EPISODE 22

1720 Words
 Chapter 22- Confront the Real Devil Samantha's POV* Sympathy. Iyan ang tingin na ibinigay sa akin ng mga estudyante as I walked towards our room. Hindi ko sila pinansin dahil paniguradong narinig nilang nakulong ako and found out that I wasn't the killer. Pagpasok ko sa room bumungad sa akin ang mukha ni Sophie Davidson, at nasa likod niya ang kaniyang mga alipores. She was glaring at me at parang susugurin na niya ako. "Good morning Sophie," pang-aasar ko sa kaniya. Nilagpasan ko sila at nagulat na lang ako nang may biglang humablot sa buhok ko. "Palibhasa kasi you got a brilliant lawyer that can get you out of your crime! Pero alam kong ikaw ang pumatay sa kanya!" sigaw niya at sinabunutan ako. Nainis ako sa ginawa niya kaya tinadyakan ko siya ng malakas. She instantly let go of my hair at namilipit sa sakit. Nginisian ko siya. "Mag-usap tayo mamaya, Sophie Davidson. Sa rooftop kung saan namatay si Rebecca," sabi ko. Narinig ko naman ang bulung-bulungan nila. Huminto ako sa paglalakad. "By the way, pumunta ka doon mag-isa kung ayaw mong ilantad ko sa lahat ang baho mo." Pumasok si Sir Ryuteki ang started his lectures. I took down notes at nahimalaan nga ako sa sarili ko dahil nakinig ako ng mabuti. Kahit umepal pa si Sophie, maganda ang mood ko ngayon.  Lumipas ang mga oras at lunch break na. Sabay kaming pumunta ni Natasha sa cafeteria. Pagkatapos naming umorder umupo na kami sa isang vacant table. Magkaharap kami ni Natasha na kumain. "Hindi ka ba nagsasawa sa pagkain dito?" walang gana kong sabi at tinusok ang nuggets gamit ang tinidor. "Wala akong choice eh, tinatamad rin akong mag-pack ng lunch," sagot niya. Parehas lang kami, kasi minsan late akong magising at wala na akong time mag-pack ng lunch kasi male-late na ako. "Palagi naman kayong nagsasabay ni Math, ah? Masarap kayang magluto si Tito," sabi ni Natasha. Sasagot na sana ako nang may biglang tumabi sa akin. Tumingala ako and found out na si Math ito. "Math, akala ko ba ayaw mong kumain dito sa cafeteria? Anyare?" takang tanong ko. Inilapag niya ang foods niya na inorder at kinuha ang kutsara at tinidor. "You are here," sagot niya. I rolled my eyes. Ano naman kung andito ako? "Hello gurlas," bati ni Draico na kumuha pa ng isang chair at tumabi sa akin. Nagtunog bakla pa talaga ang gago. "Balak mo na bang ipaalam sa lahat ang nakatagong lahi mo?" natatawang sabi ni Natasha. Tumabi sa kanya si Joules. "Gagawin ko 'yan kapag nasa kabaong ka na," sagot naman ni Draico. Natasha pouted. "Ang hard mo!" nakasimangot na sabi niya. Ngumisi naman si Draico. "Mas hard ang nasa ibaba," nakangising sabi ni Draico. Nanlaki naman ang mga mata ni Natasha. "Huh? Anong ibaba?" takang tanong ni Natasha. Ngumisi lang si Draico. "Ibaba, as in below," sabi ni Draico. "Nawala na ba ang utak mo?" "Bwisit ka talaga, ikaw 'tong hangin lang ang laman ng utak tapos ako pa sasabihan mo ng ganiyan!" sigaw ni Natasha at hinampas ang braso ni Draico. "A-Aray ano ba!" reklamo ni Draico dahil patuloy pa rin sa paghampas sa kanya si Natasha. "Tama na nga 'yan," awat ni Joules na halatang naiirita na rin. Nag-vibrate ang phone ko kaya tinignan ko kung kanino galing ang message. From: Nata-chan OMG. Look how irritated Oppa Joules. Siguro nagseselos siya hihi. I rolled my eyes at di na nag-abalang mag-reply at ibinalik sa bulsa ko ang phone. Kumain na lang ako. "Ano ang gagawin mo sa nakita natin sa music room?" tanong sa akin ni Joules. Seryoso akong tumingin sa kanya. "Blackmail," sagot ko at nagpatuloy ulit sa pagkain. Hindi naman siya nag-abalang magtanong ulit. Buti naman. Pagkatapos naming mag-lunch bumalik kami sa classroom. Nakinig ako ng music gamit ang earphones ko. I am currently listening to Ignorance by my favorite band, Paramore. Pumasok sa classroom si Sophie kasunod ang AP teacher namin. She glared at me pero tinignan ko lang siya. Nag-lecture kami. Unlike kanina, medyo nawalan na ako ng ganang makinig dahil inaantok na ako. Gusto kong matulog pero natatakot akong mapagalitan ni ma'am. Medyo strict pa naman ang matandang yan. "You aren't a good student so don't act like one," bulong sa akin ng katabi kong si Math habang nakapikit ang mga mata niya. "I am not like you," sagot ko sa kanya. Ngumisi naman siya. "You did something worse than closing the eyes Sam, remember what we did yesterday?" nakangising tanong niya pero nakapikit pa rin. "Kasama ka 'don Mathew," sagot ko. "Pero ikaw ang leader." "Participant ka pa rin." "It isn't a big deal, I never acted like a good student in the first place," sabi niya. Di na lang ako sumagot. Ilang teachers pa ang nagdaan at finally uwian na. Nilagay ko sa locker ang ilan sa mga libro ko. Kinuha ko naman ang mga notes ko sa Science kasi may quiz kami bukas. Sinuklayan ko muna ang buhok ko bago sinara ang locker at pumunta sa rooftop. Pagkarating ko doon, wala akong nadatnan na babaeng nagngangalang Sophie. Umupo nalang ako sa isang lumang bench at nagmuni-muni. Alam ko namang dadating siya dahil takot siyang ibulgar ko siya. Napapikit ako sa aking mga mata nang biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari sa rooftop na ito. As soon as the cold wind hit my skin napayakap ako sa sarili ko. Nililipad rin ng hangin ang buhok ko so I have to comb it using my fingers. Biglang bumukas ang pinto ng rooftop at iniluwa nito si Sophie na halatang naiinis dahil sa ginawa kong pagpapapunta sa kanya. "Anong kailangan mo sa akin Samantha?!" inis na tanong niya. Hindi ko muna siya sinagot at tinignan lang siya habang sinusuri ang kabuuan niya at ang paligid. "May plano kang magsalita o wala?!" inis na tanong niya. I looked at her eyes. "Get rid of your ugly bitches first," kalmado kong sabi. Naririnig ko kasi ang bulungan nila mula sa pinto ng rooftop at halatang nakikinig sa usapan namin. "Ugh! Girls, stay away!" sigaw niya. Narinig ko naman ang mga footsteps nila na halatang nagmadali pababa. "Anong gusto mong pag-usapan natin?" tanong niya sa akin. Ipinakita ko sa kaniya ang xylophone mallet. "You are the one responsible for killing Frency and not Zenny," sabi ko. From an irritated face, biglang nagbago ang expression ng mukha niya. "M-May naaalala k-ka na?" tanong niya. Nginisian ko siya. "The innocent ones won't answer the question like that Sophie, stop being so obvious," seryosong sagot ko. Namula ang tenga niya sa galit. "Just answer me! May naaalala ka na?!" inis na tanong niya. "Does it matter?" "Of course! How can you tell that I am the killer kung wala kang alam sa nangyari diba?!" inis na sagot niya. I nodded as if agreeing to what she said. "Okay, not a big deal, naaalala ko na ang lahat, everything, including your secret btch," sagot ko. Nanatili akong kalmado kahit gusto ko na siyang sampalin. I woke up forgetting everything and yesterday I just woke up remembering the things I forgot. I did not feel happy noong naalala ko na ang lahat, especially the cruel things that happened to me. I regretted wishing to the stars na sana maalala ko na ang lahat, because the moment I remembered everything, I wished that those memories remained forgotten. "W-Wala akong alam sa sinasabi mo!" sigaw niya. Idiniin ko sa mukha niya ang xylophone mallet. "3 dots, a dash, and another 2 dots, it means SD. This is your fvcking initials btch! Pinatay mo si Frency and framed up Zenny by putting her bracelet on the crime scene and changed Re on the xylophone to Ze na siyang tinuro ng daliri ng biktima para mas mapalakas ang ebidensiya na siya talaga!" I shouted. Di ko na napigilan ang galit ko. Hindi naman siya umimik. "Then Rebecca found out about this xylophone mallet and told you about this, kaya tinulak mo siya dito sa mismong rooftop and since you can't just bring or throw the xylophone mallet sa campus dahil nag-iimbestiga ang mga pulis, inilagay mo iyon sa sirang gitara sa music room, tama ako diba?" I said. Magsasalita pa sana siya ngunit inunahan ko siya. "And my accident, ikaw ang may kagagawan 'non because I found out na ikaw ang pumatay kay Rebecca! Binayaran mo ang tatay ni Zenny para palabasing aksidente ang pagkamatay ko, but you are unlucky dahil buhay pa rin ako, kaya binayaran mo ulit ang tito ni Zenny para maaksidente ulit ako, tama ulit ako diba?" tanong ko. Tumahimik na ako pagkatapos 'nun. "Oo! Pinatay ko sila! Ayaw akong pakopyahin ng assignment ni Frency the nerd and she can't even let me borrow her notes kaya bumagsak ako! Disappointed si mom dahil 'don and grounded me and confiscated my gadgets! Hindi ako nakalabas ng bahay at noong araw na 'yon may date kami ni Jacob my ex, hindi ako nakapunta so he thought I stood him up and he broke up with me!" sigaw niya. Hindi ako kumibo. "Then nakialam pa si Rebecca! She is my bestfriend pero sabi niya isusumbong niya ako sa pulis even if it means breaking our friendship! Wala akong choice kaya namatay rin siya! At ikaw rin, pasalamat ka at buhay ka pa!" she shouted. "Itutulak mo rin ba ako sa rooftop na ito?" kalmado kong tanong. "Sira ka ba?! In-announce mo sa room na magkikita tayo rito, if I kill you, halata masyado!" she answered. I smiled in satisfaction. May utak rin pala ang babaeng ito. "Good, may plano ka bang sumuko sa police?" "O-Of course wala! Walang makakaalam dito, at hinding-hindi ako susuko dahil masisira ang kinabukasan ko! I will disappoint my mom!" she shouted. Tinignan ko siya ng seryoso. "The moment you killed Frency, you already disappointed everyone and ruined your life," sagot ko. Tumulo naman ang luha sa mga mata niya. "P-Papatayin kita Samantha! Tandaan mo 'yan!" sigaw niya. Hindi ko siya sinagot at naglakad papunta sa pintuan. Hindi naman siya kumibo at patuloy lang sa paghikbi. Binuksan ko ang pintuan pero agad ring huminto. Hindi ako lumingon sa kanya noong itapon ko ang recorder. "A-Ano 'to?" "I just recorded your confession. I'm ordering you to give up and give that evidence to the police." (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD