CHAPTER FOURTEEN

1318 Words
PAG-UWI ng bahay ni Candice ay kaagad niyang hinanap si Nimfa. Sunod-sunod siyang kumatok sa silid nito at ilang sandali pa ay pinagbuksan siya nito ng pinto. Tapos na ang maliligayang araw niya upang takasan ang realidad dahil ito na ang totoong buhay niya lahat ay puro problema. Hindi man lang siya kinausap ng kapatid at bumalik ulit sa kama nito. Hindi niya mapigilan ang hindi magalit sa kapatid. "Alam mo na malaki na ang problema natin kay papa ay dinagdagan mo pa. Alam mo ba kung ilang taon ka palang? Baka nakakalimutan mo. Alam mong hindi namin alam ni Tita ang gagawin sa problema natin ay dumagdag ka pa talaga. Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo ginagamit ang isip mo? Sana nag-isip ka bago ka pumasok sa ganyang sitwasyon," sigaw niya sa kapatid. "Ayoko sa batang ito. Ipapalaglag ko siya," sagot ni Nimfa sa kanya na ikinagulat niya. "Ano?" bulalas niya. "Are you out of your mind?" "Ayoko sa batang ito, ate." "Sana inisip mo yan bago ka nagpabuntis. Alam mo bang malaking kasalanan yang gusto mong mangyari? Ginawa mo yan kaya panindigan mo. Sino ang bata ng batang yan?" tanong niya pa kay Nimfa pero hindi ito sumagot. "I'm talking to you!" sigaw niya na kaya pumasok ng kwarto si Tita Carmen. "Malandi kasi!" sigaw ni Tita Carmen na inabot ang buhok ni Nimfa. Tudo hawak naman siya sa stepmother para hindi masaktan ang kapatid. "Ibinigay namin sayo ang lahat pero ito ang isusukli mong walang hiya ka!" sigaw pa ni Tita Carmen na umiiyak na. "Tama na po!" sigaw pa ni Nimfa na napapasinghot. "Malandi ka!" sigaw pa ni Tita Carmen na hinahapo na sa labis na pagsigaw. "Sabihin mo sa kapatid mo kung sino ang ama ng batang yan!" "Hiwalay na po kami," sagot pa ni Nimfa. "Tita, ako na ang kakausap kay Nimfa. I will talk to her," pakiusap niya pa. "Kung kakausapin ka ng batang yan!" sigaw sa kanya ng stepmother bago ito lumabas ng kwarto. Si Nimfa ay panay ang pag-iyak. "Alam kong disappointed ka sa mga nangyari pero sa maniwala ka ate hindi ko gusto ang lahat ng ito. Ako rin ay galit na galit sa sarili ko," wika pa sa kanya ng kapatid. "Pero ginawa mo pa rin. Sana kung hindi mo gusto ang mga nangyari ay hindi mo ginawa. Dapat alam mo ang pwedeng mangyari sa ginawa ninyo pagkatapos sasabihin mo sa amin na ipapalaglag mo ang batang yan? Tao 'yan Nimfa at anak mo." Humihikbi na si Nimfa ng mga oras na iyon kaya naawa naman siya sa kapatid. Nilapitan niya ito at niyakap. "Alam mong hindi kita matitiis kahit ano ang mangyari. Kapatid kita Nimfa. Nagagalit lang naman ako lalo na at napakabata mo pa. Nanghihinayang lang ako sa magiging kinabukasan mo pero gaya nga ng sinabi ko sayo ay hindi kita pababayaan at hindi rason na ipalaglag ang batang 'yan dahil wala siyang kinalaman sa kung ano man ang nangyari sayo." "I'm sorry, ate." "Wala na tayong magagawa pa dahil nandiyan na 'yan. Kung ayaw mo man sabihin kung sino ang ama ng batang yan ay wala na akong magagawa pa. I will respect your decision pero para ang patayin ang batang 'yan yun ang hindi ko gusto. Pagtutulungan natin na makaraos ka at pagkatapos mong manganak ay babalik ka ulit sa pag-aaral mo, nagkakaintindihan ba tayo?" tanong niya pa kaya tumango si Nimfa. "Sasabihin mo ba ang tungkol dito kay daddy, ate? Baka mag-alala lang siya kapag nalaman niyang buntis ako. Makakadagdag lang ako sa iisipin niya." "Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya pero syempre ama natin siya kaya kailangan niyang malaman kung ano ang nangyayari sa ating magkapatid," sagot niya kaya tumahimik si Nimfa. "Sige na magpahinga ka na muna at kakausapin ko lang si Tita," paalam niya sa kapatid na nanginginig ang katawan dahil sa pag-iyak. Hindi pa man siya nakakalabas ng silid nito ay nakita niyang tumalukbong si Nimfa ng kumot na tila ba takot na takot. Napabuntong-hininga na lamang siya. Patong-pato na ang kanilang problema. Pagbaba niya ng hagdan ay naghihintay na sa kanya sa sala ang kanyang Tita Carmen. Mukhang kalmado na ito pero alam niyang disappointed ito sa nangyari kay Nimfa. Lahat ay ibinigay nito sa nag-iisang anak para makapag-aral sa pribadong paaralan pagkatapos ay ganito lamang ang mangyayari. Alam niyang nag-expect din ang kanyang stepmother ng magandang mangyayari sa buhay ng anak nito at naiintindihan niya ang galit ni Tita Carmen. "Sa totoo lang Candice ayoko naman na ipilit ka sa lalaking hindi mo gusto. Alam ko naman noon pa na patay na patay na sayo si Frank, hindi ba? Lahat ay ibinibigay niya dahil sa sayo. Nakikita mo naman ang sitwasyon natin ngayon, tinalo pa natin ang kapit sa patalim. Lahat ng naipundar namin ng papa mo ay unti-unti ng nawawala. Lubog na rin tayo sa utang kay Frank. Gulong-gulo na ang isip ko. Pati ikaw ay naitutulak ko na sa lalaking hindi mo naman gusto. Kung may magagawa lang akong paraan ay hindi mo kailangan pakisamahan si Frank," tumutulo ang luha ni Tita Carmen habang sinasabi niya iyon. "Kung hindi lang sana ako umalis sa trabaho ko sana nakatulong ako. Sayang naman ang pinag-aralan mo kung wala rin lang naman akong maitutulong sa pamilyang ito---ang kaso tita ang tingin nila sa akin ay masamang tao dahil sa nangyari kay Daddy. Walang gustong magtiwala sa akin---anak daw ako ng drug dealer," sagot niya pa. "Ang mga kaibigan nga natin noon na halos nakadikit na sa atin, ngayon ay hindi mo na mahagilap pinagtatawan ng nila tayo." "Buo na ang pasya ko, Tita. Kailangan may gawin ako para mailabas si Daddy sa kulungan. Tutulungan ko po kayo. Kung kinakailangan na ipagsiksikan ko ang sarili ko para sa proteksyon, pera at kapangyarihan na makukuha natin sa kanya ay gagawin ko. Tama kayo, kailangan samantalahin ko ang kabaliwan ni Frank sa akin." "Sigurado ka ba diyan?" "Desperado na rin kasi ako tita... Pakiramdam ko ay tinatalo tayo ng mga problema natin. Ano ang ibabayad natin kay Frank kapag tinanggihan ko siya? Saan tayo kukuha ng ganun kalaking halaga? Wala na tayong paraan pa. Makikipagkasundo ako sa kanya Tita Carmen. Isa pa, siya naman ang may kasalanan sa lahat ng ito. Kung hindi niya dinala si Daddy sa kanyang magulong mundo ay hindi sana nakulong ang daddy ngayon. Sana kasama pa natin siya ngayon," wika niya pa. "Ang inaalala ko lang ay may asawa si Frank. Paano kapag nalaman ng asawa niya na may babae siya? Baka mapahamak ka." "Knowing Frank? Alam kong kayang-kaya niyang lusutan ang lahat ng 'yon tita. Kung gagamitin niya ako ay gagamitin ko rin siya. Maggagamitin kaming dalawa. Pagsawaan niya man ako ay sisiguraduhin kong secured na ang buhay natin. Kung paiiralin ko ang puso ko ay walang mangyayari sa atin lalo na ngayon na kailangan din ng tulong ni Nimfa. Kailangan ko itong gawin para sa pamilya natin Tita," seryoso ang boses na sagot niya. Umiiyak na tumango si Tita Carmen. Hindi pa naman sila tapos mag-usap ni Tita Carmen ay dumating si Frank at tulad ng inaasahan niya ay madilim ang mukha. Alam niyang galit ito sa kanya dahil tinakasan niya ito. Sinenyasan niya si Tita Carmen na iwan na muna sila. Hinintay niya lang na umalis ang stepmother bago niya hinarap si Frank. Napansin niyang dala nito ang gamit niyang naiwan sa cottage nito. "Nahalughog ng tauhan ko ang buong resort pero kahit anino mo ay wala. Bakit kailangan takasan mo ako?" mahina ang boses na tanong sa kanya ni Frank. "Nakalimutan mo yatang sinaktan mo ako," sagot niya sa lalaki. "Hindi ko sinasadya. I was drunk," giit pa nito. "Kung mahal ko ako ay bakit kailangan mo akong saktan?" tanong niya sa lalaki. "Nabigla lang ako Candice. Hindi na mauulit yun. Alam mong mahal na mahal kita hindi ba?" Napailing na lamang siya sa sinabi ni Frank.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD