8 years ago…
“HINDI mo ba nakikita? Masaya si Ate kapag nandyan si Kuya Ezekiel! Bumabalik ang dating siya. Kaya ‘wag mo na sanang sirain ‘yon, Eric. Hindi mo alam kung gaano siya kalungkot nang mawala sa kanya si Kuya. Ayoko nang bumalik siya sa ganoon.”
“D-Dana,”
“Hindi mo rin ba nakikita? Kakaiba ang kislap ng mga mata niya kapag nakatingin kay Kuya, hindi kagaya sa ‘yo. Parang wala lang. ‘Yon ay dahil hindi ka niya mahal, Eric. Si Kuya Ezekiel ang mahal niya, hindi ikaw!” sigaw niya dito bandang huli.
Hinawakan siya nito nang mahigpit sa pulsuhan dahil sa sigaw niya.
“Why are you doing this, Dana? Dahil siya ba ang ginusto ko imbes na ikaw? Huh? Hindi ba pwedeng maging masaya ka na lang sa aming dalawa?”
Ngumisi siya dito. “Oo, mahal pa rin kita hanggang ngayon, pero hindi dahil sa nararamdaman ko sa ‘yo, Konsi. Kaya ko sinabi ‘yan dahil gusto ko namang sumaya ang Ate ko, at sa lalaking mahal niya mismo. Sa nakikita ko, hindi ikaw ang magpapasiya sa kanya. Hindi.” Napalunok siya sa sinabi ko. “Saka, matagal mo nang pinamukha sa akin na wala lang ako sa ‘yo. Na hindi mo ako kayang mahalin. Pero hindi naman ako ganoon katanga para ipilit ko pa ang sarili ko sa ‘yo. Gaya nga ng sabi mo, ang bata ko pa. Meaning, marami pang mangyayari sa buhay ko. At mas lalong marami pang darating na lalaki sa akin. Tama ba ako? Kaya ‘wag kang pelingero. Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Eric.”
Hindi ito nakaimik sa sinabi niya. Sinamantala niya iyon para umalis sa harap nito. Naabutan niya itong nakatunghay sa Ate Diane at Kuya Ezekiel na nag-uusap. Hinila lang niya ito palayo doon pat kinausap. Hindi niya alam kung gaano ito katagal doon kanina. Basta pagdating niya, para itong poste. May dala pa itong bulaklak.
Hindi pa man siya nakakalayo nang lingunin niya.
“Ah, nga pala. Isa sa araw na ‘to, baka mapikot na ni Kuya Ezekiel si Ate Diane. Kaya wala ka na talagang pag-asa sa kanya.”
Napatingin siya sa kamao nitong nakahawak sa pumpon ng bulaklak. Kung makakapagsalita lang ang bulaklak, baka nagsabi na itong nasasakal na.
“Nandito ka pala, Dana! Akala ko ba sasamahan mo kami sa Poblacion?” Napalingon siya sa nagsalita.
“Ikaw pala, Kuya Dennis. Nasaan na ba sila?”
“Nasa labasan na, nakahanda na. Ikaw na lang hinihintay namin. Hindi pa naman kami aalis kapag wala ka. Wala kaming tour guide. You know.”
Ngumiti ako sa kanya. “Sige po. Susunod na ako.”
Mga bisita sila dito nila Kuya Sebastian. Ilang beses ko na silang nakakausap sa tuwing naliligo ako sa dagat. Nakakasabay ko sila. Saka lagi silang dumadaan sa amin para mag-ehersisyo. At nakatira sila sa cabin na malapit lang dito sa bahay namin.
Pagkatalikod ni Kuya Dennis ay bumaling ako sa konsehal na nakatingin lang sa akin.
“Noon, gusto kita para kay Ate. Totoo ‘yan. Kahit na masakit sa akin, tinanggap ko na ikaw ang nagpapangiti sa kanya. Pero nang makita ko kung gaano siya kasaya nang makita ulit si Kuya Ezekiel, nasabi kong hindi pala ikaw ang tamang lalaki para sa kanya. Pero malay natin, mali ako nang tingin. Kaya go, tumuloy ka sa bahay.” Ngumiti pa ako sa kanya.
Hindi naman niya sinasabi ito sa binata dahil nagseselos siya. Ayaw lang niyang makita rin itong masaktan. Ganoon naman talaga, ‘di ba? Masasaktan ka kapag nasasaktan din ang taong mahal mo. Para bang iisa lang ang puso niyo. Tumatagos talaga. Kaya mas gugustuhin niyang makita itong masaya. Para maging masaya na rin siya.
Huling ngiti na yata ang binigay niya dito. Kasi wala na siyang balak na pansinin ito mula sa oras nang pagtalikod niya dito. Dapat na niyang kalimutan ito. Napipilitan lang siyang pansinin ito sa harap ng Ate niya para mabahala si Kuya Ezekiel. Pinapakita niyang mas boto siya kunwari sa konsehal, para magpursige si Ezekiel na mapabalik ang Ate niya.
May sinabi pa ang konsehal nang tumalikod siya pero tinakpan na niya ang tainga. Mas gusto niyang siya ang magputol kesa dito.
***
Limang motorsiklo silang nag-convoy. Kay Grecco siya sumakay dahil ito lang ang walang angkas kanina. Masarap din itong kausap dahil palabiro. Naiilang siya noong una dahil isa nga itong sikat pero madali niyang nakapalagayan ng loob kalaunan.
Sa bahay ng kaklase niyang si Krina sila naki-park. Sa gilid kasi ng bahay nito, may malawak na garahehan. Ang ibang sasakyan doon, sa mga pinsan nito.
“So, saan muna tayo?” tanong ni Krina sa kanila.
“Kayo, Kuya, saan ba?” Kay Dennis siya noon nakatingin.
“Thy? Saan ba?” anito sa hindi pa tapos mag-park.
“Bukas ba ang simbahan nang ganitong oras?” tanong ni Thy sa kanya.
“Um, oo. Pero bawal ang maingay.”
“Okay. Doon muna kaya?” ani ni Thy. Tinanong din nito ang kaangkas nitong babae. Gusto rin nito doon maging nila Grecco kaya doon muna sila tumungo.
Saglit lang sila sa simbahan bago inikot ang pinaka-centro. Naglalakad na lang silang lahat para ma-enjoy umano ang tour ng mga ito.
Pagkatapos na kumain sa loglogan ay tinungo nila ang bar na bukas na ng mga sandaling iyon. Mahigit kalahating oras lang sila doon bago nagpasyang mag-roadtrip naman. Iniwan na nila si Krina dahil hindi ito pwedeng sumama sa kanila. Basta sa huli, nagdesisyon silang bumalik ng Hotel De Astin. Doon sila sa labas ng cabin na nagpatuloy uminom. Bawal kasi siya sa bar dahil baka makarating sa kapatid.
Nasa tamang edad na siya kaya malakas na ang loob niya. Nga lang bawal pa makita ng kapatid kaya patago siyang tumutungga. Si Grecco ang tagatago ng inumin niya. Ito ang kasabwat niya ng mga sandaling iyon. Maraming mata kasi siyang nakikita– ang ibig niyang sabihin, mga tauhan sa hotel na paroo’t-parito.
Kahit na natatamaan na siya, naiintindihan niya ang topic ng grupo. May tinawag itong X na kasama nila kanina sa rides, samantalang hindi ganoon ang pakilala nito sa kanya. Tapos ang Thy pala ay hindi rin totoong pangalan. Kahit ang pangalan ng babaeng kaangkas nito ay hindi rin iyon ang totoong pangalan.
“M-mga ano ba kayo, Kuya? Ate?” tanong niya mayamaya.
Hindi nakaimik ang mga ito. Iniba na lang ng mga ito ang topic dahil sa kanya.
Well, hindi naman siya ganoon ka inosente. Nanonod siya ng mga movies lalo ng mga spy movies. Kaya sa tingin niya parang ganoon yata ang mga trabaho ng mga ito.
Inisa-isa niya tuloy masdan ang mga kilos ng mga kaharap. Lalo na ang tatlong babae. Hindi sila normal na mga kababaihan na puro pa-sexy lang at paganda. Ngayon lang niya napagtanto nga ang mga klase ng suot ng mga ito. Saka astig ang dalawang kasamang babae nila Grecco. May mga stunts ang mga ito kanina habang nasa biyahe sila kanina.
Napangiti siya sa isiping isa rin siya sa kagaya ng mga ito. Pero paano kaya makapasok sa mga ganoong trabaho talaga? Ang ibig niyang sabihin, paano magsisimula? Saan mag-aapply? Gaya din ba ‘yan ng mga pulis?
Kagat ang labing napatingin siya kay Grecco. Mukhang sa lahat ng mga naroon, ito lang ang madaldal. Baka makakuha siya ng ideya kapag dumikit siya dito.
Nakisali siya sa mga ito nang maglaro ang mga ito ng baraha. Si Dennis ang naglabas ng baraha mula sa jacket nito. Napailing siya dahil mukhang bitbit nito iyon kanina pa. Sinasabayan nila ng tagay din iyon kaya nalibang ang mga ito. Minsan lang daw mag-rest day kaya sinusulit talaga ng mga ito.
First time niyang uminom nang ganoon karami kaya nalasing siya ng sobra. Kaya naman hinatid siya ni Sandy sa katabing cabin na inuukupa nito. Hindi na daw siya nito maihahatid dahil nakainom nga rin ito. Tulog na tulog na rin ang ibang kasamahan nila kanina pa, silang mga babae na lang ang natira doon.
Pakiramdam niya, umiikot noon angkinahihigaan niya habang nakatingin sa kisame.
“Aah, nakakahilo. U-umiikot,” aniya.
“Subukan mong ipikit ang mga mata mo, titigil ‘yan,” ani ni Sandy sa kanya.
Pumikit nga siya. Nawala na nga sa pag-ikot pero hindi pa rin niya gusto ang nararamdaman. Para siyang nakalutang.
“Sa kabilang cabin lang ako, huh,” anito.
“G-gano’n ba. U-uwi na lang kaya ako.” Akmang uupo siya nang pigilan nito.
“Hindi nga pwede sa kalagayan mo. Saka hindi ka pala pwedeng makita nila Boss Seb. Baka sabihin, masama kaming impluwensya. Iba pa naman magalit iyon.”
Napahagikhik siya. “A-ang cool niyo kaya gaya niya. S-sana maging kagaya ko kayo.”
Sa ilang sandali nila kanina, napaamin niya si Sandy. At si Sebastian Madrid ang susi kung gusto niya. Ngayon lang niya napagtanto kung bakit napakaraming tauhan nito. Dinaig pa ang pulitiko. Ang guard ng hotel ay hindi rin basta-basta kaya.
“Magtapos ka muna ng pag-aaral.” Napailing si Sandy kapagkuwan. “O siya, higa na rin ako. Sigaw ka may ‘pag may kailangan.”
Natawa lang siya. Wala na nga siyang lakas, kaya kahit na pagsigaw baka ‘di niya magawa. As in, nanghihina siya at nahihilo kasi. Pero ang isip niya, gano’n pa rin. Matino.
Saglit na nagmulat siya pagkalabas ni Sandy. Gano’n pa rin. Umiikot ang paningin niya kaya minabuti niyang ipikit na lang ang mata. Kapag nawala na ang pagkahilo, lulubog siya sa dagat para mawala ang kalasingan. At para makauwi siya. Baka kasi sermon ang abot niya sa dalawang panganay na kapatid.
Biglang pasok sa isipan niya si Eric kaya napapikit siya. Ang buong akala niya, hindi niya ito maiisip ngayon. Kaya nga inabala niya ang sarili kanina habang kasama sila Sandy kanina. Pero heto, hindi na naman maalis sa isipan niya.
Ilang sandali pa siyang nakatingin sa kawalan bago pumikit. Pero hindi pa siya hinahayon ng antok nang bumukas ang pintuan. Madilim banda doon kaya hindi niya makita kung sino ang pumasok.
“S-Sandy?” walang sumagot.
“G-Grecco?” ani niya ulit.
Akmang babangon siya para buksan ang lampshade sa gilid niya nang may bumagsak sa tabi niya. Napalunok siya nang biglang bumagsak sa puson niya ang kamay nito. Mabigat kaya nasabi niyang hindi iyon kamay ng babae, kung hindi ng lalaki.
Napasinghap siya bigla nang gumapang ang kamay nito.
“Hmm… n-napaka-generous naman ni Madrid. H-hindi niya sinabing may inihanda siya para sa akin.” Kasabay niyon ang paghigit nito sa bewang niya kaya nahigit niya lalo ang paghinga. Mas lalo pa nang maramdaman ang labi nito sa leeg niya na malapit sa tainga niya. Nagdulot iyon nang kiliti hanggang sa kaibuturan niya.
“I like your smell,” anas pa nito na ikinanlaki ng mata niya. Pamilyar sa kanya kaya kinapa niya ang pindutan ng lampshade sa gilid niya.
Kapwa sila natigilan nang makilala ang isa’t-isa. Bahagya na itong nakapatong sa kanya. Tapos ang kamay nito ay saktong nakapisil sa kanang bahagi ng dibdib niya.
“A-anong ginagawa mo dito?” Salubong na ang kilay nito kaya napalunok siya.
“A-ako ang dapat magtanong niyan. Anong ginagawa–”
***
“DANA, hey! Are you with me?” Napapitlag siya nang maramdaman ang pagtampal sa balikat niya. Sinamaan niya nang tingin si Grecco na sinundan din ng nang malakas na hampas sa braso. “Ouch, sarap!” Kinagat pa nito ang labi.
“Ikaw naman kasi, makatampal, wagas.”
“‘Wag mong sabihing naalala mo kung paano niyo ginawa. Tell me, anong position ba ‘yan? Gusto niya raw babae, e,” seryosong tanong ni Grecco sa kanya.
“Sira ulo! Sa akin mo pa talaga itatanong ‘yan! Wow, huh!”
“Hey, hey. Wala namang malisya. We’re friends, right?”
“Hay, kahit na. Lalaki ka, at ako naman, babae. Baliw. Kaya ka laging red flag sa kanya.” Napaingos si Grecco sa sinabi niya. “O, laklakin mo na nga, at matutulog na ako.” Sabay lipat ng bote ng alak sa harap nito.
Akmang tatayo siya nang may makitang dalawang bulto na papalapit. Napatayo naman bigla si Grecco pagkakita kay Sebastian at Mayor Eric.
“Nandito lang pala kayo,” ani ni Sebastian.
“M-may kailangan ka, Kuya?”
“Actually, wala. Pero may sasabihin lang ako.” Binalingan nito si Mayor Eric pagkuwa’y ibinalik ang tingin sa kanya. “Nairekomenda kita kay Mayor. Magre-resign daw kasi ang secretary niya. What do you think? ‘Di ba, kailangan mo nang trabaho? May experience ka naman before kay Mayor Delfin.”
Ah, ang galing! Misyon naman ang tinutukoy ni Supremo, kaya anong experience ‘yon? Napailing na lang siya.
“Not interested, Kuya. May trabahong naghihintay sa akin sa Maynila. If you’ll excuse me, pasok na me. Maaga pa ako bukas. Night, folks!” Sabay talikod sa mga ito.
Sabi nang hindi kasi siya magtatrabaho kay Mayor. Ang kulit din talaga ng Supremo na ‘to.
Hindi pa man siya nakakalayo nang magpahabol si Mayor Eric.
“What about your license? Wala ka bang balak na kunin?” Nilingon niya ito.
“Oh, ang lisensya ko po? Kapag may time na lang po siguro ako, Mayor. Hindi naman po kasi driver ang trabaho ko sa Maynila kaya hindi ko naman po talaga kailangan.” Kunwa’y humikab pa siya sabay tampal ng bibig nang marahan.
Kita niya ang pagtaas ng sulok ng labi ni Supremo. Napahilot din ito sa ulo nito. At si Mayor naman, nakataas lang ang kilay niya.
“Ah, ikaw pala ang last dance ni Maliyah bukas, Grecco. ‘Wag mong kakalimutan ‘yan!” aniya sa kaibigan.
“Bakit ako, huh?” nagtatakang tanong nito sa kanya.
“Alam mo na ang sagot, nagtatanong ka pa. O siya, ligpitin mo na ‘yan.” Tinuro pa niya ang ginamit nilang dalawa sa pag-inom. “Night!”
Tumalikod na siya. Hindi na niya nagawang sulyapan pa ang dalawang bagong dating.
“Hoy, Dana! Walang ganyanan naman!” sigaw ni Grecco sa kanya na ikinangiti lang niya.