CHAPTER SIXTEEN

1722 Words
HINDI pa nakakapasok ng bahay si Ivann ay naririnig niya na ang boses ng kanyang Grandpa Lucas. Naririnig niya kung paano nito kausapin si Tyler. Katulad ng kanyang inaasahan ay galit na naman ang kanyang lolo. "Hi, Grandpa," bati niyang humalik sa pisngi ng kanilang abuelo. Ito ang nagsilbing ama nilang lahat simula ng iwan sila ng kanilang ama. Ang Lolo Lucas nila ang nagpapalit sa kanilang mga apelyido bilang isang Villarica, ayaw nitong alalahanin pa nila ang ama na walang kwenta at sang-ayon naman siya sa gusto ng abuelo. "Where the hell are you going?" tanong pa nito sa kanya kaya umiling siya. "What brought you here, Grandpa?" tanong niya pa. "Akala niyo siguro ay hindi ko alam ang mga pinaggagawa ninyo ano?" tanong pa sa kanila ni Tyler. "At hinikayat mo pa talaga ang mga pinsan sa trabaho ninyong 'yan. Saan kayo dadalhin ng mga kabit na yan? Tell me? Hindi ko kayo pinag-aral para maghabol sa mga babaeng walang kwenta!" sigaw pa nito kaya napangiwi na lamang siya. "Sorry, Grandpa, but I have a meeting," ani Tyler na tumayo mula sa pagkakaupo. Alam niya naman na tatakas lang ito sa abuelo nila. "No! Maupo ka!" bulyaw pa ng kanilang abuela nila kaya napangiti siya. Gusto niyang pagtawanan si Tyler pero hindi niya magawa samantalang napakamot naman sa ulo ang kanyang kapatid. "Nasaan ang dalawa ninyong kapatid? Si Gold at si Jessica?" tanong pa nitong palinga-linga..."Hindi ko alam kung ano ang pumapasok diyan sa mga ulo ninyo at kung ano-ano ang pinaggagawa ninyo. May sarili tayong negosyo pero isang malaking kalokohan ang ginagawa ninyo sa inyong mga sarili. Isang katatawanan ang ginagawa ninyo," sermon pa nito. "Hindi lang naman kasi ito Grandpa isang trabaho o isang negosyo lamang. Mahalaga ito sa amin lalo na at galing din kami sa broken family. Alam namin kung gaano kasakit ang mawalan ng pamilya lalo na at sinira iyon ng ibang tao. Sa trabaho naming ito ay may natutulungan kaming mabuo ang isang pamilya at the same time kumikita rin kami sa mga kliyente namin," sagot niya sa abuelo nila. "Naririnig mo ba talaga ang sinasabi mo Ivann? Isang malaking kalokohan ang trabaho ninyong 'yan. Ano na lang ang sasabihin sa atin ng mga tao kapag tinanong nila ako kung anong trabaho ng mga apo ako? Sasabihin ko na ang trabaho nila ay naghahanap ng mga kabit. Sa ginagawa ninyo ay parang sinabi ninyong lahat na lang tao dito sa mundo ay may mga kabit para magkaroon kayo ng trabaho. Paano kung wala naman palang kabit? Anong magiging trabaho ninyo? Nakatulala nalang kayong lahat at maghihintay na may tumawag sa inyo? Isang malaking kalokohan itong ginagawa ninyo at kung pwede lang tigil-tigilan niyo na. Mamaya ay makahanap pa kayo ng mga taong makakabangga ninyo at napatay pa kayo. Ayusin ninyo ang mga sarili ninyo at hindi ang mga taong walang kwenta ang hinahanap ninyo," mahabang sermon sa kanila ni Tyler. Gustuhin niya man sumagot ay hindi niya magawa. "May hacienda tayo na pwede ninyong maging trabaho dahil balang araw ay magiging inyo iyon. Pwede ninyong palaguin at hindi kayo dapat nagtitiis sa ganito. Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag nalaman ko pa na ipinagpatuloy niyo ang grupong 'yan ay tatanggalan ko kayo ng mana," madiin ang salitang binitawan ng kanilang lolo. "Pero grandpa," tutol pa ni Tyler. "Ang unfair naman na tatanggalan mo kami ng mana dahil lang sa trabaho namin. Sige, magtratrabaho kami sa hacienda," ani ni Tyler kung kaya siniko niya ito. "Kung gusto po ninyo ay pwede naman naming gawing part time ang ginagawa namin ngayon. Ang purpose lang naman namin kaya binuo namin ang grupong iyon ay para makatulong sa pamilyang nawawasak na. Ayaw namin na matulad sila sa amin," dagdag pang sagot ni Tyler. "Tapos na ang usapang ito and my decisions is final. Alam ninyo kung saan ninyo ako pupuntahan," ani pa ng lolo nila. "Ihahatid ko na po kayo, Grandpa," alok niya. "Hindi na. May driver naman ako," tanggi pa nito kaya hindi na siya nagpumilit pa. Kung pumayag ito na ihatid niya ay sigurado rin naman siya na sermon lang ang kanyang aabutin. Pag-alis ng kanilang abuelo ay Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi pwede na mawalan sila ng mana sa hacienda. Napakayaman ng kanilang abuelo. Marami rin itong negosyo kaya alam nilang magpipinsan na malaki ang makukuha nila pero hindi niya rin pwedeng talikuran ang kanilang negosyo---- ang grupo na ilang taon na rin nilang itinayo. Kahit papaano ay hindi naman sila nawawalan kliyente lalo na at kilala na rin ang grupo nila. "Huwag mong sabihin na isasara natin ang grupo dahil sa sinabi ni Grandpa?" tanong pa sa kanya ni Tyler. "Of course not," tutol niya. Ipatawag mo ang mga hunters at magkakaroon tayo ng meeting. Hindi pwedeng magsara ang grupo natin lalo na ngayon na sunod-sunod ang ating mga kliyente." "Sige." Nagkaroon nga ng biglaang meeting sila dahil sa pagsugod ng kanilang grandpa at hindi lang pala sila ni Tyler ang pinuntahan kundi ang iba niya pang pinsan na member din ng the mistress hunters. "Hindi pwedeng magsara tayo. Isa pa, may mga kliyente na tayo. Pinag-uusapan na nga ng iba ang grupo natin. Sa buong Pilipinas ay tayo lang ang may ganitong grupo... I'm not proud of course, pero nakakatulong pa rin tayo," sagot ni Thomas. Pinsan niya ito na member din. "Any suggestions?" tanong niya pa. "Where is Gold?" tanong naman ni Elijah. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ng kanyang pinsan si Elijah. Paano ba naman iniwan niya sa resort si Gold na walang dalang sasakyan kaya sigurado siyang mahihirapan itong makauwi. "Don't worry about him, may trabaho siya ngayon and he called me." "Yeah right," boses iyon ni Gold kaya lahat sila ay napatingin sa pinto. "Ang magaling kong kuya ay iniwan ako sa resort at tinangay ang aking sasakyan kaya ang nangyari ito ako--- nagbus pauwi," dagdag pang wika ni Gold kung kaya napangiwi na lamang siya. Lahat ay napatingin sa kanya. "Hindi mo ba dala ang car mo?" tanong naman ni Brian, kapatid ito ni Elijah. Umiling siya. "Sabi niya kasi huwag na akong magdala ng sasakyan at nagkataon naman na may kailangan akong gawin kaya hiniram ko ang sasakyan niya," pagdadahilan niya. "Hiniram? Hindi ka nga nagpaalam sa akin. Tinangay mo ang sasakyan ko na walang paalam at alam niyo ba kung bakit?" dagdag pang wika ni Gold kung kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Dahil may babae siyang nakilala sa resort at itinakas niya. Ipinagpalit niya ang kanyang kapatid dahil sa babae," tuloy-tuloy na wika ni Gold. "f**k, man!" bulalas ng pinsan niyang si Zachary. "That's not true!" tanggi niya naman. "So, what's the reason? Dahil hindi mo 'yon gagawin kung hindi naman emergency. Isa pa, wala naman akong alam na may emergency ka. Wala ka naman ibang dahilan kundi babae. May kasama ka talagang babae," sagot pa sa kanya ni Gold. "Buking na ayaw pang umamin," sabat ni Jessica. "Kaya pala kanina lang din siya nakauwi," ani naman ni Tyler. "Akala ko ba ay may problema tayo? Bakit ako yata ang pinagkakaisahan ninyo?" tanong niya. "Anong meron?" tanong ni Gold na umupo sa bakanteng upuan. "Ang gusto ni lolo ay isara natin ang grupong ito at magtrabaho sa kanya sa hacienda dahil kung hindi ay tatanggalan niya daw tayo ng mana," sagot niya kay Gold. "What the f**k!" sagot ni Gold. "Bakit bigla-bigla naman yata ang kanyang desisyon. Pwede ba naman yun? Tatanggalan niya tayo ng mana?" "Kaya nga kailangan natin makaisip ng paraan. Hindi natin pwedeng isara ang grupong ito pero pwede nating itago," sabat ni Thomas. Si Thomas ay halos kaidaran ko lamang. "Yes, we will not abandon the group, no matter what. We put our lives into this organization, and so far we're doing well. We helped with a family issue in some way. Makipag-usap tayo kay Grandpa at gagawin natin ang lahat ng kanyang gusto para kahit na malaman niya man na patuloy pa rin ang ating grupo ay hindi na siya kailangan pang magalit," ani niya naman. "Isa pa ayokong tumira sa bundok. Nasanay na ako sa buhay dito sa Maynila," sagot naman ni Brian. "Kung gusto mong makuha ang mana mo ay kailangan mong magtiis. Kilala mo ang grandpa, madaling kausap 'yon. Isa pa kung hindi dahil sa kanya hindi naging maganda ang buhay natin," sermon pa ni Elijah sa kapatid. "So what's the plan?" tanong pa ni Elijah. "Kausapin natin siya at kahit ano mang trabaho ang gusto niyang ibigay sa atin ay gagawin natin. Huwag na tayong makipagtalo pa kay grandpa dahil hindi rin naman tayo mananalo. Isa pa, tayo ang may kailangan sa kanya. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong niya pa. "Sa ngayon ay kailangan muna nating magsinungaling na hindi na active itong grupo natin. Kailangan nating paniwalain siya na-focus tayo sa kanyang mga ipapagawa pero syempre tuloy pa rin naman ang trabaho natin. Tuloy pa rin ang pagtanggap natin ng mga kliyente pero siguro wala munang papasok ng opisina. May access naman tayong lahat sa system, hindi ba? Work from home ang gagawin natin ngayon kaya tuloy-tuloy lang ang ating mga trabaho," sagot ni Jessica. "That's great idea," puri niya kay Jessica. "Kaya ngayon pa lang ay magligpit na kayo at kunin niyo na muna ang mahahalagang gagamitin ninyo. Pansamanta lang naman ang lahat ng ito habang hindi natatanggap ni grandpa ang ating mga trabaho pero syempre gaya ng sabi ni Jessica ay tuloy-tuloy pa rin tayo sa ating mga ginagawa. Kapag naman may kailangan tayong pag-usapan ay pwede naman tayong magkita-kita." Kanya-kanya silang ligpit ng kanilang mga gamit at inilagay iyon sa kotse. Wala rin naman silang choice kung makikipag matigasan sila sa kanilang abuelo. Isa pa, hindi lang naman tungkol sa pera ang lahat, kung hindi dahil na rin sa lahat ng naitulong ng kanilang lolo sa kanilang mga pamilya lalo na sa kanilang magkakapatid. Dahil ito ang sumalo sa lahat ng responsibilidad na dapat ay sa kanilang ama. Kailanman ay hindi sila pinabayaan ang kanilang grandpa pagdating sa kanilang mga financial na pangangailangan at hanggang ngayon nga ay suportado pa rin sila kahit na may kanya-kanya na silang trabaho. Buwan- buwan din silang nakakatanggap ng allowance mula rito. Alam niyang hindi rin magtatagal ang lahat. Ipapaintindi niya sa kanilang abuelo ang tungkol sa kanilang trabaho at kung gaano ito kahalaga sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD