EPISODE 23

1920 Words
Chapter 23- Bed of Roses Samantha's POV* "H-Hahaha! You are really dumb Samantha, bakit mo naman ibinigay sa akin ang ebidensiya? Alam mong pwede ko itong itapon kahit anong oras," sabi niya. Nanatili akong nakatalikod at nakaharap sa nakabukas na pinto. "I have copies kaya wag kang kampante," kalmadong sagot ko. Tumawa naman siya ng malakas. "Ikaw ang dapat mataranta dahil mali ang binabangga mo! Ako si Sophie Davidson and I am the daughter of the owner of this school at pwede kitang ipatalsik kahit anong oras! I have connections!" mayabang na sagot niya. This time, lumingon na ako sa kaniya. "Skwelahan lang ang pag-aari niyo, ikaw ang dapat kabahan dahil nakaharap mo ako," nakangising sabi ko at naglakad papunta sa kaniya. Napaatras naman siya. "Connections? It's nothing if you don't know how to use it correctly. Shall I give you a brain? Or brains?" I asked her. Hindi pa rin siya sumagot or maybe walang maisagot. "I am giving you a chance Sophie, run away or turn yourself in, it's your choice. Whatever you choose, it will always be the destruction of you," seryosong sabi ko at umalis na sa rooftop. Di ko namalayang nakasunod pala si Sophie sa akin and she grabbed my arm. "A-Anong naramdaman mo noong nasa kulungan ka?" tanong niya. Nilingon ko siya. "It is hell, I felt like a sht," sagot ko. Hindi niya pa rin binitawan ang braso ko. "Then why would I turn myself in, huh? Ikaw na rin ang nagsabi how shtty it was! Ginagago mo ba ako?" inis na sabi niya. "To be in jail makes me sick, how much more if I spend my whole life hiding? If you hide, parang nakulong ka na rin, you are trapped in the own trap you set. You can't hide forever and hiding isn't the solution. Sa kulungan pa rin ang bagsak mo, so why would you hide?" sabi ko sa kaniya. Naiyukom niya ang kamao niya. "Sisiguraduhin kong magbabayad ka Samantha Go, one way or another!" sigaw niya. The last line is a song from One Direction though. Okay, I'm just kidding. Another fail attempt on trying to be humorous. "Suit yourself," I answered at tuluyan nang umalis sa rooftop. _____________ "Genetic barcoding is a way of identifying plants or a specific species..." I took down notes and listened carefully to Sir Ryuteki. I was amazed by the presentation because it is organized and the ideas presented were pretty accurate and precise. Nakakamangha rin ang design and the transitions used. This is already expected from Sir Ryuteki pero di ko pa rin maiwasang mamangha. Supposedly magkakaroon kami ng quiz ngayon pero mas gustong mag-discuss ni Sir dahil malapit na ang periodical exam. Magqu-quiz daw siya after niyang ma-discuss lahat ng lessons. "Okay good bye class!" masiglang sabi ni Sir Ryuteki. Nawili ako sa presentation kaya di ko namalayang dismissal na pala. Agad kong niligpit ang gamit ko. "Sam," tawag sa akin ni Draico. Nginitian ko siya. "Cafeteria?" I asked. Ngumiti naman siya at kumindat. "Alam mo na talaga ang gusto ko, ano?" nakangising sabi niya. I rolled my eyes. "Obviously sa cafeteria naman talaga ang bagsak natin," sagot ko. "At isa pa a gago like you is so predictable kaya," sabi ni Natasha na sumulpot bigla. Suot nito ang pink na jacket at isang pink na headband. Para siyang si Dora but she's a better version at mahaba rin ang buhok nito. "Predictable? Sige nga, let's see kung malalaman mo ang susunod kong gagawin," nakangising sabi ni Draico at inilapit nito ang mukha niya kay Natasha. "W-What will you do?" kinakabahang tanong ni Natasha. Mas inilapit ni Draico ang kaniyang mukha kay Natasha at nakatingin lang ako sa kanila. "See? Di mo nga alam ang susunod na gagawin ko eh," nakangising sagot ni Draico at inilayo ang mukha niya kay Natasha. Nakahinga naman ito ng maluwag. "I know you were about to kiss me!" confident na sigaw ni Natasha. Tumawa naman si Draico. "Nah, I was just testing someone out there!" nakangiting sigaw ni Draico at tinapunan ng tingin si Joules. Kitang-kita ko kung paano pinapakalma ni Joules ang kaniyang sarili kahit halatang nairita siya. Lihim akong napangiti. I felt the urge to become a cupid. Napailing na lang ako sa naisip at lumabas na rin ng room bitbit ang bag ko. Sinabayan ko sa paglalakad si Math na kanina pa tahimik. "A penny for your thoughts?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako tinapunan ng tingin ngunit kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo niya. "I know what you did behind those bars, Samantha," sabi niya. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. He's a genius, I assumed he figured out already. "You must know about their past, then? About that school?" "The moment I saw my mom's scar, I knew something is off," sabi niya. He paused then continued, "I can't stop my curiosity. And now, I found myself facing the same enemy they faced." Hindi na siya umimik at binilisan ang lakad niya. Sumunod na lang ako sa kaniya at hindi na lang siya hinabol pa. Medyo occupied ang utak ko dahil pilit kong iniintindi ang sinabi sa akin ni Math. We sat on a table at umorder na sina Natasha at Joules. Naiwan ako sa table kasama si Draico at Math. "Pag nagkaaminan ang dalawang iyan ewan ko na lang," sabi ni Draico at iling-iling na tinignan sina Natasha at Joules na halatang naiilangan sa isa't isa. "Have you ever had someone who made your heart race?" tanong ko sa dalawa to break the ice. Pero parang mas nagkaroon ng tension nang bigla nila akong nilingon at tinitigan ako. Parang nailang ako sa pamamaraan ng kanilang pagtitig pero mas nilawakan ko ang ngiti ko para di masyadong awkward. Hindi pa rin nila tinatanggal ang titig nila sa akin kaya na-creepyhan ako. "Of course meron, lalo na pag tumatakbo ako," sagot ni Draico. Tumawa naman ako ng malakas na malakas para mawala ang tension. "Haha! Hahahahahaha!" nilakasan ko talaga kaya nakuha ko ang atensyon ng ibang nasa malapit na table. Napatahimik naman ako dahil sa hiya. "What's funny about it?" walang ganang tanong ni Mathew. "Diba nakakatawa? Hahahahahaha!" sabi ko dahil naiilang pa rin talaga ako. Pero pareho silang nakasimangot. Napasimangot na rin ako. Buti na lang at dumating naman sina Natasha bitbit ang tray at agad naming kinuha ang aming mga pinabili. "Ang tahimik mo Draico aaah," pang-aasar ni Natasha. Sumimangot naman si Draico. "Ang pangit mo Natasha aaah," pang-aasar rin ni Draico kaya nag-away na naman ang dalawa. "Para kang baboy!" "Para kang unggoy!" "Ano?! Edi mukha kang palaka!" "Tapos isa pala akong prinsipeng sinumpa at hinalikan mo ako kaya nawala ang anyong palaka ko at naging isang prinsipe at nagpakasal tayo!" sabi ni Draico pero nililingon niya ang direksyon ni Joules. Natawa naman ako. "Aren't you annoying?" inis na tanong ni Joules. Mas lumawak ang ngiti ko. Someone is jealous. "Gusto mo ikaw ang halikan ko Papa Joules?" parang baklang sabi ni Draico. Para siyang lintang lumalandi kay Joules. "Eww! You are a malanding frog pala!" sigaw ni Natasha. "Edi gusto mong halikan kita? Choose Natasha, sinong hahalikan ko, ikaw or si Papa Joules?" malanding sabi ni Draico at hinampas pa ang braso ni Joules. "Si Sama-chan na lang kaya!" sabi ni Natasha. Letse, nadamay tuloy ako. Nailang ako nang titigan ako ni Draico. The way he stares at me, parang tumagos ang titig niya. "T-Tumahimik na nga kayo," saway ko at kumain ng fries. Dinamihan ko pa talaga dahil naiilang ako. Wala naman akong gusto kay Draico, lalong-lalo na kay Mathew. But I really find it creepy when they look at me dahil parang may something! Pero di ko maipaliwanag ang something na 'yon basta alam ko lang ay naiilang ako ng sobra! Nag-aasaran naman sina Natasha at Draico at tagasaway kami ni Joules at nanatili namang tahimik si Math. Biglang may tumunog sa speaker at isang nakakabinging tunog ang narinig namin mula dito. Agad kaming napatakip sa aming mga tenga hanggang sa nawala ang tunog na iyon. "Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ni Natasha. Sa pagkakaalam namin ay On Air ang broadcasting room at halatang may sasabihin silang importante. "I-I am Sophie Davidson, and I have to tell everyone something," boses ni Sophie na mula sa speaker. Mahina ang tinig nito at halatang nanghihina siya. Bigla akong kinabahan. "I-I am sorry at sana ay mapatawad niyo pa a-ako," sabi niya at sandaling tumahimik. Ilang minuto pa ay tumunog ang speaker. "Anong gusto mong pag-usapan natin?" "You are the one responsible for killing Frency and not Zenny." "M-May naaalala k-ka na?" "The innocent ones won't answer the question like that Sophie, stop being so obvious." "Just answer me! May naaalala ka na?!" "Does it matter?" "Of course! How can you tell that I am the killer kung wala kang alam sa nangyari diba?!" "Okay, not a big deal, naaalala ko na ang lahat, everything, including your secret btch." "W-Wala akong alam sa sinasabi mo!" "3 dots, a dash, and another 2 dots, it means SD. This is your fvcking initials btch! Pinatay mo si Frency and framed up Zenny by putting her bracelet on the crime scene and changed Re on the xylophone to Ze na siyang tinuro ng daliri ng biktima para mas mapalakas ang ebidensiya na siya talaga!" "Then Rebecca found out about this xylophone mallet and told you about this, kaya tinulak mo siya dito sa mismong rooftop and since you can't just bring or throw the xylophone mallet sa campus dahil nag-iimbestiga ang mga pulis, inilagay mo iyon sa sirang gitara sa music room, tama ako diba?" "And my accident, ikaw ang may kagagawan 'non because I found out na ikaw ang pumatay kay Rebecca! Binayaran mo ang tatay ni Zenny para palabasing aksidente ang pagkamatay ko, but you are unlucky dahil buhay pa rin ako, kaya binayaran mo ulit ang tito ni Zenny para maaksidente ulit ako, tama ulit ako diba?" "Oo! Pinatay ko sila!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang record na iyon. Iyon ay ang pag-uusap naming dalawa kahapon sa rooftop. Mas kinabahan ako nang marinig na parang may humihikbing babae sa speaker. Nagsimulang magbulungan ang lahat. I came back to my senses at dali-daling tumakbo palabas ng cafeteria. Agad namang sumunod sina Math at tinawag pa nila ang pangalan ko ngunit di ko sila pinansin. Hindi ako makapaniwalang nag-confess si Sophie at pinaalam pa talaga sa lahat. Sa pagkakaalam ko ay desidido pa siyang pabagsakin ako at di siya basta-basta sumusuko. She is a girl full of confidence kaya nakakapagduda dahil pinabagsak niya ang sarili niya. Pagkarating ko sa broadcasting room inaasahan kong madaming broadcasting students ang haharang sa akin dahil On Air pa sila at hindi pwedeng disturbuhin. Ngunit ang nadatnan ko ay ang napakatahimik na silid. "S-Sophie?" I asked as I entered the room. Nanlalamig ang mga kamay ko and I'm nervous as hell. "Sam!" rinig kong tawag nila at pumasok rin sa broadcasting room. Hinihingal pa sila. "S-Sshh," sabi ko at dahan-dahang pumasok sa broadcasting room. Kumunot ang noo ko nang maramdamang parang madulas ang tinatapakan ko. "O-Oh my gosh!" Natasha exclaimed at parang may tinuro sa sahig. Tinignan ko naman ito at tuluyan nang nagambala ang pagkatao ko. A beautiful lady lied on the floor and bathed on her own blood, with rose petals scattered around her. With eyes wide open and her hands on her stabbed stomach, she died. Her name is Sophie Davidson. (end of chapter)

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD