ANG NAKARAAN...

1363 Words
"PADABA TAKA, SIR!" sigaw ni Dana sa substitute teacher nila, na ang ibig sabihin ay mahal kita, sir. Talagang inabangan niya ang guro niyang ito. Usually, naglalakad lang ito kapag lalabas ng school nila. Wala siyang dalang anumang sasakyan kahit na meron naman siyang pag-aari. Nasa ikalawang na taon na siya sa high school ngayon. At simula nang makilala niya ang substitute teacher niya sa Araling Panlipunan ay nagulo ang isip niya. Imbes na tumaas ang mga grado niya dahil ma-inspired siya sa bagong guro, hindi. Naging obsessed siya kakapapansin dito. Nilingon siya nito. Napakunot pa ito ng noo nang makita siya. "You're too young to say that, San Jose." See? Kilala siya nito. Tandang-tanda nito talaga ang apelyido niya. Isa lang ang ibig sabihin nito, may posibilidad na mahuhulog din ang guro sa charm niya. Humakbang ito palapit sa kanya at ngumiti. "Ang gandang dalagita mo, pero you're too young para sa pag-ibig. Kung ako sa 'yo, umuwi ka na dahil gabi na para mabilis kang lumaki. At 'wag kalimutang mag-aral ng mabuti. Okay?" "Pero mahal talaga kita, Sir." Natawa na naman ang guro sa kanya. "Okay. Ganito na lang. Bakit hindi ka muna magtapos, malay mo magustuhan kita. Sa ngayon, wala akong interes sa mga babae, lalo na sa mga batang kagaya mo." "Ay, wala po? Bakit po? Dahil bakla ka po, Sir?" Napahalakhak na naman ang guro sa kanya. Pinagpantay nito ang sarili kapagkuwan sa kanya. "You know what? Hindi kasi bata talaga ang type ko. Mga kaedad ko or ahead sa akin ang mga gusto ko." Napaingos siya sa narinig pero hindi siya sumuko. "Paano po kapag nagdalaga na ako? Tapos nakapagtapos na ako ng pag-aaral, pwede mo na akong ligawan, Sir? Hindi na po ako bata niyan." Natigilan ang guro at napatitig sa kanya. "Oh, oo nga, noh?" Kunwa'y nag-isip ito. "Hmm. Hindi ko pa masabi sa ngayon. Pero malay mo mag-iba ang ihip ng hangin. Kaya kung ako sa 'yo, umuwi ka na ngayon din at mag-aral kang mabuti. Okay?" Sabay gulo nito ng buhok niya. Nabuhayan siya ng loob sa sinabi ng guro. Simula nang araw na iyon, hindi na niya nakalimutan ang sinabi nito. Nag pursige siya sa pag-aaral. At kahit na hindi na ito nagtuturo sa kanila ay lagi niya itong nakikita. Pinupuntahan niya mismo sa bahay nito. Hindi naman sila mismong nagkikita. Sumisilip lang siya mula sa malayo, masilayan lang ito. Pero natigil iyon nang pumunta ito ng Maynila. Mahigit isang taon din ito doon. Malapit na siyang grumaduate ng high school noon. Kahit na hindi niya ito nakikita, pinanghahawakan niya pa rin ang mga nasabi nito noon sa kanya. At umaasa siyang balang-araw ay matugunan nito ang pagsinta niya. At muling nagalak ang puso niya nang umuwi ito ng Caramoan. "Balita ko, tatakbo si Sir Eric ng pagiging konsehal," masayang balita sa kanya ni Mylene Joy. Nasa Kinalasan sila noon dito sa mismong poblacion ng Caramoan. Pagkagaling sa school ay dito sila dumiretso. Isa ito sa sikat na dinarayo ng mga turista at mga residente mula sa iba't-ibang barangay. Ang Kinalas ay isang noodle soup dish. Sikat ang pagkaing ito sa buong Camarines Sur, mas lalo sa Naga. Katumbas ito ng beef mami sa ibang lugar, kung ihalintulad. "Wow. Sayang, hindi pa tayo pwedeng bumoto," aniya sa kaibigan. Halata sa mukha niya ang pagkadismaya talaga. Pero kahit gan’on, all out ang suporta niya sa tatakbong konsehal na si Eric Smith, ang dating substitute teacher nila. Talagang lahat ng kamag-anak nila sa barangay at mga nakakasalubong ay binebenta niya ang tatakbong konsehal. Kung gaano ito kabait at katalino. Nanalo nga ito sa barangay nila pati si Mayor Lorence Miller. At simula rin nang nanalo ito, lagi niyang inaabangan ang pagpasok at pag-uwi nito mula sa munisipyo. Hanggang tanaw pa rin siya dahil hindi pa nga siya nakapagtapos. Ayaw ni Konsehal na hindi pa nakapagtapos ng pag-aaral. Saka mag-18 pa lang siya noon. PERO nagbago siya nang umuwi biglaan ang Ate Diane niya sa kanila. Nawalan siya ng time na makita kahit sa malayuan si Konsehal. Ayaw man sabihin ng kapatid, pero alam niyang broken hearted ito. Walang ibang nanakit dito kung hindi ang dating boss nito. Nakilala na niya ito noong na-admit ang bunsong kapatid nila sa Naga. Maraming naitulong ito sa kanila kaya malaki ang utang na loob nila dito. Pero siya ang nasasaktan sa kapatid. Sa mga nakikita dito. Minsan, nagigising siya na may umiiyak sa sala. Hinahayaan niya na lang ang Ate niya na umiyak nang umiyak. Makakatulong daw kasi iyon. "Dana, sasabay ka ba? Papunta akong Centro. May lalakarin ako sa munisipyo," dinig niyang sabi ng kapatid. Nagbibihis na siya noon para pumasok sa school. Nasa ikalawang taon na siya noon sa kolehiyo, sa kursong BS-HRM. Dito lang din sa Caramoan. "Wait lang, Ate!" "Dalian mo! Hintayin kita sa hotel!" sigaw ulit ng kapatid niya. "Sige, Ate!" aniya at nagmadaling nagsuklay. Sinuot na lang niya muna sa kamay ang tali sa buhok pagkuwa'y sinuksok ang maliit na suklay sa bag. Sa daan na lang siya mag-aayos ng sarili. Nakaayos naman na ang baon niya kaya wala na siyang ibang gagawin. "Thanks, Kuya Dane!" aniya nang makitang hawak nito ang maliit na bag na may lamang lunchbox. "Deretso nang uwi mamaya para hindi mag-alala si Ate sa 'yo," bilin nito. "'Wag mo nang dagdagan ang problema niya, Dana." Kindat lang ang sinagot niya sa kapatid. Good girl kaya siya nitong nagdaan. Umuuwi siya kaagad pagkatapos ng last subject nila. Hindi na siya sumasama sa mga kaibigan. Dagdag pa kasi ang paglipat nila malapit sa Hotel na bagong tayo na pag-aari ng pinsan niyang si Kendra. Doon din nagtatrabaho ngayon ang Ate niya ngayon. Buti nga abala na ito ngayon sa hotel. Bumalik-balik na ang sigla nito. Alas-diyes pa naman ang next subject niya kaya sa Munisipyo din siya bumaba gaya ng Ate niya. Wala lang, baka makita niya kasi ang happy pill niya. Kakababa lang nila ng Ate niya sa van na pag-aari ng Hotel De Astin nang may tumawag sa kanya. "Dana San Jose, right?" masayang sabi nito pero sa kapatid ang tingin. "S-Sir Eric," anas niya nang makilala ito. "Ay, mali. Konsehal Eric po pala." Nasanay kasi siya ng Sir dito. "Kumusta ang pag-aaral?" Hindi niya tuloy alam kung siya ba ang tinatanong nito dahil sa kapatid niya ito nakatingin. "Ayos lang po, Sir. Kayo—" "Sino siya?" tanong nito nang sadyang ibaling ang tingin sa kapatid niyang may kausap na pala sa telepono. Napatitig siya sa konsehal nang makita ang paraan nang tingin nito sa kapatid. Never nitong nagawa iyon sa kanya kaya nakaramdam siya nang selos. Ilang taon siyang nagsikap dahil sa mga sabi nito sa kanya noon pero parang wala lang ito sa dating guro. Para kasing labas din sa ilong ang pangungumusta. Hindi kaya pinansin lang siya nito dahil sa kapatid niya? At hindi nga siya nagkamali. Simula nang magkakilala ang dalawa. Parang hindi siya nag-e-exist. Nagpalitan pa ang mga ito ng numero simula nang araw na iyon. Bakit hindi ginawa ng konsehal iyon noon sa kanya? Pero sa kabilang banda ng puso niya, masaya siya. Masaya siyang nakikita ang kapatid na muling ngumingiti— sa tulong ng lalaking matagal na niyang pinangarap. Sa lalaking hanggang pangarap na lang din talaga niya siguro. At simula nang makita niya ang malaking pagbabago ng Ate niya, hindi na siya nangahas na tumingin pa kay Konsehal. Kahit na masakit. Sa isip niya, ang Ate Diane at ang konsehal nga siguro ang para sa isa't-isa. Bagay ang mga ito. Aminado siya doon. Kaya nagpasya siyang ilihim na lang sa kapatid ang lihim na pagtatangi niya sa lalaking nagpapasaya dito. Parang hindi niya kasi kayang makitang masaktan ulit ang kapatid. Kaso minsan hindi niya maiwasang masaktan sa tuwing nakikitang magkasama ang mga ito na masaya tapos komportable sa isa't-isa. Ipinagkakanulo siya ng puso niya, naipapakita niya minsan na naiinis siya. Kaya naman, nilibang niya ang sarili muli sa barkada para hindi makasira sa mga ito. Mas gugustuhin niyang siya ang masaktan kesa sa kapatid niyang walang ginawa kung hindi ang buhayin sila. Makakahanap naman siguro siya ng lalaking para sa kanya... at sa tamang panahon iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD