As usual ay maraming tambak na papel sa mesa niya. Hindi na bago iyon sa kanya kaya hindi na din sya nagulat. Ang ibang kasamahan niya ay mukhang hindi busy at may time pang mag marites. Nagbubulungan pa ang mga ito pero dinig na dinig naman niya.
"Alam mo ba, yong isang investors na bumisita satin dito? Grabee! Ang gwapo gwapo. Akala ko malalaglag yong panty ko!" Si Katrin ang kasamahan niya sa trabaho na membro ng mga mosang.
"Ay oo nga! Tumingin pa nga yon sakin e. Ano nga pangalan non? Dinig ko tinawag syang Mr. Valderama ni Sir e. Hayp yong mata be! Nakakabuntis." Si Maribel naman, ang assistant ni Katrin sa pagmamarites.
Umingos nalang sya at nag fucos sa trabaho niya. Mas marami syang dapat gawin kesa makinig sa mga walang katuturang bagay.
Nasa kalagitnaan na sya sa ginagawa ng ipatawag sya ng Head nila. Nagtaka sya dahil ito ang unang beses na pinatawag sya. Medyo kinabahan din dahil baka ma lay off sya bigla. Wag naman sana at may anak pa syang binubuhay. Tumikhim muna sya bago kumatok sa opisina ng Head.
"Good afternoon Ms. Guevarra. Have a seat.
Umupo sya sa harap nito at mas lalong kinabahan. Hinanda na niya ang sarili para magmakaawa dito. For the sake of her son and and his future.
"Maam? Wala naman po akong ginawang mali sa trabaho, pinagbutihan ko po lahat. Maam huwag nyo po akong tanggalin please." Hinawakan pa niya ang kamay ng head na mukhang nagulat sa sinabi nya.
"Ms.Guevarra, sinong nagsabi sayong tatanggalin ka?"
Lumiwanag naman ang mukha niya sa narinig. Nawala bigla ang bara sa kanyang dibdib.
"Ay hindi po ba? E bakit pinatawag po ako?"
"Hindi ko din alam kung bakit iha.. Kaya nga kita pinatawag dito dahil may natanggap akong memo na gusto kang kausapin ng Chairman." May kuryosong sabi ng Head department.
"Bakit po kaya?"
"Malalaman mo iha kapag pumunta kana doon mamaya. Oh sya sige, bumalik kana sa trabaho mo at mamayang 4pm ay umakyat ka sa taas dahil kakausapin ka nga raw ng chairman. "
"Sige po maam. Thankyou po. " Tumayo na sya doon at umalis.
Hanggang makabalik sa kanyang cubicle ay hindi mawala sa isip ni Sasa kung bakit sya gustong makausap ng may ari ng kompanya. Wala naman syang ginawang masama at wala rin siyang nilabag na rules dito sa loob.
Aligaga sya hanggang dumating ang alas 4 ng hapon.
Sumakay sya ng elevator patungong top floor kung saan ang office ng Chairman. Kahit nanginginig ang tuhod ay tumayo sya ng tuwid at naglakad ng deretso.
Pagdating sa top floor ay may dalawang secretary ang labas ng opisina. Nagtanong sya doon.
"Miss? Pinapatawag daw ako ni Chairman?" Atubili ang boses niya at gusto nang umatras.
"Are you Sandra Guevarra?"
Napalunok sya bago tumango.
"Yes miss. You can go outside. Mr.Valderama is waiting for you.
Dahil sa kaba ay hindi na niya napansin na ibang tao pala ang binanggit ng sekretarya at ibang tao rin ang naghihintay sa kanya.
Mahina syang naglakad at kumatok ng tatlong beses, bago pinihit ang pinto.
"Good afternoon Chairman. Pinapatawag niyo raw po ako?"
Kahit medyo may nginig ang boses ay nilakasan niya ang loob at nagtanong sa lalaking nakaupo at nakatalikod sa kanyang gawi, nakaharap sa salamin ng opisina.
Muntik na syang himatayin ng bigla itong umikot paharap sa kanya at makilala ang lalaking naka de kwatro pa ng upo sa swivel chair ng chairman. Nakataas ang sulok ng labi nito.
"Long time no see Miss. Dont you miss this hottie stranger?"
"S-sino ka?"
Kahit baliktarin pa sya nito ay hinding hindi sya aamin na naaalala niya ang lalaki.
"You dont remember? Me? In the club? In my condo?" Parang hindi ito makapaniwala.
"Hindi po talaga sir. Sorry po."
"Unbelievable! You don forgot the man who took your virginity!" Para itong bata na hindi binigyan ng paboritong laruan.
Umiling iling sya na kulang nalang ay lumipad ang ulo sa kung saan.
"You are lying Ms. Guevarra. Your eyes are telling the opposite." Ang boses nito na gusto niyang marinig dati ay parang multo na ngayon para sa kanya.
"Kung ayaw niyong maniwala ay hindi ko na po problema yon. Uuwi na po ako at may naghihintay sa akin sa bahay."
Bakit ba hindi niya naisip na kaibigan ito ng may ari? Akala niya ay hindi na magtatagpo ang landas nila ng lalaking ito. Pero heto at nasa harapan niya ngayon.
"Wait! Sinong naghihintay? Your husband? Are you married?" Nangunot ang noo nito at magkasalubong ang mga kilay.
"Wala po akong obligasyong magpaliwanag sa inyo sir, kung tungkol sa personal kung buhay."
"Just answer me! Damn it!
"O-oo may asawa na ako." Bigla niyang nasabi dahil nagulat sya sa sigaw nito.
Parang dismayado pa ito sa narinig at napanganga. Nagpalakad lakad ito doon at nakapamaywang na parang may iniisip. Ilang minuto ay tinuro nito ang pinto.
"Okay. You may now leave." At napahawak pa ito sa noo na parang problemado.
Dali dali syang lumabas ng opisina at naglakad ng mabilis. Nang makapasok sa elevator ay saka lang sya niya pinagpatuloy ang pinipigalang hininga.
Muntik kana don! Letche!
Napahawak sya sa dibdib at nagpahid ng pawis sa noo. Nag iinit din ang bumbunan at tenga niya.
Mabuti nalang din ay isipin ng lalaking yon na may asawa na sya para mawalan ito ng dahilan na kilalanin pa sya. Mas safe ang anak niya at ang sekreto niya.
Pagdating sa ibaba ay pumara sya ng taxi at sumakay. Natulala pa sya kahit nakahinto na ang taxing sinasakyan niya. Hindi mawala sa kanyang isip ang mga nangyari.
"Ano miss? Bababa ka ba o hindi?" Mukhang napikon ang driver dahil kanina pa siguro ito nagtanong. Bigla naman syang napalingon at agad humingi ng paumanhin dito.
"Ito na po kuya. " pagkatapos magbayad ay bumaba na sya at pumasok sa gate ng kanilang bahay.
Habang naliligo si Sasa ay bumalik sa kanyang isip ang imahe ng lalaki. Keanno Valderama. Yon ang pangalan ng estranghero, actually ay matagal na niyang alam ang pangalan ng lalaki. Two years ago habang nagbabasa sya ng isang business magazine ay nakita niya ang larawan ng lalaki sa loob niyon. Nafeature ito na isa sa pinaka succesful bachelors sa bansa. Namangha talaga siya ng mabasa iyon, imagine ang lalaking nakasama niya ng isang gabi ay hindi lang basta estranghero lang. Mayaman ito at may pag aari sa iba't ibang panig ng bansa. Maraming koneksyon at investors pa nga ng kompanyang bumubuhay sa kanya!
Naalala pa niyang pinilas niya ang larawan nito sa pahina niyon at itinago.
May isa pa syang inaalala. Nang magligpit kasi sya isang gabi ay naiwan niya sa bedside table ang larawan nito at nakita iyon ni Zeki.
Gulat na gulat sya ng sabihin ng bata na nakita na nito ang daddy nito. Pagtingin niya sa kamay ni Zeki ay hawak na nito ang larawan ni Keanno Valderama.
Ayon pa kay Zeki ay magkapareha daw ito ng buhok at kulay ng mata. Gray. Parehong hugis ng ilong at labi.
Kaya wala syang nagawa at hindi nalang itinama ang asumption ng anak. Total ay tama naman talaga ito at naisip niyang hindi naman sila magkikita pa ng lalaki. Ngunit ngayon ay iba na ang sitwàsyon. Lumiliit na ang mundo nila.
Paano nga ba niya makakalimutan ang mukha ng lalaki kung araw araw ay nakikita niya ang mukha nito sa anak niya?
Parang binagbiyak na bunga ang dalawa at lahat ay minana ng anak niya. Ang unfair talaga ng mundo!
Tiyak na malaking problema talaga pag nakita ng lalaki si Zeki. At yon ang pinaka tatakutan niyang mangyari. Makapangyarihan ang lalaking yon at kayang kaya nitong kunin ang anak niya sa kanya. Magkamatayan na sila at hindi talaga sya papayag.
Kaya hangga't wala pang ganoong nangyayari ay iiwasan niyang magtagpo ang mga landas nila.