EPISODE 21

1719 Words
Chapter 21- Which Truth Is True? Samantha's POV* "Don't get me wrong ha, sumama ako rito sayo dahil libre mo, pero galit pa rin ako sayo," sabi ni Natasha. I chuckled. "If you say so," sabi ko. She glared at me pero ngumiti lang ako. Andito kami sa 7/11 at nilibre ko siya ng ice cream. Kasalukuyan rin naming hinihintay sina Joules at Mathew na nasa counter pa. Bumili sila ng Gulp. Pagkatapos nilang magbayad, umupo na sila katabi namin. "Nasaan si Draico?" Joules asked me. "May importante daw siyang gagawin eh," sagot ko. Sabi kasi niya kailangan daw siya ng kanyang ama sa kanilang negosyo. I don't have an idea kung anong klaseng tulong kasi di niya naman sinabi. Di rin ako nagtanong. Kahapon lamang natapos ang preliminary hearing at kahapon ay nakalaya rin ako. Mom and dad scolded me for being hardheaded at nag-alala naman sila Tita Jahara sa akin. Nagtipon-tipon nga kami sa bahay eh dahil sa nangyari. "I see," Joules replied. I licked my chocolate ice cream after that. "Iyong sinabi ni dad sa trial," napalingon kaming lahat kay Natasha. "May pumatay talaga kay Rebecca? Pero hindi ikaw, diba?" "Of course," sagot ko kay Natasha dahil sa tanong niyang iyon. Alam kong hindi ako ang pumatay kay Rebecca, at pagbabayaran ng taong pumatay sa kanya ang mga kasalanan niya. That person made my life miserable and I'll make sure na mas malala ang mararanasan niya. "Masyadong magulo," nakangusong sabi ni Natasha. Magulo nga, kung hindi dahil sa trial na iyon hindi ulit mabubuksan ang kasong ito. "Dave created another story, and because of that the case was reopened, at nakalaya si Sam," sabi ni Mathew. I rolled my eyes. Dave? Wala talagang respeto ang lalaking 'to. "The police will reinvestigate, and I hope na maganda na ang resulta this time," sabi ni Joules. I really hope the investigation will point the right killer. Lies can be true, and the truth can be a lie. No one really knows what truth is, we just believe on what we think is true. We believe on what we see, we don't believe the things we thought are nonexistent. For example, ghost, some say they aren't true, and some say they saw one. Which one is telling the truth? There are many definitions of the word truth, which one is true? Which truth is true? Siyempre paniniwalaan natin ang definition na malapit sa paniniwala natin. Did you see a person who believed the things they cannot believe? The truth varies. No one really knows the truth, but there's one thing I know. There is only one truth. No one really knows that one truth. That's for certain. "Hoy gaga, ang lalim ng iniiisip ah." Napakurap ako dahil nagulat ako sa boses ni Natasha. Napatingin ako sa ice cream kong natutunaw na. Kaya pala masyadong malamig ang kamay ko, gosh. "Sandali, kukuha ako ng tissue," sabi ni Joules at kumuha ng tissue sa counter. Pinahid niya iyon sa kamay kong may tunaw na ice cream. "Thanks," sabi ko kay Joules. Ngumiti naman siya sa akin. "Saan tayo next?" excited na tanong ni Natasha. Parang nawala na ang galit niya sa akin dahil kung makakapit sa akin wagas. Magulo talaga ang babaeng ito. "Mukhang masarap mag-jogging ngayon ah," sabi ni Joules. Tama naman siya, kasi hindi masyadong mainit ngayong hapon. "Mas bet ko ang mall!" suggest ni Natasha. "House," walang ganang sabi ni Math. As expected, KJ talaga ang isang 'to. "Ikaw Sama-chan, ano ang bet mo?" tanong sa akin ni Natasha. Napaisip naman ako. "School," sagot ko. May kailangan akong gawin doon. "Sunday ngayon ah," nakasimangot na sabi ni Joules. I rolled my eyes. Akala niya siguro nakalimutan ko. "Alam ko, may kailangan lang akong gawin," I answered. "I'll go with you," sabi ni Math. Umiling naman ako. "Wag ka ng mag-abala," I said at isinukbit ang sling bag ko sa aking balikat. Kinain ko pa ang tip ng cone bago tumayo. "Kung may binabalak ka na naman, hindi namin hahayaang mag-isa ka, andito kami," sabi ni Joules. Umiling ako. "At hindi ko hahayaang madamay kayo," sagot ko. Aalis na sana ako ngunit hinarangan nila ako. "Duh, we're friends, you can't just have the fun all by yourself, that's just selfish," sabi ni Natasha. I rolled my eyes. Masyado silang makulit eh. "Fine," inis na sabi ko at lumabas na. Sumunod naman sila sa akin. "Sakay na tayo sa kotse ko," sabi ni Joules. Mabilis naman akong umiling. "Alam nating lahat na bawal pumasok sa school kapag weekends, remember? Para di magmukhang kahina-hinala, magco-commute tayo," sabi ko at ngumiti sa kanila. "W-What? Y-You mean we would ride in a public transportation?" tanong ni Natasha. Halata sa mukha niya ang takot at hesitation. "Bingo," I answered saka ngumiti ng malapad. Ginusto niyo 'yan eh, bahala kayo diyan. "O-Okay fine!" sabi ni Natasha. Napailing naman ako. Determinado talaga sila. Pumara ako ng taxi at agad naman itong huminto sa tapat namin. Sumakay si Natasha sa front seat, at kami namang tatlo nila Joules at Mathew sa likod. "I thought we would ride in a jeep, you know, that siksikan transportation?" sabi ni Natasha. "Naawa ako sayo eh," sagot ko nalang. Sinuot ko ang face mask ko at binigyan ko naman silang apat. They are aware that we are about to do something bad. Kapag bukas pa ako mag-iimbestiga marami ng estudyante, I can't move freely. Kapag weekends naman, tanging ang security guard lang ang andun. "Dito lang manong," I said. Huminto naman si manong. "How much?" tanong ni Natasha. Napasapo na lang ako sa ulo ko. This brat is really dumb. "Ako na magbabayad," sabi ko at binigay kay manong ang pamasahe namin. Sakto lang ang binigay ko. "How did you know na 188 pesos ang babayaran natin?" takang tanong ni Natasha. "Taximeter," sagot ko. Alam kong wala siyang na-gets pero nanahimik na lang siya. Ilang kilometro ang layo namin mula sa gate ng Davidson Academy. Mula sa kinatatayuan namin nakikita namin ang guard na nagmamatyag sa paligid. "Maraming CCTV sa paligid Sam, baka makilala tayo," sabi ni Joules. Nginisian ko siya kahit naka-mask ako. "Are you sure those CCTVs are still functioning?" mapaglaro kong tanong. Halata namang nagulat sila. Tito Grey is aware sa gagawin ko--- este namin. I asked him to hack the CCTVs on our campus na madadaanan namin. Pumayag naman siya pero sa isang condition, keep my mouth shut. Tinanggal ko ang mask ko at dahan-dahang naglakad papunta sa gwardiya. Sinenyasan ko sina Math na huwag munang sumunod. "Anong maipaglilingkod ko sa iyo, iha?" tanong sa akin ng gwardiya. Palihim ko namang itinapon ang smoke bomb na ginawa ko sa bahay. Madali lang namang gawin eh, just sugar, saltpeter, pan and aluminum foil, may smoke bomb ka na. "N-Nakita niyo ba ang lola ko? Binilhan ko siya ng pancit dahil birthday niya ngayon, p-pero bigla siyang nawala! H-Hindi niya kayang mag-isa guard, huhuhu!" umarte akong umiiyak. Mukha namang kumagat ang guard kasi parang naaawa siya. "Wala akong nakitang matandang dumaan dito eh," sabi ng guard. Umarte akong natigilan at inamoy-amoy ang parang nasusunog. "A-Ano iyon manong? Parang may nasusunog!" sabi ko. Agad namang napalingon ang gwardiya sa likod at nakita ang makapal na usok. "N-Naku! Sandali iha!" sabi niya at pumasok sa loob. Mabilis akong pumasok sa loob at pinalo ang likod ng guard. Nawalan ito ng malay sa kalagitnaan ng mausok na parte. Agad kong sinenyasan sina Joules na sumunod. Para hindi kahina-hinala, pinaupo namin si manong sa upuan niya at kunyari siya ay natutulog. Nawala rin agad ang usok kaya nagmadali kaming pumunta sa music room. "That was cool!" parang batang sabi ni Joules. Hinihingal naman kaming apat at isa-isang tinanggal ang mga mask namin. "How should we open this?" tanong ni Natasha habang nakatingin sa pinto ng music room. "No worries," sabi ni Math at inilabas ang ID niya. He inserted the ID card between the door para ma-move ang dead lock plunger. We heard a click kaya alam naming nabuksan na niya. Dali-dali kaming pumasok sa loob and locked the door. "Anong gagawin natin dito?" tanong sa akin ni Natasha. Huminga ako ng malalim saka nagpaliwanag. "The case that happened 7 months ago, remember the nerd, Frency? And the suspect for that crime is Zenny," seryosong sabi ko. Kumunot naman ang noo nila. "I remembered that, we solved that case, why are we here?" tanong ni Math. Nilingon ko siya. "We pointed the wrong suspect Math," seryosong sabi ko. Tinignan niya lang ako. "The evidences pointed Zenny," sabi niya. Umiling ako. "Hindi magagawa ni Zenny iyon," sagot ko. "She can," sabi ni Math. Umiling ako. "I have a gut feeling na mali ako eh, at may kinalaman rin iyon sa pagkamatay ni Rebecca. I have to trust my instinct this time," seryosong sabi ko sa kanya. Nagsimula na akong maghanap. "Anong hinahanap mo?" tanong sa akin ni Natasha. Saglit akong huminto at tinignan silang tatlo. "Kung may itatago kayong isang stick, saan niyo ito ilalagay?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman silang tatlo. "Sa lugar na di madaling makita ng iba, duh," mataray na sagot ni Natasha. I smirked. "Exactly," sabi ko. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Saaan niya kaya posibleng itinago ang bagay na iyon? Nasagi ng kanang kamay ni Natasha ang guitar kaya nahulog ito buti nalang at nasalo ni Joules. Kumunot ang noo ko nang marinig na may something na tumunog. "Akin na nga 'yan," sabi ko kay Joules. Iniabot niya naman ito sa akin. Niyugyog ko ang guitar. Parang may nakalagay sa loob nito. Niyugyog ko ulit ito and confirmed na meron nga. Bigla akong kinutuban. "Guys, nasa loob ang hinahanap ko," sabi ko sa kanila at niyugyog ulit ito. "Oo nga! May something na tumunog," sabi ni Natasha. Inagaw naman ni Math mula sa akin ang gitara. Tinanggal niya ang strings at ipinasok ang kamay sa loob. Ilang minuto ang lumipas nang ilabas ni Math ang hinahanap ko. Agad ko itong kinuha mula sa kanya. Ibinalik naman ni Math ang strings. "T-Teka, ba't parang puno ng dugo yan?" natatakot na sabi ni Natasha. Sinuri ko ito. Kumunot ang noo ko nang makita ang nakasulat dito. Tama nga ako, siya nga ang suspect. May ebidensiya na akong hawak laban sayo, ang xylophone mallet. (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD