PRESSURE--- iyon ang nararamdaman ni Candice sa tuwing na tumatawag sa kanya si Ivann. Ang gusto nito ay sagutin niya kaagad ang tawag kahit na naghahanap pa siya ng pagkakataon kung paano niya ito haharapin lalo na at alam ng kanyang Tita na siya na at si Frank, siguradong hindi siya papayagan nitong humarap sa ibang lalaki and knowing Frank--- hindi ito papayag na may kahati o kahit pa magkaroon man lang siya ng ibang kausap. Ayaw niyang bigyan si Frank ng dahilan para pagdudahan si Ivann lalo na at alam niya kung anong klaseng tao ang lalaki. Isang pitik lang ng daliri ay kayang pumatay ni Frank.
"Bakit kailangan na dito pa tayo mag-usap sa kwarto mo?" tanong pa sa kanya ni Ivann kung kaya tumaas ang kanyang kilay.
"Bakit? Saan mo gustong mag-usap tayong dalawa? Sa labas? Alam mong hindi pwede Ivann at lalong alam mong committed ako kay Frank. Ano na lang ang iisipin ng ibang tao?" sagot niyang pang iniiwasan ang mga tingin ni Ivann. Paano ba naman kasi nakakapanghina ng kalamnan ang mga titig nito. "Look, Ivann---hindi ba nag-usap na tayo na tigilan mo na ako? Walang mangyayari sa ating dalawa kung ipagpapatuloy natin ang lahat ng ito."
Nakaupo si Ivann sa kanyang kama.
"Hindi ako pumunta dito para sa sinasabi mong 'yan," ani pa nito kaya napahiya siya. Umasa lang naman siya na kaya gustong makipagkita ni Ivann sa kanya ay dahil gusto siya nitong makita pero wala siyang makitang excitement sa mga mata ng lalaki hindi tulad noong pinuntahan niya ito sa cottage... Bigla na lamang siyang niyakap at sinunggaban.
"Then what?" tanong niya. Mahina lamang ang boses niya baka mamaya kasi ay may makarinig sa kanilang dalawa.
"Ano ba talaga ang kinakatakot mo Candice? Bakit takot na takot kang magkita tayong dalawa?" tanong pa sa kanya ni Ivann.
"At bakit hindi? May nangyayari sa ating dalawa Ivann at hindi lang yun isang beses kundi maraming beses kahit na alam mong may boyfriend ako... Natural lang siguro matatakot ako, hindi ba? Paano nalang kapag nalaman niya ang tungkol sa ating dalawa?"
"Sino ka ba talaga Candice Monreal?" tanong pa ni Ivann sa kanya sabay tayo at tinitigan siya. "Bukod sa maganda, maamo ang mukha at mukha namang may pinag-aralan...Sino ka ba talaga Candice Monreal?" ulit pa na tanong sa kanya ni Ivann kung kaya hindi niya mapigilan ang hindi kabahan lalo na sa mga titig nito na tila ba sinusuri ang buo niyang pagkatao. Kinakabahan siya sa mga titig ng lalaki.
"Paano mo nalaman ang buong pangalan ko?" hindi niya mapigilang tanong kay Ivann dahil wala naman siyang naaalala na sinabi niya rito na isa siyang Monreal. Hangga't maaari kasi ay ayaw niyang malaman ni Ivann ang tunay niyang pangalan.
"Hindi ko lang mapigilan isipin kung bakit si Frank ang pinili mo...Marami naman diyan ibang lalaki Candice, bakit siya pa?"
"At bakit hindi Ivann? Sino pa ba ang naiisip mong lalaki na pwede sa akin, ikaw?" tanong niya sa lalaki.
"Bakit hindi ikaw ang magsabi sa akin?"
"Alam mo Ivann kanina ka pa... Bakit ba hindi mo na lang diretsahin kung ano ang gusto mong sabihin at bakit nagpupumilit kang magkita tayo ngayon kaysa naman manghula ako mga sinasabi mo ngayo. Hindi ako si Madam Auring, Ivann!" pigil na pigil niya ang sarili na wag itong sigawan.
Tinitigan siya ni Ivann kaya ang t***k ng kanyang puso ay kulang nalang ay atakihin siya pero iba ang nababasa niya sa mga mata nito. Galit---
iyon ang nakikita niya kung kaya labis siyang nagtataka...
Maya-maya pa ay may kinuha ito sa bulsa, ang cellphone nito at may ipinakita sa kanya.
"Ikaw ito hindi ba?"
Napatitig siya sa kanyang larawan na nasa cellphone nito. "Saan mo nakuha ang picture ko na 'yan?" tanong niyang nagtataka.
"Hindi ba nagtataka ka kung bakit tinatanong ko kung bakit si Frank ang pinili mo hindi ba? Alam mo kung bakit Candice? Mali na siya ang pinili mo. Bakit siya ang kailangan piliin mo kahit na alam mong may asawa na siya? Kilala na kita, Candice.... Isa kang kabit, hindi ba?" tanong pa ni Ivann sa kanya kung kaya natigilan siya. "Akala mo ba ay maitatago mo sa akin ang katotohanan? Kabit ka ni Frank, hindi ba?" ulit pang tanong sa kanya ni Ivann kung kaya nanginig na ang kanyang katawan. Bigla siyang napaatras lalo na sa galit sa boses ni Ivann. Hindi niya masalubong ang mga mata nito.
"Ano ngayon kung kabit ako? Ano ngayon sa'yo Ivann????? Fine! kabit nga ako ni Frank...Bakit ka ngayon nagagalit? May relasyon ba tayong dalawa para sumbatan mo ako na isa akong kabit?" nanginginig ang boses sa tanong niya sa lalaki. Ang luha niya ay bumabagsak na. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit apektado siya sa sinasabi ngayon ni Ivann sa kanya. Apektado siyang nalaman na nito ang tunay niyang pagkatao.
"Bakit kailangan gawin mo 'yan sa sarili mo? Bakit kailangan na maging kabit ka? Desperado ka na ba talaga para pumatol sa lalaking may asawa na? For what? For money?" tanong pa sa kanya ni Ivann kung kaya hindi niya na napigilan pa ang sarili at nasampal niya ang lalaki. Nabigla rin siya sa kanyang ginawa at maging si Ivann ay parang nagising din.
"I'm sorry," kaagad niya wika kay Ivann.
"I'm sorry, Candice," biglang nagbago ang mukha ni Ivann. "Nabigla lang ako kaya---
"Tama ka... Kabit ako ni Frank dahil sa kanyang pera at kapangyarihan pero may dahilan ako Ivann...Hindi mo ako kailangan husgahan dahil kung tatanungin mo ako sa naging desisyon ko ay ayoko!------Ayokong maging kabit. Alam mo sa sarili mo na malinis akong babae na g angkinin mo ako. Kahit ang virginity ko ay hindi ko magawang ibigay kay Frank dahil ayokong maging kabit. Naiintindihan mo ba ako Ivann??? Hindi ko kayang makita ang sarili ko na kasama siya, but like what i've said----wala akong choice!!!! I need his money and power. kailangan ko siya para sa pamilya ko, para sa paglaya ng aking ama na nabubulok ngayon sa bilangguan. I'm not doing this for myself, dahil kaya kong magtrabaho Ivann...Ginagawa ko ito para sa tatay ko dahil sa mabigat na kasong nakapatong sa kanya. Kung hindi ako kakapit kay Frank ay paano ang pamilya ko? Iisipin ko na lang ba ang sarili ko? Hindi ko gusto ang maging kabit Ivann dahil maging ako ay nandidiri ako sa sarili ko. Hindi ko matanggap na isa akong kabit----na isa akong mababang uri ng babae kagaya ng iniisip. I need Frank," umiiyak niyang paliwanag kay Ivann. "Kung may ibang paraan lang Ivann ay hindi ko gagawin ang lahat ng ito. Hindi ako magpapakaputa para lamang sa sarili ko."
"Makinig kang mabuti sa akin Candice...Nandito ako ngayon para tulungan ka, may pinagsamahan din naman tayo kahit papano. Gusto kang ipapatay ng asawa ni Frank at 'yan ang dahilan kung bakit ako nandito," sagot sa kanya ni Ivann kung kaya napatitig siya rito.
"Gusto akong ipapatay ng asawa niya? ----pero alam niya ang tungkol sa relasyon namin ni Frank."
"Siguro dahil pinapakita niya lang kay Frank na suportado niya ang relasyon mo sa kanyang asawa pero ang totoo ay gusto kanyang ipapatay sa akin."
"Ikaw ang papatay sa akin? Bakit anong trabaho mo? Hired killer ka ba?" kinabahan niyang tanong napailing si Ivann.
"Ang totoo ay isa akong hunters."
"Hunters?" naguguluhan niyang tanong.
"The mistress hunters... Hindi kami mamamatay tao. Nagkataon lang na tinawagan ako ng asawa ni Frank at gusto niyang ipaligpit ka.. Nang una ay tinanggihan ko ang kanyang gustong mangyari dahil hindi naman kami mamamatay tao at iba ang layunin namin sa grupo pero nang makita ko ang picture mo ay wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang trabahong gusto niyang mangyari. Alam ko kasi na may kakayahan siya na ipapatay ka lalo na at kaya niyang magbayad ng malaking halaga para ipaligpit ka. Kapag hindi ko tinanggap ang trabaho ay baka maghanap siya ng iba na papatay sayo. Hindi ko hahayaan n mangyari 'yon Candice kaya gusto kitang tulungan."
"Naguguluhan ako sayo Ivann...Hunters ka ng mga kabit? Anong klaseng trabaho yan? May ganyan ba talagang trabaho?"
"Meron at kami 'yon."
"Hindi ba isang malaking kalokohan itong sinasabi mo sa akin ngayon? Hina-haunting mo ang mga kabit at kabilang ako doon?" tanong niya pa sa lalaki.
"Kagaya ng sabi ko sayo ay hindi kami mamamatay tao. Tumutulong pa kami sa pamilyang nagkakawatak-watak. Ang mabuo ang isang pamilya na sinira ng isang kabit," sagot pa sa kanya ni Ivann.
"At kaya nandito ka ngayon sa harapan ko ay dahil kabit ako at isa ako sa mga dapat mong maging trabaho? So, ano papatayin mo ako?" tanong niya.
"Nakikinig ka ba? Hindi ako mamamatay tao. Tinanggap ko ang trabaho dahil kilala kita. Alam kong kapag hindi ko tinanggap ang trabaho ay kukuha din siya ng iba para patayin ka."
Umiling siya.
"Takot si Vanessa sa kanyang asawa kaya mas maganda siguro na sabihin ko ang lahat ng ito kay Frank. Tapos ng problema natin."
"Huwag!" tutol pa ni Ivann sa kanya. "Parang sinabi mo naman na ako ang susunod na ipapapatay ni Vanessa dahil nagsumbong ako sayo. Kaya ko nga ginagawa ito dahil gusto kong makatulong sayo. Kanina lang ay inalam ko kung sino ang asawa ni Frank at mukhang big time sila, mapera at makapangyarihan. Sa tingin mo ba, kaya siya ni Frank??? Dahil sa tingin ko hindi--- lalo na at nalaman kong tauhan lamang pala ng kanyang ama si Frank. Hindi kakayanin ni Frank na mawala ang kanyang asawa kung saan nanggagaling ang kanyang kapangyarihan," ani pa ni Ivann sa kanya kung kaya hindi siya nakakibo.