Mabilis ang naging kilos nilang mag-ina nang sabihin ni Mayor na sa hindi sila mag-aalmusal dito. Talagang ngayon ang sinet nito para sa trip na ito. Ano kay ang naisip ng anak at tinanggap ang ganitong klaseng regalo?
“Ang bait-bait ni Mayor, Mama, ano? Tapos ang pogi-pogi at ang bango niya pa po.” Alanganin ang ngiti niya nang balingan ang anak na nasa tabi na kinikilig. Matagal pa niya itong tinitigan. Parang siya lang noon kapag kinikilig. Mana-mana lang?
Lumingon si Mayor na nasa unahan. Mukhang narinig ang sinabi ng anak.
“Thank you, little princess,” anito. Kita niya sa gilid ng mata niya na sumulyap ito sa kanya pero hindi siya tumingin. Sa telepono niya siya tumutok.
Hinayaan na lang niyang ang dalawa na mag-usap. Ah, sinama niya ang nag-aalaga kay Maliyah kasi mananahimik lang talaga siya.
“Talaga po? Kaibigan niyo po si Mommy?” Napakunot ako ng noo sa sinabi ng anak.
“Yeah. Hindi ba sa ‘yo nasabi ng Mommy mo?”
“No po.” Tumingin siya sa Mayor na napalis ang ngiti.
Napataas ang sulok ng labi niya. Nagkunwari siyang may binabasa noon sa telepono.
“Buti nga sa kanya,” ani ng isipan niya.
Akala siguro ng Mayor na ‘to, may pag-asa pa sa kapatid. Ni hindi nga mapaghiwalay ang mag-asawang De Leon. Saka possessive masyado ang Kuya Ezekiel niya sa Ate. Sana all na lang talaga may nagdadamot sa ‘yo mula sa iba.
Napatingin siya sa gawi ng Mayor nang mapansing papasok sila sa magarang bahay. Hindi siya pamilyar dito. Hindi ito ang bahay na pinupuntahan niya dati. ‘Yong bahay nitong araw-araw na lang nakasilip siya.
Hindi kaya bahay ‘to ni Eric at ng Misis nito?
Napalabis siya sa isiping iyon. Tumingin pa siya sa anak na tuwang-tuwa nang sabihin ni Eric na dito sila mag-aalmusal. Ano ‘yon, kasama ang pamilya nito?
“S-sa Centro na lang po kami mag-aalmusal, Mayor. May binilin kasi si Ate na bilhin ko doon. Kaya doon na lang po–”
“Nandito na tayo. Maya mo na lang balikan ang bibilhin mo doon.”
“Pero–”
“Sayang ang pagkaing pinahanda ko para kay Maliyah.” Kasabay niyon ang pagbaba nito. Pinagbukas na kasi siya ni Thy ng pintuan.
Nagpakawala na lang siya ng buntonghininga. Pinangko na rin nito si Maliyah kaya hindi na rin niya napigilan.
Nahihiyang bumaba siya. Pero napakalma siya nang makita si Grecco at Thy. Lumapit siya dito at hinayaang pumasok ang anak at si Mayor.
“Mukhang nakakuha ng Yayo ang anak mo, a. At bigatin pa,” nakangiting sabi ni Thy sa kanya nang maupo siya sa tabi nito.
Napangiti lang siya.
“Magaling ba?” sakay niya dito.
“Sinabi mo pa. Totoo nga ang sinasabi nilang, like mother, like daughter.”
“Hey, speaking of Maliyah. Hindi pa pala tayo nag-uusap,” ani ni Grecco sa kanya nang lumapit din sa kanila.
Napangiti siya nang maalala na naman ang panti-trip kay Grecco.
“Saka na,” ani lang niya at tumingin kay Thy.
“Iwan mo nga muna kami, Thy.” Si Grecco
“Tsk. Ako ang nauna dito, kay hindi ako ang aalis. Kung gusto niyo, kayo ang umalis?” anito.
“Saka na nga ‘di ba? Tinatamad ako magsalita. Wala rin ko sa mood. Baka mamaya ma-wrong call ako sa pumpkin mo. Sige ka,” Tinaas pa niya ang telepono niya.
“Subukuan mo,” banta ni Grecco.
“Talagang gagawin ko kaya manahimik ka muna, nagdadasal ako.” May text rin kasi si Supremo sa kanya. Hingin na lang daw niya sa opisina ang inihanda ng mga ito na resume na ipapasa niya raw kay Eric. Ito ang kagandahan kapag nasa misyon, ready na ang lahat. Ipapa-print na lang niya mamaya kapag na-send na sa kanya.
Nang makita ang mukha ni Grecco ay natawa siya.
“Alam mo ikaw, ang slow mo. Ano? Tapos naiinis ka. Kapag ikaw nanti-trip sa akin, naasar ba ako?”
“Oo o hindi lang, Dana. Kokota ka na sa akin.”
“Hindi. Okay na? Makakatulog ka na?” Sinundan niya iyon nang ngisi kaya napamura ito. Pero mukhang nakaluwag na siya nang maayos. Maaliwalas na ulit ang mukha nito.
“Ouch!” daing niya nang pitikin ni Grecco ang ilong niya. Mukhang nakabawi na dahil humalakhak na ang loko.
Akmang gaganti siya nang makita ang lalaking nakatunghay sa kanila. Blangko ang ekspresyon niya kaya wala siyang maanalisa kung ano ang nasa isipan nito.
“Hinahanap ka ng anak mo.” Sabay talikod nito na ikinataas niya ng kilay.
Nandoon naman ang si Ate Glenda, a. Naibilin na niya ang anak dito. Kaya ibinalik na lang niya ang tingin sa telepono. Nawala na rin sa harapan nila si Grecco.
“Miss San Jose!” Napapitlag siya nang marinig ang boses ng Mayor.
“Pumasok ka na. Baka makahalata pa ‘yan na kaisa ka namin,” baling ni Thy sa kanya. Busy ito sa tablet nito at mukhang nagtatrabaho na nga.
Nakaingos na tumayo siya pero pinalis din niya nang makita ang Mayor na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Buti na lang busy si Thy, hindi nito nakikita ang mukha ni Mayor.
Napilitan siyang humakbang nang mabilis at lumapit sa Mayor. Mukhang hinihintay siya nito.
“Hindi ka pa rin nagbabago, nagpapansin ka pa rin sa mga lalaki,” anito, sabay iwan sa kanya.
Nagpantig ang tenga niya sa sinabi nito pero wala na ito. Ang sakit no’n, huh. Naikuyom na lang niya ang kamao.
So, naalala nito ang pagbuntot-buntot niya dito noon? Kung gaano siya kalantarang nagsasabi ng nararamdaman dito. At iyon ang na-remain sa utak nito. Ah, paki niya ba! Hindi siya nito kilala kaya bahala itong mag-isip.
Dahil sa sinabi ng alkalde, wala siyang imik. Dahil kapag umimik siya, baka lumabas lang ang inis niya dito. Kaya si Ate Glenda niya ang pinapasagot niya kapag may tanong ito tungkol kay Maliyah.
Wala silang kasalo nang kumain. Tatlo lang sila. Mukhang wala ang asawa nito dito kaya siguro nadala nito si Maliyah dito.
Dala-dala niya ang inis hanggang sa ipasyal na ang anak ni Mayor. Hindi siya dumidikit sa mga ito. Nagmumukha siyang katulong dahil nasa likod siya ng mga ito lagi kapag nasa isang lugar.
Sa mga lugar na hindi matao dinadala ni Mayor ang anak. Nakabuntot naman si Ate Glenda kaya nagsasarili siyang mundo. Nandito sila ngayon sa dam ng Caramoan. Pero hindi naman niya tinatanggal ang tingin talaga sa anak dahil malawak ang lugar at malalim ang dam.
Hindi lang dam ang pinuntahan ng anak, pinuntahan din niya ang malaking simbahan dito sa Caramoan. Nilibot rin ng anak ang Poblacion pero nakasakay nga lang sa sasakyan dahil hindi naman basta-basta ang taong kasama nila, Alkalde kasi ito ng bayang ito.
Halata na ang pagod sa mukha ng anak kaya napilitan siyang magsalita. Kakabalik lang nila noon sa bahay ng Mayor. Pasado alas-dose na noon, oras na ng kainan nga.
“Kailangan na po naming bumalik. May mga naghihintay pa pong bisita sa amin,” aniya sa Mayor. Seryoso siya nang harapin ito.
Napatingin siya sa kasambahay ng Mayor.
“Miss Dana, may naghahanap po tabi sa imo sa luwas. Ezekiel daw ang pangaran.”
“Si Daddy Zeke po ‘yon!” singit ng anak nang marinig ang pangalan ng ama-amahan.
Hinarap niya ang anak. “Yes, Maliyah. Sinusundo na tayo. Naghihintay na raw ang mga classmate mo doon. Last day na nila ngayon, remember.”
Bahagyang nalungkot ang anak. Tumingin si Maliyah sa Mayor.
“Uuwi na po kami, Mayor,” malungkot na sabi ng anak.
“Ganoon ba.” Sumulyap ito sa kanya bago muling nagsalita.
“Opo.”
“Marami pa naman sigurong next time,”
“Uuwi na rin po kami bukas ng Maynila, e.”
“Oh. Okay.” Alanganin ang ngiti nito.
“Anak, tara na.” Hindi na niya bibigyan nang time na humaba pa ang oras ng pakikipag-usap nito sa anak. Baka kung ano pa ang masabi nito.
“Bye po! Salamat po ng wantwasan times, Mayor Eric!” paalam ng anak nang pangkuin niya.
“My pleasure, Princess,” ani lang nito.
Hindi na niya sinulyapan ang Mayor dahil tumalikod na siya. Pero kita niyang nagba-bye pa rin ang anak dito.
Hindi na pumasok si Kuya Ezekiel dahil ayaw pala nitong makita ang mukha ng Mayor. Hindi talaga ito makalimutin pagdating sa taong mahal nito.
Nakatulog si Maliyah sa biyahe kaya naman hindi na ito nakapaglaro kasama ang ibang kaklase. May mga nauna na ngang umuwi pagdating ng alas-tres. Sunod-sunod na kasi ang dating chopper. Pero ang sabi ng Ate niya, may mga nag-commute at sa Naga na sumakay ng eroplano pabalik ng Maynila.
Sinulit niya ang araw at kinabukasan na iyon na kasama ang anak. Kailangan na ring bumalik ng mga ito dahil may pasok na sa susunod na mga araw. Kung nasaan ito, nandoon siya. Lahat ng kilos na ‘to, sinisiguro niyang siya ang hinahanap nito. Minsan lang siya magkaroo ng quality time sa anak kaya masasabi niyang makabuluhan ang pinagsamahan nila hanggang sa umalis ito kasama ng mga kapatid.
MALUNGKOT na ngumiti siya nang marinig ang pagtilaok ng manok. May manok malapit sa bahay nila na pag-aari ng isa sa tauhan ng hotel. May kubo-kubot ito na malapit sa kakahuyan.
Kinapa niya ang tabi niya, wala na ang anak. Bumalik na ito ng Maynila kagabi pa. Kay naman, iyak siya nang iyak. Nakaka-miss. Pero kailangan niyang kumayod para dito. Wala namang ibang magsisikap para sa kinabukasan nito kung hindi siya.
“Sh*t!” mura niya, nang maalalang makalimutang i-send kay Kara ang resume niya nakaraan. Kahapon, hindi rin niya naharap dahil busy siya sa anak.
Napilitan siyang gumayak at nagpunta ng Centro. Doon na lang din niya naisipang kumain. Kahit libre ang pagkain niya sa hotel dahil sa pag-aari nga ng pinsan niya, hindi siya kumakain doon.
Palabas na siya noon nang matigilan. May lalaking nakatayo sa tabi ng niyog. Nakatingin ito sa kanya. Hindi niya kilala at mukhang hindi taga-rito kaya kinabahan siya. Ang tindig nito ay iba sa mga taong nakikita niya dito. Saka tikas ng tindig niya.
“Hindi kaya tama si Grecco?” tanong niya sa isipan niya.
Hindi siya nagpahalata nang sinimulang maglakad palabas ng bakuran. Alerto siya pero naroon ang kaba niya. Baka mamaya, napadaan lang. Pero may tinig sa isipan niya na kumukontra.
Nakalayo na siya sa bahay nila. Walang katao-tao doon dahil medyo marami ang puno saka sila lang ang naroon na bahay. Ang isang bahay ng tauhan ng pinsan nila ay hindi dito ang daan kung hindi sa kalsada, sa may labas. Pero sa loob ng area na pag-aari ng HDA ang kinatatayuan ng bahay nito. Likod nga lang ng bahay ng mga ito ang natatanaw niya mula sa bahay nila. Kaya solo nila ang bahaging iyon. Kaya kataka-takang nakatayo ang lalaking iyon. Pero minsan may dumadaan doon na mga turista, pero madalang lang.
Napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang pagtunog ng tuyong dahon ng niyog. Malinis ang dinadaanan niya kaya alam niyang sa kabilang banda iyon, sa may kanang bahagi niya.
Nilingon niya ito. Nagsukatan sila ng tingin kapagkuwan. Napataas ang isang kilay niya nang maglabas ito ng kutsilyo. Sabi na nga ba.
“Sino ka? Mukhang hindi ka tagarito,” aniya.
Ngumisi lang ito. “Miss me?” Sabay tanggal nito ng sumbrero at balbas nito.
“Oh! Hi, boyfriend!” tawag niya dito nang makilala. Kumaway pa siya rito. At mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
“Walang hiya kang babae ka! Ginamit mo ako para makapasok sa Vergara Mansion!”
“Sorry. Ikaw lang kasi ang pogi doon. Dapat nga, matuwa ka kasi naging girlfriend mo ako ng isang araw. Ang dami kayang nagkakandarapa sa akin, tapos ikaw lang ‘tong binigyan ko ng pagkakataon.”
“Hindi na ako maniniwala sa mga kagaya mo!” Mabilis ang kilos nito na sumugod sa kanya. Nailagan niya ang pagbayo sana nito ng kutsilyo sa kanya. Sinamantala niya iyon na sikuhin ito nang malakas na ikinatumba nito. At akmang tatayo ito nang pakawalan niya ang isang flying kick sa mukha nito.
“Sh*t!” aniya nang makita ang dugo sa puting sneakers niya. Mukhang kailangan niyang magpalit nito pagkatapos.
Sinipa niya papalayo ang kutsilyo dito.
“Ginagalit mo ako, boyfriend! Kainis ka!” singhal niya dito, sabay isang sipa pa dito na muling ikinahilata nito. Tiningnan siya nito nang masama habang pinupunas ang dugo sa bibig.
“Ikaw naman kasi, sugod nang sugod dito,” ani pa niya. Iniinis lang niya ito.
Akmang lalapitan niya ito nang bigla nitong itaas ang kamay nitong may hawak na kutsilyo. Hindi na niya naiwasan ang biglang pagsaksak nito sa hita niya na ikinadaing niya. Tiniis niya iyon, nagpakawala siya ng suntok sa mukha nito na ikinatumba ulit nito.
Hinarap niya ang kutsilyo sa hita niya na nakabaon pa. Kinapa niya ang panyo sa bulsa niya at sinalpak sa bunganga at tinanggal ang kutsilyo. Dumaing man siya sa sobrang sakit pero hindi ganoon kalakas dahil sa panyong nasa bibig. Kinagat niya iyon para hindi gaanong kumawala ang boses niya.
Tumingin siya sa lalaking iyon at galit na nilapitan niya ito na pilit na bumabangon. Apat na saksak ang pinakawalan niya sa dibdib nito bago umalis sa ibabaw nito. Wala na itong buhay sa tinamong saksak mula sa kanya. Mulat na mulat na nga ang mata at nakaawang pa ang labi.
Napahiga siya sa tabi nito na hingal-hingal. Kasunod din niyon ang pagdaing niya dahil sa sakit. Napalabi siya nang makitang marami nang dugo ang lumalabas sa hita niya.
Kaya naman mabilis na dinayal niya ang numero ng isang kasamahan niyang nandito lang din sa Hotel De Astin nakabase. Actually, marami naman ditong tauhan ni Supremo dahil pag-aari din nito ang HDA, pero numero lang ni Silent ang naka-save sa kanya. Isa itong sniper na hindi nakikihalubilo sa mga nagtatrabaho sa HDA. May sariling mundo rin kasi ito. Bagay ang codename nitong Silent.
Hindi rin nagtagal ay dumating ito at pinangko siya pabalik ng bahay nila. Ang dalawang kasama nito ay nilinis ang pinangyarihan. Hindi na niya alam kung saan nilagay ng mga ito ang bangkay. Naitawag na rin ng mga ito sa headquarters ang nangyari dahil nasabi na niya kung kaninong tauhan ito.
“Thank you,” aniya kay Silent nang maupo.
“I’m sorry. Kumain ako kaya nawala ako sa area ko,” anito. Ito kasi ang malapit sa bahay niya.
Nginitian lang niya ito. Tumayo rin ito kapagkuwan dahil pumasok ang isang kasamahan din namin, kinausap ito ni Supremo na nasa kabilang linya pala.