CHAPTER TWO

1495 Words
Skyler's POV "Hindi na ba talaga magbabago ang isip ni Lolo? Baka naman may magagawa ka," maktol ko. "Para namang madaling mapagbago ang isip ng matandang 'yon?" nakataas ang kilay na tugon sa akin ni Mommy. Kinuha nito ang pepino na nakalapat sa noo ko saka iyon ipinahid sa pisngi ko na may homemade facial scrub na gawa sa honey at pulang asukal. Napangiwi ako ng isubo iyon ni Mommy at balewalang nguyain. "You're gross! May pagkain naman sa ibaba, my God, Lucinda!" maarteng aniko sabay irap dito. Bumungisngis lang ito na parang bata at hindi pinansin ang sinabi ko. Akma pa uli itong kukuha ng pepino sa mukha ko pero tinapik ko na ang kamay niya at pinandilatan siya. Beauty rest ang kailangan ko pero kapag ganitong nasa paligid ang Mommy ko mas lalo akong na-i-stress. I was raised by a variety of nannies and governesses dahil isang self-proclaimed artist ang Mommy ko na buong buhay na atang nag-so-soul searching, to the point na nakalimutan na nitong may anak ito. Minsan lang kaming magkita sa isang taon. Tuwing birthday at holidays ay naroroon ito at may dalang kung ano-ano para sa akin. Matagal ko nang na-outgrow ang sama ng loob na nararamdaman ko. Sa murang edad pinilit ko na lang unawain ang Mommy ko. Naging masaya rin naman ang kabataan ko, at isa pa mas naging spoiled ako kay Lolo dahil sa kakulangan ng atensiyon ng isang ina, pilit iyong pinupunan ng Lolo ko sa paraang alam nito, ang paliguan ako ng mga materyal na bagay. And I enjoyed it. Nagagawa at nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. "You're my mother. You're supposed to have a say in my life as well," pangungulit ko. Hoping against hope na may magagawa si Mommy para mapigil ang engagement party ko. Just thinking I need to marry that freaking Mayor makes me want to choke someone! Argh, this can't be happening! "Asa ka pa! Ayoko ngang mapagbuntungan ng galit ni daddy. At isa pa, mabait naman ang mga Salcedo, crush ko nga dati ang magiging father-in-law mo," humagikgik pa ito na parang teenager. Sarap sipain pabalik sa Tawi-tawi kung saan ito huling nanggaling. "Saka kasalanan mo rin naman, kaya magdusa ka. Kung hindi mo binigyan ng sakit ng ulo ang daddy hindi 'yon makakaisip na ipakasal ka kaagad." "Para namang hindi ka rin sakit ng ulo ni, Lolo." "Hoy, Skyler, ikaw lang ang sakit ng ulo na dinala ko sa Lolo mo." Proud na proud pa itong nameywang sa harapan ko saka nagkatawanan, naging private joke na naming dalawa iyon. "Sooo I really can't get away with it..." malungkot kong bulong. Kumuha rin ako ng pepino na nasa mukha ko at kinain. "Malay mo matutunan mong mahalin ang mapapangasawa mo. Hindi ka naman ipapakasal ng daddy kung alam niyang ikapapahamak mo 'yon." Lumapit ito sa akin. Nakikuha ng pepino at kinain. "I'm scared," mahinang bulong ko. Bumuntong-hininga ako at hinayaang ilabas ang totoong nararamdaman ko. "On your first night?" birong totoo ni Mommy. Naitirik ko ang mga mata ko pero hindi ko napigilan ang matawa. Kagat labi akong bumaling kay Mommy. "You think his..." "Huge? And thick and long and--" "Oh, shut up!" Hindi ko na napigilan ang mapahalakhak dahil sa kinapupuntahan ng usapan namin. "What?" natatawang tanong ni Mommy. "You know what? I'm taking a bath. Wala kang kuwentang kausap!" Tumayo na ako at tinungo ang banyo. "Sky..." Napalingon ako ng tawagin ako ni Mommy. Seryoso na ang mukha nito na nakatingin sa akin. "You can come with me if you really don't want to marry him," anito. "Paano si Lolo?" Nagkibit balikat ito. "Matanda na siya." Napalabi ako at umiling. Si Lolo lang ang hindi nang-iwan sa akin nang magpasya ang mga magulang ko na hindi manatili sa tabi ko habang lumalaki ako. Ang Lolo ko ang umaakyat sa stage kahit wala naman siyang medal na isasabit sa leeg ko. Ang Lolo ko rin ang uma-attend kapag kailangan ng parents sa PTA meeting sa school. Ito rin ang nagpupuyat kapag nagkakasakit ako. Kaya paano ko kakayaning iwan ang Lolo ko ngayong siya naman ang may kailangan sa akin? "Nah. Ayokong mamundok kasama mo, it's sooo not like me," aniko. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng banyo. -- "CONGRATULATIONS, mare!" bati ni Jane sa akin sabay halik sa pisngi ko. Ngising-ngisi ang lukaret halatang nang-aasar. "Tse! Isa ka pa e, alam mo kung hindi dahil sa 'yo wala ako rito ngayon!" Humawak ito sa dibdib at nagkunwaring offended. "Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko pa?" Naningkit ang mga matang dinuro ko siya. "Kung hindi mo ako pinabayaang malasing sa beach, hindi maiisipan ng Lolo ko na ipakasal ako!" Tumawa naman ito. Pinalis ang kamay kong nakaduro sa kanya. "Ekshusmi ha, as far as I remember kinukulit kitang bumalik na tayo sa suite natin pero ikaw tong nagpaka-party animal. Ayaw mo kayang paawat. Sigaw ka nang sigaw ng YOLO." Inilabas nito ang compact powder nito at walang pakundangang nag-retouch sa harapan ko. Hindi naman ako nakasagot. Naalala ko ngang hinihila na ako ni Jane paalis pero masyado akong high sa kasiyahang nararamdaman ko ng mga oras na 'yon. "At isa pa," anito. Ibinalik na nito sa silver pouch nito ang compact powder. "Quota ka na talaga sa Lolo mo, anytime soon ipapakasal at ipapakasal ka pa rin niya kahit hindi ka nakuhanan ng mga litrato na may hawak na pipe sa buhanginan." Tumawa ito. "Saan mo ba kasi nakuha yong mga 'yon?" "Aba, malay ko?" Pinandilatan ko siya. "Nagising na lang ako na hawak ko yung mga 'yon." "Kaloka ka talaga-- aw s**t ayan na yung fiance moooo... Oh, my God! Oh my God! Ang hot talaga ni Mayor! s**t ang suwerte mong gaga ka!" anito. Niyugyog pa ang balikat ko. Inis naman na tinapik ko ang kamay ng luka-luka na halos mangisay na sa tabi ko. Napalingon ako sa bagong dating. Napataas ang kilay ko kay Mayor Jordan Salcedo na nakasuot ng barong tagalog, slacks, at may specs pa sa mata. Malinis at wala kahit isang hiblang buhok ang nakalawit sa mukha nito. Kagalang-galang, karespe-respeto ang dating nito. Parang ang bango-bango rin at ang linis-linis. Napasimangot ako. "Anong tingin niya sa engagement party namin inauguration? awarding ceremony?" Kahit pa ang lapad tignan ng dibdib niya sa suot niyang barong, at kahit nagsusumigaw ang byceps nito na parang ang sarap lambitinan habang nakikipagkamay ito sa mga bisitang sumasalubong dito naiinis pa rin ako. Hidni man lang ito nag-effort na kahit papaano ay lumevel sa edad ko. Mukha kaming mag tiyuhin. Siniko ako ni Jane. Tawa ito nang tawa. "Shutacaa girl! Ikaw lang ata ang naiirita kay Mayor samantalang lahat ng mga babae rito halos tumulo ang laway. Ang sharap-sharap niya kaya pag ganyang nakabarong tagalog siya. Kaka-wet!" "Ang che-cheap niyo!" "Ooohh, coming from a girl na nakipagrelasyon sa isang drug addict, iba kaaa!" Nang-aasar na nag-slow clap pa ito. "He's a victim too, okay. Ang mga cheap yung mga nagbebenta at nagpapakalat ng droga!" "Sabi mo e," anito. Umiikot nag mga mata. Hindi na siya pinansin. Nakilapit na rin ito sa pinagkakaguluhang Mayor. Naiwan naman ako sa isang sulok at nagmamasid lang sa paligid, partikular sa aking fiance na ngayon ay kausap na ng Lolo ko. Ngiting-ngiti si Lolo sa kung anumang sinasabi rito ng lalaki. Hanggang sa dumako ang tingin sa akin ni Jordan. Muntik pa akong mabilaukan dahil sa pagkabigla. Hindi ko naman akalain na lilingon siya at mahuhuli niya akong pinagmamasdan siya. Bigla akong nataranta. Hindi ko naman alam kung bakit bigla na lang akong nataranta ng salubungin niya nag mga tingin ko. Napalingon na rin si Lolo. Iginiya ito ni Lolo at papalapit na sila ngayon sa akin. kung hindi nga lang ako magiging katatawanan tatakbo ako pabalik sa loob ng mansion. I compose myself and wait for them to get close to me. Pinilit kong itago ang panginginig ng mga kamay ko kaya humalukipkip ako. Habang naglalakad naman sila ay hindi naman inaalis ni Jordan ang mga mata sa akin. Hinahagod niya ako ng tingin na parang pinag-aaralan. Mukha namang hindi nito nagustuhan ang nakita dahil nakita kong bahagya itong umiling at nag-iwas ng tingin. Nakaramdam naman ako ng inis para sa lalaki. Ang kapal ng mukha nito. Ilang galon ng gatas ang pinanligo ko kanina pagkatapos iiling ito na parang dismayado? Dapat ako ang mailing dahil ako ang lugi rito! Hello! Kahit isa pa siya sa sought after Mayor ng buong bansa hindi na siya lugi sa akin. I'm an heiress, and I'm f*****g hot. Maraming kaidad ko ang naglulumuhod sa harapan ko para lang mabigyan ko sila kahit kaunting pansin. "Hija..." pukaw ni Lolo nang makalapit sila sa akin. "This is Mayor Jordan Salcedo, your fiance," pagpapakilala ni Lolo kay Jordan. "And this is my granddaughter, Skyler Sales Mendoza." Ngumiti naman ako at inilahad ang palad ko sa lalaki. "Kamusta po kayo ngayon, Mayor?" aniko na ipinagdiinan ang 'Po' para ipamukha sa kanyang mas matanda siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD