Chapter 4: Her child's father.

1765 Words
KARGA niya si Maliyah nang bumaba siya. Nakatulog ito habang nasa biyahe sila. Sinama kasi nila ito sa libingan pati ang dalawang anak ng kapatid. Kaya naman pagod na pagod din ang anak. Napagod kakalaro sa ibabaw ng mga puntod. Pagkalapag kay Maliyah ay nilingon niya si Daniel. “Tumabi ka na kay Maliyah, bunso.” Humihikab na kasi ito. Tumango si Daniel at tumabi kay Maliyah. Ito kasi ang inaasahan nila pagdating kay Maliyah. May mga anak na kasi ang Ate niya, kaya nahihiya siya. Kaya ang ginagawa niya, pinapakiusapan si Daniel para tumulong sa pagbantay kay Maliyah. Dinadag-dagan na lang niya ang allowance nito sa skwela. Pero may yaya naman ang anak. Talagang kinuhaan nila. Hindi sa wala siyang tiwala sa nagbabantay, mas gusto niya pa ring kamag-anak niya ang nagtitingin kay Maliyah. Sa sulok ang anak kaya hindi siya magwo-worry na malalaglag ito. Mas gusto ni Daniel na may katabi kaya sa amin siya tumatabi. Ayaw naman niya doon sa cabin, kila Ate Diane. Bago siya lumabas ay siniguro niya munang nakapikit si Daniel. Nilapitan niya ang Kiya Dane niya na nanonood ng palabas. “Maglalakad-lakad lang ako, Kuya,” paalam niya. “Sige,” anito na hindi inaalis ang tingin sa palabas. Kaya siya lalabas dahil magpapaantok lang din siya. Kailangan niyang matulog din ng maaga dahil maaga siya bukas. May darating pa na mga kaklase ng anak. Napailing siya nang tingnan ang telepono. Wala siyang natatanggap na text ngayon mula sa Mayor. Akala pa naman niya, magbibigay ito ng update kung kailan siya pwedeng bumalik. Hindi naman pala. Isa talaga itong dakilang paasa. Naikuyom niya ang mga kamao kapagkuwan. Kung nandito lang sa harap niya, baka kanina pa niya ito nasuntok. Shit! Paano nga pala niya masusuntok? Eh, Mayor nga pala ito. Saka hawak nito ang lisensya niya. Natigilan siya saglit. Ano kaya kung mag-file siya ng affidavit of loss pagbalik ng Maynila? Sabihin niya, nahulog sa dagat. Ganurn! Brilliant idea, ‘di ba? Hindi na siya magsasayang ng oras sa pagpunta sa Poblacion para lang kunin iyon. Napangiti siya kapagkuwan. Mukhang kailangan niyang mag-celebrate. May solusyon na siya sa problema niya. Hindi na niya makikita ang Eric na ‘yon. Feeling makapangyarihan pala, a. Well, well, well! Makapangyarihan din ang isip niya. Baka naman nag-away ito at ang asawa? Hindi kaya? Buti nga. Pero sana ‘wag madamay ang lisensya niya. Aha! Baka naman natamaan nga ito ng kidlat. Hindi rin kaya? Napangiwi siya nang ma-imagine na natataman ito ng kidlat. Napatingin siya sa bar nang marinig ang tugtog mula doon. Pasado alas-otso na. Kaya talagang bukas na doon. Nagpasya siyang lumagok muna ng alak bago matulog. Papasok pa lang siya sa bar nang matanaw niya si Sebastian. Lumapit siya dito. May kausap itong tauhan nito sa bar na iyon. “Libre ba ang alak ngayon, Kuya?” tanong niya kay Sebastian. Ah, kapag nasa labas, ganito siya sa boss. Dito lang niya ito sinasamantala. “Sorry, hindi. May trabaho ka na, kaya magbayad ka.” Tumingin ito sa staff nito. “Bawala ito umutang, Jerwin, huh?” “Opo, Boss.” “Good.” “Kay Ate Nikki na lang kaya ako magsabi?” “Wala siya. Naliligo kasi matutulog na kami.” “Eh ‘di, wow na lang,” biro niya. “Maghanap ka kasi ng katabi. Dagdagan mo na si Maliyah.” “Sure. Naghahanap nga ako—” Napako ang tingin niya sa papasok kaya napatingin din doon si Sebastian. Tumikhim si Sebastian kaya ibinalik niya ang tingin dito. Nagkunwari siyang antok na. Umiling lang ito sa ginawa niya. “Balik na lang ako bukas. Kailangan ko pa lang matulog nang maaga ngayon. Alam niyo na, birthday ng prinsesa ko bukas,” aniya kay Sebastian. “Yeah. Alam namin.” Mukhang hindi ito kumbinsido. Pero bago siya umalis sa harap nito ay tumingkayad siya at may inabot sa counter na branded gin. Nagtitimplas kasi si Jerwin ng alak na order. “Hep, hep! Dana!” sigaw ni Sebastian. “Put that down!” Tinuro nito ang yakap-yakap niyang alak. “Lista mo na lang muna, ‘Win, huh! Thanks.” Nginitian at kinindatan niya ito. Pero napalis ang ngiti niya nang makita ang pagsimangot ng papalapit na Mayor. “Dana! Isa!” may himig na pagbabanta ni Sebastian. Saktong nawala ang tugtog noon kaya boses nito ang umalingawngaw. “Thanks, Kuya!” pang-aasar niya dito. Bukas naman niya babayaran. Ayaw lang niyang makasama sa iisang lugar ang Eric na ‘yon. Para sa kanya, tapos na ang problema niya sa lisensya niya. Nakaisip na siya ng way. Sa ibang side siya dumaan kaya hindi nagkasalubong ang landas nila ng Mayor. Tumingin ito sa kanya, nakita niya sa gilid ng mga mata niya. Hindi pa man siya nakakalabas nang makasalubong si Grecco. “Hi, T!” anito na ikinangiwi niya. Kumaway pa ito. Obvious talaga ang lalaking ito. Iniiwasan nga niyang may makaalam ng totoong trabaho niya, ito naman, gustong ilahad. Imbes na sagutin ito. Kumapit siya sa braso nito. “Samahan mo nga ako,” aniya, sabay taas ng alak. “Wow. Saan tayo?” Inayos naman nito ang pagkakapit niya sa braso nito. “Sa dalampasigan para sweet.” “Great.” Natigilan din ito mayamaya. “Hindi ba pwedeng dito na lang? Mas maraming alak dito. Saka hindi masyado ang sipa niyan.” “Sipa ko, gusto mo?” “Haist… Sige na nga. Siguraduhin mong malasing ako dyan, huh?” “Bakit parang alak na alak ka?” Tinitigan niya ito. Halata ang lungkot sa mukha nito. Napataas siya ng kilay kapagkuwan. “Pinalayas ka no?” Ngumiti ito sa kanya. “Tingin mo?” “Tsk. Tsk. Bago-bago din kapag may time.” “Paano ako magbabago, e, nande-demonyo ka na naman. God! Ang hirap talagang maging gwapo. Hinihila na lang kung saan,” papalatak nito na sinundan nang tawa. “God, sana forever ka na niyang hiwalayan. Saksakan ka kasi ng yabang, e.” “FYI. Hindi ako mayabang sa harap niya. Ayaw niya noon.” Tinampal pa siya nito. “Sakit no’n, huh!” reklamo niya. “Ikaw pagbayarin nito, e.” Sabay taas ng alak. Nagbibiro lang siya. Pero kung gusto nito, why not. Mapera naman si Grecco. Kumuha diya ng baso sa bahay nila at binalikan si Grecco na nasa labas ng bahay nila, sa may bandang duyan. Doon na lang sila pumuwesto. “Kailan ang simula ng trabaho mo kay Mayor? Ako, bukas, e.” Napakunot siya ng noo. “What? Kay Eric– I mean kay Mayor Eric ka pala na-assign?” “Yeah. Wala namang reason para mag-stay pa ako sa Maynila. Dito na lang para kumalma naman ang puso ko. Malapit nang mamatay, e.” “Problema niyo na naman ba kasi?” “Lasingin mo muna ako baka sakaling sabihin ko sa ‘yo kung bakit.” Tumawa pa si Grecco. “Okay. Wait lang at kukuha ako mamaya ng malakas sumipa.” Sinundan niya iyon nang tawa. “Eh, ikaw? Bakit gusto