kahapon dahil sa gamot na nainom. Hindi na siya nagpadala sa ospital dahil kaya naman na niya. Si Silent lang gumamot sa kanya. Sanay na kasi sila. Kaya din naman niya ang sarili, kaso binilin siya ni Supremo dito. At Ginigising lang din siya nito sa tuwing lilinisin ang sugat niya. Gaya ngayon.
“Kanina pa may tawag nang tawag sa cellphone mo,” anito.
“Sino?”
“Mayor E?” Patanong pa iyon.
Napangiwi siya nang marinig ang sinabi nito. Hanggang ngayon, hindi pa siya nagpapasa ng resume dito. Mas matatagalan nga siguro dahil sa sugat niya. Nasabi na raw kay Supremo at pinagpapahinga siya nito kaya sinusulit niya.
“Hayaan mo ‘yon,” aniya na lang.
At least, matagal-tagal pa bago siya mainis sa magiging boss.
Maghapon sana ulit siyang matutulog nang pagbawalan siya ni Silent.
“Try to stretch naman. Paano ka gagaling?” anito sa kanya. “Okay.”
Tinulungan siya nitong tumayo. Kaya naman niya, nga lang, baka dumugo ang hita niya kaya hindi niya muna pinupwersa.
Sa duyan siya nagpalipas ng oras habang nakikinig ng radyo. Na-miss niya ang buhay probinsya, kaya naman, radyo lang siya. Dahil may FM station naman ang Caramoan, nakinig na lang siya gamit ang telepono. Kinonekta pa niya sa speaker nila na nasa loob. Sobrang lakas kaya dinig na dinig sa labas.
Bandang alas-kuwatro ng balikan siya ni Silent. May bitbit itong miryenda. Kamoteng-kahoy na nilaga.
“Masarap ‘to kapag may niyog,” aniya.
“Walang niyog, e. Ikukuha ba kita?” Tinuro pa nito ang buko.
“Niyog na ginagamit sa gata, hindi buko.”
“Niyog pa rin naman, a. Tikman mo, masarap siya kahit na kamoteng-kahoy lang.”
Akmang susubuan siya nito nang makita si Grecco na palapit.
“Long time no see! Na-miss mo siguro ako kaya ka napapunta—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang makita ang lalaking nakasunod dito. Nakasuot ng kaswal na puting damit lang at shorts na pinaresan nito ng sneakers. At naka-sunglasses pa.
Pero teka, umabsent si Mayor?
Muntik na siyang mabulunan nang bigla na lang isubo ni Silent ang nasa tinidor nito na kamoteng-kahoy. Napilitan tuloy niyang nguyain. Saktong papasok na ng bakuran noon sila Mayor Eric at Grecco.
“Explain, Miss San Jose!” umalingawngaw boses ng Mayor kaya napasimangot siya.
Kita niya ang pagsenyas ni Grecco kay Silent kaya napabitaw ito sa tinidor na hawak at iniwan siya. Sinulyapan ito ng Mayor bago tumingin sa kanya.
“What? Wala kang sasabihin.” anito ulit nito.
“Wala po. Kasi hindi ko po alam ang pinagpuputok ng butse mo. May problema ho ba kayo sa akin, Mayor?”
Saglit na natigilan ang Mayor. “You submitted your resume at no appearance sa loob ng dalawang araw?”
“Ho? Ako, nag-send ng resume?”
Rumehistro ang galit lalo sa mukha ng Mayor. “Fvck!” anito, sabay talikod sa kanya. Kita rin niya ang pagkuyom nito ng kamao habang palabas ng bakuran nila.
“Ah, kahapon pa siya ganyan. By the way, si Thy nag-send ng resume mo,” mabilis na
Hindi na siya nakapagsalita, sinundan na niya nang tingin si Grecco na mabilis na sumunod sa amo nitong nawala na sa paningin niya.
Nilingon niya si Silent. “Anyare?”
“‘Yan ang hindi ko alam,” tanging sambit niya. Nagpumilit pa siya nang tayo mula sa kinauupuan. Mabilis naman siyang inalalayan ni Silent papasok.
Dahild hindi niya maintindihan ang pinagpuputok ng butse ni Mayor, tinawagan niya si Thy at tinanong tungkol sa sinabi ni Grecco.
“Ano? Hinack mo ang email ko at sinend ang resume ko?”
“Yep. Hinahanap na kasi ni Mayor. Naririndi ako kakapagalit niya kay Miss Kara kaya sinend ko na para matahimik. Kaso… nagalit na naman.” ani ni Thy sa kabilang linya.
Naiintindihan na niya kung ano ang sinasabi ni Mayor na resume. Pero ang babaw, huh!
NAPILITAN siyang pumasok kinabukasan. Tiniis niya ang kirot ng hita niya dahil sa sugat na natamo niya sa pakikipaglaban sa lalaking iyon.
Para walang masabi si Mayor, inagahan niya nang alis sa bahay nila. Sa Centro niya balak mag-almusal.
Malapit na siya sa gate nang makasalubong si Silent.
“Saan ang punta mo sa lagay na ‘yan?”
“Papasok.”
“What? Ang sabi ni Sup—” Luminga ito sa paligid. Walang tao, kaya nagpatuloy ito. “Ang sabi ni Boss, hindi ka pa pwedeng pumasok. Papakiusapan na lang muna niya si Mayor.”
“Tingin mo, hindi magwawala ‘yon? Baka aalis na si Ate Kara kaya kailangan nang ma-turn over ang mga gagawin.”
Napailing na lang si Silent. “Don’t forget to take your med. Siguradong matagal gagaling ‘yan.”
Ngumiti siya sa kasamahan. “Thanks.” Tinanguhan siya nito kaya umalis na siya sa harapan nito.
Hindi pa siya pwedeng gumamit ng motorsiklo kaya mag-commute siya. Kaagad niyang tinungo ang terminal at sumakay sa habal-habal. Ang habal-habal ay motorsiklo na pampasahero. Uso kasi iyon sa mga probinsya gaya dito sa Caramoan.
Sa paboritong kainan siya nagpababa. Sobrang aga pa kaya dito muna siya nagpahatid para kumain. Pansit at pandesal ang inorder niya sa kainan. Nagpatimpla din siya ng kape.
At dahil maaga pa, tumambay muna siya ng ilang minuto doon. Alas-otso pa naman ang pasok sa munisipyo.
Balak niyang puntahan mamaya ang lisensya niya. Baka naawa si Mayor at binalik na doon. Akala niya, iyon ang ibibigay nito kay Maliyah, hindi pala. Panyo niya pala na naiwan niya noon. Noong panahon pa ng kopong-kopong– ang ibig niyang sabihin, mga panahong baliw siya sa alkalde.
“Eh, ngayon ba?” singit ng boses sa isipan niya.
Pinilig niya ang ulo niya at ikaika na naglakad para pumara ng padyak. Ang padyak naman ginagamit na transportasyon dito sa Centro. Bicycle lang naman ito na tatlo ang gulong. Pedicab o traysikad ang ibang tawag nito sa ibang lugar. Ginagamit ang transportasyong ito sa mga hindi kalayuang distansya.
“Sa munisipyo, Manoy,” aniya sa driver ng padyak driver na huminto sa kanya.
Mahigit limang minuto din ang itinagal ng biyahe nila dahil mabilis pumadyak si Kuya.
Sarado pa ang munisipyo dahil tatlumpung minuto pa bago ang alas-otso. Tumambay muna siya sa labas. Tumabi siya sa ilang tauhan na nagtatrabaho sa munisipyo. Nakikinig lang siya sa usapan ng mga ito.
Sampung minuto bago ang 8am ay nakita niya si Ate Kara. Kaagad siyang lumapit dito. Pero inayos niya ang lakad, tiniis lang niya ang kirot na nararamdaman. Nagliwanag naman ang mukha nito nang makita siya. Nakinig lang siya habang nagkukuwento ito sa kanya tungkol sa nangyari kahapon.
“Firs, linigon ta muna ang lamesa ni Mayo. ‘Yan ang inot mong gigibuhon pag-abot. Habo niya ng maalpog na lamesa,” anito nang makapasok sila. Ang ibig sabihin ni Ate Kara, paglilinis sa mesa ni Mayor ang unang gagawin niya sa umaga dahil ayaw daw nitong maalikabok ang mesa nito.
Ang daming tinuro pa ni Kara sa kanya. Pati ang pagtimpla ng kape, mga schedule at incoming na event na gaganapin, mga dapat niyang tatandaan lalo na kapag town fiesta. Ah, pati ang ayaw at gusto ni Mayor kapag nagtatrabaho ito.
Pasado alas-diyes na noon kaya pinag-break muna siya ni Kara. Imbes na i-consume ang breaktime, nanatili siya sa comfort room sa baba. Doon siya nagpahinga pagkatapos na palitan ang nakatapal sa sugat niya.
Pagbalik niya ay saktong dating din ng Mayor. Hindi man lang siya nito tinapunan nang tingin at si Kara ang tinawag lang nito. Kaya naman, naiwan siya sa harap ng computer at ipinagpatuloy ang nasimulan ni Kara. Pero pagbalik ni Kara ay sinabi nitong pinuna daw ni Mayor ang suot niya. Leather jacket, na puti ang inner at itim na pants naman kasi sa baba ang suot niya. Gusto raw nitong pormal dapat ang suot niya lalo na kapag haharap sa mga tao. Eh, sa wala siyang gamit dito. Nasa Maynila kaya. Saka na lang siya magsusuot ng gano’n kapag napakuha na niya ang mga damit na pupuwedeng masuot dito.
Bandang ala-una y medya nang yayain siya ni Kara na tumayo at mag-ayos. Sasama daw sila sa Mayor papunta sa school. May meeting daw ito doon kasama ng Principal. At para makabisado na raw niya ang gagawin din kapag ganoong mga meeting.
Kahapon lang, nagagalit sa kanya ang Mayor, ano? Ngayon naman, hindi siya nito pinapansin. Ah, hallelujah! Mas gusto niya ito kung alam lang nito. Hindi na niya pinapangarap na makatrabaho ito talaga. Kaya mas maiging hindi sila nag-usuap na dalawa. Alam naman nito ang nakaraan nila kaya dapat maintindihan nitong hindi sila pwedeng magkatrabaho dapat. Pero heto, tinanggap nito ang rekomendasyo ni Supremo.
Alas-otso ng gabi nakauwi si Kara kaya gano’n din siya. Sadyang pinauna niya ito nang lumabas ito ng bahay ni Mayor bago sumunod. Pinapasabay siya nito dahil may sumundo dito pero tumanggi siya. Nilakad niya ang bahay ni Mayor hanggang Centro. Wala kasi siyang makitang padyak dahil mahirap na kapag ganoong oras makakuha. May nakita naman siya kaso may mga sakay.
Hindi pa man siya nakakarating sa terminal nang maramdaman ang pagkirot ulit. Naupo na siya sa gutter sa tabi ng poste at kinapa ang may benda. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit. Pagtingin niya rin sa kamay ay may dugo kaya napailing siya.
Nasa kalsada siya kaya mahihirapan siyang magpalit ng benda kaya naman nagpasya siyang punitin na lang ang bahaging iyon. Walang katao-tao sa bahaging iyon kaya ayos lang sa kanya. Tinanggal niya ang benda saka binalot sa plastic saka isinilid sa bag. Napangiwi siya nang makita ang itsura ng baba niya. Kabilang hita niya ay maayos, samantalang sa kabila ay may punit.
Akmang huhubarin niya ang jacket para ipapangtakip sana doon nang may humintong sasakyan sa harap niya. Kasunod niyon ang pagbukas ng pintuan at inuluwa ang nakaupong si Mayor Eric. Bumaling ito sa kanya. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa hita niyang may punit.
Napalunok siya nang bumaba ito at basta na lang siya nito pinangko at isinakay sa may loob. Hindi na siya nakapalag dahil wala na siyang oras para harapin iyon dahil nasa bisig na siya nito. Matagal na naman kasi siyang bumalik sa sarili dahil sa pamilyar na pabango nito. Ang pinakapaborito niyang pabango nito.
“Bumalik tayo sa bahay,” ani ni Mayor sa driver– kay Grecco na sumulyap pa sa kanya.
“Yes, Mayor,” sagot naman ni Grecco at pinaandar ang sasakyan.
Nang makitang pinikit nito ang mata ay tumingin siya kay Grecco.
“S-sa bahay na lang, Grecco,” aniya sa kaibigan sa mahinang boses.
“Sige,” sagot naman nito.
“I said sa bahay, Sandoval!” malakas na boses ng Mayor ang umalingawngaw sa loob ng sasakyan.
“S-sabi ko nga po, Mayor,” ani na lang ni Grecco at sa daan na ang tingin.