Hindi na niya mabilang kung ilang malalalim na buntong hinga ang pinakawalan. She felt like her heart will jumped out of her ribcage. Simula ng magkita sila ni Keanno Valderama ay hindi na matahimik ang buhay niya.
Tulad ngayon, the chairman has a memo this morning that she will need to escort one of the investors coming here in a minute. She didn't like the idea of course! Bakit sya? Marami naman sila dito at ang pagkakaalam niya ay sa finance sya naka assign at hindi sa front desk or secretarial.
Mas na tense siya ng malaman na ang darating ay walang iba kundi si Keanno Valderama! The one and only!
At tulad ng utos ng chairman ay hintayin ito sa lobby ng company. Hindi niya maintindihan kung anong trabaho ang gagawin niya basta sumunod nalang sya sa memo. Dinagdag din ng head na magiging secretary siya nito for a day dahil absent daw secretary nito at maysakit. At kaibigan naman ito ng Chairman kaya humingi siguro ng pabor, and the rest was history.
Paroot-parito ang hakbang niya habang naghihintay. Nakasuot siya ng blazers na may tube top sa ilalim na naka tuck in sa kanyang pencil skirt na hanggang tuhod.
Natigil lang siya ng may humintong itim na lamborghini sa tapat ng entrance at lumabas ang lalaking hinihintay. Seryoso at dominante ang dating ng lalaki habang may aroganteng hakbang papasok sa lobby. Pinagtitinginan ito ng mga empleyado at paghanga ang nasasalamin sa mga mata. Matikas at sobrang gwapo ng lalaki na kahit sya ay natulala habang palapit ito sa kanya.
His piercing stare is making her knees tremble a bit.
"Come on Ms. Guevara. I dont want to be late. Its very early for your daydream."
Natauhan siya ng marinig ang sinabi nito. Wala naman sarcasm sa tono ng salita ng lalaki kaya pinalagpas niya iyon. Tumikhim si knowya at pinilit maging propesyonal.
"Goodmorning sir." She greeted him casually with respect. Kahit sinagot sagot niya ito ng nakaraan ay isa parin ito sa mga boss nila.
Tumingin lang ito sa kanya at tumalikod.
Hmp! Suplado talaga!
Nakasunod lang siya sa lalaki at hindi na nagtangkang magsalita. Nagtataka lang siya dahil sa labas nang building ang tungo nito. Gusto niya itong tanungin kaya lang ay baka magsuplado na naman ito at hindi sumagot. Huminto ang lalaki at napahinto rin tuloy siya.
Kahit may humintong SUV sa kanilang tapat at sumakay ang lalaki ay hindi parin sya natinag. Wala naman kasing sinabi sa memo na sa labas pala niya sasamahan ang isang ito, akala niya ay sa ALTARAZA INC. lang ito may e-meeting at sa conference room iyon gagawin.
"Are you just going to stand there all day?" Masungit nitong sabi sa kanya.
Bigla siyang napa igtad at dali-daling pumasok sa loob ng sasakyan. May driver ito kaya magkatabi sila ng upuan sa backseat.
Mukha siyang statue na nakaupo dahil mas na tense siyang nasa malapit lang ito. Mas nakadagdag din sa kaba niya nang nalanghap ang pabango nito. Wala ding emosyon ang suplado nitong mukha at tuwid ang upo katulad niya. Ang dalawang kamay niya ay pinagsiklop sa kanyang kandungan na may nakapatong na folder. Doon niya isusulat ang notes sa meeting. May dala rin siyang recorder in case na may makaligtaan siya mamaya.
Kahit paghinga ay hindi niya ma exhale ng bongga.
Awkward yarn?
Hinuha niya ay para siyang timang na ang mata lang ang pinapagalaw. Natatakot siyang lumingon dahil baka magsungit na naman ito.
"I think your skirt is too short for you." Bigla nitong basag sa pananahimik niya. Napalingon sya sa lalaki.
"This is my size sir and its comfortable."
Sa dami ng pwede nitong punahin bakit ang pencil skirt niya pa? Inaano ba sya ng skirt ko?
Tumikhim ito at nag iwas ng tingin.
"But- tss forget it.. Dont mind me."
Matigas nitong turan.
May topak din pala ang isang ito. Tsk!
Huminto ang sasakyan sa isang mamahaling resto. Tantya niya ay dito gaganapin ang meeting. Hindi na niya hinintay na pagbuksan sya ng pinto ng driver, nagkusa na syang lumabas at sumunod sa kanyang amo for todays vedyow.
Nalaman di niyang ito ang may pangalawang pinakamalaking share's sa ALTARAZA at may sarili din itong kompanya. Hindi naman kataka taka dahil isang tingin mo palang ay respetado at maawtoridad ang tindig ng lalaki.
Sobrang yaman nito at lahat ng makakakita ay yuyukod nalang. Ganon ito kahit sa unang tingin palang. Sumunod syang pumasok sa glass door ng resto at namangha sa mamahaling muebles at design sa loob. Yayamanin ika nga.
Pagdating sa reserved nilang table ay may naghihintay na sa kanilang dalawang tao. Nakipagkamay ang mga ito sa kanila at nag start na ang meeting. Pinilit niyang intindihin ang lahat ng diskosyon sa tagpong iyon. Hindi naman kasi niya ito trabaho talaga at hindi sya sanay maging sekretarya. Hindi lang niya alam kung saang lupalop napunta ang sekretarya ng lalaki at sya pa ang ipinalit e nananahimik sya sa kabilang kompanya.
Sa wakas ay natapos ang kalbaryo niya at sabay sabay na tumayo ang mga kaharap. Tumayo na rin sya at handa ng umalis para makabalik sa trabaho. Halos dalawang oras din ang ginugol nila at nangawit ang leeg niya kaka straight body.
"Sir I will send to your secretary's email the copy of this whole meeting." Magalang niyang sabi sa lalaki ng sila nalang dalawa.
"Do that." Maikling sagot nito.
"Okay po. Mag tataxi nalang po ako pabalik sa kompanya sir." Tatalikod na sana sya dito ng bigla itong magsalita.
"Where do you think you're going?
"Babalik na po. Tapos nanaman po siguro ang trabaho ko." Alanganin niyang sagot.
"Its almost 12 noon, Sabayan mo akong mag lunch."
"Ay sir hindi na po. Nagmamadali din kasi ako."
Mas akward kung magsasabay pa tayong kumain!
"No buts. I will pay your salary for today." Masungit nitong saad.
Wala na syang nagawa kundi bumalik sa pag upo at nagpatianod sa lalaki. Ito narin ang nag order ng pagkain para sa kanya.
Kahit mukhang masarap ang nakahain sa harap niya ay parang hindi niya malunok kahit isang hiwa ng karne. Samantalang ang lalaki sa harap ay maganang ine enjoy ang pagkain. Feeling niya ay hindi sya matutunawan lalo na pag kaharap ang bangungot na pumapasok sa kanyang pagtulog gabi gabi.
Kulang nalang ay ipadyak niya ang isang paa sa ilalim ng mesa para ma gets nitong hindi sya komportable, at pauwiin nalang sya.
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik sila sa sasakyan. Walang salitang namutawi sa kanilang dalawa. Sabagay hindi naman required magsalita lalo na't boss ang kasama. Technically ay boss nila ito.
Hanggang makarating sila sa lobby ng Altaraza ay tahimik siya. Bumaba at huminga sya ng malalim ng maglakad patungo sa elevator. Hindi niya napansin na nakasunod parin pala ang lalaki sa kanya hanggang sa loob ng elevator. Nagulat nalang sya ng ito pa mismo ang pumindot sa kung saan floor sya patungo.
Akala niya ay tapos na ang awkward moment nila kanina, to be continue pa pala hanggang dito. Tumikhim sya at tiningnan ito.
"Sir, Hindi niyo na po ako kelangan ihatid."
Kumunot ang noo nito at nakapamulsa ang isang kamay na sumulyap sa kanyang gawi.
"Hindi kita ihahatid. I have an important meeting to your Finance head regarding to our sales last month. Alvin couldn't make it so he ask me instead, since I am his trusted friend."
Neutral ang boses nito at wala namang panunuya pero sigurado syang nagkulay kamatis ang mukha niya dahil sa pagkapahiya. s**t! Maling akala ka gerl!
Bakit ka nga naman ihahatid? Ano ka helo?
Pinilit niyang takpan ang pagkapahiya kahit gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan. Kahit may nangyari na sa kanila isang beses tatlong taon na ang nakakaraan ay iba parin ngayon. Iba na ang sitwasyon at masyado pa syang bata dati.
Kailangan niyang umaktong walang nangyari upang hindi mapahamak ang mga sekreto niyang malupit na tiyak na magbabago sa kanyang kapalaran.