Chapter 3
Nagmamadaling inistart ni Brandy ang sasakyan nya. She can't wait to see who is that new applicant na sa tingin ni Yulah ay papasa sa gusto niya.
Nawala ang hinanakit niya sa pagkaka divert ng atention niya sa ibang bagay. Wala naman sinabi ang daddy nya na kapag hindi nito nagustuhan ang boyfriend niya ay patatapon pa rin sya nito sa America. Ang sabi nito ay kapag wala lang syang nadalang boyfriend.
Gusto nya ng tambay kasi para kapag kumalat sa pahayagan na single na sya ulit, ang sasabihin nya ay hindi nagustuhan ng daddy nya. At gusto niya na sermonan na naman sya nito. As simple as that.
Malalaki ang hakbang niya nang makapasok sya sa maliit na building na yun ni Yulah.
"Show me." agarang sabi niya sa kaibigan na nakatunganga sa laptop. Di pa man lang sya nakakaupo ay parang gusto na niyang mag ala lastik man at hablutin ang laptop nito.
Grabeng pasasalamat niya rito dahil kahit napaka busy nitong tao eh binibigyan pa rin sya ng panahon. She's her only friend and she's not just an ordinary friend, parang kapatid ang turing nya dito, isa pa ay mas matanda ito sa kanya ng isang taon.
Napaarko ang kilay nito at bahagyang napangiti sa excitement niya.
Kaagad niyang nasilip ang laptop pero itinalikod nito tapos tinawanan sya nang bahagya syang lumabi.
"Faster na nga ate." aniya sa kaibigan.
Tumingala ito sa kisame. "In one condition."
Sya naman ang napakunot ng noo. Wow ha! Hindi pala yun libre.
"Want me nude? Fine!" sya na kaagad ang nagsabi. Malay ba nya kung yun ang gusto nito.
"Nude agad?" parang nagulat pa ito.
Naupo sya sa tabi nito kaya lalo nitong inikot ang laptop patalikod sa kanya.
Tiningnan sya nito ng diretso sa mata.
"It's not for me sis, it's for you. Sana kahit paano may naglakas ng loob na mag-apply kahit fake boyfriend, sana matuluyan na para naman hindi ka na loner." anito na may kaseryosohan.
Ito lang ang nakakaalam ng lahat ng hinagpis nya sa buhay. Madrama kasi ang buhay nya. Akala lang ng iba ay napakatapang niya pero ubod sya ng hina.
She doesn't cry pero kapag may umalo sa kanya o nagtanong kung okay lang sya, saka na sya bumibigay kaya ayaw nya na inaalaam kung kamusta ba sya.
Anong sabi ni Yulah? Matuluyan sila?
Matuluyan na? That's too impossible. Ayaw nga niyang mag-asawa bakit naman magbo boyfriend pa siya?
Hanggang fake boyfriend lang. Tapos.
Hindi nya sinagot ang kaibigan. Inuga niya ang braso nito kaya napilitan na itong iabot sa kanya ang laptop.
Kaagad niyang inilapit ang muka sa screen. Lumiit ang mga mata niya sa nakikitang pic pagkatapos ay lumaki nang mamukhaan nya ang lalaki.
Si signal number ten sa kahanginan.
She can't mistakenly recognize him for somebody else. Ito nga yun, ang garapal na tumanggap ng bayad kahit wala namang nadamage sa pagbangga niya sa motor nito. Baka na damage ay ang utak.
Pero gwapo saka mabango si mahangin.
Biglang kumabog ang dibdib nya sa buhay na buhay na mga mata ng lalaki. Kasunod ay napalunok na sya sa kagwapuhan nito sa laptop.
Kaagad nyang ibinalik kay Yulah ang laptop.
"I don't like him. Masyado syang gwapo. Babaero yan." mabilis niyang sinabi kasabay ang paghalukipkip.
Humalakhak si Yulah sa sinabi niya.
"Hoy fake boyfriend lang ineng ang kailangan mo, hindi totoong boyfriend." anito sa kanya.
Ouch! Masyado ba syang halata?
Oo nga. Pero bakit ba affected sya ng mayabang na iyon? I don't like him kasi delikado ang feelings ko sa kanya.
He has a certain type of personality na mayabang pero bagay naman kasi gwapo, hindi iyon feeling gwapo lang.
"I don't like him." aniya pero bakit parang gusto na naman nyang tingnan ang mukha sa picture.
Ang gwapo kasi.
"Ikaw. Ire reject ko na ba? Nireject ko na yung mga foreigners na nag-apply kahapon. Just to remind you, ito lang ang natira sa mga pinagpilian ko. Kapag dinelete ko to, I'm not sure kung makaabot ka pa sa paghahanap sa Sabado. Biyernes na bukas. Isa pa walang nakalagay na specification ng particular job. Baka tambay ito." mahabang paliwanag sa kanya ni Yulah na pinakinggan naman niya.
"s**t!" napamura siya.
Pressure talaga. May punto naman ito.
"Fine! Sige na accept mo na at i message mo na rin na mag-uusap--kami bukas." pikit matang sabi niya.
Di talaga sya sigurado. Di rin nya sigurado kung kaya niyang makiharap bukas. Napahinga siya nang malalim. Para syang mapapaanak kahit di naman sya buntis.
"Ako na pala ang magme message." inagaw nya ulit ang aparato.
Relax Brandy, there's nothing more exciting about him. Hes just an ordinary guy you should also hate. Kumbinsi niya sa sarili.
Pero effective naman ba kaya?
"Yeeees!" nahampas ni Nyx ang mesa sa katuwaan kaya nagulat pa ang dalawa niyang kasama.
Kanina pa sya naghihintay ng acceptance sa pag-apply niya bilang fake boyfriend at now he was accepted. At di nya alam kung saan sya natuwa, sa walang kahirap hirap na pagpasok nya sa mundo ng mga Ynarez o ang kaisipan na magiging girlfriend nya si signal number ten sa kagandahan? Napakagat labi sya sa kaisipan na yun.
Napangisi si Zion.
"Ano chief? Tanggap na ba?" parang nahulaan na rin nito ang ikinasasaya nya.
"Tsk! Ako pa ba? Walang tumatanggi sa kagwapuhan ni Jacob Nyx." tila may kahanginan na naman na sabi nya.
Pero totoo yun. Wala yata syang misyon na napuntahan na walang nabaliw sa kanyang babae. Kung saan sya mapunta, may naikakama sya. Eh si signal number ten kaya maikama nya? Baka bugukin ang itlog nya kapag nagkataon.
Haliparot din sya, mana sya sa bayaw nyang babaero--dati.
"Magsilayas na kayo sa harap ko. Mag-inuman na kayo dahil matagal na naman akong mawawala. Alerto lagi ha. Wag tatanga tanga." bilin nya sa dalawa na alam niyang pawala wala kapag nakakakita ng magandang babae.
Pero wala syang aasahan na ibang makakatulong sa kanya kundi ang dalawang ugok nyang kaibigan. At di pa naman sya ipinapahamak ng mga ito.
Kapag kailangan na nya ng back up ay dumarating naman kaagad. Ang huling misyon na nagawa niya ay ang sa makulit na anak ng gobernador at ang dalawang ito ang ipinadala niyang security ng dalaga, dalagita o ano mang dapat itawag sa bata na yun na asawa na ni Lyeon.
Napalaki ang mata niya at napaayos sya ng upo nang may nakitang pumasok sa email add nya.
Sino namang magme message sa kanya. Wala naman syang kahilig hilig sa computer. He clicked it.
Sender: brandy88@gmail.com
Meet me tomorrow nine am sharp at sasha bar and grill. Kung alam mo yun. Kung hindi, mag set ka ng place mister mahangin.
Napahalakhak sya. So ibig sabihin di rin sya nakalimutan nag babaeng yun? Kaya natatandaan sya na mahangin. Pero kapag kuway napawi ang ngiti niya.
Paano kung ito ang nasa likod ng kasong dapat nyang resolbahin?
Umiling sya.
Hindi. Hindi pwedeng sya.
Masyado itong mahinhin para makagawa ng mga ganoong katarantaduhan. Pero mahinhin ba ang nagpo pose para sa magasin ng mga kalalakihan?
Nanulis ang nguso nya habang nakatingin sa mensahe na yun sa kanya. Hindi sya ang tipo ng tao na hinahaluan ng puso ang mga taong nasa loob ng kanyang trabaho. Ang puso niya nasa trabaho, wala sa tao.
Kadalasan ay may mga babae syang nakikilala sa loob ng misyon niya at napapalapit sa kanya pero kontrolado niya ang lahat. Dapat ganoon din kay Brandy Ynarez. Dapat kontrolado niya. Dapat kung magkagusto ito sa kanya, feeling niya talaga, hindi dapat sya makaramdam ng kahit ano para rito. He just needs her for his mission. Nothing more. Nothing less.
Natingnan nya ang litrato nito sa magasin. Hindi sya pwedeng magkamali sa lungkot na nasa mga mata nito. Ang hindi nya alam ay kung ano ang dahilan ng mga yun. At parang ngayon pa lang ay nakukunsensya na sya sa pagpasok sa buhay nito pero yun ang misyon niya at wala syang magagawa.
Bumuga sya ng hangin kasunod ay pag-iling.
Hinarap niya ulit ang laptop. He composed his message. Hindi pwede ang awa awa. Dapat sya si Jacob Nyx na isang magaling na lalaki na magaling magpasakay nag tao, babae man o lalaki.
Yes. Sure. Miss na maganda. Bukas. Alas seis pa lang nandon na ako.
Maya maya ay may pumasok ulit na message.
Bahala ka sa buhay mo! Basta wag mo akong sisihin kung ugatan ka sa paghihintay sakin.
Tumawa sya nang malakas.
Kahit pa sangahan ako, mamulaklak at mamunga na rin sa kahihintay. Basta dapat mauna ako sayo--miss na maganda.
Buong kapilosopohan na sagot nya.
Pilosopo!!!
Lalong lumakas ang tawa nya. Tatlong exclamation point talaga? Naaalala niya kung paano ito magsungit at magtaray sa harap niya at nasisiguro niya na ganoon din ito ngayon na ngayon.
See you Miss na Maganda--
"Hoy! Lagyan mo nga ito ng emoticon na nakakindat." utos niya sa kaibigan na busy sa pagtetext.
"Ganito lang chief." ani Pukito at nag type g...;-* tapos pinindot ang send.
Malay ba niya kung kindat yun. Basta napangisi sya, ayos!
Nanginit ang pisngi ni Brandy nang makita ang symbols na yun. Ang antipatiko nag send ng kiss.
Bastos!!!
She replied bago niya ipagsaksakan kay Yulah ang laptop. Wala na syang panahon na makipag chat pa sa lalaking yun. Masyado iyong mahangin at bastos. Walang kaduda dudang tambay nga.
Hindi na rin nya nagawang itanong kung anong trabaho niyon at kung sakaling meron man, pagsisinungalingin na lang nya. Wala na syang panahon na makahanap pa ng 'fake boyfriend'.
But he's so handsome to be a tambay and to be a fake boyfriend. Baka mamaya masabunutan sya ng totoong girlfriend niyon kung meron man.
Imposibleng wala. Masyado iyong gwapo para mawalan ng babae sa buhay. Sa mga ganoong hilatsa at mabuladas na nguso, walang aayaw doon na babae.
Ako lang!