CHAPTER FIFTEEN

1009 Words
HUMINGA ng malalim si Candice. Pakiramdam niya ay nasasakal siya. Hindi niya gusto ang gagawin pero wala siyang magawa. As the situation became more complicated, it felt like a heavy weight enduring down on my chest, making it difficult to breathe and see a way out. Ang hirap sabihin na go with the flow pero para sa kanyang pamilya ay gagawin niya ang tama. "I am grateful for the help you extended to my family, Frank, and I do not know how to repay you. I accepted your offer. To be your----woman," wika niyang hindi masabi ang huling salitang binitiwan niya. Napansin niya ang pagngisi ni Frank dahil sa kanyang sinabi. "Ito lang ang naisip kong paraan para makabayad sa lahat ng ginagawa ko para sa amin." "Mahabang panahon kong hinintay na marinig ang lahat ng yan, Candice at pinasaya mo ako. Nagbunga na rin ang paghihirap at pagtitiis ko and thank you. Sabihin mo lang at lahat ay ibibigay ko sayo." Napatingin siya kay Frank. "Frank, gumawa ka ng paraan para makalaya ang Daddy. Hindi ko kayang makita na nasa loob siya ng bilangguan na yun. Hindi 'yon ang buhay na gusto ko para Daddy ko Frank. Pakiramdam ko kapag tumagal doon ang daddy ay mawawala siya sa amin. Tulungan mo siya Frank. Nagmamakaawa ako sayo. Lahat ng gusto mo ay gagawin ko ibalik mo lang sa amin ang daddy." Hinaplos ni Frank ang kanyang mukha. "Huwag kang mag-alala at simula sa araw na ito ay gagawa ako ng paraan para linisin ang pangalan ng ama mo.Kung kinakailangan na maglabas ako ng malaking halaga ay gagawin ko. Isa lang ang gusto kong gawin mo. I want you to be mine." Tumango siya at niyakap si Frank. Simula sa araw na ito ay kailangan niya ng masanay na si Frank ang kanyang kasama. Kailangan niya ng alisin sa kanyang isipan si Ivann dahil sinisira lamang ng lalaki ang kanyang buhay. Isang nakaraan nasa Ivann na kailangan niyang kalimutan. Hindi niya magawang tumanggi ng halikan siya sa labi ni Frank. Banayad lamang ang halik nito na tinugon niya naman. Gwapo naman si Frank, matangkad, malinis at mestiso. Ang problema nga lang talaga ay wala siyang nararamdaman para sa lalaki pero kung kinakailangan ay tuturuan niya ang kanyang puso para mahalin din ito ng sa ganun ay wala na siyang magiging problema pa. Ang kailangan niya na lang ay masanay sa lahat ng ginagawa ni Frank lalo na sa mga illegal nitong gawain. Wala ng nagawa si Candice kundi ang sumama kay Frank ng araw na iyon. Dinala siya nito sa bahay na binili nito para sa kanya. Kung saan niya dinala si Ivann noon. "Bukas na bukas din ay mamimili tayo para naman may magamit tayo but for now---ang gusto ko ay maging akin ka Candice," ani pa ni Frank kaya kinabahan siya lalo na at hinalikan siya nito sa balikat. Bahagya pa siyang napaigtad sa ginawa ng lalaki pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan niya si Frank---yun ang kailangan niyang itanim sa kanyang utak. Dinala siya nito sa kwarto kung saan niya unang ibinigay kay Ivann ang kanyang sarili. Pikit mata siya nang tuluyan siyang hubaran ni Frank. "Ang ganda mo Candice. Hindi nga ako nagkamali," ungol pa ni Frank na dinala na siya ng kama. Para siyang tuod ng mga oras na iyon. Hindi niya magawang maging masaya hindi tulad noon---nang ibigay niya ang sarili kay Ivann. Kahit na hindi niya ito kilala ay may excitement at kilig siyang nadarama. Inangkin siya ni Frank pero sandali lang dahil natigilan itong napatitig sa kanya. Nakita niya ang pagtataka nito sa mukha at alam niya kung bakit. "Hindi ka na virgin?" tanong sa kanya ni Frank. "Paanong nangyari yun?" Hinila niya ang kumot at ibinalot sa kanyang katawan. "Mahalaga ba sayo yun?" tanong niya. "Of course!" sigaw sa kanya ni Frank na napatayo ng kama. "Inalagaan kita Candice. Bata ka pa ay nakikita na kita pagkatapos ito ang igaganti mo sa akin? Hindi ba wala kang boyfriend?" "Akala ko ay hindi naman mahalaga sayo yun. Oo, nagkaboyfriend ako pero hindi kami nagtagal," pagsisinungaling niya pa. Umupo ng kama si Frank at nagsindi ng sigarilyo. "Akala ko ang babaeng iningatan ko ay malinis," napapailing na wika sa kanya ni Frank. "Isa kang hunyango!" sigaw pa nito pero kahit ano pa ang sabihin nito ay hindi siya nasaktan. "Gusto mo ng umurong?" tanong niya. "Sino ang lalaking yun? Gusto ko siyang makilala." "Matagal na yun, Frank at hindi mahalaga sa akin ang lalaking yun," sagot niya pa. "Saan ka nagpunta nang iwan mo ako sa resort? Sa lalaki mo ba?" tanong pa nitong hinablot siya sa braso. "Sa kanya mo ibinigay ang p********e mo?" "Nasasaktan ako Frank. Ano ba!" Binitiwan siya ni Frank. "Simula sa araw na ito ay hindi ka lalabas na hindi ako ang kasama mo o di kaya kapag hindi mo kasama ang bodyguards na ibibigay ko sayo. Hindi mo ako pwedeng lokohin. Naiintindihan mo ba?" "Ikukulong mo ako?" tanong niya. "Dahil manloloko ka!" sigaw pa ni Frank sa kanya. "Binigay ko ang lahat sayo Candice, pagkatapos ay ganito lang pala?" "Hindi ako santo kung yun ang inaakala mo, Frank," sagot niya. "Hindi ka nga santo dahil malandi ka!" sigaw nitong sinampal siya. Pakiramdam niya ay nabingi siya sa lakas ng pagkasampal nito sa kanya. Pinilit niya ang magtimpi. Wala siyang laban kay Frank. Gigil na gigil siya nang lumabas ng kwarto si Frank. Gusto niyang umiyak pero walang lumabas na salita sa kanyang bibig. Mabilis na nagtungo siya sa banyo at naligo. Tumutulo ang luha niya habang sinasabunan ang kanyang katawan. Gusto niyang mawala ang laway ni Frank sa kanyang katawan. Kung nandidiri ito sa kanya ay ganoon din siya rito. Wala siyang makapang kahit na ano man sa sarili para magkagusto sa lalaki. Napahawak siya sa pisnging sinampal ni Frank. Mukhang ganito na ang kanyang magiging kapalaran. Hindi pa naman nito alam na hindi na siya virgin ay sinasaktan na siya ni Frank noong nasa resort sila. Magiging punching bag ang purpose niya sa buhay ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD