4

1691 Words
Chapter 4 Inip na inip na si Brandy sa paghihintay. Bago mag nine am nasa restaurant na sya. Sangahan at mamunga pala ha! Sinungaling! Antipatiko! Bastos! Ngitngit na ngitngit na sya dahil almost 45 minutes na sya sa paghihintay sa bar and grill na yun pero ni anino ng hayup na ka meet niya ay wala syang makita ni masulyapan man lang. Balak siguro syang pagmukhaing tanga talaga. She's pissed. She grabbed her bag and stood up. Nakakahiya. Kanina pa sya pinagitiginan doon dahil tingin sya ng tingin sa relo pero wala naman pala syang hinihintay. Tambay talaga! Walang isang salita. Nag-iwan sya ng pera sa mesa kahit tubig lang naman ang ininom nya. Saka sya bwisit na bwisit na naglakad palabas ng bar and grill na yun na kahit umaga ay bukas. Hindi lang naman yun ordinaryong bar at grill. Isa rin yung restaurant kaya pwedeng kamain at uminom kahit umaga. Laman na sya no'n tuwing gabi. O hindi naman gabi gabi, kung kelan lang nagse self pitty sya ay umiinom syang mag-isa at sa pag-uwi nya ay sermon ang inaabot niya. So she always concludes that it's better to be a rebel than a Maria Clara. At least napapansin sya ng daddy nya sa paggawa ng mga kamalian. Marahas niyang itinulak ang pinto at sa pagkagulat niya ay muntik niya pang tamaan ang isang matandang lalaki na papasok na rin. Buti na lang may lalaking nakasalag niyon sa likod ng mga nag-uumpukan na kostomer na papasok din. "Tsk! High blood agad ang girlfriend ko, na late lang ako." anang lalaki na nakaagaw ng atensyon nya at muntik syang mapatanga nang mapagsino yun. She can't miss anything about his voice. Kahit isang beses pa lang silang nagkita, kilala nya ang boses na iyon. "Mag-ingat ka naman ineng. Papatayin mo yata ako nang maaga." sabi ng matandang lalaki sa kanya. Nakita niyang inakbayan iyon ng fske bf niya at iginiya papasok. "Pasensya na po kayo lolo, buntis po kasi ang girlfriend ko kaya po ganyan sya. Selosa po kasi yan, na late ako sa date namin." anitong tinatapik tapik ang balikat ng matanda. Gumilid sya para paraanin ang lolo kahit naiimbyerna sya sa kasinungalingan ng lalaki. "Sorry po L-lolo." yumukod sya nang kaunti at nginitian ang matanda. Di naman talaga nya sinasadya. Ganoon lang sya tuwing nagagalit. Wala syang pakialam sa nakapaligid sa kanya. Tumango naman ang matanda sa kanya. Napasulyap sya sa lalaking nakaakbay sa lolo at kinindatan sya nito. Ang gwapo na naman ng walang hiya. Naka gray na semi fit na t-shirt ang lalaki. Bakat na bakat ang dibdib nito. Di nya pala kaagad nakilala kasi naka sumbrero ang damuho at sa pagpasok ay nangangamoy na naman ang pabango. Humalukipkip sya sa kinatatayuan. Ewan niya kung bakit di niya mahatak ang sariling mga paa palabas, samantalang kanina ay desididong desidido na sya na makaalis doon. Ibinaling niya ang paningin sa labas habang nag aasiste ang lalaki sa matanda. May nalalaman din naman palang kagandahang asal ang bwisit na tambay. "Kala ko ba aalis ka na. Bakit nakatayo ka pa riyan?" tanong nito na ikinapintig ng tainga nya. Nalipat kaagad dito ang mga mata niya at nabubwisit sya sa tono nito na parang ang ibig sabihin ay porket nakita na nya ito ay wala na syang balak ituloy ang naantalang pag-alis sa lugar na yun. At ang mas ikina bubwisit niya ay ang pagkakangisi nito habang nakatitig sa mukha niya. "Bwisit ka!" tutuhurin niya sana ito pero mabilis itong nakailag. Nang hindi niya tamaan ay sasapakin nya sana pero mabilis din na sinalag ang kamay niya. "Tsk. Kulang sa training babe." anito na nangingiti pa. Hinampas niya ito ng bag sa tyan at tinamaan niya. "Aw." angal nito. She smirked. "Kulang sa training sa pag-ilag." Tumawa ito nang malakas at nakaagaw ng atensyon ng lahat pero binalewala lang nito. Hinila niya ang kamay mula rito dahil para syang isda na kinukuryente sa pagkakahawak ng lalaking antipatiko. "Taray naman. Malinis naman ang kamay ko. Hinawak ko lang yan sa--" anito na sadyang binitin ang salita habang tatawa tawa. Mabilis niyang kinalkal sa bag ang sanitizer at pinahiran ang braso. Hinawak saan? Sa kwan! Eeehh! Lalo itong tumawa. "Arte. Hinawak ko sa pintuan nitong bar. Can we please be seated now?" Napaarko ang kilay niya kasabay ng pagtingala sa lalaki at napatigil sa paglagay ng sanitizer. Tambay nag e English? Parang ito man ay natigilan din pero kaagad na bumawi. "Galing ko mag English ano? Crush mo na naman ako." anito at walang kapaa paalam na hinaklit sya papunta sa isang bakanteng mesa. Parang gusto pa niyang mandiri na naman sa kamay nito na baka nga kung saan saan naman talaga inihawak. Ipinaghila nga naman sya ng upuan pero sapilitan naman syang iniupo doon na halos durugin ang balikat niya. Harsh lang? Humila din ito ng upuan at itinabi sa kanya saka naupo ng nakabukaka at prenteng sumandal sa silya pagkatapos damputin ang menu. Kala mo naman mag oorder. Wala sa loob na napadako ang mga mata niya sa may zipper ng pantalon nito at di niya alam kung bakit bigla syang nahiya sa pagkakasulyap sa kaumbukan na yun. Diosko! Nagdidiliryo yata sya kahit wala siyang lagnat. Ibinaling niya ang tingin sa kabilang side ng table. Naiilang sya sa posisyon nito na nakabuka ang mga hita at nakadikit sa binti niya ang tuhod. Nananadya ba ang kumag na ito talaga? Bahagya syang umusog para maiiwas ang mga binti niya sa lalaki. "Wag kang masyadong mag-alala. Di ka mabubuntis ng tuhod ko. Pwera na lang kung lumuhod ako sa pagitan ng--" anito na nakatingin pa rin sa menu. "Bastos ka talaga!" singhal niya sa lalaki at sya rin ang napatigil nang pagtinginan sya ng mga tao roon. Ngali ngali na niyang pukpukin ng baso ang isang ito. Kinuha niya ang menu na kanina pa nito tinitingnan. Tatawa tawa na naman nga talaga sa sariling kabastusan. "Kanina ka pa. Di ka naman umu-order." naiinis na sabi niya sa lalaki at padabog niya na ibinaba ang menu sa mesa. "Wala naman sa menu yung order ko, nasa tabi ko na." anito na diretsong tumitig sa mga mata niya at tinaasan baba sya ng kilay. Hayun na naman ang pesteng puso niya. Kumakalabog nang husto. Napapano na ba sya? "Ano bang trabaho mo?" pilit niyang inayos ang sarili. Kapag nagpadala sya sa kahambugan ng lalaki na to mas lalong masisira ang buhay nya. "Marami." sagot kaagad nito na hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha niya. Shit! Matutunaw na yata ako. Kumunot ang noo niya. "Anong marami?" Bahagya itong lumabi at nagkibit balikat. "Depende sa gusto mo maging trabaho ko--" anito. Tumango siya. Good. Marunong naman palang maging hired talaga. Alam kung saan ang lugar. Magsasalita na sana sya ulit nang bumuka na naman ang bibig nito. "Pwede akong maging driver, bodyguard, callboy, ama--ng magiging anak mo." ngumisi pa ang bwisit. "Waiter!" wala sa loob na natawag niya ang lalaking waiter na nakatayo sa may di kalayuan. "Ma'am?" tanong nito ng makalapit. "May Zonrox ba kayo? Pwede pakibigayan ang kasama ko. Gusto ko na syang mamatay." sabay irap niya. Humalakhak na naman ito. "Grabe talagang pagmamahal sakin ng girlfriend ko. Zonrox lang? Muriatic acid dapat para tunaw pati colon ko." anito na lalo niyang ikinasimanagot. Pilosopo talaga. Napakamot ng ulo ang waiter. "Bigyan mo ng molten chocolate cake ‘yong girlfriend ko. Kulang kasi sa tamis. Saka carrot juice na lang baka masobrahan naman kasi sa asim." sabay pasada ni Nyx sa kabuuan niya. "How about you sir?" tanong ng lalaki. "May babae ba kayo rito?" sabay kindat nito sa waiter na natawa nang bahagya sa biro nito. Biro ba talaga o sadyang babaero lang ito? Pero mas di nya inasahan ang dinugtong ng walangya. "Iyong mas maganda sa kasama ko pero mukhang wala ng gaganda pa rito." anito na naningkit pa ang mga mata na sumulyap sa kanya. Itinaas niya ang isang kilay pero naman gusto na niyang mamula nang husto. Halatang magaling mambola ang lalaki. Magaling magpaandar. "Sige na lumayas ka na. Bigay mo na lang ‘yong order nya. Sakin ice cream cake and root beer." sabi pa nito sa waiter na kaagad tumango at binanggit ang order nila. "Molten chocolate cake and carrot juice. Ice cream cake and root beer." sabi ng waiter. Tumango si Nyx. Inilagay nito ang dalawang kamay sa may bulsa ng pantalon na parang nakapameywang habang nakaupo, saka bahagyang lumabi at tumingin sa sahig. Parang may iniisip ito na kung ano pero di niya makuha. Ang yabang yabang ng dating ng porma nang pagkakaupo nito pero nag uumapaw sa kagwapuhan kahit parang nagseryoso ang mukha. Wala sa hitsura nito ang nag-iisip ng kung anu anong katinuan kaya malamang babae ang iniisip nito. "So--" basag niya sa pagkatulala nito. He looked at her and arched his brows. "Bukas ng gabi na ‘yong party na aatendan ko--natin. Please magsuot ka ng formal. Seven pm dapat nasa Esmeralda Hotel ka na sa function hall. Hintayin mo na lang ako roon o baka ako na naman ang maghintay sayo." sabay irap niya. She heard him chuckle. "May inasikaso lang ako kaya na late ako babe. Bukas di na ako mali late. O ma late man ako, mga five minutes lang." " Stop calling me babe." ingos niya sa lalaki. "O di sige. Miss maganda na lang. Ikaw din baka mabuking ka na fake ang boyfriend mo. Alangan naman tawagin kitang Miss maganda sa harap ng mga kasosyalan mo." nagkibit balikat ito. He has a point. "Fine. Pero doon mo lang ako pwedeng tawagin na b-babe. What's you name anyways?" tanong niya sa lalaki na hindi na yata maitikal sa kanya ang paningin. "Jacob Nyx dela Merced." anito. Tumango sya. "Tambay ka di ba? Keep it that way. Idisappoint mo silang lahat. Gusto ko pagalitan na naman ako ng daddy ko." hindi nya sinasadyang sabihin iyon pero lumabas na lang. Mabuti na rin yun na alam ng lalaki ang gusto niya. Nag-iwas siya ng paningin nang ilapag ng waiter ang order nila. Bukod doon wala na syang dapat na sabihin pa. Not to this stranger na daig pa ang kung sinong makaasta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD