ANG NAKARAAN... (part 2)

3056 Words
SA UNA HANGGANG dalawang taon lang napigil ni Dana ang damdamin. Ayaw niyang siya ang maging dahilan nang pag-iyak ng kapatid. Pero Hindi sinasadyang nagkita sila ng konsehal sa may Naga City. Saktong iisang hotel lang sila ng pinag-check-in-an. Kasama niya noon ang tatlong kaibigan na nakilala lang din niya nang minsang umattend siya ng training na may kinalaman sa kurso nila. Si Karel, Myra at Patricia. Mula sa iba't-ibang munisipalidad ang mga ito, dito lang din sa Camarines Sur. At lumalim lang ang friendship nila sa pamamagitan ng social media. "So, siya pala ang tinutukoy mong batang konsehal sa inyo na pinagnanasaan mo?" Si Patricia iyon habang nakatingin kay Sir Eric na may ka-meeting. "Marinig ka, Patricia!" Kinurot niya ang kaibigan. Napadpad lang sila sa hotel na ito para ma-experience ang luxury life. Talagang pinag-ipunan nila ang trip nila ito dito sa Naga. Gusto sana nila sa Hotel De Astin pero siyempre, hindi siya pumayag dahil baka pagalitan siya ng mga kapatid niya. "Ano kaya kung lumipat tayo ng mesa habang hinihintay ang mga boys? Bakante pa doon, o. Tingnan natin kung papansinin itong alaga natin." Sabay hagikhik ni Myra. "Tumigil ka, Myra," banta niya. Hindi nga dapat siya nito makita dahil siguradong makakarating ito sa kapatid niya. "Kunyare lang naman na hindi natin siya nakita. Ganoon lang 'yon kasimple." Sabay tayo ni Myra na sinundan din naman ni Karel. "My gulay ka, Myra!" aniya na tumayo rin para pigilan ang kaibigan. Pero huli na, nakaupo na ito sa upuang katabi ng mesa nila Eric. Napaiwas siya nang mapatingin ang binatang konsehal sa kanila. Gusto man niyan magtago sa likuran ni Karel pero bigla itong umiwas at naupo na rin. At talagang iniwan nilang upuan ang nakaharap sa konsehal. Doon tuloy ako naupo. Sa cellphone niya lang siya tumitingin dahil panay ang text ni Patricia na napapatingin daw sa kanya si Eric. Sabi nga niya, 'wag siya nitong binobola dahil wala naman itong gusto sa kanya, sa kapatid niya lang. Saka, malamang na tumitingin ito sa kanya dahil nagtataka ito kung bakit nandito siya. At siguradong baka makarating na ito sa kapatid, kaya humanda siya sa pagalit ng Ate niya kung sakali. Wala pang sampung minuto nang dumating ang apat na lalaking makakasama nila. Ang isa doon ay pinsan ni Patricia na taga-rito lang sa Naga at mga kaibigan nito ang kasama. Nag-check in din ang mga ito dito dahil pupunta sila mamaya sa malapit na bar. Para may time din daw silang mag-bonding sa hotel after ng gimik. Pero bago ang session nila ay kumain muna sila doon. Sila yata ang pinakamaingay dahil sa mga lalaki. Siya, walang imik dahil nasa paligid lang si Eric. Kahit na nagpapansin sa kanya ang pinsan ni Patricia, hindi niya magawang tumingin dito dahil sa presensya ni Eric. "So, walang boyfriend si Dana?" tanong ni Tantan sa mga kaibigan niya. "Wala!" halos sabay-sabay na sagot ng tatlo. "Pero may pinagpapantasyahan 'yan. Kaso hindi siya type. Kaya ikaw na lang daw, Tan." Alam niyang nagbibiro lang si Patricia. "At gusto niyang mabiyak na rin ang kanyang perlas-" "Myra!" aniya sa kaibigan. Sinabayan din niya nang panlaki ng mata. Tumingin din siya sa gawi ng konsehal at saktong nakatingin ito sa kanya ng seryoso. Parang hindi na nga ito nakikinig sa kausap dahil sa ingay nila. Tumayo siya. "Bumalik na tayo, guys. Doon na lang natin ipagpatuloy ang kuwentuhan," aniya. "Kita na lang tayo mamaya doon, mga boys," baling niya sa mga lalaki. Sinang-ayunan naman ng mga ito ang sinabi niya. Maaga pa naman kasi kaya hindi na muna sila umalis papuntang bar. At habang paakyat sila sa ay panay ang check niya sa cellphone niya. Baka kasi tumawag na ang kapatid niya. Pero wala siyang natanggap hanggang sa pag-alis nila ng hotel kaya nakahinga siya nang maluwag. Sana lang hindi magsumbong si Konsehal na nakita siya nito sa hotel. Maaga pa naman kaya natulog ang ibang kaibigan. Pero siya, lumabas dahil may bibilhin lang siyang perfume. May malapit na tiangge siyang nakita kanina at walking distance lang. Hindi pa man siya nakakalabas ng hotel nang mapansin ang pigura ng lalaki sa labasan. Parang gusto niyang bumalik. May kausap kasi ito sa telepono nito. Akmang tatalikod siya nang makita siya nito. Tinaas nito ang kamay nito na parang sinasabing sandali lang. "Kayo po pala, Konsehal," kaswal niyang sabi. "Yeah. It's me. Um, anong ginagawa mo nga dito? At sino ang mga kasama mo na 'yon?" "Ah, sila? Mga kaibigan ko ho. May a-attendan kaming seminar bukas ng umaga dito sa.... um, basta, malapit lang dito." "Really?" Parang ayaw maniwala nito. Magkasalubong ang kilay nito. Pero ang cute nito sa ekspresyon nito. Hay, lumalambot na naman siya. Paano kasi walang kupas ang kaguwapuhan nito. Sayang lang at may iba nang mahal. Pero ayos na rin, sa kapatid naman niya napunta ito. Pero sa kabilang banda ng puso niya, nasasaktan talaga siya. Hindi naman niya maide-deny ito. Kaya dapat hindi na niya ito nakikita dahil nabubuhay lang ang pagmamahal niya dito. Kung alam lang niyang masasaktan siya, sana talaga hindi na niya pinaniwalaan ang sinabi nito noon, umasa tuloy siya. "Opo. Excuse me po. Bibili lang ako ng mga gagamitin namin bukas. Bye po." 'Yon lang at nagmadaling iniwan ito. Laking pasalamat niya nang malingunan itong nakapasok na ng hotel. Ang liit-liit talaga kasi ng mundo nila. DAHIL hindi naman sila mga menor de edad ay pinapasok sila sa isang disco bar. At doon sila nagwalwal na magkakaibigan, kasama ang mga bagong kakilalang mga lalaki. Inabot sila ng alas-tres ng umaga. Iyon lang ang oras na sinet nilang magkakaibigan. Maaga din kasi ang check out nila kinabukasan. Maingay pa sila hanggang sa paglabas dahil sa mga nainom na alak. Lumabas na nga ang kakulitan niya rin. Pero malinaw pa rin naman sa kanya ang mga nangyayari. Nga lang, hindi niya ma-control lalo na ang kaingayan. Napatigil siya sa pagtawa nang makita ang lalaking nakasandal sa pintuan ng sasakyan na naka-park. Mukhang may hinihintay ito. Nakasuot ito ng itim na leather jaket, itim na damit at rugged jeans. Pero kahit na nakasumbrero ito ay kilala na niya. Kabisado na kaya niya ang tayo ng konsehal na ito. Kahit na malayo at iba ang suot nito ay makikilala pa rin niya. Ilang taon mo ba namang pinagnasaan, e. Napaiwas siya nang tingin nang umayos nang tayo ito, nakatingin na ito sa kanila. Kay Karel niya ibinaling ang tingin dahil siniko siya nito. Pero magkahawak ang kamay nito at ni Kristopher na kaibigan ng pinsan ni Patricia, na katabi niya naman. Bale napapagitnaan sila ng dalawang lalaki ni Karel. "Si Konsi, o. Mukhang hinihintay ka," ani ni Karel. Tumawa din ito na parang kinikilig. "Sa tingin ko, ikaw ang sinusundo niya," singit ni Patricia na sinundan ni Myra nang pang-aasar. "Lubayan niyo nga ako. Alam niyo naman kung sino ang nililigawan niyan." Tumingin siya kay Alonzo. Hinawakan niya ang kamay nito. "Mauna na tayo. Sabi mo, ililibre mo pa ako ng Loglog." Napangiti si Alonzo sa sinabi niya. Tumango ito at nagpaalam sa mga kaibigan. Pero hindi pa sila nakakahakbang nang tawagin siya ng konsehal. "Dana!" Hindi niya iyon pinansin. Hinila niya si Alonzo palayo doon pero hinarang lang siya ni Myra. "Iniisip kong maningil na, beh. 'Di ba, talo ka kanina sa laro?" Kakaiba ang ngiti nito kaya kinabahan siya. "Okay lang ba, Alonzo, kung hiramin muna namin si Dana?" "Okay," sang-ayon na lang ni Alonzo nang tingnan siya. Napakunot siya ng noo. "Sabi mo, bukas ka na lang maninigil," aniya sa kaibigan nang harapin. "Nagbago na ang isip ko, bebe. 'Di ba, ikaw din, Pat, nagbago na isip mo?" Mukhang naghanap pa ng kasama. "Yeah. Ready ka na ba?" ani pa ni Patricia sa kanya. Sunod-sunod siyang nanalo sa bato-bato pick challenge nila kanina sa loob. Kung hindi makipaglaplapan ay yayakapin ang random guy sa loob ang dare niya kanina sa tatlo. At bandang huli, natali siya. Dahil naabutan sila ng oras kaya ipagpabukas na lang daw ang dare ng mga ito. Kaso... nagbago ang ihip ng hangin, at mukhang hindi maganda ang naiisip ng mga ito. Nanlaki ang mata niya nang ibulong sa kanya ni Patricia ang gusto nitong gawin niya. Makipaglaplapan daw siya sa Konsehal! Of course, may ebidensya din dapat. Jusmiyo! "Iba na lang, Pat! Please lang!" Bigla siyang pinagpawisan. Naisip pa lang niya, baka kidlatan na siya dahil kasalanan na iyon sa kapatid niya. Mukhang sasagutin pa naman na ng Ate niya ang konsehal tapos heto, lalandiin niya? No way! Kahit gustong-gusto niya, bawal talaga. "Hoy, walang ganyanan! Make out nga sa stranger ang ginawa ko kanina, kaya gawin mo 'yan." Kunwa'y nagtatampo pa ito kaya napasapo siya sa noo niya. "Ako naman, ang muya kong gibuhon mo bebe ay..." Inilapit ni Myra ang sarili sa kanya at bumulong ng gusto nitong ipagawa sa kanya. "Hayp ka dyan, Myra!" Namura niya tuloy ang kaibigan sa binulong nito sa kanya. "Habo ko!" aniya sa salitang Bicol na ang ibig sabihin niya ay ayaw niya. "Bahala ka daw dyan!" Nagmartsa na siya palayo pero napatigil siya dahil tinawag ni Myra ang konsehal na Sir Eric. "Sir, sabi daw ni Dana, bakla ka daw kaya hindi mo siya pinatulan noon." Sinadyang nilakasan ni Myra ang boses kaya nilingon na niya ang mga ito. Napatanggal ang konsehal ng sumbrero at tumingin sa kanya. Salubong ang kilay nito kaya napangiwi siya. "Myra!" sigaw niya sa kanyang isipan. Akmang puporma pa ang labi ni Myra nang unahan niyang magsalita. "Ata iyo na! Gigibuhon ko na tabi. Hmp!" aniya sa kaibigan na ikinalapad nang ngiti nito. Ang ibig niyang sabihin ay gagawin na niya. Baka kasi masabi na nito ang lahat ng mga sinabi niya dito noon. Dali-daling lumapit ang kaibigan sa kanya. "So, papakinggan or panonoorin na lang namin bukas?" ani ni Myra sa kanya na pabulong. Gaya ng kay Patricia kanina habang nag-make out kasama ang stranger, nakuhaan nito ng video ang ginagawa ng mga ito. Pero pwede naman daw audio iyon. Kaya baka audio recorder na lang ang bubuksan niya. Pero sana, kumagat si Konsehal. Unfair nga naman kasi kung hindi siya sumunod. E, siya nga ang may pakana nito. "Bye, bebe! Balitaan mo kami, huh," pang-aasar ni Myra habang iginigiya ang mga kaibigan nila palayo. Parang ayaw umalis ng pinsan ni Patricia kaya sinenyasan niya itong sumunod na lang sa mga kaibigan. "Alam ba ng Ate Diane mo ang pinaggagawa mo dito ngayon, Dana?" ani lang ni Konsehal imbes na magkomento sa mga sinabi ng kaibigan. Nakaalis na kasi ang mga ito at silang dalawa na lang natira. "Alam," aniyang walang buhay. Hay, paano niya kaya gagawin ang mga pinapagawa ng mga kaibigan? Ano, maglalasing-lasingan siya? Mukhang nawala na nga bigla ang kalasingan niya. "Are you sure? Tawagan ko nga siya kung alam niya na nandito ka." Bigla siyang kinabahan sa narinig kaya inilang hakbang niya ang pagitan dito at tinabig ang telepono ni Eric. Kaya bago pa man ito magdayal ay nahulog na iyon. "Pwede ba, Konsi, 'wag niyo na po pakialaman ang ginagawa ko ngayon? Malaki na ako para sa mga ganyan. Alam ko na ang ginagawa ko kaya hindi na kailangan pang ipaalam kay Ate. Okay?" Parang gusto niyang magsisi dahil tumaas ang boses niya. Paano siya ngayon magsisimula, e, nataasan niya nang boses. "Tingin mo, matutuwa ang Ate mo na kung sino-sino na lang kasama mo? Tapos ano, makikipag-make out ka rin sa lalaking iyon gaya ng mga kaibigan mo?" Sunod-sunod ang lunok niya sa sinabi nito. Paano nito nalaman? Hindi kaya nandoon din ito kanina tapos hindi niya napansin? "Pakialam mo ba, Sir Eric?" Hindi ito nakaimik. "Kahit sino naman siguro pwede kong yayaing makipag-make out sa akin. Nasa tamang edad naman na ako. Kaya kung ako sa 'yo, uma- Ouch!" Bigla na lang nitong hinawakan ang kamay niya nang mahigpit at hinila siya palapit sa sasakyan nito. "Sakay," utos nito sa kanya. Hindi siya kumilos kaya napabuntong hininga ang konsehal. Muntik na siyang mapasigaw nang pangkuin siya nito at sapilitang isinakay sa driver seat. "Ano bang akala mo sa akin, marunong magmaneho, huh?!" sigaw niya rito. Pero natigilan siya nang makaisip ng iba. "Pwede naman pala akong magmaneho, basta biyaheng langit." Sinabayan pa niya nang hagikhik. "Sinabi ko bang magmamaneho ka? Lumipat ka ng upuan." Tinuro pa nito ang passenger seat sa tabi niyon. Napaingos siya. "Ayoko nga. Pinaupo mo na ako dito, e.." Nagmatigas siya. "Ah, ayaw mo, huh." Akmang hahawakan siya nito para sapilitang ilipat nang pigilan niya. "Lilipat na!" inis na sabi niya at mabilis na lumipat, hindi sa tabi nito kung hindi sa back seat. "Fvck! Gagawin mo pa akong driver?" dinig niyang tanong nito sa kanya nang ipasok nito nang bahagya ang sarili. Hindi pa ito nakakasakay. Hindi siya sumagot kaya nainis ang konsehal. "Dana!" Nagtulug-tulugan siya at hindi ito pinansin. "Dana!" Mas malakas na ang boses nito ngayon kumpara kanina. Nagmulat siya nang mata at tumingin sa binatang konsehal. "Tawag ka nang tawag, dedede ka ba, huh?!" wala sa sariling sambit niya. Napasapo siya sa noo kapagkuwan nang mapagtanto ang sinabi. Kita niya tuloy ang pagkatigil ng Konsehal. Umiling na lang ito kapagkuwan at pumasok sa loob ng sasakyan. "Hindi na maganda ang impluwensya sa 'yo ng mga kaibigan mo, Dana," anito nang paandarin ang makina ng sasakyan. "So, concern ka na ngayon sa akin? Pakialam mo ba sa buhay ko, huh?" Nilingon siya nito at mukhang nainis na naman sa naging sagot niya. "Ganyan ba ang itinuro sa inyo?" "Hindi ko matandaan, e." Kumamot pa siya sa ulo kunwari dahil sa pabalang na sagot. "God, Dana," ani na lang nito at ipinagpatuloy ang pagmaneho. Mukhang pabalik sila sa hotel dahil papunta doon ang binabaybay nito. "Ibaba mo ako sa terminal, makikitulog ako doon. Wala nang bakante sa room namin dahil occupied na ng mga couple." Nabasa niya kasi sa chat ni Karel na okupado na nga talaga. Ewan lang kung biro lang iyon. Pero mas mabuti na iyong siguradong may matutulugan siya ngayon. Sa terminal, daming upuan doon, pwede siyang magpalipas ng oras doon. Tapos kanina pa nakikibalita ang mga ito kung nagawa na ba niya ang pinapagawa ng mga ito. Hindi pa ang nai-reply niya kaya sinabi na talaga ng mga ito na hindi siya patutulugin talaga sa silid nila hangga't hindi niya nagawa. Kaya tama lang talaga na sa terminal siya magpababa. Kapag nawala na siguro mga epekto ng nainom ng mga ito ay mawawala na rin ang dare ng mga ito. Hindi naman siya pinakinggan ng konsehal, nagpatuloy lang ito sa pagmaneho hanggang makarating sa parking lot. "Sabi nang wala akong matutulugan ngayon dyan, e!" Nilingon siya ng konsehal. "Kukuhaan na lang kita ng silid para makapagpahinga ka na," anito. Nagsimula na itong magtanggal ng seatbelt kaya napamura siya. Ano na lang ang isasagot niya sa mga kaibigan? Oras na lumabas ito ng sasakyan ay wala na siyang pagkakataon na magawa ang kahit na isang dare ng mga ito. Kaya naman, hinanap niya ang recorder at binuksan iyon saka mabilis na kumilos na lumipat sa unahan. Kita pa niya ang pagkunot-noo ng binata sa ginawa niya. Akmang hahawakan ni Eric ang pintuan ng sasakyan nang hawakan niya ang hita nito sabay pisil. Napapitlag pa ito sa ginawa niya. "D-Dana, ang kamay mo," anito habang nakatingin sa kanya. Saktong umalon ang adams apple nito. "Ang kamay ko? Nasaan ba?" Nagmaang-maangan siya. Inilapag niya ang telepono sa dashboard malapit sa gawi ng binatang konsehal. Nakabukas na ang recorder no'n. Itinaas niya ang kamay paakyat pa sa hita nito kaya hinawakan na iyon ni Eric. "D-don't do this, Dana. A-alam mo namang Ate mo ang gusto ko." Ouch. Kailangan pa bang sabihin 'yan? "Alam ko. Don't worry, hindi naman ito makakarating sa kanya. Ako pa ba, e, magaling ako sa taguan ng sekreto." "Ohhhh... God..." biglang ungol nito nang sapuin na niya ang nakitang bumubukol sa harapan nito. "S-stop it, Dana..." Pigil nga nito ang dalawang kamay niya pero nakawala din at muling sinapo ang naninigas nitong pagkalal4ki. Napaigtad pa ang binatang konsehal dahil doon. "Ang Ate ko ang gusto mo pero tinitigasan ka sa hawak ko? Ediwow," aniya habang nakatingin dito. Napamura pa ito kaya tumaas pa ang sulok ng labi niya. Ibig bang sabihin nito, kahit kanino na lang ito tinitigasan? "L-lalaki ako, Dana. Kaya malamang na magre-react 'yan," hirap nitong sambit. "Parang may mali, Sir. Sa pagkakaalam ko, loyal 'yan dapat sa mahal mo." Sinabayan niya iyon nang paghimas kaya napaawang ito ng labi. Mukhang balak nitong tanggalin ang kamay niya kaya mabilis na naupo siya sa kandungan nito na ikinadaing din nito. Iniyakap niya rin ang kamay sa leeg nito pagkuwa’y pinagpantay ang mukha dito at saka gumalaw sa ibabaw nito. "Holy sh*t, Dana!" Sumaktong naamoy niya ang hininga nito kaya napangiti siya. Matagal na niyang tinatanong sa sarili kung mabango ba ang hininga niya, at ngayon alam na niya. Bigla niyang inilapit ang ilong sa labi nito kaya napaiwas ito. "Hindi nga ako nagkamali, Sir Eric. Ang bango-bango ng hininga mo." Hindi nito malaman kung itutulak siya o ibabalik sa kabilang upuan dahil mas malikot siya. Lumalaban siya sa binatang konsehal. Kapag huhulihin nito ang kamay niya ay gumagalaw siya sa kandungan nito partikular na sa naninigas nitong pagkalal4ki. "Y-you're drunk, Dana. S-siguradong pagsisisihan mo ito kapag nasa tamang huwisyo ka na. Kaya pakiusap, umalis ka sa kandungan ko ngayon din," pakiusap nito. "Paano kung sasabihin ko sa 'yong never kong pagsisihan ito. Pagbibigyan mo ba ako?" "Big NO! I love your sister!" Nakaramdam siya nang kirot sa dibdib dahil sa mabilis na pagsagot nito "Alam mo ang nararamdaman ko sa 'yo noon pa man pero ang kapatid ko ang niligawan mo. Bakit ka ganyan, Eric, huh?" seryosong tanong niya na ikinatigil nito. "Bakit mo ako sinasaktan, huh?! At bakit mo kasi ako pinaasa?!" Sinabayan pa niya nang paghampas sa dibdib nito kaya hindi ito lalo nakaimik. At hindi niya alam kung gaano katagal siyang nagwawala sa dibdib nito. Basta hinayaan lang siya nito at namalayan na lang niya na humihina na ang pagbayo niya dito kaya doon na siya napatigil talaga. Inayos niya ang sarili at kinuha ang cellphone. "Sabihan mo ‘yang alaga mo, ‘wag manigas sa taong hindi niya gusto!" huling sabi niya bago umalis sa kandungan nito. Nauntog pa ang ulo niya dahil nahirapan siyang makaalis dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD