Chapter 6
Pagmulat ni Brandy ng mga mata ay isang gwapong mukha ang bumungad sa paningin niya. Kanina kausap nya ito pero bakit ngayon at nakahiga sya at ito ay...?
Napabalikwas sya.
"r****t!" sigaw niya at napayakap sa sariling katawan.
Napatayo ito mula sa gilid ng stretcher at lumipat sa upuan.
"Oy, oy! Sobra yan ha! Kung r****t ako sana hubad ka!" anito sa kanya.
Nasuri niya ang sarili. May damit sya at wala naman masakit sa kanya. Hindi naman nga sya ni r**e.
"Magaling ka na nga. Mataray ka na ulit." napapailing na sabi pa nito.
Napaisip siya. Oo nga pala, naallergy sya. Hindi naman niya akalain na nagtanong ito sa chef kung may peanut. Ang akala niya ay pupunta ito sa banyo o kaya ay may nakitang magandang babae kaya lumapit sa waiter.
Wala naman talaga syang balak kainin ang cake kasi di sya sigurado kung may peanut nga o wala pero naimbyerna sya na parang ang sadya lang nito ay ang magandang chef na yun at tinalikuran pa sya at iniwan.
Buwis buhay sya. Di nya namalayan na sa kainisan niya dahil ngayon lang sya tinalikuran ng lalaking kaharap para sa ibang babae ay nakakain na pala nya ang pesteng cake at doon ibinuhos ang kainisan sa lalaking ubod ng gwapo…at hangin.
Huli na ng malaman niya na kaya pala ito lumapit ay para masigurado na safe ang kakainin niya.
Plus points yata yun para rito. Gentleman naman pala.
"Miss na maganda." untag nito sa katahimikan niya.
Gusto niyang mag sorry dahil napagbintangan pa niya itong reypist pero hindi sya ang taong nagso sorry lalo sa lalaki.
Tiningnan lang nya ito.
"May iba ka pa bang sasabihin about our deal? Baka may girlfriend ka, masabunutan ako." she averted her gaze.
Di sya makatagal sa titig ng isang ito na lumalaban ng walang kurapan. Daig pa nito ang makikipagbarilan kung tumitig na parang kapag kumurap ay mauunahan kaagad ng kalaban.
"Aba marami." anitong pangisi ngisi lang habang nakaupo na sa silya.
Tinapunan niya ito ng makamatay na tingin.
"Pero syempre di kita hahayaang masaktan. Girlfriend din kita eh." he said it with a smile.
Her heart skipped a beat and her cheeks heated. Ewan niya kung dahil yun sa allergy pa rin o sa mga lumalabas na salita galing sa bibig nito.
Delikado talaga sya sa isang ito. Mukhang hindi ito tulad ng ibang lalaki na kapag sinigawan at sinaktan na niya ay kumahog ng umalis sa harap niya. Ito lang ang may kakayahang salag salagin ang kamay niya at paandaran sya ng kung anu-ano.
"Stop fooling me okay. Hindi ako madadala sa mga pambobola mo!" asik niya sa lalaki na nangingiti lang.
Wala ba talaga itong kaseryosohan sa buhay? Sinisigawan na, nakukuha pang tumawa. Baliw yata ang isang ito.
"Ano bang bayad sa trabaho ko bilang fake boyfriend mo?" sa wakas parang may bahid ng pagka seryoso ang tanong nito.
"Pera, malamang." aniya na tumayo na mula sa stretcher at dinampot ang bag at inayos ang sarili.
"Hindi pera ang gusto ko." tahasang tugon nito sabay tingin na naman sa katawan niya.
Ano?! Bigla ayang kinabahan. Napatigil sya sa pag pahid ng pressed powder sa mukha niya.
"What?" natitilihang tanong niya sa lalaking prenteng nakaupo pa rin sa upuan.
"Umoo ka muna." anito na ngumisi na naman.
Humaba ang nguso niya kasabay ng pag-iisang linya ng kilay.
"Why should I? Paano pala kung katawan ko ang gusto mo?!" naiiritang asik niya sa lalaki. Gusto na nya itong batuhin ng pulbo dangan lang may kailangan sya rito kaya di nya matuluyang saktan.
Humalakhak na naman ito at umecho ‘yon sa loob ng kwarto ng ospital.
"Is that an offer?" tanong nito na nanunukso ang mga mata.
And what? English na naman ang sinabi nito. Baka napapanood lang nito kung saan saan yun.
Inirapan niya ito. "In your dreams!"
"Yeah! Tonight. I'll—papanaginipan ko talaga ‘yan." tahasang sabi nito na ikinapula ng mukha niya.
"Umayos ka nga! Naiinis na ako sayo. What do you really want and how much?!" tumayo na sya nang tuwid at naghanda sa paglabas nya ng kwarto na yun.
Iniisip nya ang bill nya nga pala sa ospital paano? Ayaw nyang mag asikaso nun. Nang wala syang maisipan ay kinuha nya ang pera sa pitaka nya.
"Trabaho." seryosong tugon nito.
Nalipat ang mga mata niya sa preskong lalaki.
"Seriously?" parang di sya makapaniwala na ang isang tulad nito na lalaki na nagmamaneho ng ego ay walang trabaho? O baka naman hiniram lang iyon.
Pero sa hitsura nito na daig pa ang Hollywood actor ay talagang ang hirap paniwalaan na isang dakilang tambay talaga.
Napakamot ito sa ulo.
"Langya naman oh. Kapag nagsasalita ako ng puro kalokohan sasabihin mo bolero ako. Kapag naman seryoso ako di mo pa rin mapaniwalaan. Asan ba ako?" tanong nito.
"Hospital." sabay pigil niya ng ngiti. Nakaisa rin sya.
Nakita pa niya na hindi ito kaagad nagsalita.
He smiled. "Ngumiti ka ba Ms. Maganda?"
Napakurap sya. Napansin ba nito na ngumiti sya? Binago nya ang aura. Tinaas niya ang isang kilay.
"Ngumingiti ka pala kapag nakakaisa ka. Eh paano kung patatluhin kita baka isang taon kang nakangiti." ngumisi ito lalo at naglaro ang pilyong mga mata.
Ewan niya pero kahit inosente sya ay parang makahulugan ang mga biro nito. Parang green ang nasa isip nito.
Hindi na naman kasi sya bata at sa mga na pupuntahan niyang mga lugar ay sanay sya sa mga ganoong kalokohan.
Minsan sa bar nakakakita sya ng naghahalikan, naghahawakan. Sa building ni Yulah naririnig nyang nakikipag s*x ang mga modelo niyon kaya di na yun bago sa mga mata at tainga niya.
Pero pala kapag aktwal na sya ang pinatatamaan ay di nya maiwasan na pamulahan at kabahan.
"You don’t care and it’s none of your busines. So, what now? Anong trabaho ang gusto mo pagkatapos ng fake boyfriend?" seryosong tanong nya.
Gusto na nyang makalayas dahil naaalibadbaran na sya sa lalaki. Di nya gusto ang pakaba kaba ng dibdib nya. Parang nagkaka heart enlargement na sya.
"Fake husband. Pwede?" nakabungisngis na tanong na naman nito.
Di na sya nakatiis ay binato na nya sa lalaki ang bag nya na kaagad naman nitong nasalo.
"Will you please give me some peace of mind! Magtino ka nga. Ano ba kasi?!" naiiritang tanong niya rito.
"Gusto kong maging bodyguard ng daddy mo." anito. "O driver. Kahit ano basta may trabaho ako na malapit sayo."
She rolled her eyes and folded her arms on her chest."of all the things you can ask for, sa daddy ko pa talaga?"
She shook her head. How can she ever pay this man kung sya mismong anak ay di makahuma sa ama niya? She didn't ask anything from him ever since at lalong di sya hihingi ng anuman ngayon doon lalo kung para sa lalaki lang.
"Eh di sige. Sayo na lang." tumaas baba na naman ang kilay nito kasabay ng isang ngiti.
Pero in fairness. Ang gwapo nito kahit anong gawin nitong facial gestures.
“We had it clear, Mister Mahangin. You talk to my dad and pretend anything para mapa oo mo sya. Tell him isa kang tambay na walang trabaho. Ewan ko kung di ka nya ipatapon." umismid sya.
"Lintik naman oh! Tapos pagpapanggapin mo akong tambay na boyfriend mo kung alam mo palang ayaw ng daddy mo sa walang trabaho, para lang mapagalitan ka? Ikaw yata ang babaeng pinakamay toyo sa utak. Idadamay mo pa ako." angal nito sa kanya at tinawag pa syang may toyo.
Nanigas ang panga nya sa inis. The hell this man say na may toyo siya. Ano siya factory ng Silver Swan?
"Hoy wala tayong pakialaman! I’ll pay you even if you set the price too high! Apply as my dad's whatsoever and it’s up to you. Bahala ka sa buhay mo at wala na akong pakialam pagkatapos ng event. Diskarte mo na yun! I only hired you for your information, Mr. Mahangin--"
Sinambot kaagad nito ang sinasabi niya.
"Dela Merced ang apelyido ko, hindi mahangin. Gusto mo bang maging Mrs. MAHANGIN?" Seryoso ang mukha nito pero alam nya na inaasar na naman sya.
Nakaakainis talaga! Napaka antipatiko nito. Kaya kaya nyang buhatin ang stretcher at ibato sa lalaking na ito? Nakakapangulubot ng balat ang presence ni Jacob Nyx. Nakakainis.
"Whatever!" she rolled her eyes. "As I was saying ang gusto ng daddy ko eh yung businessman o successful sa buhay eh malay ko ba kung ganun ka o tambay talaga kaya bahala ka sa buhay mo kung paano ka mag-aapply sa kanga ng trabaho."
Nakatunganga ito sa kanya.
"But to tell you honestly, wala akong maitutulong sayo. So kung di kayo magkasundo dahil ang plano ko naman talaga ay break na tayo after that event eh di mag pm ka na lang sa account ko, so I can transfer the money to your account. Twenty five thousand? Enough?" aniya sa lalaki na walang kakurap kurap.
Sumipol ito. "Laglagan pala to. Tinulungan kita di mo ako tutulungan. Call!" anito at iniabot sa kanya ang bag niya.
Iniwanan niya ito ng pera. "Settle my bills. I'm going." aniya na iniwan sa kama ang pera.
"Wow! Senyorita?!" angal nito at hinabol sya ng tingin pero tuluy tuloy niyang binuksan ang pinto.
"Wait!" pigil nito ulit kaya lumingon sya.
"What?" walang kaemo emosyon na tanong niya.
Biglang lumamlam ang mga mata nito.
Gosh!
"Sure you're feeling okay?" pati ang boses nito ay malambing.
Nangaligkig sya. Daig pa nya ang minumulto ng mommy niya.
"Who cares?!" buong katarayan nyang tanong.
"Ako!" bulalas nito. Balik sa dating tono na antipatiko na sinundan pa ng kindat.
"Duhhh!" she rolled her eyes and went out of the room sexily. Daig pa niya ang hindi sinumpong ng pesteng allergy.
Sa labas na nya nasapo ang dibdib na parang gustong kumawala sa ribcage niya.
How can that man ever make her feel like riding in a roller coaster or rodeo? Nobody ever did. Hindi sya pwedeng tablan ng mga kalokohan nito. He's so mysterious and... too handsome to be true.