Chapter 7: Visitor

2787 Words
PAGKAALIS ni Maliyah ay tumayo siya. Naghahanda pa naman ang emcee at ang iba para sa 7 roses. Taas noong naglakad siya sa mesa nila Mayor Eric. Binati niya ito kunwari dahil maraming nakapaligid sa kanilang mga bisita rin. “Um, Mayor. Pwede ho ba kayong makausap ng private?” “Sure, Miss San Jose.” Kaagad itong tumayo. May binulong ito kay Kara kapagkuwan at tumalikod na. “Happy birthday sa baby mo, Dana. Ang ganda-ganda naman niya pala.” “Thank you, Ate Kara. Sige, huh.” Tumingin siya sa Mayor na nagpatiuna na nga sa kanya. Sumunod na siya rito. Hinintay siya nito sa sa labas ng function hall. “After you,” anito sa kanya. Sinadaya niyang ipakita dito ang matang umiikot. Ngumiti lang ito sa kanya. Iginiya niya ito sa 4th floor kung saan nagbihis kanina si Maliyah. Walang tao doon kaya doon niya pinasyang dalhin ito. Nakapamulsa ito nang lingunin niya. Kakasara lang niya ng pintuan. Ni-lock pa niya dahil baka may biglang pumasok. Nilagpasan niya ito at tiningnan ang banyo pati ang isang silid. Wala talagang tao kaya hinarap na niya ito. “Ano bang problema mo?” Hindi na niya napigilan ang inis sa boses. “Oh. Ako, may problema? I don’t have one.” “I mean, bakit mo sinabi ‘yon sa anak ko, huh?” Natigilan ito saglit. “Oh, s-she’s your daughter?” “Obvious ba, huh?” Nang-iinis ba ito? “No. I thought, she's Diane's daughter,” anito na ikinatigil niya. “Tapos Mommy ang tawag niya sa Ate mo.” Madami ngang nagsasabi na mas hawig ng Ate niya ang anak. Kaya nga hindi makapaniwala ang iba nang sabihin niyang anak niya si Maliyah. Hawig din naman sila ng Ate niya. Nga lang, mas namana ni Maliyah ang ilang features ng anak. Siguro, kung wala sa picture ang kapatid, yes, siya ang kahawig din. Maliban sa mata at kilay nito na… mana sa ama nito. Kahit ang labi niya, minana din pala sa ama nito. Ngayon lang niya napagtanto. Kulay ng balat, buhok at pangangatawan lang siguro ang nakuha ng anak. Ganyan siya noong bata siya. Ganyan na ganyan ang katawan niya. “Bakit mo sinabi sa kanya na ikaw na lang ang last dance niya? Ano rin ang karapatan mo na sabihin iyon, huh? Wala akong pakialam kung Mayor ka dito. Pero pagdating sa kanya, ako ang masusunod,” litanya niya dito. “FYI. Siya ang humiling no’n kanina. Grinant ko lang. Nilapitan niya ako bigla and then boom, sinabi niyang ako na lang last dance niya dahil babae ka raw. Weird daw para sa kanya kung ikaw ang magbibigay ng rose. Kaya sabi ko, oo nga naman, babae ka. So why not ako na lang kako. Nakakahiya naman tanggihan ang cute na batang kagaya niya. At natuwa naman siya sa pagpayag. That’s the story. May problema ba doon?” Napatitig ako sa kanya. So, si Maliyah talaga ang nagsabi? Nilapitan ba ito ng anak? “W-wala. G-gusto kong ako ang last dance niya,” aniya na lang. “Fine. Madali naman akong kausap. Sabihin mo na lang sa kanya na hindi ako—” “N-no. Ikaw na lang.” Napapikit pa siya. “Ayokong sirain ang mood niya. Not now. Ang sa akin lang sana, dapat nagtanong ka muna sa akin o sa Ate ko bago pumayag. N-nabigla kaya ako kung bakit ikaw ang tinuro niya kanina.” Teka, bakit nga pala sinabi niya ito? Sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit kinausap ni Maliyah si Mayor. Hindi kaya para ipakita sa mga kaklase nito na lalaki ang last dance nito? Paano kung magtanong ang mga kaklase nito kung kaanu-ano nito ang Mayor? Eh ‘di, masasaktan na naman ito kasi alam nito ang sagot. Na sinadya lang nito para ipakita sa mga ito na… ama nito kunwari ang last dance nito? “I’m sorry.” Tumango na lang siya dito. “Please lang sa susunod, magsabi ka muna, huh? A-ayoko sa lahat, pinapangunahan ako pagdating sa kanya.” “Noted,” tipid nitong sagot. “K-kailangan mo na yatang bumalik. Baka nagsisimula na sila. May kukunin lang akong gamit ni Maliyah dito,” kunwa’y sabi niya. “Okay.” Umalis na siya sa harapan nito at naupo sa kama na katabi ng bag na may lamang gamit ng anak. “Babalik na ako,” dinig niyang paalam nito na sinagot lang niya na ng hmm. Ang buong akala niya, umalis na ang Mayor. Pinatihulog niya ang katawan at nahiga. Ilang beses pa siyang nagbuntonghininga. “Sino ba talaga ang ama ni Maliyah?” Napabalikwas siya nang bangon nang marinig ang boses ng Mayor. “Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Dana. Hindi naman daw si Ezekiel ang ama niya. May tinatago ba kayo ng Ate mo sa akin?” “H-huh?” Hindi naman talaga si Ezekiel ang ama ni Maliyah. Napatitig sa kanya ang Mayor. “N-nothing. Bababa na ako.” Sabay talikod nito at tinungo ang pintuan. Naguguluhang sinundan naman niya ito nang tingin. SAKTONG pagpasok niya sa function hall ang pagtapos ng pang-anim na sayaw ni Maliyah. Si Kuya Ezekiel iyon. Nagpakawala na lang siya ng hangin nang tawagin nga ng emcee si Mayor Eric bilang last dance ng anak. Tahimik lang siyang naupo kapagkuwan na lang sa tabi ng Kuya Dane niya. “Saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni Ate,” ani ng kapatid sa kanya. “S-sa taas lang. May kinuha.” Regalo ang kinuha niya sa anak. Mamahaling necklace iyon na nabili nila sa auction habang nasa mission sila noon. Pakiramdam niya, ang tagal ng moment ni Maliyah at ng Mayor sa gitna. Parang gusto na niyang hilahin ang oras. Hindi kasi siya makatingin sa dalawa habang masayang nagsasayaw. Nakita niya nga kanina sa mata ng anak ang kakaibang kislap habang nakikinig sa Mayor na parang nagkukwento. Parang gusto niya ring marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Tumitingin din ang mga ito sa gawi niya. Siya yata ang pinakahuling pumalakpak nang matapos ang sayaw na iyon. Malapad na ngiti naman ang nakita niya sa anak habang nagbaba-bye sa alkalde ng Caramoan. Nakagat niya tuloy ang kuko kapagkuwan. Nate-tense siya. Tumayo siya kapagkuwan. At akmang hahakbang siya nang tawagin siya ng emcee. Muntik na niyang makalimutan na magsasalita siya bilang pagtatapos ng programa. Nahihiyang kinuha niya ang mikropono at humarap sa mga bisita. Nagpasalamat siya sa lahat ng mga tumulong at mga pumunta sa mahalagang araw ng prinsesa niya. Napilitan din siyang i-acknowledge ang presensya ng Mayor dahil sa utos ng kapatid niya. May kasama rin pala itong konsehal na dalawa na ikinabigla niya. Sabagay, hindi naman niya alam kung sino ang mga nasa guest lists. Pagkatapos ng programa ay sinerve na ang mga pagkain. Doon na siya lumabas dahil kanina pa siya hindi mapakali. Naglakad-lakad siya at nakarating siya sa labas ng hotel. Dumiretso na lang din siya sa pinakalabas at bumili ng sigarilyo. Nasa malaking tindahan na malapit sa main gate ng hotel. “Isang puti nga, Manay,” aniya sa tindera. Kaagad naman siyang binigyan nang ituro niya ang sikat na brand ng sigarilyo dito sa kanila. “May lighter ka po?” “Posporo lang ugwa. Yaon dyan sa box, ‘Neng.” Tinuro nito ang box kung saan naroon ang posporo na sinasabi nito. Pinagpag niya ang uupuan bago naupo. Pinagkrus pa niya ang hita kaya bahagyang kita ang inner niya. Pinagtitinginan siya ng ilan dahil hindi naman normal ang suot niya para sa mga ito. Nagmumukha siyang bakasyunista sa lagay. Long coat na kulay cream at black ang inner niya, na turtleneck naman ang design. Maging pambaba niya ay itim din at maging ng sapatos. Hanggang balikat lang din ang maitim niyang buhok na bagsak na bagsak. “Turista ka dyan, ‘Neng?” “Bako po, Manay. Dati na po kami dyan.” Ang bako ay salitang bikol na ang ibig sabihin ay hindi. At ang Manay ay Ate kung sa salitang Tagalog. “Ah. Nahiling ko baga si sasakyan ni Mayor dyan. Nag-attend birthday-han?” Napapikit siya nang banggitin nito ang Mayor. Kahit saan ba naman, maririnig niya ang Mayor? “Dai ko po baga nahiling.” Sabi niya, hindi niya nakita para matapos na ang pakikipag-usap nito sa kanya tungkol sa Mayor. “Tatakbo na naman yata si Mayor ngayong election, a.” Ay, nasarapan si Manay. Pakialam niya ba kung tatakbo ulit ito. Wala naman siyang mapapala. Akmang hihithit siya nang makita ang papalabas na sasakyan. Sasakyan iyon ni Supremo. Ini-expect na niyang hihinto ito sa kanya. “Good evening po, Boss Seb!” bati sa dito ng tindera. Sikat talaga ‘yan si Supremo dito. Tatlong palapag na room ng elementarya kasi ang pinagawa nito dito bilang donation. “Evening, Manay Melba.” Tumingin ito sa kanya kapagkuwan. “Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa loob ka?” “Nagpapahangin lang, Kuya.” “I see. Nga pala, magpasa ka daw ng requirements kay Mayor bukas. Luluwas yata siya ng Maynila sa susunod na araw, e. Para mai-schedule na ang araw ng pagpasok mo at para ma-turnover raw sa ‘yo ni Kara ang lahat,” “Kuya–” “I said, inirekomenda kita sa kanya. Ini-expect ka na niya kaya magpasa ka bukas,” may diing sabi nito. Hindi nito masabi nang direkta pero nahulaan na niya. Isa nga siya sa ipapadala nito sa tabi ng Mayor. Hindi na siya sumagot dahil kaagad na sumara ang bintana ng sasakyan nito. Talagang seryoso na ang Supremo. “Anong aaplayan mo kay Mayor, ‘Neng?” Parang gusto na niyang magmura dahil puro Mayor ang bukambibig ng mga tao. Sinagot na lang niya ito na pinag-iisipan pa niya kung mag-a-aply siya. Tumayo na rin siya kapagkuwan. Kasalukuyan niyang pinapatay ang sindi ng sigarilyo nang dumaan ang magarang sasakyan din. Dalawang magkasunod iyon. Sadyang nagdahan-dahan ang naunang sasakyan sa harapan niya kaya nakaangat ang kamay niyang may hawak ng sigarilyo na pudpod na. Sana si Mayor na iyon, pauwi. Para makabalik na siya sa loob. Bakit ba niya iniiwasan si Mayor? Siyempre, isa ito sa rason kung bakit siya ganito ngayon. Loner. Masayahin pa rin naman siya ngayon, pero sa harap lang ng piling tao at mga kakilala. Kapag hindi niya gusto, malamig ang pakitungo niya, gaya sa alkalde ng bayang ito. Hindi lang talaga niya kayang lokohin ang sarili– na magkunyaring okay sila ng Mayor. No. Hindi sila okay dahil hindi maganda ang nakaraan nila. Alam ni Mayor ‘yan. Si Eric ang first love at heartbreak niya kaya hindi niya magawang pakisamahan ito nang maayos o parang wala lang nangyari. Ang laki ng binago nito sa kanya pagdating din sa mga lalaki. Wala na siyang amor sa pakikipagrelasyon. Ni hindi nga niya naranasang magkaroon ng matinong karelasyon. Sumubok siya dati, pero wala. Ayaw nang tumibok. Pero paano ba ‘yan? Mukhang kailangan niyang magpasa kay Mayor ng resume dahil sa mission niya. Hay, bakit pa kasi kay Eric? Eh, mukhang kaya naman nito ang sarili. Saka nandyang naman sila Grecco at Thy, e. Nakita niya ang dalawa kanina na nakabuntot kay Mayor kaya alam niyang ang mga ito ang tinutukoy ni Supremo sa kanya. Pero teka, bakit nga ba siya mag-a-apply? Hindi kaya, hindi naman sinabi ni Supremo kung ano ba talaga ang trabaho niya? Na isa siyang secret agent? Kung gano’n, eh ‘di, mabuti. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi na matanaw si Eric. Hindi na rin niya nakita ang dalawang konsehal. Baka ang mga ito na nga ang sakay kanina ng sasakyan. PASADO alas-diyes na ng gabi pero gising na gising pa rin ang anak at mga kaklase niya. Nasa dalampasigan na ang mga ito at talagang sinulit ang araw. Nag-decide ang mga ito na mag-night swimming kasama ang mga kaklase after ng party kanina. Maraming lifeguard naman nang nakabantay kaya safe ang mga ito. May mga kasama ring magulang ang mga ito. Hindi na siya lumubog dahil kasama naman ng anak ang yaya nito. Kausap niya ang magulang ng mga kaklase ng anak na ngayon lang din niya nakilala. Ang Ate Diane niya talaga ang kilala ng mga ito dahil ito ang uma-attend sa t’wing may meeting. Ang alam niya, naka-attend na rin ang asawa ng Ate niya na si Ezekiel. Kaya ang mga ito kilala ng mga ka-Mommy niya. Hindi na siya pumayag na abutin pa ng alas-dose ang anak sa dagat kaya pinaahon naman niya ito. Nagsunuran na rin ang mga bata at sinabing magbabanlaw na raw ang mga ito. Wala siyang pakialam kung mabasa siya, binuhat na lang niya ang anak pauwi ng bahay nila. Binanlawan rin niya ito at binihisan. Nagbibihis na rin kasi ang bantay nito. Pinagpapahinga na rin niya dahil siya na lang magpapatulog dito. Napailing siya sa anak nang makitang nakapikit na ito habang tinutuyo niya ng hair dryer ang buhok nito. Buti na lang may armrest ang gamit nito kaya may umalalay sa katawan nito habang patuloy na tinutuyo niya ang buhok. Kakalapag niya lang sa anak nang tumunog ang telepono niya. Napataas siya ng kilay nang makita ang pangalang rumehistro. Mayor E tapos may emoji na angry. Enedit niya ito pagkauwi. Nilagyan niya ng angry emoji dahil sobrang banas siya nang araw na iyon. Hindi na niya binuksan ang mensahe nito. Nabasa na niya. ‘See ya’ lang naman ang nakalagay doon. MAAGA siyang nagising kinabukasan dahil sa ingay sa labas nila. Pagkapa niya sa tabi niya, wala na si Maliyah. Ang bunsong kapatid na lang na si Daniel ang tira. Papungas-pungas na lumabas siya ng silid. Ganoon pa rin siya hanggang sa makarating sa labas. Napatigil siya sa pagtanggal ng muta sa mata nang mapagsino ang nasa labas na kasama ni Maliyah. “Mama Dana! Ang aga po ni Mayor pumunta,” paalam nito sa kanya. Maaga nga. Wala pang araw kaya. “Ngayon daw po niya ako ililibot sabi niya. Kasi, bukas po, aalis siya.” Tumango lang siya sa anak habang sapo ang bibig. Kahit na malayo, tinakpan niya pa rin ang bibig, bagong gising, e. Pero ang hindi maalis sa isipan niya, nag-decide na mga ito kung kailan ang ikot na sinasabi ni Maliyah kagabi. Kaya napahilot siya sa noo. Kakasabi niya lang kagabi sa alkalde na ito na magpaalam naman sa kanya. Mukhang sasakit lagi ang ulo niya sa dalawa. Kung may pasok lang ngayon, baka pinasama na niya ang anak kay Kuya Dane niya na bumalik sa Maynila para wala na siyang problema. “Good morning,” bati ng Mayor na sinundan ng lunok kaya kumibot ang labi niya. “M-Morning din,” tipid niyang sabi. Napahawak sa batok ang Mayor kaya napasimangot na siya. Pero natigilan siya nang maalala ang suot. “Sh*t!” mura niya sabay talikod. Saka lang niya napagtantong isang nightdress ang suot niya na hindi umabot ng tuhod niya. At take note, wala siyang suot na bra! God! Nakakahiya! Wala siyang bra sa harap ng Mayor na iyon! Napababa siya nang tingin sa sarili habang mabilis na iginiya ang sarili papunta sa silid. Tayong-tayo pa naman ang ut*ng niya. Paniguradon iyon ang dahilan kung bakit na may paglunok ang Mayor kanina. Aminin man nito sa hindi, naapektuhan ang mga ito kapag nakakakita ng mga ganoon. Subok na niya iyon sa mga misyon. Ang bilis ng mga lalaki tigasan nga. Teka, ang tanong, tinigasan nga ba sa kanya? ‘Di ba nga, kahit kailan daw, hindi ito magkakagusto sa kanya. “Ah!” hindi niya maiwasang maisatinig nang maalala na naman ang sinabi nito. Kahit siguro na maghubad siya sa harap nito, Ate niya ang nakikita nito. Pinilig niya ang ulo kapagkuwan para palisin sa isipan ang kapiraso ng nakaraang iyon. Mabilis ang mga kilos niya nagbihis. Tinext lang niya ang bantay ni Maliyah na pumasok at ipagtimpla ng kape ang Mayor na kaagad namang sinunod nito. May upuan at mesa naman doon kaya kahit hindi na papasukin ito. Gusto man niyang hindi pasamahin ang anak pero siguradong magtatampo ito sa kanya. Minsan na nga lang sila magkasama tapos maiinis pa ito lagi sa kanya. Kaya nga sinusunod niya ito lagi para man lang makabawi. Saka extended pa ang birthday niya kaya bawal na mainis ang anak. Natigilan siya nang maalala ang kapatid. Mabilis na nagtipa siya ng mensahe sa Ate Diane niya at sinabi kung pwedeng samahan nito ang anak ngayon. Pwede niya rin naman sigurong isama ang mga anak nito. Napangiwi siya nang makita ang reply ng kapatid. Ate Diane: No way! – Kuya Ezekiel At nabasa pa nga ng selosong asawa ng Ate niya kaya wala siyang choice kung hindi siya na lang sasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD