CHAPTER TWENTY ONE

1252 Words
NAPASINGHAP pa si Ivann dahil sa biglang tawag sa kanyang cellphone. Hindi pa nga siya nakakahinga ay nakatanggap kaagad siya ng tawag sa kanyang kliyente. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso pakiramdam niya ay pinagpawisan siya ng mga oras na iyon. "Hello, Mr. Villarica... Siguro naman natanggap mo na ang picture na pinadala ko sayo? So---- what's your decision is it a deal or no deal?" tanong ng tinig ng isang babae sa kabilang linya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Pwede ko bang malaman kung sino itong pinapaligpit mo sa akin. Maliban sa kabit siya ay wala na akong alam tungkol sa kanya," ani niya pa. "Hindi ba detective ka? Dapat alam mo kung sino ang liligpitin mo," sagot sa kanya sa kabilang linya ng kanyang kliyente sabay halakhak ito. "I'm just kidding. She's Candice Monreal----the mistress at gusto kong patayin mo siya." Napalunok siya dahil sa sinabi ng kausap. "Tinatanggap mo naman ang offer ko hindi ba? Ang patayin ang kabit na 'yon... I want her dead. Masyado ng masikip ang mundo para sa aming dalawa. Isa pa wala naman siyang silbi sa mundo. Walang lugar ang mga katulad niya dito. Minamadali ko lang ang kanyang buhay. That's what I want." "Deal," sagot niya kausap. "I will accept the job," dagdag niya pa. "So? I will deposit the money to your bank account, and Candice is going to be put in a coffin?" wika pa ng kanyang kausap sabay halakhak na akala mo ay demonyo ang kanyang kausap. "Ye--s," sagot niya. Wala ng atrasan ito lalo na at baliw ang kanyang kausap. "Pwede ko bang malaman kung sino ang kabit ni Candice Monreal na 'yan? Or maybe you could provide me with all of the necessary information by email?" "Okay... Lahat ng information na kailangan mo ay ibibigay ko sayo. Ang gagawin mo lang ngayon ay siguraduhin mo na mapapadali mo ang pagpatay sa babae na 'yon. Nagkakaintindihan ba tayo Mr. Villarica? Masyado akong mainipin kaya huwag mong hihintayin na mainip ako." "I'll update you, ma'am." "Thank you." Nang mawala sa kabilang linya ang kanyang ay saka lamang siya nakahinga. "Ano ba itong ginagawa mo Ivann? Dahil sa babaeng yun ay nagkakaganyan ka? Nakalimutan mo na yatang kabit siya," pagkakausap niya sa sarili. Kaagad niyang tinawagan ang cellphone number ni Candice pero ring lang ring ang cellphone nito. "f**k, Candice! Answer your f*****g phone, damn it!" sigaw niya. Nakailang tawag na siya at hindi pa rin siya nito sinasagot. Napatingin siya sa monitor ng kanyang laptop. Naipadala na sa kanya ng kliyente ang lahat ng information na kailangan niya. Nagningning ang kanyang mga mata ng makita niya ang address na nakalagay doon. Address 'yon ng bahay ni Candice. Kaagad niyang sinulat sa isang papel ang impormasyon na kanyang nakuha. Isa pa sa kanyang nabasa ay ang tungkol sa ama ni Candice na nauugnay sa isang drug trafficking at sa ngayon ay nakakulong ang ama nito. Kaagad niyang hinanda ang kanyang bag upang puntahan si Candice ng tumunog naman ang kanyang cellphone. Natigilan pa siya nang makita niyang si Candice ang nasa kabilang linya at tumatawag. Kaagad niyang sinagot ang tawag ng babae. "Will you please stop calling me?" galit nitong bungad sa kanya na akala mo ay siya ang may kailangan dito. "Hindi ba nag-usap na tayo Ivann? Sabi ko sayo na kalimutan mo na ako at huwag mo ng guluhin ang buhay ko. Tahimik na ang buhay ko ngayon kaya pwede ba tigilan mo na ako?" "Wala akong plano na guluhin ang buhay mo Candice. Tumatawag ako dahil may kailangan kang malaman. Magkita tayo," sagot niya. "Itigil mo na ito Ivann, please lang... Wala na akong plano pang makipagkita sayo." "This is important," giit niya pang sagot sa babae. "Kahit gaano pa 'yan ka---importante ay wala na akong plano pang makipagkita sayo. Alam mo naman na magkaiba ang mga mundo natin, hindi ba? I was committed!" "Alam ko. Pupuntahan kita sa bahay ninyo mamaya at kahit hindi ka dumating ang kakausapin ko ay ang stepmother mo. Nagkakaintindihan ba tayo? Nakasalalay dito ang kaligtasan mo Candice...Nasa labas lang ako ng bahay ninyo at maghihintay ako sayo and that's an order," wika niya pang binaba ang tawag. Napabuntong hininga na lamang siya-----siya na nga itong handang tumulong ay siya pa itong napapasama at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nasasaktan siya nang sabihin ni Candice na ayaw nitong makipagkita sa kanya. *********** BUONG araw niyang kasama si Frank at walang tigil din ang pag vibrate ng kanyang cellphone. Mabuti na lamang at naka-off ang volume ng kanyang cellphone dahil kung hindi tiyak na pagdududahan siya ni Frank. Nasa labas kasi sila ni Frank at namimili ito ng lahat ng kanyang naiisin. Maliban sa binigay nitong black card ay ibinili rin siya ng mga alahas ni lalaki. Iniisip niya na lang na benefits niya iyon sa ginawang pagpatol sa lalaki. Maggagamitan sila kung yun ang gusto nito. Pagdating nila ng bahay ay kaagad siyang umakyat ng kwarto at pumasok ng banyo. Kaagad niyang tinawagan si Ivann. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay lalo lamang sumakit ang kanyang ulo. Paano ba naman kasi, gusto na naman makipagkita sa kanya ng ni Ivann. Paano niya gagawin 'yon? Ngayon pa na kasama niya si Frank. Hirap na hirap na nga siyang kalimutan ito ay muli na naman ngparamdam sa kanya si Ivann. Nasabi niyang magkaiba ang kanilang mga mundo ay dahil isa siyang kabit----- hindi siya malinis na babae. Hindi tulad noong una siyang inangkin ni Ivann. Malinis at birhen. Wala na siyang maipagmamalaki pa. "Hon," tawag sa kanya ni Frank na kumatok pa sa banyo. "Wait, hon!" sigaw niya. Mabilis siyang naghubad at binalot ang katawan sa robe bago niya binuksan ang pinto "Maliligo ka?" nagtatakang tanong sa kanya ni Frank. "Oo sana..mmMasyadong mainit sa labas kasi kanina." "Ganun ba?" "Oo, may kailangan ka?" tanong niya. "Tumawag kasi si Vanessa sa akin. Masama raw ang kanyang pakiramdam kaya gusto niyang umuwi ako. Ayaw sana kitang iwan pero alam mo naman ang asawa ko na yun--- kapag ginusto na umuwi ako ay dapat gawin ko. Babalik din agad ako kinabukasan," paalam sa kanya ni Frank. "Hindi ka dito matutulog?" tanong niya kay Frank. "Hindi," sagot pa nito. "Kung ganun, pwede bang ihatid mo na lang ako sa bahay namin? Namimiss ko na rin kasi si Tita at Nimfa. Sunduin mo na lang ako bukas pag-uwi mo. Pwede ba 'yon?" paglalambing niya kunwari upang payagan siya. Tinignan siya ni Frank kaya lalo pa niyang pinaamo ang kanyang mukha... "Ayoko naman kasing matulog na mag-isa rito lalo na at wala ka naman," dagdag niya pang wika na niyakap kunwari ang lalaki. "Kung ganyan ka ba naman kalambing ay bakit hindi kita papayagan? Sige, ihahatid na kita sa inyo pero gusto ko maiwan ang dalawang bodyguard ko sayo," ani pa ni Frank sa kanya kaya napangiwi siya. "Sa tingin ko ay hindi ko naman kailangan ng bodyguard dahil nasa bahay lang naman ako ni Tita at wala naman gagalaw sa amin doon. Besides hindi naman ako aalis ng bahay." Saglit na nag-isip si Frank dahil sa kanyang sinabi. Kung hindi niya pa ito niyakap nang niyakap ay hindi ito papayag sa kanyang gusto. "In one condition." "What condition?" "I want you to call me every now and then at dapat kapag tumawag ako ay sagutin mo." "Okay, no problem," sagot niyang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Mabuti na lang at nakikisama sa kanya ang pagkakataon dahil kung hindi ay baka puntahan ni Ivann ang kanyang stepmother.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD