Chapter 2: Violation

2012 Words
“WHAT? Pinapunta niyo po ako dito sa Maynila para ipakilala sa kanya?” bulong niya sa ama kapagkuwan. Tumingin pa siya sa kaharap na si Dhalia Tolentino– ang anak ni Governor Tad Tolentino ng Nueva Ecija. Kasama nito ang magulang nito. At mukhang planado na nga ang breakfast na ito sa mamahaling restaurant na pag-aari rin ng DC hotel. Napakamot siya sa ulo nang makita ang pagpapa-cute nito sa kanya. Maganda naman siya pero hindi niya type. Para siyang kumuha ng alagain sa unang kita pa lang niya. At mukhang sasakit ang ulo niya sa babaeng ito kapag ito ang mapangasawa niya. “Ngumiti ka naman, Eric. Ayokong mapahiya kay kumpare,” ani lang ng ama sa kanya sa pabulong na paraan. Wala naman siyang choice kung hindi ang tapusin ang nakakainis na breakfast na ito. At kahit na bored na bored na siya, ngumingiti pa rin siya para lang hindi mapahiya ang magulang niya. “Alam mo, hija. Paborito rin ni Eric ‘yan.” “Ang alin, ‘Ma?” hindi niya maiwasang sabihin sa ina nang marinig ang pangalan niya. Nawawala kasi ang sarili niya, kaya heto, hindi niya masundan ang topic ng mga ito. “‘Yang broccoli cheese. Nakakarami ka nga niyan, ‘di ba?” “Yeah?” aniya na ikinasipa ng ina sa kanya. Kapag ganyang sagot niya kasi, alam na nitong wala siyang ganang makipag-usap. Mas gugustuhin niyang magkulong sa opisina at magbasa nang magbasa ng libro. “Parang gusto ko pong ipagluto si Eric, Tita. Paborito niya pala, e. Pwede kaya siya sa Sunday? Kailan po ba ang balik niyo ng Caramoan?” masuyong tanong naman ni Dhalia. “Mamaya,” mabilis niyang sagot. Sumulyap siya sa personal assistant niyang si Kara na pinsan niya– na nasa tabi ng Papa niya. Mukhang nahulaan nito ang tingin niya kaya pumagitna na rin ito. “I’m sorry, Miss Dhalia. Loaded ang schedule ni Mayor. Sa Sunday po, meron siyang lakad. Hindi po pwedeng i-cancel.” “Gano’n ba. Sayang naman.” “What if tawagan na lang kita, hija, kapag bakante na ang anak ko? Pwede kang magbakasyon sa amin. Para makapag-relax ka naman.” “I love your idea, Tita. Sige po, hihintayin ko ang tawag mo.” Tumingin pa sa kanya si Dhalia bago sumubo ng broccoli cheese. Dapat na siguro niyang ipaalam na hindi na siya kumakain niyan, ano? Bored na bored siya hanggang sa matapos ang breakfast nilang iyon. “Saan po tayo, Mayor? Talagang uuwi ka na po ba mamaya? ‘Di ba, may meeting ka pa po bukas kay Sir Sebastian?” “What if ngayon na tayo pumunta? Para makapagpahinga naman ako bukas.” Bukas ng gabi pa naman ang balik niya ng Caramoan. “Sige po, Mayor.” Kaagad na inilatag ni Kara sa driver nila kung saan sila pupunta ngayon at mamayang gabi. Pumikit na lang muna siya habang nasa biyahe. Ginising lang siya ni Kara nang makarating sa tapat ng headquarters ng AO. “Tinawagan ko na po si Mr. Sebastian, hinihintay ka na daw po niya sa loob.” Tumango siya dito at inayos ang upo. Maaga pa kaya dito sila sa mismong tapat ng AO. Pero kung gabi sana, pwede silang dumaan sa Spotlight na nasa kabilang ibayo lang. Sinalubong sila ni Cedric na kanang kamay ni Sebastian. Iginiya sila nito sa opisina ni Sebastian muna dahil nasa conference room pa raw ito. Hihingin lang naman niya ang update sa pinapahanap niyang pwedeng dumagdag sa security niya. ‘Yong sarili niyang tao. At gusto niya kasi, ‘yong kayang prumutekta sa kanya. Ayaw niyang magaya kay Mayor Miller. Nagpakampante, ayon at naisahan ng kalaban. Ang security personel niya ay ang ama ang mismong kumuha. Dahil wala siyang tiwala sa mga ito, lumapit siya kay Sebastian. Kailangan niyang magkaroon ng sariling tauhan na puprotekta sa kanya. Ilang sandali lang silang naghintay bago dumating ang sadya. Iniwan muna kami ni Kara na dalawa para mapag-usapan ang sadya niya. “Glad to see you here, Mayor,” nakangiting bati sa kanya ni Sebastian. Nakipagkamay pa ito sa kanya bago naupo sa upuan nito. “By the way, how are you doing?” “I’m good.” Tumango-tango si Sebastian sa kanya. “So, um, about sa taong ipapadala ko. Okay lang ba kung dalawa lang muna? To follow na lang ang isa?” “Sure. It’s okay. Alam ko naman na busy ang mga tauhan mo sa ibang misyon. I can wait naman.” “Thanks, bud. And I’m sorry.” Tinour siya ulit ni Sebastian sa loob ng compound. Nagtagal sila sa firing range pero bumalik din sa opisina nito pero sa kabilang building na. Sa may spotlight na. Doon sila nag-inuman pero nahinto din dahil simundo ng asawa nito. Kaya naman napilitan siyang bumalik sa condo. Pero nang ma-bored din ay nagpasya siyang pumunta ng ZL Lounge. Nagbabakasakaling makita din si Diane. Pero hindi niya inaasahang iba ang makikita niya sa labas ng ZL. Si Dana. SA KABILANG BANDA… "H-hi." Napilitan Si Dana na balingan si Mayor Smith. Saglit na nagtama ang kanilang paningin. Pero siya ang unang bumawi noon. “L-long time no see,” anang Mayor sa kanya. “Oh, matagal na pala. Sorry, nakalimutan ko na kasi magbilang ng araw.” Hindi niya inaalis ang ngiti. Pero sa loob-loob niya, parang gusto na niyang singhalan ito. O ‘di kaya, umalis na lang. Pero nang makita ang taxi na huminto sa likuran nito at nagbaba ay nagpaalam din siya kaagad. "E-excuse me, kailangan ko nang umuwi." Hindi na niya hinintay ang pagsagot nito. Mabilis ang mga hakbang na lumapit siya sa taxi at sinilip ito para kausapin. Pero kita ng mga mata niya ang pagharap ng lalaking iniiwasan niya. Hindi nito inalis ang tingin sa kanya hanggang sa matapos siyang makipag-usap sa driver. Akmang bubuksan niya ang pintuan nang magsalita si Eric. “It's great to see you again. Really,” anito. Hindi niya ito nilingon. Nagpatuloy siya sa pagbukas at hindi na ito tiningnan. Pero hindi siya nakatiis, tumingin siya sa side mirror. Nakatanaw pa rin ito sa sasakyang kinalulunanan niya. Ilang beses na tinampal niya ang dibdib dahil muling nabuhay ang sakit na nararamdaman niya. Bakit parang nausog? Kasalanan 'to ni Supremo, e. Bigla tuloy sumulpot. At mismong ngayong araw pa. God! Ilang taon na hindi ito sumagi sa isipan niya. Pokus lang siya sa anak at sa trabaho kasi. Talagang inabala niya ang sarili para occupied lahat. Para walang sumira sa mood niya. Bago siya makarating ng bahay ay nag-text siya sa nag-aalaga kay Maliyah na 'wag muna patulugin dahil pauwi na siya. Kaya naman, ito ang sumalubong sa kanya sa labas ng bahay niya. Sa ilang taon niyang pagtatrabaho bilang secret agent, nakapag patayo din siya ng maliit na bahay lang. Lote ito nang mabili niya at sakto lang silang mag-ina sa two-story na ito. May tatlong kwarto ito na hindi ganoon kalakihan. "Mama Dana!" "Maliyah, anak!" Sabay luhod dito para magpantay sila. Niyakap niya rin ito nang mahigpit. "Miss na miss ka na ni Mama, anak." "Ako rin po, Mama. Miss na miss na miss kita. Mga wantawsan times," nakangiting sabi nito na ikinakagat niya ng labi. "Malapit na po akong mag-7, Mama," dugtong pa nito. "Opo, malapit na nga. Excited ka na ba?" "Opo, Mama. Pinakita na sa akin ni Mommy Diane ang place kanina. Ang laki po." Sinabayan pa niya nang panlalaki ng mata. "Siguro, kasya po kaming lahat ng mga classmate ko." "Wow, ang laki naman. Teka, na-imbitahan mo na ba sila?" "Opo. Excited po silang sumakay sa chopper!" Three days vacation iyon, at saktong walang pasok kaya baka mag-stay ang mga kaklase ng anak doon. Naihanda naman na yata ang ilang cabin na para sa mga ito. Libre din daw iyon sabi sa kanya ng kapatid kaya nahihiya ako. Nahihiya ako kila Ate Kendra at Supremo. Tumayo siya at inakay ang anak papasok. As usual, nakinig na naman siya sa mga kuwento ng anak tungkol sa school at kung anu-ano pa. Kabaliktaran niya kasi ang anak. Napakabibo at napakadaldal nito. Samantalang siya, mas gugustuhin niyang manahimik kesa magdadada. Naglinis muna siya ng sarili bago tumabi kay Maliyah. Yumakap kaagad ito sa kanya. “I love you so much, tentawsan times, Mama Dana,” “Wow. Kadami namang love 'yan. Kaya pala laging maraming heart akong nakikita kasi tentawsan pala.” "Para po mawala ang pagod mo." "Oh, Maliyah…" Niyakap niya tuloy ang anak nang mahigpit. Kaya nga wala sa isipan niya ang love-love na 'yan. Kasi naman sapat na sapat na sa kanya ang kanyang anak. APAT na araw bago ang birthday ni Maliyah ay umuwi na siya ng Caramoan. Tutulong siya sa pag-aayos ng venue. Para naman may silbi siya. Maging ang dati nilang bahay ay nilinis niya. Mas gusto niyang tumira dito kesa sa mga cabin. Unang araw niya sa bahay nila ay naglinis kaagad siya. Inayos niya rin ang mga halamanan na nagkakandamatayan na. Wala na kasing nag-aalaga. Tinaniman niya rin ng panibagong bulaklak. Mga ilang araw pa naman siya dito kaya tyinagaan niya na lang. At pwede naman niyang iwan sa kakilala na nagtatrabaho sa hotel. Babayaran niya para maalagaan. Bandang tanghali nang pumunta siya sa Hotel De Astin para tanungin kung may pwede siyang maitulong, pero tinaboy lang siya dahil kaya na daw ng mga ito. Magpahinga na lang daw siya. Kaya naman nagpasya siyang pumunta na lang sa dating barangay nila para manghingi ng mga halamang itatanim. Nagpasya siyang humiram ng big bike sa pinsang si Kendra para may service siya papunta ng barangay nila. Suot niya noon ang itim na leather jacket. Naka itim na maong na pantalon din siya na parehas na may malaking hiwa sa hita. Suot niya rin noon ang high heeled leather boots na kulay itim. Bawal naman kasi dito ang hindi naka-close shoes ang mga nagmo-motorsiklo. Hirap na, baka ma-ticket-an pa siya. Dumaan siya sa bakery sa centro para bumili ng tinapay at eggpie na pwedeng pasalubong sa Auntie nila. Pumarada siya sa kalsada dahil puno ang harap niyon. Saglit lang naman siya sabi niya sa isipan niya. Inaayos niya ang pagkakasabit ng helmet nang biglang may huminto na motorcycle na ginagamit ng police. Napalabi siya nang makitang tumingin ito sa kanya at sa motorsiklo niya. Nahulaan na niya kung bakit ito huminto. At tama nga siya nang sabihin nitong bawal doon. Kaagad siyang humingi nang paumanhin. Pinagsabihan lang siya nito. "Bawal na po talaga ang mag-park sa kalsadang ito kahit saglit lang. May designated parking lot tayo. Mahigpit po talaga si Mayor, e." May tinuro pa siyang bakanteng lote na may mga naka-park nga. Libre pala ang park doon. Wow, huh. "S-sorry po ulit." "Sige, pagbibigyan kita ngayon. Pero sa susunod, hindi na pwede, huh?" Tumango siya sa pulis. "Salamat po." Akmang sasakay na ang pulis sa motorsiklo nito nang may humintong sasakyan. Kaagad na bumukas ang bintana ng sasakyan, sa driver seat banda. Tinawag nito ang pulis na kaagad itong pinuntahan. Mukhang wala na siyang kinalaman doon kaya lumapit siya sa bakery. Hindi pa man siya nakarating nang tawagin siya ng pulis. Kinabahan siya bigla. Lumapit siya kaagad. Wala na noon ang sasakyang huminto. "Pasensya na, Miss. Pero bawal daw po pala talaga. Kailangan kong kunin ang lisensya niyo. 'Yan po kasi ang bagong ordinansa dito." "Aw," ani ko. "Saan ko po 'yan tutubusin? Sa opisina niyo?" "Yes po. Pero baka bukas pa. Kinabukasan pa po kasi ang release niyan." "May ganoon? Paano ako makakauwi niyan?" "Ipapakita niyo lang po ang ticket kapag may oplan-sita sa dadaanan mo." Wala siyang nagawa kung hindi ibigay na lang sa pulis ang lisensya. Grabe naman ang higpit pala dito. Sabagay, ang ganda na ng Centro. Lalong nag-improve. Pagkabili sa bakery ay umalis na kaagad siya. Pero naiinis siya. Wala siyang lisensya ngayon. First time itong mangyari ss kanya. Malay ba niya kasi. Dati naman kasi may mga nagpa-park sa mga ganoon. Saglit lang siyang tumambay sa dating barangay nila. Bumalik siya kaagad para maitanim ang mga halamang hiningi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD