Chapter 5
Nakusot ang noo ni Nyx sa sinabi ng dalaga.
Mapagalitan? Sinong anak ang gugustuhin na mapagalitan ng magulang kung hindi yata drug addict ang babaeng ito?
Sa una pa man lang na tingin niya sa litrato nito at sa lahat ng litrato na nakita niya sa google ay iisa ang ipinakikita ng mga mata nito... Kalungkutan.
He's not an idiot. Trabaho niyang makiharap at makihalubilo sa ibat-ibang tao kaya sa unang tingin ay alam niya kung okay ba o hindi ang isang tao. Sanay syang kilatisin ang kaaway niya para magtagumpay sya sa huli, know their weaknesses and strengths at alam nya na hindi sya mali sa katauhan ng Brandy na ito. She's weak and lonely.
Di kasi sya maniniwala na masama ang ugali ng ganitong klase ng babae. Sa tagal nya sa trabaho bilang agent ay alam niya kung sino ang sino at kilala niya ang tao sa loob ng mga panlabas nilang katauhan at pag-uugali.
Nabalik ang atensyon niya rito nang muli itong magsalita.
"And don't you ever think na sosyalan ‘yon. Sila lang ang mag e enjoy doon at hindi ako. So, do we make a deal?" tanong nito.
"Atat ka. Kumain ka muna." aniya rito na sinundan niya ng isang ngiti.
Kaagad itong nag-iwas ng paningin at itinuon ang mga mata sa cake.
"Baka may peanuts to. I'm allergic to it." anito.
"Kainin mo na at kapag nanikip ang dibdib mo, papatayin ko ‘yong nag bake." aniya kaya tinapunan sya nito ng masamang tingin na ikinatawa lang niya.
Nang di sya makatiis ay tumayo sya at lumapit sa waiter para tanungin kung may peanut ang molten chocolate cake. Saglit nitong tinawag ang baker at maya maya ay lumabas ang isang batang batang babae.
Lihim syang napasipol. Wheew! Ganda! Maganda naman talaga. Medyo maliit pero maganda.
Nakangiti kaagad ito nang lumabas. "Yes?"
"if I may have the permission to ask, may peanut ba yung molten choco cake, chef?" tanong niya sa babae.
Baka hindi nito sabihin dahil baka ang iniisip nito ay gusto niyang malaman ang ingredients.
"Allergic ka sa peanut?" tanong nito na gustong mailing habang nakangiti.
"Hindi ako, yung--" aniya na pinutol ng babae.
"Meron." anang babae na parang ikinanerbyos niya.
Napatingin kaagad siya kay Brandy at sa panlalaki ng mga mata niya ay halos mauubos na nito ang cake.
Natigilan pa sya at nag bilang sa isip niya sa paghihintay ng resulta.
Three... Two...
Napaalis sya sa may bar counter nang makita na nasapo ni Brandy ang sentido.
Ouch! Tinblan na ng allergy.
"Salamat chef. Ang ganda mo." aniya na hindi na nilingon ang babae na halatang na flattered pa sa sinabi niya.
Nalapitan kaagad niya ang dalagang parang namumutla.
"Tumayo ka na dyan at pupunta tayo sa OB-GYNE." aniya rito.
Nagawa pa niya itong biruin pero di ito umimik. Masama nga ang lagay. Di sya pinatulan.
Dumukot sya ng pera sa pitaka at nag iwan sa mesa. Sinigurado nyang sobra yun dahil baka hanapin sya ng manager kapag kulang.
"Anong Ob--?" she held her breath and started to breathe of the dotted.
Late reaction?
Naghahabol na ito ng hinginga at inuubo na. Kapag di sila makarating sa duktor sigurado mamamaga ang larynx nito at mamaya mamatay pa ito.
Sayang ang kagandahan at kaseksihan. Di pa nga niya nagiging girlfriend mamamatay kaagad.
"Wala ka bang gamot?" parang ngayon lang sya nataranta sa buhay nya ah!
Umiling ito pero napahawak sa braso niya kaya mabilis niyang dinampot ang bag nito at ang susi ng kotse sa ibabaw ng mesa saka ito inalalayan na lumabas.
Nanubig ang mga mata nito habang nag hahabol ng hininga.
"Wag kang matakot di ka naman mamamatay." aniya rito pero parang sya pa ang mas kinakabahan. Mas gusto pa nyang makipag barilan kesa ganitong may naghihingalong magandang babae sa tabi niya.
Wala pa syang nakikita na naa allergy sa buong buhay nya pero alam niya ang posibleng mangyari kapag di yun naagapan. Napag aralan na nila yun. It could be fatal.
"Bakit naman kasi kinain mo kaagad? Di pa nga ako nakakapagtanong." sermon niya sa dalaga habang nagmamaneho ng kotse nito pero walang sagot si Brandy.
Natural. Sino pa ba ang makakasagot sa ganoong kalagayan na paisa isa na ang hininga? Tanga lang Nyx.
--
Hilung hilo na si Brandy at naninikip na ang dibdib nya. Pakiramdam niya ay mamamatay na sya.
Tumulo ang luha niya. She had been in this kind of situation once. Noong bata pa sya. Di nya alam na may allegry sya sa nuts kaya kumain sya ng cholate with almonds at gantong ganto rin ang naranasan niya and to her dismay ay pinagalitan pa sya ng daddy niya. Dinala nga naman sya sa ospital pero nagalit pa dahil naabala raw ng yaya niya ang meeting nito nang tawagan at sabihin na papunta sila sa ospital.
That hurt her so much.
Was that her fault?
She wants to speak nang sulyapan niya si Jacob Nyx sa driver's seat pero wala syang lakas na ibuka ang bibig nya para magsalita.
Di niya alam kung paano ang tamang pag-upo sa passengers seat. Mahigpit ang hawak niya sa seat bealt habang paisa isa ang hinga niya. She's coughing so hard at nangangati ang lalamunan niya at alam niyang namamaga na ang loob nun. Her eyes were starting to dilate hanggang sa naramdaman niya na may bumuhat sa kanya papalabas ng kotse.
"Brandy." pukaw sa kanya ng kung sinong lalaki na sa pagkakaalam niya ay si Jacob Nyx daw. Pero nakapikit ang mga mata niya. Kilala lang niya ang mapanghalinang boses nito.
--
Nahigit ni Nyx ang sariling buhok nang examinin ng duktor ang dalaga na wala na yatang malay pero paisa isa pa rin ang hinga.
"Doc!" aniya sa duktor na umasiste sa kanila.
Kung kanina ay nabiro pa niya ito na sa OB doctor nya dadalhin, ngayon wala syang maisip na biro. Tama sya na napakahina na tao nito at kitang kita niya kung paano ito napaluha sa loob ng kotse habang paisa isa ang hininga.
Walang sinabi ang p*******t nito ng pisikal sa lambot ng pagkatao nito. He was right. Kahit kailan di pa sya pinalya ng sarili niyang instinct. It's part of his job at matagal syang nag-aral ng pagkilatis sa aura ng isang tao kaya alam kaagad niya kung kahina hinala ito o hindi. It's psychology.
"She'll be alright. Buti nadala kaagad dito. Sumasara na ang lalamunan niya but it's fine. We injected the right drug for her. She'll be out of the E. R in a minute or two. We're just waiting for the drug to take effect." anito sa kanya at tinapik ang braso niya.
"Thanks doc." aniya at nameywangan.
"Worried boyfriend huh." biro nito sa kanya na ikinangiti lang niya.
Tanga naman kasi! Bakit kinain ang cake?
Kainin mo na at kapag nanikip ang dibdib mo, papatayin ko ang chef. Naalala niyang sabi niya.
Nagbibiro lang sya pero sumunod naman sa kanya. So ibig sabihin nagtitiwala ito sa mga sinasabi niya kahit di pa sya lubusang kilala.
Naupo sya sa pasilyo na napapailing. Gusto niyang kagalitan ang sarili dahil minsan sa mga biro niya na hindi na kapani paniwala pero napapaniwala pa rin niya ang ibang tao.
Gago lang din talaga sya madalas.