mong uminom? Naalala mo na naman ang ama ni Maliyah?” Napataas siya ng kilay. “Hindi, a! Nagce-celebrate ako ngayon, kaya gusto kong uminom.” “Lasingin kaya kita? Aamin ka kaya kung sino talaga ang ama ni Maliyah?” aniya mayamaya. Natawa siya nang pagak. “Kahit lulungin mo pa ako sa droga, walang lalabas na impormasyon sa bibig ko.” Muli siyang napatitig kay Grecco. May naisip na naman siya. “Ikaw ang ama ni Maliyah. Nakalimutan mo na ba?” Nanlaki ang mata nito sa sinabi niya. “S-seryoso? Ako ang ama ni Maliyah? ‘Di nga? T-talagang may nangyari sa atin noon?” Akmang sasagot siya nang may narinig na nabali na kahoy. Para bang naapakan iyon. Mabilis na tumingin siya sa kaliwa niya. Isang mabilis na anino ang nakita niya. At dahil mayabong ang puno ng mangga ay nawala ang anino. Mukhang sinamantala nitong magtago doon. “Dana?” untag ni Grecco. “Ssshhh…” Sabay lapat ng daliri sa bibig. Sinundan niya nang tingin ang anino na nakita na naman. Patakbo ito sa kakahuyan. Walang CCTV doon. Kaya napailing siya. Sayang, hindi niya makikita kung sino ang dakilang tsismong bisita niya. “Bakit?” “May bumisita lang,” aniya, sabay lagok ng alak. “‘Wag kang ganyan, Dana….” Luminga pa si Grecco. “Alam mong hindi ako takot sa buhay—” “Pero sa multo, oo,” putol niya sa sasabihin nito. “‘Wag kang mag-alala, walang multong kayang bumali ng kahoy. Okay?” Nakahinga naman ito nang maluwag. Nahulaan nito ang ibig niyang sabihin. “‘Wag mong sabihing nasundan ka rito? Dapat mong ipaalam ‘yan kay Supremo,” anito at inilinga ang paningin. “I don’t know.” Malinis naman siyang trumabaho, a. Last niyang misyon, ang nakawin ang vase sa mga Vergara– na pag-aari ng mga Evangelista. Ninakaw kasi iyon ng mga Vergara mula sa musoleo ng mga Evangelista. At walang problema siyang na-encounter kaya imposibleng nasundan siya. “Pero baka dumaan lang ‘yan dito. Alam mo na, minsan talaga, may mga dumadaan sa private property na ito,” aniya. “Sabagay.” Tumigil ito sa paglagok kapagkuwan. “Mabalik tayo kay Maliyah. A-ako ba talaga ang ama niyan? M-may nangyari ba talaga sa atin noon?” Inilapit niya ang sarili dito. Sabay sabing, “oo. Kaya magdasal ka na ngayon din kung tatanggapin ka pa niya o hindi, kapag nalaman niya.” “Damn it, Dana! ‘Wag mo akong pinaglokoko!” Namumula na agad ito sa galit. Tinawanan niya lang ito. Kasalanan naman kasi nito. Ito ang nagbigay ng ideya sa kanya. Tinanong ba naman siya nito noon kung may nangyari ba sa kanila nang gabing iyon. Parehas kasi silang nalasing noon. At nagising sila kinabukasan na magkatabi. Pero si Grecco lang ang nakayakap sa kanya. Nakatalikod kasi siya noon dito. At nang malaman nito ang edad ni Maliyah. Aba’y nagbilang sa harapan niya at tinanong kung anak daw ba nito si Maliyah. Kaya ang sabi lang niya dito, kung may lukso ka ng dugo na naramdaman. Eh ‘di, ikaw nga ang ama. Hanggang ngayon kasi, walang nakakaalam sa kanila kung sino talaga ang totoong ama ni Maliyah. Ah– ang boss niya pala, may alam iyon. Pero wala itong pinagsabihan kahit na sa asawa nito. “Hindi ako, tama? Pero nakasama natin siya nang gabing iyon?” Ngumisi siya dito. Pero hindi niya napigilan ang sarili nang bumalik sa alaala niya ang gabing sinasabi ni Grecco…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD