bc

THE MAYOR'S WIFE

book_age18+
33
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
sweet
small town
like
intro-logo
Blurb

Marrying the hottest mayor in town is not her cup of tea but Jaiceph has no choice. Kailangan niyang pakasalan ang kapita-pitagang lingkod bayan na labing dalawang taon ang tanda sa kanya at ubod pa ng boring. Magkasundo kaya sila?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Skyler's POV "Wala ka na ba talagang dadalhin sa pamilya na 'to kundi kahihiyan?" Napaikot ang mga mata ko. Ilang ulit ko na bang narinig ang mga salitang 'yon? Wala na bang bago? Nakakasawa. "Hindi ka na ba talaga magbabago?" Kung sabihin ko kayang hindi na para hindi siya tanong nang tanong? Kaso baka ihampas sa akin ni Lolo ang tungkod na hawak niya. Mahapdi pa ang balat ko dahil sa sunburn. Matutuwa na sana ako sa tanned kong balat kung hindi nga lang sobrang hapdi. Wala akong sun block ng mabilad ako sa araw. Sino ba naman kasing tanga ang naglalagay ng sun block kapag gabi na? Saka malay ko bang sa gilid ako ng dagat makatulog at magising na tirik na ang araw. "Kakatapos lang ng eskandalong ginawa mo heto ka na naman at may kinasasangkutang bago!" Oh, yeah. Fresh na fresh ang issue ko ngayon. Breaking news ang kaisa-isang apo ni Gobernador Sales ay nahuling nagdo-droga sa tabing dagat. Like the f**k? Ni hindi akin ang mga pipe na nakita sa kamay ko. I don't even remember kung bakit hawak ko ang mga iyon. Ang natatandaan ko lang ay may party sa front beach the other night. Bumabaha ng alak at lalaki, malakas na music, bon fire na nakikisayaw sa tugtog ng VJ. The party was f*****g cool. Ang saya-saya ko kagabi habang nagpapakalango sa alak at nakikipagsayaw. Then I woke up with a throbbing head, the party had already ended, the sun was risen, and a paparazzi's camera had been clicking nonstop on my bare face! Buti na lang at maganda ang kuha sa akin. Para akong calendar girl na bumangon sa buhangin. Nag-mental note akong gagawing profile sa IG ko ang litratong yon na umiikot sa mga social media site na pinupulutan ng mga taong malaki ang inggit sa akin. "You're forcing me to make a decision, Skyler..." ani Lolo. Umiiling-iling. Bagsak ang balikat ng matanda at mukhang mas lalo pang tumanda ng ilang taon. Minsan gusto kong maawa kay Lolo dahil sa mga kunsumisyong dindala ko sa kanya. Pero sino ba ang dapat sisihin? Of course si Lolo dahil siya naman ang nagpalaki sa akin. At kanino pa ba ako magmamana ng katigasan ng ulo kundi sa ina kong lagalag. At sino ang nagpalaki sa nanay ko? Eh, di ang Lolo ko. Kaya no choice si Lolo, siya talaga ang may kasalanan. Pero hindi ko yon puwedeng isatinig dahil lalong hahaba ang misa sa akin. Nangangati na ako at gusto ko ng ibabad ang katawan ko sa malamig na tubig ng bathtub para kahit papaano ay maibsan ang hapdi ng balat ko. "Ah, Lo?" agaw pansin ko kay Lolo na halos burahin na ang mukha kakakuskos gamit nag palad. Alanganing itinaas ko pa ang kanang kamay ko. "Can I go na? I want to take a shower na e, look oh, I'm so sticky na." Akma na sana akong tatayo nang malakas na sumigaw si Lolo kasabay ng paghampas nito sa ibabaw ng desk nito. "Sit down!" Balik ako sa pagkakaupo. Mahirap na dahil mukhang galit na galit na si Lolo. Humihingal na ang matanda, agad naman na pinaypayan ito ng nurse nito, batam-bata, sexy at malaki ang hinaharap. Itinaas ni Lolo ang kamay para patigilin sa pagpaypay ang malanding alipin este ng kanyang nurse c*m kanang kamay. "Dangan lang din lamang na hindi ko na kayang sugpuin ang sungay mo mabuti pa sigurong ipagkasundo na kita ngayon pa lang kaysa umuwi ka ritong disgrasyada." Malumanay lang ang boses ni Lolo pero para namang bombang sumabog sa mukha ko ang mga binitiwan niyang sa salita. Ipagkasundo? could it be... Di pa naglilipat ang ilang sandali ay nasagot na ang hinala ko. "I'm marrying you off." "The f**k?!" gulat na malaks na sigaw ko. "Language, young woman!" galit naman na balik sigaw ni Lolo. Muli itong huminga ng pagkalalim-lalim tila tinitimping mapatid ang anumang pasensiya na nalalabi. Pero ako nagha-hyperventilate na. Alam ko naman na do'n rin ako patungo. I had to pay the price for being an heiress. All of the luxuries I receive must be repaid by marrying whomever my Lolo chooses for me. But not this soon! I'm only nineteen years old - a teen, still a teen! I haven't even finished college! First year college pa lang ako dahil nag-shift ako ng course mula fashion designing to AB pschy not that I'm interested in it but I think it's cool. Lalo na kung isang hot na half-fil at half-latino ang professor. "Lo, nag-breakfast ka na ba? Maghunus dili ka muna baka nabibigla ka lang." Umiling-iling si Lolo. "I'm in a right mind, Bellienda. I know what I am doing, and this is the right thing to do. You are going to be married as soon as possible!" sabi ni Lolo sa tono na kahit ang hari ng Istanbul ay hindi makokontra. Bagsak ang balikat na napasandal siya sa upuan. "And who's the lucky guy?" sumusukong tanong ko. Ano ba naman kasi ang magagawa ko? Bata pa lang ako iminulat na sa akin na wala akong karapatang mamili ng lalaking mamahalin dahil ang Lolo ko ang pipili ng mapapangasawa ko. Kaya hindi ko na rin inabala ang sarili ko na makipagrelasyon ng seryoso dahil alam kong masasaktan lang ako bandang huli kung hindi rin naman siya ang pipiliin ni Lolo para sa akin. "Jordan Salcedo, the sole heir of Salcedo chain of hotel and casino, and the Mayor of this town." Nanlaki ang mga mata ko sa binanggit na pangalan ni Lolo. Of course, kilala ko si Jordan Salcedo. Hindi ko nga ‘yon binoto noong halalan. Kababata ko ang pinsan ni Jordan. And Jordan was way out of my league, and waaay too older than me. Sa pagkakatanda ko twelve years ang tanda sa akin ng kapita-pitagang lingkod bayan. "Y-You can't be serious, Lolo..." parang siya naman ngayon ang kakapusin ng paghinga. Ngumisi ang Lolo niya. "Believe me, hija, I'm dead serious." Shit! Jordan's POV Halos mag-isang linya na ang mga kilay ko dahil sa pagkakakunot ng noo ko habang naglalakad papalapit sa pinto ng opisina ng daddy ko. Marahan na tango at maliit na ngiti naman ang isinasagot ko sa mga tauhan ng daddy ko na bumabati sa akin kahit pa mas gusto kong dedmahin ang mga ito. After five years of being politician, I've mastered the art of being polite even when I don't feel like it. Tatlong katok ang ginawa ko bago buksan ang pintuan ng opisina ni daddy. Walang ibang tao sa opisina nito na ikinapagpasalamat ko. Umangat naman ang tingin ni daddy sa akin mula sa laptop na nasa harapan nito. Tinaasan niya ako ng isang kilay nang makita ako. Dumiretso ang likod nito at sumandal sa swivel chair. Ipinatong ang magkabilang siko sa handle at pinagsalikop iyon. Mukhang alam na nito kung ano ang pakay ko. Mabuti naman. "What brought you here, hijo?" Tumingin ito sa pambisig na relo. "Don't you have meeting at tawn hall today." "I cancelled all my meetings when I heard I'm getting married to a child," puno ng sarkasmong pasaring ko. Marahan namang tumawa si daddy na parang may nakakatawa talaga sa sinabi ko. "Relax, Jordan. Why don't you take seat?” Iminuwestra nito ang upuan sa harap ng desk nito saka pinindot ang intercom. "Missy, bring some brandy here," utos nito sa secretary nito. Bumuntong-hininga ako. Niluwagan ko ang neck tie ko at naupo sa visitors chair sa harap nito. "So?" untag ko matapos pumasok ang secretary nito at inilapag sa harap ko ang brandy na hindi ko pinagkaabalahang damputin. Bumaling siya sa akin. Naroroon pa rin ang pagkaaliw sa mga mata nito. "It's time for you to marry, Jordan," anito. Relax na relax, ni hindi man lang pinapansin ang pagkakakuyom ng mga kamao ko. I snorted. "To a 19-year-old delinquent teenager? Really, daddy?" Pinandilatan ko siya. "Come on, hijo. Sky is just a troubled child who needs guidance, and you're not too old." Natawa ako ng pagak. "Bakit hindi siya gabayan ng pamilya niya? Bakit kailangan ako pa ata ang kailangang magbigay noon sa kanya? And, dad, may I remind you, I'm twelve years older than her. Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala natin? That I'm a cradle snatcher?" Bumuntong-hininga si daddy. "Hindi naman mahalaga ang sasabihin ng iba." "Yeah right, as if I'm not a politician and not the freaking Mayor of this town." Hindi ba naiisip ni daddy na ang pagpapakasal sa isang bata - kahit pa nasa legal age na ang 19 at maaari nang magpakasal ayon sa batas - ay maaaring gamitin ng mga kalaban ko sa pulitika laban sa akin? Hindi na ako nagugulat na si daddy ang pipili ng babaeng mapapangasawa ko, pero hindi naman sa isang teenager. Marami naman siyang kaibigan na may mga anak na ka-batch ko. Mga babaeng mas makakatulong sa image ko. A wife that can do charity works. Can be presented to everyone. I was thinking for an educated, matured, and sophisticated woman at my age. Kahit na hindi kasing yaman namin at galing lang sa middle class family, it doesn't matter. Sobra-sobra na ang mamanahin ko para bumuhay ng isang pamilya. "She can help you--" "Ruining my career?" sarkastikong putol ko sa sasabihin ni dad. Si Daddy naman ang napabuntong-hininga. Nauubuusan na marahil ng pasensiya sa akin. Paano bang hindi? Hindi naman siya sanay na kinokontra ko siya. Lumaki ako na sumusunod sa mga utos niya. "Cut the sarcasm, Jordan Salcedo, and listen to me." Sumeryoso na ito at tumitig sa akin ng may pagbabanta. Nanahimik naman ako. Nag-iwas ng tingin at naghintay sa mga susunod niya pang sasabihin. Muling nagbuga ng hangin si daddy. Pinipilit huwag sabayan ang galit na ipinapakita ko. "Hindi naman lingid sa 'yo na nagkaproblema tayo financially noong magkasakit ang Mommy mo. Alam mo rin na kay Gov. Sales tayo nakahingi ng tulong. He helped us to get what we have now." Saglit itong huminto at tumingin sa akin. "At ngayon ay naniningil na ang Gobernador." "Then pay him. Kaya naman na nating ibalik kung magkano man ang nahiram mo noon sa kanya." Umiling-iling ito. "Hindi pera ang nais maging kabayaran ng Gobernador." Napatiim-bagang ako. "He wants you to marry his granddaughter in exchanged for what we owe him. I couldn't say no to the man I was indebted, could I? Pera niya ang dahilan kung bakit naibangon ang mga negosyo natin. Kung bakit napaopera ang Mommy mo at nakakasama natin hanggang ngayon." Nawalan ako ng imik. Sinamantala naman iyon ni daddy. "Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, siguradong gagawin mo rin ang ginagawa ko sa 'yo ngayon. Pipilitin mo ring pakasalan ng anak mo ang apo ng pinagkakautangan mo. At hindi lang ako ang may pagkakautang kay Gobernador Sales, Jordan. Maging ikaw at ang Mommy mo. Lahat tayo ay nakinabang sa tulong na naibigay niya sa atin." Dinampot ko ang brandy at inisang tungga iyon. Wala akong maisagot sa sinabi ni daddy. Totoo ang lahat ng sinabi nito. Malaki ang utang na loob namin sa mga Sales. At napakaliit na bagay nanghinihiling nito kumpara sa napakinabangan naming tulong mula rito. Napapikit na lang ako at napasintido. Ano pa bang maikakatwiran ko gayong solido ang dahilan ni daddy for marrying me off to the Governor's prodigal granddaughter. Kailangan ko na nga lang ihanda ang sarili ko sa mga eskandalong madidikit sa inaalagaan kong pangalan. Dahil natitiyak kong marami-rami iyon. "Fine. Kailan ang kasal?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook