Episode 5

1125 Words
Pagod at sumasakit ang ulo ni Sasa pagkauwi niya galing sa trabaho. Paano kasi, tinambakan sya ng maraming trabaho ng boss niya, lahat ng nakapending na trabaho ay ginawa niya kanina kaya feeling niya maghihiwalay na ang likod at balakang niya. Tulog na si Zeki ng dumating sya kaya't maingat syang kumilos sa loob ng kanilang kwarto. Hinalikan niya ang noo ng kanyang anak at umupo sa gilid ng kinahihigaan nito. Medyo guminhawa at parang magic na nawala ang sakit ng ulo niya ng matitigan niya ang gwapo at maamong mukha ng bata. Si Zeki kasi ang pahinga niya sa lahat ng frustrations niya sa buhay. Kahit isang beses ay wala syang pinag sisihan na dumating ito sa buhay niya. Inaamin niyang marami syang pangarap na gustong marating dati, pero mula ng dumating si Zeki ay nakalimutan niya lahat yon. Ang tanging mahalaga sa kanya ay mabigyan ito ng maayos na buhay. Naghikab siya sa tabi ng anak at hindi niya namalayan na nakatulog na pala sya na hindi man lang nakakapagbihis. Nang magising sya kinaumagahan ay hindi na masyadong masakit ang kanyang katawan. Nakatulong din siguro na mahimbing ang kanyang tulog at umaga na talaga sya nagising. Pinagluto niya ang pamilya at gumawa ng pancake para kay Zeki, paborito nito ang strawberry pancake flavor kaya yon ang niluto niya. Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na sya para sa trabaho. Pinaliguan din niya ang anak bago sya pumasok. Her day in the office went well. Hindi gaanong busy kaya nakakapagrelax sya. Tinapos na niya kasi lahat ng pending na trabaho kahapon pa. Narerelax din sya sa music na naka on galing sa speaker ng kasamahan. Mellow lang ang kanta para hindi makadisturbo sa trabaho. Until 6 pm lang ang duty kaya naghanda na syang umuwi. When she was in the parking waiting for a taxi, the familliar car went pass by where she was standing. Hindi na sana niya iyon papansinin pero huminto ang sasakyan hindi kalayuan kung nasaan sya. Humakbang sya ng dalawang beses upang makalayo ng bahagya. Kahit alam niyang hindi sya ang pakay kung bakit ito huminto ay may kaba parin syang naramdaman . Kumakaway sya ng may paparating na taxi ngunit nilagpasan lang naman siya ng driver. She saw in her pheriperal vision that the man in the car got out. Nagkunwari syang walang pakialam kahit naririnig niya ang takatak ng sapatos nito sa sementadong sahig. " Do you need help?" Baritono at malalim ang boses ng lalaking kanyang narinig. Nagulat siya pero hindi niya pinahalata. Bahagya lang syang lumingon at umiling upang iparating dito na ayos lang sya. Isa pang taxi ang paparating pero katulad kanina ay nilagpasan din sya ng sasakyan. "Ms.Guevarra, I think we need to talk." Rinig niyang sabi ng lalaki sa kanyang tabi. "P-para saan po s-sir?" kinakabahang tanong niya. "About us, I-i mean about in the past. Alam kung matagal na yon, pero I just wanted us to have a clean slate. Nararamdaman kong naaalala mo ako kahit ilang beses mong e- deny. Hindi na tayo mga bata." Pormal nitong sabi. Nakahinga sya ng maluwag ng marinig ang sinabi nito. Ang akala niya kanina ay nalaman na nito ang sekreto niya kaya gusto nitong pag usapan. At tama rin naman ito, wala na syang kawala at wala naring saysay kung mag dedeny pa sya. "Walang problema s-sir. Sa totoo po nyan ay matagal ko nang nakalimutan ang nangyari kaya nga siguro hindi ko matandaan agad noong una tayong magkita." Sinungaling na kung sinungaling pero pinangatawanan na niya ang sinabi niya dito noong nakaraan. Medyo madilim sa bahaging yon ng kinatatayuan nila kaya hindi niya masyadong kita ang mukha ng lalaki. Narinig niya itong tumikhim bago nagsalita. "hm, okay. So? are we good?" " Yes sir." Pormal naman niyang sagot. "Drop the sir please. We are'nt in the office and besides, you are not my employee, yeah, Im an investor to the company but still, I am not the Chairman." "A-ano itatawag ko sayo?" "Just simply, Keanno. a'right?" Matigas na englis nitong sabi. Tumango nalang sya para maputol na ang kanilang usapan. Naiinip na sya kakahintay ng masasakyan. Gusto na niyang makalayo sa lalaki dahil namamawis ang kamay niya kapag nasa malapit lang ito. Idagdag pang iba ang dating ng boses nito sa kanya dahil madilim. "So should I call you Sandra? or what? " Pahabol pa nitong tanong. Ang akala niya ay umalis na ito pagkatapos niyang tumango kaya napaigtad siya ng magsalita ito ulit. "Hindi po ba ikaw busy?" sa halip ay iyon ang lumabas sa bibig. Naalala lang niyang mag iisang oras na siyang naghihintay ng sasakyan at mag iisang oras na rin itong nasa tabi niya. Hindi lang niya ma gets kung bakit pa ito nagsasayang ng oras para kausapin sya, pwede naman nitong kalimutan na parang walang nangyari ang lahat. "Hm, Im not. May pupuntahan lang sana ako sa loob ng makita kita dito kaya I decided to talk to you for while. " seryoso nitong tugon. "S-sasa, you can call me Sasa." medyo nautal pa sya ng magsalita. "Sasa. Nice name." "Thankyou." Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na makakapag usap sila ng ganon ng lalaki. Tumatak na kasi sa kanyang isip na hinding-hindi hindi sila magkakaroon ng pagkakataong maging kaswal sa isa't-isam Lalo na't may hindi sya sinasabi dito. Sa wakas ay may taxing huminto sa kanyang harapan. Umalis na si Keanno kanina pagkatapos nilang mag usap. Sa tingin niya ay maayos naman ang usapan nila. Mukha din naman itong mabuting tao. Siguro ay ang dapat nalang niyang gawin ay iwasan na magkaroon ito ng hint tungkol sa anak niya. Hindi din niya maiiwasan ito gaya ng plano niya dahil may koneksyon ito sa pinagtatrabahuan niyang kompanya. At medyo panatag siyang ang alam nito ay may asawa na sya. Guilty mn sya dahil sa pagsisinungaling ay wala naman syang choice kundi iyon. Isa lang naman ang hiling niya sa pagkakataong ito, sana ay wala syang pagsisisihan sa kanyang mga desisyon dahil ayaw niyang masaktan ang anak niya. Agad syang pumasok sa bahay ng makarating sya sa kanila. Saktong pagbukas niya ng pinto ay sumalubong ng yakap sa kanyang binti si Zeki. "Mommy!! You're home!" Excited nitong saad habang hinahaplos niya ang buhok nito. "Yes baby. Hindi ka ba nagpasaway sa Lola?" Ani niya dito. "Hindi po. Goodboy po ako mommy." Masiglang sagot ng kanyang anak. "Very good naman ng baby ko na yan." Hinalikan niya ito sa pisngi at kinarga, agad naman itong yumakap sa leeg niya. Karga niya ito hanggang sa kwarto nila para punasan at e-ready na din sa pagtulog. Mamaya nalang sya kakain kapag nakatulog na si Zeki. Oras na kasi ng tulog nito at kailangan na din niyang maligo dahil nanlalagkit ang kanyang pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD