Chapter 6: 7th Birthday

1555 Words
MABILIS na pinatay ni Dana ang telepono nang makitang pangalan ni Mayor Eric ang rumehistro. Nakailang tawag at text na ito na nasa opisina daw ito ngayon at hinihintay siya. Wala na siyang oras na umalis dahil abala na siya sa pag-estima ng mga bisita ni Maliyah. Kalahati ng kaklase nito ay nakarating kaya sobrang abala niya talaga ngayong umaga. Lalo pa’t mamayang gabi na ang party. Ibibigay na raw kasi ni Mayor ang lisensya niya. Ang sabi nito. Iniisip niya ngang baka pagdating doon ay magkukumahog na umalis na naman. Kaya hindi pwede. Mahalaga ang araw na ‘to sa kanya kaya saka na ang lisensya niya. Pasado alas-tres na ng hapon nang balikan niya ang anak sa bahay nila. Kakauwi lang pala nito mula sa cabin na tinutuluyan ng kapatid. “Sabi nang maligo ka na, anak, at aayusan ka na.” Nalibang itong makipaglaro kaya siguro kakauwi lang. Tumingin lang sa kanya si Maliyah kaya tumingin siya sa Ate niya, na kaagad naman nitong sinunod. Napailing na lang siya. “Anyare doon, Ate?” Nginuso pa niya ang anak na papasok ng pintuan. “Natanong kasi ng kaklase niya kung pupunta daw ba ang Papa niya kaya ayon, nag-iba ng mood. Biglang umalis.” Natigilan siya sa sinabi ng kapatid. Muli niyang tiningnan ang pintuang pinasukan ng anak kahit na wala na ito doon. Hanggang kailan niya nga ba maitatago kay Maliyah? Unti-unti na kasi rin itong nagpaparamdam sa kanya. “Sabi na sa ‘yo, e,” sabi lang ng kapatid sabay pasok. Karga naman niya ang bunso niyang si Zeke. Hinanda na niya ang mga gagamiting inner ni Maliyah. Ang dress nito kasi nakasuot pa sa mannequin na nandoon sa hotel kaya doon pa magbibihis ang anak. Alas-singko ay nasa hotel na sila. Naayusan na rin noon si Maliyah at susuotin na lang nito ang dress. Ang anak ang pumili ng dress sa mismong boutique ng pinsan nila Kuya Kent na si Melissa. Marami kasing ready-to-wear na mga pambata doon. At masasabi kong ang galing tumingin ni Maliyah. Nagustuhan ko rin ang pinili niya. Isang cute na sleeveless fluffy princess ball gown ang napili ni Maliyah. Starry sky naman ang disenyo ng print ng top hanggang sa tulle skirt. At navy blue ang color ng niyon, na tinatakpan ng tulle fabric ang balikat niya. V-collar naman ang disenyo ng harap at ng likod. Kung titingnan mula sa taas hanggang sa baba, para siyang gradient. Navy blue ang sa taas hanggang sa maging dirty white. Kumikinang din kaya siya tinawag na starry sky dress ni Maliyah. Kaya iyon daw ang napili niy kasi gabi nga gaganapin. Nakita na niyang sinukat ito ng anak at bagay na bagay talaga sa kanya. Ang cute niya tingnan at… maganda siya. Mukhang habulin siya ng lalaki pagdating ng panahon. Sana lang galingan niya pumili, ano? ‘Yong mamahalin siya. Napangiti tuloy siya nang mapakla. At iyon ang naabutan ng pinsang si Kendra. “‘Wag mong sabihing kinakabahan ka? Hindi pa ‘yan debut at wala pang manliligaw dyan.” Napangiti siya sa sinabi nito. Malapit sa naisip niya. “Kaygandang bata talaga nitong pamangkin ko.” “Sain pa mamana?” biro niya sa salitang bikol na ang ibig sabihin ay saan pa ba magmamana? “Nasa lahi na kasi talaga,” nakangiting sabi ng pinsan. “Ang bilis talaga ng panahon, ano?” Napabuntonghininga siya habang tinitingnan ang anak na binibihisan na ng kapatid. Nandoon din si Andrea na anak ng pinsan. Oo nga, ang bilis ng panahon. Nagsisimula na ngang magtanong ang anak sa ama niya. Kaya sasabihin niya sa anak ng paunti-unti. Hindi ngayon kasi hindi pa naman masyadong naiintindihan nito ang nangyayari. Matalino naman at nakakaintindi ang anak ng sitwasyon ngayon, pero para sa kanya, hindi pa panahon. Kapag handa na ang puso niya na malamang may sariling pamilya na ang ama niya. Kung siya lang papipiliin, saka na niya sasabihin. ‘Yong tipong kaya na nitong i-endure ang sakit kapag nalaman. Alangan naman sabihin niyang hindi siya pinanagutan ng ama nito dahil ayaw sa kanila. Eh ‘di, babalahaw talaga ng iyak ang anak. “Ready na ang function hall. Nandoon na rin ang ibang bisita ni Maliyah.” Tumulong talaga ang pinsan sa pag-istima kaya nakakahiya. Libre na nga ang venue, tumulong pa ito. “Thank you talaga, Ate,” aniya sa pinsan. “Wala namang ibang magtutulungan kung hindi tayo lang.” Ngumiti pa siya. “Dumating na rin sila Tita at ibang pinsan niya.” “Sige po. Puntahan ko na lang po sila mayamaya.” Nagpaalam na sa kanya ang pinsan dahil tinawag na ito ng asawa. SAKTONG alas-sais nagsimula ang program. Original plan, alas-singko ang simula. Kaso gawing dinner na lang daw kaya inadjust ng alas-sais. Para saktong pagkatapos ng program ay kainan na. Sinimulan ang programa ng emcee na regular na nagtatrabaho sa hotel. Isang maiksing introduction ang ginawa nito bago nagsimula. Tinawag rin nito siya at ang mga kapatid niya para sa pagpasok. Naglakad rin sila sa kumikinang na carpet. Lahat na nagtinginan sa pintuan ng function hall ang mga bisita nang masgimula nang ipakilala ng emcee ang anak. Dahil princess theme iyon, pinakilala rin siya sa ganoong paraan. “Once upon a time, not so far away, there was a little girl who looked like a princess. She was born… ” Amazed na amazed siya sa ginawang intro ng emcee kaya hindi niya inaalis ang tingin doon. Pero nalipat din naman ang tingin niya nang malapit nang tawagin nito ang anak. “Here we go. Let's join hands and warmly welcome the main event of our celebration. Ladies and gentlemen, our lovely celebrator, Maliyah San Jose!” Kasunod niyon ang pagpailanlang ng awiting Wish Now na soundtrack ng Star Darling. Cute na cute na naglakad ang anak sa makinang carpet. Lively siya na kumakaway sa mga kaklase na kumakaway din sa kanya, pati rin sa mga pinsan at mga kaibigan. At pagdating naman sa mga ninang at ninong niya ay may pa-flying kiss pa siya. Matamis na ngiti ang iginawad niya sa anak nang malapit na ito sa kanila. Siya na ang naghintay sa anak para alalayan itong maupo sa upuan nitong pang-prinsesa din. “Thank you, Mama Dana. I love you, love you ng wantawsan and million, million times!” ani ng anak. Hindi na tuloy niya pinalis ang magandang ngiti sa anak. Niyakap niya ito nang mahigpit. “I love you din, anak. Sobra pa sa wantawsan and million, million times mo!” aniya sa anak. Napapikit pa siya. Dinig din niya ang palakpakan pa rin ng ibang naroon. Saglit siyang natigilan nang magmulat ng mata. Saktong pumasok noon si Sebastian kasama ang Mayor ng bayang ito. Saglit na nagtama ang kanilang paningin. Kasunod din nito ang pormal na lalaking nasa tabi nito, si Grecco. Ngayon nga pala ang simula ng trabaho nito sa Mayor. Ang Ate Diane na niya ang nag-welcome remarks dahil wala naman siyang prinepara. 7 candles, gifts and roses ang pasunod-sunod ng program. Nasa 7 gifts na noon nang lapitan siya ni Grecco. Kumakamot ito sa ulo kaya napapangiti siya. “Hey, seryoso ka ba na ako ang last dance ni Maliyah?” bulong nito sa kanya na ikinangiti niya. “Look at me, o.” “Wow. Para kang ibuburol later, a,” biro niya dito. “‘Yon nga, e. Naka-duty ako kay Mayor kaya hindi ako pwede.” “Sige na nga, ako na lang ang last dance niya. Bumawi ka na lang sa sunod, huh?” Siya naman talaga ang last dance ni Maliyah. Nagbibiro lang siya kay Grecco kagabi. Pero sa mukha nito ngayon, mukhang problemado. “S-sure?” “Oo nga. Alis na!” “Ninong Grecco!” tawag sa kanya ni Maliyah na ikinatayo nito. “H-hi, beauty.” Sabay kaway nito sa anak niya. “Mag-usap nga tayo mamaya nang seryoso. Aatakehin na ako sa ‘yo. Dana.” “Ganoon ba? Nandyan naman si Doc Nikki. Pwede na siguro siya ang tumingin sa ‘yo kapag inatake ka.” “Gusto na talaga kitang tirisin, Dana.” “Gawin mo. Pipinuhin naman kita kapag nagkataon. Alis na!” taboy niya dito na natatawa. Umalis nga si Grecco na bothered. “Ano na naman ang sinabi mo sa kanya, Dana?” Napantingin siya Sa Kuya Dane niya. “Wala, Kuya,” aniya rito. Nakikinig pala ito. Napatingin siya sa anak nang tumayo ito mayamaya sa kinauupuan. May binulong din ito sa emcee na tinanguhan ng huli. Lumapit ang anak sa kanya at bumulong. “Mama Dana, gusto ko po si Mayor Eric Smith ang magiging Last dance ko. You're a girl daw po. Kaya dapat boy din po ang last dance ko.” “Ano? Sinong nagsabi sa ‘yo niyan? No! Ako, ang last dance mo anak.” Napasimangot ang anak. “Please po? Ililibot niya raw ako sa Caramoan bilang gift din po. Since hindi ko pa po nalibot ang hometown niyo, pumayag po ako. Mabait naman po siya, e. Saka may ibibigay daw po siya sa akin later na pag-aari mo po.” Napatingin siya sa gawi ng Mayor na nakatingin din sa kanila. Kumaway pa ito sa kanila kaya kinawayan din ng anak na ikinalunok niya. Kailan pa ang mga ito nag-usap?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD