Chapter 10: He kissed me!

1502 Words
NAPALABI si Dana nang ibaba siya ni Mayor Eric sa mismong higaan nito. Inilibot niya tuloy ang paningin imbis na tingnan ang pumangko sa kanya. Pagdating na pagdating sa bahay ni Mayor Eric, kaagad nitong binuksan ang pintuan. Hindi na nito hinintay na ipagbukas ito. Hindi na rin siya nakakontra nang muli siya nitong pangkuin Mabilis itong naupo. At akmang ilalayo niya ang hita dito nang hulihin nito iyon. Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga dahil sa kakaibang naramdaman nang lumapat ang kamay nito sa hita niya. “May dala ka bang pain reliever?” tanong ni Grecco sa kanya na ikinalingon dito ng Mayor. “Who told you na sumunod dito sa silid ko?” baling nito kay Grecco na magkasalubong ang kilay. Hindi tuloy malaman ni Grecco kung anong sabihin. “Get out!” sigaw nito na ikinatalima ng kaibigan. Kita pa niya ang pag-iling nito nang hindi na ito tiningnan ng Mayor. Tumayo na kasi ang huli at pumunta sa banyo. At pagbalik nito, may dala itong medical kit at may mga inilabas itong gamit at gamot. Akmang uupo ito nang mapakamot. Tumingin pa ito sa suot niya. “Hubarin mo nga muna ang pantalon mo.” “Ho? Bakit?” Sabay hila niya ng kumot at binalot ang sarili. Dinig niya ang pag-tsk nito at umalis sa gilid niya. Pumasok ito sa isang silid at lumabas na may dala-dalang boxer. Tinapon nito iyon sa kanya. “Magpalit ka muna. Babalikan kita.” Sabay talikod nito. Hay, kung makautos batas. Hindi porket Mayor ito, e, gaganunin na lang siya nito. Nang mawala sa paninin niya ang Mayor ay wala sa sariling inamoy niya ang binigay nitong boxer. Amoy fabcon. Ibig bang sabihin, gamit na nito ang boxer na binigay nito? Hindi niya maiwasang mag-init sa isiping iyon. Pinukpok tuloy niya ang ulo kapagkuwan. Baka madatnan pa siyang hindi sumusunod nito ay mabilis siyang naghubad ng pantalon. Hirap pa siya habang tinatanggal ang iyon dahil sa kirot na nararamdaman. Pero may cycling shorts naman siya kaya ayos lang kung gagamitin niya ang gamit nang boxer nito. Ang dugong lumalabas ay lalong dumadami dahil sa sugat na hindi gumagaling. Lumala pa yata dahil sa pwersahang pagpasok niya ngayong araw. Saktong tapos na siya nang marinig ang mga yabag sa labas. Palapit iyon sa silid na kinaroroonan niya. Mukhang si Mayor na nga iyon. Mabilis na inayos niya ang sarili. Tinakpan niya ang sarili. Ang bahagi ng may sugat lang ang nakikita ng mga sandaling iyon. Naupo ito sa gilid niya kapagkuwan. “Ano ba kasing nangyari dito?” tanong ni Mayor. Hindi ito tumitingin sa kanya. Abala ito sa paglagay ng gamot na panlinis sa bulak na panlinis sa sugat. “Wala ho ‘yan. Natusok lang,” aniya dito na parang wala lang. Nag-angat ito nang tingin sa kanya. “Paanong nangyaring natusok lang? Hindi mo ba alam kung gaano kalalim ang sugat?” “Eh, sa hindi ko po alam na may matulis na bagay sa dadaanan ko. Ayon nadapa ako.” Pinalis niya ang kamay nito na nakahawak sa hita niya. Naramdaman niya kasi ang pagpisil nito at hindi niya nagustuhan. Hindi niya nagustuhan ang ni-react kamo ng katawan niya. Uminit bigla, e. “Napaka-clumsy mo naman.” Hindi mawala-wala ang kunot noo nito. “Aray ko naman!” Bigla kasi nitong hinawakan ang sugat niya. “I’m sorry.” Napasinghap siya nang bigla na lang inilapit nito ang sarili sa sugat niya at hinipan iyon. Sinabayan kasi nito ang paglapat ng hawak nitong bulak na may panglinis. Napahawak siya sa leeg niya dahil pakiramdam niya hindi natanggal ang laway sa lalamunan niya nang lumunok. Paulit-ulit kasi nitong hinihipan ang sugat niya habang nililinis nito. Paano ba naman kasi, pumapasok ang init ng hininga nito banda sa pinakasingit niya. Kaya naman may kung anong pumintig– este vibrate pala sa kuwan niya. Napamura siya sa isipan dahil sa kaberdehan. At hindi niya namalayang naisatinig niya. “Tang’na!” “What?” anito nang tumigil. “W-wala po, Mayor.” Iniwas na niya ang hita dito dahil inayos na nito ang upo. Saka mukhang okay na. “O-okay na po ‘to.” Sabay tago niya gamit ang jacket, bandang may sugat niya. “Parating na si Doc. May irereseta na gamot–” “May iniinom na ho ako, Mayor. Thank you na lang.” Nagpasya siyang bumaba sa kama nito kaya pinigilan siya nito. “What are you doing?” “Nakakahiya na po sa inyo, Mayor. Sobrang naabala ko na kayo. Kailangan ko na pong umuwi.” Sa kabilang side siya bababa. Pero hindi pa siya nakakababa nang may makitang dalawang pares ng paa sa harapan niya. Saktong sa baba pa naman siya nakatingin noon. “E-Eric,” nauutal niyang sabi nang makita madilim na muka na naman nito. Singhap na ang sumunod na ginawa niya dahil binuhat siya nito. Sumampa ito sa kama at inihag siya sa gitna. Dahil siguro sa bigat niya, hindi sinasadyang napapatong ito sa kanya nang ilapag siya. Mabilis tuloy ang mga kamay niyang pinigilan ang dibdib nitong dumikit sa kanya. Tumaas ang kilay ng Mayor pagkuwa’y bumaba nang tingin sa kamay niyang nakapigil sa katawan nito. “P-pwede ho bang umalis na kayo?” aniya dito dahil mukhang walang balak na umalis. Mabuti na lang at may tumikhim na ikinaalis nito sa ibabaw niya. “Good evening, Mayor.” Sabay ngiti ng lalaking bagong dating. “Naistorbo ko po yata kayo.” “N-no. Of course not. S-sige, paki-check na si Miss San Jose, Doc.” Mabilis ang kilos nito na tumayo at lumabas ng silid. Siya naman, hindi makatingin sa bagong dating na doktor. Napatingin siya sa doctor nang marinig ang mahinang tawa nito. Tumigil naman ito nang makitang nakatingin siya. Blangko ang ekspresyon niya. “Oh. Hi! I’m doctor Steven Rosario.” “Hello, Doc,” aniya. Hindi niya pinahalatang naiilang siya dahil sa nangyari kanina. Parang nagsayang lang ng pera si Mayor dahi same lang naman ng iniinom niya ang inireseta ng doctor nito. Hindi na siya kumontra dahil isa na lang ang dala niya. Manghihingi nga sana siya ulit kay Silent pag-uwi. Kaso, may ibinigay na ang doktor na dumating. Paglabas ng doktor ay tumayo na siya at nagmadaling tinungo ang pintuan. Baka dumating pa ang Mayor na iyon. Natigilan siya sa pagpihit ng seradura nang biglang may gumalaw din niyon mula sa labas. Napaatras siya nang buksan nito iyon. Nagtama ang kanilang paningin pero saglit lang. Umiwas siya dahil kunot ang noo niya. “What are you doing here?” “Huh. Sa pagkakaalala ko ho, Mayor. Ikaw ang may dala sa akin dito sa kuwarto mo at —” “I mean, anong ginagawa mo dito sa may pintuan?” Tumingin pa ito sa likuran, sa may malawak na kama. “Sa pagkakaalala ko sa sinabi raw sa ‘yo ni Doc na ‘wag kang magkukumilos. Meaning, nagpapahinga ka lang dapat. Kaya, anong ginagawa mo dito?” litanya nito. “Ah, uwi na ho,” diretsahan niyang sabi dito. “Sino nagsabi sa ‘yong uuwi ka na?” “Ako ho.” Sabay turo sa sarili. Mukhang mali yata ang pagsagot niya, nagsalubong kasi ang kilay nito. Humakbang ito palapit sa kanya kaya umatras siya. Tiniis na naman niya ang kabilang hita niya. Iisang atras pa sana siya nang kabigin siya nito. Kasunod niyon ay ang muling pagpangko nito sa kanya. At muli, binalik siya nito sa pinakagitna ng kama. Ah, nakarami na itong pangko sa kanya! “P-pakiusap ho, pauwiin niyo na po ako, Mayor.” Akmang aalis ito nang matigilan dahil sa sinabi niya. “Sisigaw ako kapag hindi kayo pumayag. Sige, ikaw–” “Go on. Sumigaw ka.” Magkadikit na ang kilay nito kaya napalabi siya. Napatingin din tuloy ang Mayor sa ginawa niya. “What? Sisigaw ka ba o hindi?” untag nito sa kanya. Para bang gusto rin talaga nito na sumigaw siya, e. Hindi niya alam kung bakit biglang nagpantig ang tainga niya. Nainis siya dahil parang pautos na naman iyon. Ayaw niya talaga kapag nanggagaling kay Mayor iyon. Dahil gusto nitong sumigaw siya. Eh, ‘di gagawin niya! Kaya akmang sisigaw siya nang bigla nitong idiin ang labi nito sa kanya. Dahilan para walang boses na lumabas sa bibig niya. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya nanlaki ang mata niya habang nakatingin dito. Hindi rin niya maintindihan kung bakit patuloy na ito sa ginagawa. Hinahalikan na siya nito! Kaloka! Naramdaman pa niya ang dalawang kamay nito sa batok niya na para bang iniiwasan nitong umiwas siya. Akala niya, pinipigilan lang nito ang boses na lalabas sa bibig niya. Pero hindi! Ninanamnam na talaga nito ang labi niya! At mukhang nasarapan pa! Dahil doon, inipon niya ang lakas niya at tinulak ito. Mukhang bumalik naman ito sa sarili dahil natigilan ito. Napalunok pa si Mayor bago umalis sa ibabaw niya. At walang sabi-sabing lumabas ng silid. Malakas pa ang pagkakasara nito sa pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD