It's her day off today, so she planned to take Zeki to the mall. Medyo matagal narin kasi simula ng mamasyal sila mag ina. Palagi syang busy sa trabaho at minsan lang magkaroon ng time. Hindi naman kasi niya pwedeng iasa sa mga magulang ang panggastos para sa kanila ng anak niya. It was more than enough that they take care of her and Zeki at tinutulungan syang mag alaga sa bata kapag nasa trabaho sya.
Patalon talon ang anak niya ng bumaba sila ng sasakyan. Her brother brought them here and went to his duty after. Mag ta-taxi na sila pauwi.
"Zeki! Careful baby."
Hindi niya mapigilang mapasigaw ng tumakbo ito sa loob.
"Yes mom."
Nagmadali syang sumunod dito at hinawakan ang maliit nitong kamay. Una silang nagpunta sa kids wear department. She wanted to buy a new clothes for Zeki and a pair of shoes as well.
Bibong bibo ang anak niya habang namimili sila. Napapangiti ang ibang nakakasalubong dahil sa ka cutan nito. Zeki is very smart for his age thats why she's very proud of him.
Ilang oras ang inubos nila sa pa mimili at nakaramdam ng gutom. Pumasok sila sa isang fast food chain sa loob ng mall na iyon.
Maganang kumain ang anak niya kaya hindi niya mapigilan mapangiti sa nasilayan. Halatang nag enjoy ito kahit puro pagsusukat ng kung ano ano ang ginawa nila kanina.
Pagkatapos nilang makalabas sa kainan ay dinala niya si Zeki sa isang playhouse doon. Maraming laruan at may mga batang naglalaro. Pagkalapag palang niya sa bata ay nagtatakbo na ito doon at nag dive sa maraming malilit na bola.
"Zeki! shoot ka doon ng ball baby."
Tumalima naman ito at lumapit sa may ring. Beni-vedio niya ito habang enjoy na enjoy itong mag shoot ng bola sa ring kahit mas maraming hindi na shoot kesa sa na shoot.
Nag mapagod ay ito na mismo ang nagyayang lumabas sa playhouse. Dumaan muna sila sa grocery store at bibili sila ng ilang stocks sa bahay. Habang papunta sa supermarket sa loob di ng mall na iyon ay hawak niya ang maliit na kamay ni Zeki. Bumitaw lang ito ng may makitang chocolate na nakahilera sa unang stante palang ng grocery store.
"Chocoyeyt mommy." Pasigaw at tumalon talon ito habang nakaturo ang daliri sa ibabaw.
"Okay baby. But not too much okay? What was mommy always told you?" Pumantay ang mukha niya sa anak at malumanay na kinausap.
"That, too much is not healthy." Inosenteng sagot ni Zeki. Napangiti naman sya at ginulo ang buhok nito.
"You're such a good boy baby."
Malaki ang ngiti ng anak niya habang naglalagay ng dalawang pack ng chocolate sa lalagyan nila.
Kasalukuyan syang namimili ng frozen food sa my freezer ng mapansin niyang wala sa likod si Zeki. Inataki agad sya ng kaba at tinawag ang pangalan nito. Iniwan niya ang push cart at nagmamadaling lumakad para hanapin ang anak niya.
"Zeki!
Ng wala syang makita ni anino ng anak ay namawis ang kamay niya at ginapangan ng matinding kaba ang dibdib.
Omygod Lord!
Bumalik sya sa pinanggalingan kanina at nagtananong tanong sa mga nakasalubong. Gusto na niyang umiyak dahil sa sobrang pag aalala.
Kumalma sya at nagbuga ng hangin. Hindi ito ang oras para mag drama, kelangan niyang makita agad si Zeki.
"Miss? May napansin ba kayong bata? Naka white na shirt at jumper? Mga ganito kalaki." Nilevel pa niya ang kamay sa bewang niya.
"Parang may nakita nga ako doon." Tinuro nito sa may wine section at mabilis naman syang tumakbo patungo doon. Nakalimotan na niyang magpasalamat.
Lumuwag ang paghinga niya ng makita ang anak sa wine section. Nakatalikod sa gawi nita at may kausap na lalaki. Nakadukwang ito sa bata at nakayuko kaya hindi niya mabistahan ng mabuti ang hitsura. Nagmamadali niya itong nilapitan at tinawag.
"Zeki! Baby!"
Tumayo ang lalaki ng tuwid ng marinig ang kanyang boses. Muntik na syang matapilok ng makilala ang lalaki.
No!
Hinawakan niya ang anak at niyakap ng mahigpit.
"Zeki, bakit ka umalis sa tabi ni mommy? You made me worried baby."
"Im sorry mommy. I just give his wallet back. Nahulog po kasi niya kanina kaya hinabol ko po sya."
Napatingin sya sa lalaki sa kanilang tabi. Seryoso lang ito at mataman ang titig sa kanila. Bumalik ang tingin nito sa anak niya.
"Thankyou big boy. You are such a bright kid." hinaplos nito ang buhok ni Zeki.
"Your welcome mister. My mom taught me to be a good boy."
"Your mom was amazing then." Hindi niya malaman kung anong dapat isipin. Kung galak ba dahil may tinulungan ang anak o takot dahil sa lahat ng tao ay ito pa ang makaka encounter ni Zeki.
"She is. But you know mister, you look familliar." Matiim ang tingin ng anak niya sa lalaki at kunot ang noo.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng anak at agad itong hinawakan sa braso. Namutla sya bigla at tinakasan ng kulay ang mukha.
"A-hm Zeki, we need to go na baby. Naghihintay na si lola doon sa house. Excuse me." Hindi na niya hinintay na magsalita ito at hinila na niya ang anak palayo roon.
Kahit mukhang na curious ito sa sinabi ng anak ay hindi naman sila nito pinigilan.
Lumingon pa sya sa lalaki at nakita niya itong nakamasid lang sa kanila at hindi tumitinag sa kinatatayuan.
Tuluyan na niyang nakalimutan ang pinamili at dumeretso na sya palabas ng grocery store. Hindi pa sya nakontento at binuhat na niya si Zeki para mapabilis ang lakad nila.
Hanggang sa oras na iyon ay ramdam niya ang nginig ng tuhod at kalamnan. Nagpasalamat sya ng may dumaan agad na taxi paglabas nila ng mall. Sa loob ng sasakyan na niya kinausap ang anak.
"Baby, di ba sabi ni mommy, dont talk to stranger?"
Malumanay na sabi niya sa bata.
"Yes mom. Pero nakita ko po kasi yong wallet niya na nahulog po sa bulsa niya binalik ko lang po. You told me to be honest mommy." Mahina at may punto din sagot ng bata. Matalino talaga ang anak niya kahit three years old palang ito.
"Yes baby. But next time, you will tell mommy ha. Nag alala kasi si mommy kanina." hinalikan niya ang gilid ng ulo nito at pinasandal sa kanyang balikat.
Gumugulo parin sa kanyang balintataw ang nangyari kanina. Mukhang gumagawa ang tadhana ng paraan upang magkita ang dalawa. Kahit wala namang syang dapat ikatakot dahil hindi nito alam na may nagbunga sa nangyari sa kanila ay hindi parin sya maaaring maging kompyansa. Muntik na nitong sabihin kanina na ito ang daddy nito, ang basehan ng bata ay yong picture na nakita nila sa magazine.
Siguradong maghihinala ito kapag sinabi ni Zeki na kamukha ng lalaki ang daddy nito. Buti nalang ay mabilis niyang nailayo ang bata sa lugar na iyon.
Masama ba syang ina? Na pinoprotektahan niya ang anak laban sa sarili nitong ama? Paano kung kunin sa kanya si Zeki? Hindi niya kakayanin yon.
Huminga sya ng malalim at tinigilan ang pag iisip.
Alas 3 medya na ang oras pagtingin niya sa suot na relo. Nakatulog na si Zeki sa tabi niya ng makarating sa bahay. Binuhat nalang niya ito at pinahiga sa kanilang kama. Payapa ang mukha ng kanyang anak at maamo ang mukha. Hindi na niya ito inistorbo at lumabas na ng silid nila.