CHAPTER THREE

2609 Words
Skyler's POV Umani ako ng matalim na tingin kay Lolo habang napataas naman ang kilay ni Mayor Jordan. May dumaang amusement sa mga mata. Tumikhim ito at iniabot ang kamay ako. Mahigpit nitong ginagap ang kamay ko. Mainit at malambot ang palad ng batang Mayor. Agad kong binawi ang kamay dahil parang nakukuryente ako sa pagkakalapat ng mga balat namin. Kahit pa nagdaop lang ang mga palad namin. May sa demonyo ata to! Pasimple kong ipinunas sa suot kong dress ang palad ko. Pag angat ng tingin ko ay magkasalubong ang mga kilay ng Mayor na nakatingin sa palad ko. "Ang mabuti pa'y iwanan ko muna kayong dalawa para makapag-usap kayo. Kakausapin ko lang ang organizer. Asan ba ang Mommy mo?" "Andiyan lang yon," walang ganang sagot ko. Umalis na si Lolo kumuha naman ako ng wine sa dumaang waiter. Ganoon di ang ginawa ni Mayor. Lumakad ito papalapit sa tabi ko at sumandal sa bar counter na nasa likuran namin. "Are you allowed to drink?" tanong nito na nakapagpatindig ng balahibo ko sa leeg. Mabilis ko siyang nilingon. Pakiramdam ko kasi ay kay lapit ng bibig niya sa leeg ko. Wala sa loob na nadama ko ang leeg ko. "I'm not a child..." "Really?" "Why? Are you going to spanked me if I'm not?" I snarled at him, wasn't thinking the implications of what I said. I heard him laughed. It was husky, seductive, and intimate all at the same time. I wanted to cringe, but instead I felt fascinated. Parang nakakahipnotismo ang tawa nito kaya hindi ko maiwasang mapatanga rito. Hindi naman pala ganoon katanda itong tignan. Kung aalisin ang specs nito mas magmumukha itong bata ng mga ilang taon. Napansin ko rin na hazel nut pala ang kulay ng mga mata nito, at walang pores si Mayor! Makinis ang balat nito. Walang lines na sign of aging. Ang youthful ng kutis nito. Nate-tempt na akong tanungin ang skin care niya. Nagulat na lang ako nang lumapat ang kamay nito sa ilalim ng baba ko para isara ang nakaawang kong bibig. Di ko napansin na literal na nga-nga ako sa harapan ni Mayor. Para mapagtakpan ang pagkapahiya pinalis ko ang kamay niya na nasa baba ko. Baliwala naman dito ang ginawa ko. Uminom ito ng alak habang ang mga mata ay nakatingin sa akin. Nag-uumpisa na akong mailang sa mga titig niya. Hindi dahil sa feeling molested ako kundi dahil may nagiging epekto sa akin ang mga titig ng lalaki. Something... sensual. "E-Excuse me," aniko. Walang lingon-lingon na iniwanan ko siya roon. Huminto lang ako sa paglalakad ng nakaliko na ako sa pool na nasa kabilang side ng mansion. Mas mabuti pang dito an lang muna ako. Hahanapin naman ako ni Lolo kapag kailangan niya na ako. Naupo ako sa isang lounger chair na naroroon. "Skyler..." Napalingon ako sa pamilyar na tinig na tumawag sa akin. Nakita ko sa aking likuran si Meurs Juste, my ex-boyfriend for two... days. Yun lang ang kinaya namin. Masayado kasi itong palikero, pati new number ko nililigawan ng gago akala ibang tao. Pero in good terms naman kami. Maayos ang paghihiwalay namin kahit muntik ko nang ibuhos sa kanya ang milk tea na dala-dala niya nung huling nakikipagbati siya sa akin. Ngumiti ako. Relieved dahil sa wakas may makakausap na akong kaidad ko. Puro oldies na kasi ang mga nasa loob. Feelling ko nga SONA ang idinaraos sa mansion hindi engagement party. May mga ininvite rin naman akong mga kaibigan ko pero hindi ko alam kung bakit late na naman ang mga yun. Sabagay mas sanay kasi kaming hating-gabi kung pumarty. Sino ba naman kasi ang pumaparty ng alas sais ng gabi? Sa mga bar nga ang highlight ng kasiyahan ay nag-uumpisa ng alas onse. "Uy, musta?" Nagkibit-balikat ito. Cute naman si Meurs. Matangkad, medyo payat, mapungay ang mga mata at pino ang matangos na ilong. Ang kaso hindi ata talaga kami meant to be. Mas okay kaming friends lang. Napagtanto ko yun ng mag-break kami, mas naging close kami. Hanggang sa naging barkada ko na rin siya. Naupo si Meurs sa tabi ko. Di ko na kailangang umusog dahil kasya nama siya sa maliit na espasyo na nasa gilid ko. "Papasakal ka na talaga? Wag mo masyadong kawawain si Mayor ha, kailangan pa siya ng taong bayan," biro niya ng makaupo. "Gago," natatawang kinaltukan ko siya. "Baka nga ako ang apihin no'n. Tignan mo naman ang itsura mukhang mambabalibag kapag nainis." At hindi ako nagbibiro. Mukha lang mabait si Mayor pero mukhang maliit lang din ang pasensiya. Judgemental lang siguro ako pero sino bang hindi mag-iisip ng ganoon? Ang laking tao nito. Matipuno ang pangangatawan halatang batak sa ehersisyo. Iniisip siguro ng iba na para siyang si superman, ano nga ang tawag dito? SuperMayor? Ang cornnny! Pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang talim sa mga titig nito. He may have seemed respectable, but I could smell the beast in him. He may have seemed to be a matinée idol, a protagonist, but the way he looked at me? His eyes wandered over my body? I saw the antagonist within him. Dahil sa estado ng buhay namin, at bilang apo ng isang maimpluwensiyang tao hindi na mabilang ang mga taong nagtangkang lumapit sa akin na may ulterior motive. Noon nasasaktan ako kapag nadidiskubre ko na kaya lang nila ako nilalapitan ay para matulungan ko silang makahingi ng pabor sa Lolo ko. I was mad back then pero dumating yung punto na natanggap ko iyon at ginamit upang gamitin ang mga taong gusto rin akong gamitin. Mas gumaan ang buhay ko sa pakikipaglaro sa mga taong 'yon. I let them believe they could use me so that I could use them in my favor. I pretended to be naive and gullible in order for them to believe I was easily swayed. Ang mga tao kapag may kailangan ibibigay sa iyo ang lahat ng naisin mo kahit labag sa kalooban nila, that's what being the governor's granddaughter taught me. That's also why I'm still untouchable and people hold me in high regard. Sabi nga ng Lolo may kinabukasan raw ako sa politika kung hindi nga lang puno ang record book ko ng mga eskandalong kinasasangkutan ko simula pa ng mamulat ako sa totoong kulay ng mundo at the very young age. Wala naman akong balak sumunod sa yapak ni Lolo. Napakagulo at napakaingay. Kaya nga minimaintain ko ang pagiging delingkwente sa mata ng lahat dahil baka maisipan pa ng Lolo ko na isabak ako mundo niya. Ayoko ko nga! Isa lang naman ang pangarap ko. I wanted to be a housewife and a mother. I imagined myself as a housewife. Gusto ko yung mga nakikita ko sa mga comercial. Yung mga maybahay na naka-apron, nagluluto ng hapunan o agahan sa pamilya nila, habang hinihintay ang asawa at anak na umuwi para salo-salong kakain. Magbubukas ng malamig na coke at sabay-sabay na didighay. Napailing ako. Bata pa lang ako yun na ang pangarap ko. Hindi ko naranasang magkaroon ng masaya at buong pamilya kahit pa alam ko namang mahal ako ng Lolo at mommy ko, parang may malaking kulang pa rin. Laging wala ang Mommy ko dahil sa pagta-travel niya. Ang Lolo ko naman laging kailangan ng mga constituents niya. Naiiwan akong mag-isang kumakain, miski ang mga katulong ayaw akong sabayan dahil natatakot na mapagalitan. Okay sana kung nagkaroon man lang ako ng kapatid, ang kaso wala rin ako no'n. I was left alone in a big mansion. Kaya ayoko kay Mayor, bukod sa gurang na paniguradong kagaya rin siya ni Lolo. Wala siyang magiging oras sa akin o sa mga magiging anak namin. Ang gusto ko ay simpleng tao lang din. Yung may simpleng trabaho na hindi magiging hadlang para umuwi sa bahay at magiging excited sa mga lulutuin ko. Yung handang maglaan ng oras sa pamilya. Malalim akong napabuntong-hininga. Ang layo na nang narating ng iniisip ko. Sabagay wala naman akong ibang napagsasabihan ng tungkol doon dahil wala namang may interest sa mga ganoong bagay ang mga kaibigan ko. Pagtatawanan lang nila ako kapag nalaman nila. "Sobrang lalim naman ng buntong-hininga mo. Buti na lang ang bango ng hininga mo," ani Meurs. Saka ko lang uli naalalang kasama ko pala siya. Inirapan po siya at siniko para patigilin sa pang-aasar niya sa akin. "Oh well, well, well." Sabay kaming napalingon ni Meurs sa likuran. Naroon si Riggs. My very recent ex-boyfriend. Ang pinaka-bitter sa lahat. Pinagsisihan ko hanggang ngayon kung bakit ako nagpabuyo sa mga kaibigan ko na sagutin ang mga palipad hangin nito. Trip lang naman noong una. Malay ko namang seseryosohin niya? May pahid sa utak ang tinamaan ng lintik. Kung umasta kasi ito ay parang ako ang hindi maka-move on sa aming dalawa samantalang siya naman itong habol nang habol. "You've never changed," iiling-iling na anito. Nagkatinginan kami ni Meurs. Malamang na pareho kami ng iniisip. Kita ko pa ang pigil na pagtawa ni Meurs. "Ano na namang drama mo?" bagot na tanong ni Meurs kay Riggs. Tumalim ang mga mata nito na bumaling kay Meurs. Well, sa pagkakaalam ko matagal ng may hidwaan ang dalawa nadagdagan lang nang dahil sa akin. Naging ex ko sila pareho pero kay Meurs lang ako nanatiling close, na ikinagalit nang lalo ni Riggs. "Isn't ironic? Pareho tayong naghahabol sa babaeng ikakasal na?" mapait pa sa ampalayang ani Riggs. Yumuko at bahagyang bumulong sa akin si Meurs, "Hanudaw?" Nagkibit naman ako ng balikat. "Malay ko sa inyo, kayong dalawa ang nag-uusap damay mo pa ko," bulong ko rin. "Oh siya, diyan na kayo. Pag-usapan niyo yan baka maayos niyo pa," aniko. Tinapik ko ang balikat ni Meurs at iniwanan ang mga ito. Nga-nga naman si Meurs. Akma niya akong susundann pero hinarang siya ni Riggs. Buti na lang at hindi ako ang trip ngayon ni Riggs ngayon. Mukhang lakas tama na naman si Riggs. Kaya nga hindi ako nagsasalita ng kahit ano nang makita ko siya. May ugali kasi ang lalaki na kung sino ang unang kumausap yun ang hindi niya tatantanan. Menopause baby raw si Riggs kaya matalino, sa sobrang talino naghahalo-halo na ang realidad at imahinasyon nito, in short may pahid nga ang utak. Muli akong bumalik sa loob. Agad na hinanap ng mga mata ko si Lolo. Gusto ko nang magpaalam umakyat para matulog dahil inaantok na ako. Ang boring naman ng party na to. "Miss Skyler," pukaw sa akin ng event organizer. Paiwasan na ito at mukhang nakahinga nang maluwag nang makita ako. "Naku, Miss Skyler, kanina pa ho kayo hinahanap. I-a-announce na po ang engagement niyo wih Mayor Jordan Salcedo. Nandiyan na rin ho, sina Mr. and Mrs. Salcedo." Bumagsak ang balikat ko. Hindi pa pala ako makakaalis. Nagpahatak na lang ako sa event organizer. Dinala niya ako sa harap ng stage. Naroroon na nga ang mag-asawang Salcedo. Nasa tabi ng mga ito si Jordan na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Sinalubong naman ako ni Mommy. "Where have you been?" mariing bulong niya sa akin. "Nagpahangin lang." "Kanina ka pa pinahahanap ng Lolo mo." "Tss, hindi naman kasing laki ng Mall of Asia tong mansion para hidni niyo ko makita sa pool," sarkastikong aniko. Kung makapagsalita kasi ang mga ito parang isang oras na akong nawala. "Sshh, 'wag ka ngang magpakita ng kagaspangan ng ugali mo, nariyan ang mga magiging biyenan mo." Pinandilatan niya pa ako bago niya ko hinila papalapit sa mga Salcedo. "Balae, this is my daughter, Skyler," pakilala sa akin ni Mommy. Nakita ko pang pinandilatan ako ni Lolo. Nagbabanta na pakitunguhan ko ng maayos ang mga soon to be 'in laws' ko. Una kong nilapitan ay si Mrs. Salcedo. Binati ko siya at nagbigay ng compliment sa suot niyang dress saka bumeso. Kinamayan ko naman si Mr. Salcedo. Pagdating kay Jordan ay nawala na ang ngiti ko at pasimple ko pa siyang inirapan. Tumaas naman ang sulok ng labi nito. Nagulat pa ako nang abutin nito ang balakang ko at hilahin ako palapit dito. Hindi ko napigilan ang singhap na kumawala sa bibig ko nang bumunggo ako sa matigas niyang katawan. Mukha namang kahit nagulat ang mga kaharap namin ay tila natuwa pa. Ang sweet nga naman naming tignan, para kaming nagkakamabutihan. Tiningala ko siya kaya nasalubong ko ang mga mata niyang nakatingin din sa akin. Meyo naturete ako dahil sa titig na iyon kaya nawala sa isip ko ang balak ko sanang sasabihin. Pinilit ko na lang di magpagpahalatang apektabo at nginisihan siya ng nakakaloko. Umakyat na si Lolo sa stage. Nagbigay ito ng maikling speech at pasasalamat sa mga dumalo hanggang sa tawagin niya na kaming dalawa ni Manalo. Nakahawak pa rin si Jordan sa beywang ko. Hindi ko naman magawang palisin ang kamay niya dahil maraming nakatingin. Ngumiti na lang din ako ng matamis. Nakipagkamay pa si Jordan kay Lolo bago abutin ang mic kay Lolo. Magsasalita na sana si Jordan nang matigil ito dahil sa komusyong umagaw sa atensiyon nilang lahat. Nagsilingon ang mga tao. Miski siyang pilit tinatanaw ang nangyayaring kaguluhan sa likuran. Hanggang sa manlaki ang mga mata ko nang makita si Meurs at Riggs na magkayakap habang panay ang suntok sa katawan ng isa't isa. "My god!" narinig ko pang singhap ni Mrs. Salcedo. "Awatin niyo!" malakas at galit na ani Lolo sa mga tauhan nito. Mabilis namang kumilos ang ito na nagulat din sa nangyari at agad na sumaklolo sa dalawa. Hirap ang mga ito sa pag-awat kay Riggs at Meurs dahil walang may gustong magpatalo. "Oh emgee naman talaga yang mga ex mo!" palatak ni Jane sa gilid ko na bigla na lang sumulpot. Sabay pa kaming napalingon dito ni Jordan. "Hi, Mayor," kaway nito kay Jordan. Tinanguan naman ito ng huli. "So, they're your exes," narining kong malamig na anito na ikinakunot ng noo ko. Di ko naman napigilang mapataas ang kilay ko. Bakit parang may nahihimigan akong galit sa paraan ng pagsasalita niya? Or it was just my imagination? "I was her first!" sigaw ni Riggs. Probably referring to Stacey na ex nito na ex din ni Meurs. "And I bedded her like a hundreds times, faggot!" ganting sigaw naman ni Meurs. Na mas lalong ikinagalit ni Riggs kaya umakma na namang susugot kung hindi lang muling napigilan. "H-Hey!" sita ko naman kay Jordan dahil naramdaman ko ang pagpiga niya sa balakang ko. "Your hurting me!" inis na reklamo ko. Yumuko siya at doon ko lang napansin na sobrang dilim pala ng mukha niya at tila nag-aapoy ang mga mata niya na nakatingin sa akin. "Yeah?" sarkastikong aniya. I was taken aback sa galit na nakikita ko sa mga mata niya. Nagagalit siguro siya dahil nagulo ang party lalo na at nalaman nitong ex niya ang dalawang gung-gong. "You have too many exes. Ilan pa bang mga ex mo ang magwawala at ipangangalandakan na naikama ka nila?" mahina ngunit mariin nitong bulong sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang maunawaan ang ibig niyang sabihin. Gusto kong mainis at ipaliwanag na hindi ako ang tinutukoy ng dalawa pero may ideyang pumasok sa isip ko. I c****d my head and smiled sweetly. "SML?" aniko. Nangunot ang noo niya. Tila nalito at saglit na nag-isip. "Share Mo Lang?" patanong na anito. Aliw si Mayor alam ang mga millennial acronyms. Mas lalo akong napangiti. Pinindot ang tungki ng ilong niya na ikinakurap-kurap ng mga mata niya. Bahagya ring lumuwag ang pagkakahapit niya sa akin. "Wrong, Mayor... SML stands for... Sorry Maharot Lang," aniko. Kinindatan ko pa siya para mas lalo siyang mainis. At di nga ako nagkamali base sa pagkakadilim ng mukha nito halatang napipikon na sa akin. Sige lang, mainis ka lang ng ikaw na ang kusang umatras sa kasal...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD