Sunday came, wala syang pasok sa araw na yon at saktong nagyaya ang kanyang pamilya na mag outing sila sa beach. Dati na nilang ginagawa ito kaya hindi mapigilan ng anak niya na ma excited. Nag aayos palang sila ng mga dadalhin ay panay na ang u got nito na pumunta na raw sa beach.
Kailangan niyang masigurado na dala niya lahat ng kakailanganin ni Zeki. Doon sila mag oovernight dahil may rest house malapit sa dagat. Actually ay sa kapatid ng kanyang papa ang may ari ng beach resort na iyon kaya kahit anong araw nila gustuhing pumunta ay pwede.
Kaya nga ngayon na walang trabaho ang lahat sa bahay at tapos na din silang magsimba ay nagkayayaan silang mag outing. Ang mama at papa niya ay umaga palang ay nandoon na. Sila nalang ng kanyang kapatid ang natira sa bahay kasama si zeki. Nagpaiwan muna sya dahil sa kotse ng kapatid naman sila makikisakay para komportable. Hindi naman iyon kalayuan masyado ngunit mas mainam kung hindi na sila mahirapan ng anak niya. Ang magulang naman ay pick up nila ang gamit.
"Are you excited Zeki?" Tanong ng kanyang kapatid.
"Yes po tito. Gusto ko na po mag swim sa dagat." Bakas sa mukha ng anak na masaya ito et halata ngang excited.
"Alright. we're almost there." Nakangiti naman nitong tugon sa anan niya habang hinihimas nito ang ulo ng bata.
Napangiti nalang sya sa usapan ng mag tiyuhin. Mahal na mahal talaga ng pamilya ang anak niya. Spoil ito lalo na kay Callie na halos araw araw ay may pasalubong itong laruan.
"Sana next time, kapag pupunta tayo sa dagat kasama na natin si daddy." Biglang sabi ng anak dahilan para magtinginan sila ng kapatid.
"uh- Zeki gusto mo ba ibili kita ng duck? yong lumulutang? Pwede kang sumakay sa duck kapag maliligo kana sa dagat." Halatang iniiba ng kapatid niya ang usapan kaya't lihim syang nagpasalamat.
"Talaga po!? Opo gusto ko ng duck na lumulutang, yehey did you hear that mommy?!" Ang kaninang malungkot nitong mukha ay napalitan na naman ng ngiti.
"Ofcourse baby." Pinilit niyang pinasigla ang kanyang boses.
Nagtatalon ito sa loob ng sasakyan at nagpasalamat syang nakalimutan na nito ang tungkol sa ama. Nauubusan na kasi ng isasagot sa bata. Sa tuwing sumasagot sya ay mas nadadagdagan ang kanyang kasinungalingan, kaya hangga't maari ay umiiwas sya sa usaping ganoon.
Saktong alas 9 ng umaga ay nakarating sila sa Batangas. Malayo palang ay langhap na niya ang sariwang hangin na nagmumula sa dagat. Si Zeki naman ay binuksan ang bintana at kinaway kaway ang kamay sa labas. Wala naman masyadong sasakyan dahil wala na sila sa highway kaya hindi na niya sinaway.
Huminto ang kotse ng kapatid sa harap ng dalawang palapag na rest house na pag mamay ari ng kanyang tiyahin. Kulay puti at blue ang pintura ng bahay. Pribado at tahimik sa bandang ito dahil may mababang bakod na nakapaligid sa bahay.
Huminga sya ng malalim at pinuno ng sariwang hangin ang dibdib. Sa wakas ay makakapagpahinga na sya!
Si Zeki ay tumakbo na patungo sa lola at lolo nito na busy sa pag iihaw ng isda na nasa labas ng rest house. Mayroon ding nakahilerang bahay bakasyunan na katabi nito at ang iba ay abandonado. Tantya niya ay magkakaroon lang ng tao sa kabilang bahay tuwing sasapit ang bakasyon.
Pumasok muna sila sa loob at niligpit ang dalang gamit. Binihisan din niya si Zeki dahil gusto na nitong magtampisaw sa dagat. Pinahiran niya ang buong katawan nito ng organic na sunblock at hinayaan na itong sumama sa tiyuhin.
Binilinan pa niya ang kapatid na huwag aalisan ng paningin si Zeki dahil susunod agad sya kapag nakapagligpit na at nakapagbihis.
Nag aayos sya ng mga gamit at nagbihis narin. Nasa harap sya ng salamin at pinasadahan ng mata ang suot na swimsuit. One piece iyon at may hindi kalakihang ukab sa kanyang likod. Nagustuhan niya ang lapat ng damit sa kanyang balat dahil saktong sakto ang sukat niyon sa kanyang katawan. Nagsuot muna sya ng cover up bago nagdesisyong lumabas upang samahan si Zeki sa paliligo.
Naglalakad sya patungo sa dagat. Hindi niya mapigilang humanga sa kabuuan ng lugar. May mga turista din sa hindi kalayuan sa kanila. Kadalasang nakikita niya ay mg foreigner.
"Mommy here!" Sigaw ng anak niyang nakasampa sa balikat ni Calli.
Kumaway lang sya sa mga ito at nakangiting pinanunood ang anak na enjoy na enjoy sa paliligo.
Sinamyo niya ang sariwang hangin. Hindi rin masakit sa balat ang init kaya siguradong sulit ang outing ng pamilya.
Humakbang sya ng dalawang beses at sinawsaw ang paa sa tubig dagat. Kulay asul at nag niningning ang tubig na tumatama sa araw. Naisip niyang sana mas marami silang oras na magpunta sa mga ganitong lugar. Nakaka relax ang paligid at pansamantalang natatakasan ang mga isipin niya sa buhay.
Nakarinig sya ng mga tawa na papalapit. Bahagya syang lumingon at nakita ang mga grupo ng lalaki na nagtatawanan. Nakatingin ang mga ito sa kanya at bahagya pang nagtutulakan.
Hindi na sana niya ito bibigyan ng pansin ng magsalita ang isa sa apat na lalaki.
"Miss? Can I take a photo of you? I may sounds rude but, kanina pa kasi kami nakatingin sayo at gusto sana kitang kuhanan ng litrato at gawing subject ko. Im a photographer, by profesion. Kung okay lang sayo." Tinitigan niya ng maigi ang lalaking nagsalita. May nakasabit ngang camera sa leeg nito. Ang tatlong kasama naman nito ay wari nahihiya at parang mga pusang nakatingin sa kanya.
Tantya niya ay mas matanda sya sa mga ito. College boys or bagong graduate ata. Parang Hindi niya alam ang sasabihin.
" uhm- bakit a-ako?
"Why not? Look at you, You are like a goddes in the sea. I mean, you are perfect to what I was looking for to be my subject. Kahit 3 shots lang please. " Nagpacute pa ito sa harap niya at napangiti sya doon. Mukha naman itong mabait pati mga kasama nito.
Namula naman ang mukha niya sa papuri ng lalaki. Lalo na't sumang ayon pa talaga ng sabay ang tatlo nitong kasama.
"S-sige, pero wag mong ipapagkakalat ang picture ko ah. Ipapakulam ko talaga kayong tatlo." Nagawa na niyang magbiro sa mga ito. Kung dati siguro ay hindi niya kayang makihalobelo sa mga tao, pero mula ng magkaanak sya tingin niya ay marami ng nagbago sa kanya.
"Yes! Thankyou miss. Im Harold by the way. This is john, Kiven and Alex. They are my friends. And you?"
"Sasa." Maikling pakilala niya. Nakipagkamay naman sya sa mga ito. Pawang may mga hitsura ang mga mukha! Siguro kung nandito ang mga workmate niya tiyak na mag tumbling iyon sa kilig. Kahit pa nga mas bata ang mga ito sa kanila.
"alright Sasa. So shall we take you a picture?"
Tumango lang at ngumiti bilang pagtugon.
Pinapwesto lang sya ng lalaki sa dagat at kinuhanan sya nito ng lirato. Sabi nito ay yong normal lang na parang stolen shots. Wala syang alam sa pag po-pose sa harap ng camera kaya't medyo may ilang syang naramdaman. Ngumiti nalang sya at tumanaw sa malayo na parang ewan.
"Yes thats right! Perfect!" Sabi nito habang abala sa pagkuha. Nagkunwari din syang sumalok ng tubig sa dagat at pinatulo ang tubig galing sa kamay at mas nilakihan ang ngiti.
"Are you sure you are not a model?
Tanong nito sa kanya pagkatapos.
"Hindi nga ako marunong eh. nagmukha siguro akong tanga dyan sa picure."
"No! ang ganda nga e. parang profesional model oh. Tingnan mo."
Lumapit naman sya sa gawi ng lalaki at tiningnan ang kuha nito.
Napa wow sya sa ganda nitong kumuha ng litrato. She look sureal ang stunning in that photo. Parang wala syang iniindang problema at ang saya ng mukha niya.
"Beautiful right?" Tanong ni Harold habang titig na titig din sa camera nito. Hindi niya mapigilang sumang ayon dahil profesional nga itong photographer.
Natapos ang kanilang photo shoot at nagpasalamat at nagpaalam ang apat na lalaki sa kanya. Sakto namang lumapit ang anak niya sa kanyang gawi at nag ayang kumain daw sila at nagugutom na ito.
"Sino yon?" Si callie ang nagtanong na nakakunot ang noo.
"Wala. mga kabataaan lang na naghahanap ng subject nila kaya pinagbigyan ko na. Ang ganda ng ng kuha e."
aniya sa kapatid.
Hindi naman ito nagkomento pa at sumunod na sa kanila ng anak niya papasok sa rest house.