KAHIT nasa trabaho ay hindi magawang mag-focus ni Ivann, paano ba naman kasi paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanila ni Candice. Hindi naman na bago sa kanya ang one night stand pero iba ang nangyari sa kanila ng babae, siya ang una sa buhay nito. Pakiramdam niya kapag hindi niya ulit nakita ang babae ay mababaliw siya. Gusto niyang madugtungan kung ano man ang meron sila ng gabing iyon.
"Hindi ka ba sasama sa akin ngayon? Wala ka namang client ngayon hindi ba? Why don't you enjoy and have fun?" tanong pa ng kanyang kapatid na si Gold.
"Wala ka na yatang inatupag ngayon kundi puro pambabae?" tanong niya.
"Anong pambabae? I'm just doing my job, besides ang pupuntahan kong ngayon at nandoon ang babae na gustong sumira ng pamilya ng kliyente ko. Ang kabit ang sadya ko sa Pangasinan. Beach yun kaya kung gusto mo ay sumama ka to unwind," paliwanag sa kanya ni Gold.
"I'll think about it."
"Huwag mo ng pag-isipan dahil mamaya na ang alis ako. Dont bring your car because I'll bring mine."
"Ok, fine! Masyado rin akong distructed ngayon. Siguro nga kailangan kong mag unwind."
"Nice!" nakangisi pang wika sa kanya ni Gold.
Alas dos na sila umalis ng Maynila at natulog lamang siya sa biyahe. Until now, he feels exhausted.
Pagdating nila ng Pangasinan ay panay ang reklamo sa kanya si Gold. Paano ba naman kasi wala itong kausap sa buong biyahe at parang wala lang din kasama.
"Dalawang cottage na ang kinuha ko para naman may privacy ka---malay mo may matipuhan kang babae," ani pa ng kanyang kapatid.
"Puro babae ang laman ng isip mo!" sermon niya.
"Hindi ba?" tanong pa ni Gold sa kanya. "Kanina nga habang natutulog ka tinatawag mo ang pangalan ng babae. What's her name, ahmmm Ca---, ano ba yun?"
"What?" bulalas niya.
"You're imagining!"
"Indenial!"
Napailing na lamang siya na natatawa sa kapatid. Hindi niya alam na pati sa panaginip niya ay ginugulo na rin siya ni Candice.
Tinuro sa kanya ng kapatid ang kanyang magiging cottage. Tama lang naman ang laki no'n, simple at maganda. Madilim na ng dumating sila ng Pangasinan pero tila fiesta ang naturang lugar sa dami ng tao at may mangilan-ngilan na mga foreigner. Mukhang may party. Napailing siyang pinagmasdan ang buong paligid.
The night was warm and enticing. Sa dami ng mga babae ay mukhang makakalimutan niya si Candice na kanina pa gumugulo sa kanyang isip.. Pinagmasdan niya ang beach resort na kanilang pinuntahan at maging ang mga tao. The light fixtures dangled between palm trees, their gentle golden light blending with the wavering flames of a campfire crackling in the center. Laughter and music filled the surroundings, a mix of thrilled music and rhythmic waves breaking on the shore. Ang iba ay sumasabay sa saliw ng kanta. Lahat ay nagsasaya.
Hindi siya nagsisi sa desisyon niyang sumama kay Gold. The place was paradise. Mukhang langit na itong napuntahan niya.
"Kumain na muna tayo," ani pa ni Gold sa kanya pagkatapos nitong makipag-usap sa receptionist ng beach. "May masarap na seafoods restaurant dito," dagdag pa nito.
"Okay, dadalhin ko lang ang mga gamit ko sa cottage," sagot niyang iniwan na ang kapatid.
Malapit lang naman ang cottage nito sa kanya. Kung titingnan mo ay pwede naman silang magsama sa isang cottage, but knowing Gold? Mukha itong may ibang plano.
Pagpasok niya sa kanyang cottage ay tumambad sa kanya ang kama na tama lamang sa dalawang tao.
Though simple, the cottage had an atmosphere of calm and warmth. Its single room, featuring meticulously selected furnishings and personal touches, created a perfect escape from the outside world, with every corner displaying ease and home.
Napaupo siya sa kama. Hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti. Biglang naisip niya na sana si Candice ang kasama niya ngayon. Sigurado siyang magiging mainit ang mga gabi nila. Bigla siyang nakaramdam ng gutom when the scent of grilled fish and barbecue filled the air, blending with the saline touch of the sea. Mabilis siyang lumabas ng cottage at tiniyak na naka-lock iyon. Muling niyang pinagmasdan ang mga tao sa paligid niya nang biglang may umakbay sa kanya.
"Ang saya hindi ba?" nakangiting tanong sa kanya ni Gold.
"Yup!"
"Exciting ang trabaho natin hindi ba? Kahit saan napupuntahan natin," dagdag pa nito.
"Ang sabihin mo kahit saan may kabit!" sagot niya naman.
"Dinala kita rito para mag enjoy kaya gawin mo ang gusto mo. Malay mo dito mo makikita ang babaeng pakakasalan mo," dagdag pang wika ni Gold.
"Kumain na tayo at kanina pa ako natatakam sa amoy na nalalanghap ko. Puro hangin na ang laman ng tiyan ko," ani niya pa kaya natawa si Gold.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam sa kanya si Gold. May trabaho raw itong gagawin kaya hinayaan niya na. Pagdating sa trabaho ay wala silang pakialaman lalo na at maselan ang ibang kliyente nila. Ayaw ng mga ito na may ibang nakakaalam maliban sa mismong kausap nito na agent ng TMHG.
Naglakad-lakad siya sa beach. May mga nadadaanan siyang grupo ng mga babae na nagpapansin sa kanya. Ang iba ay kinakausap siya kaya naman nakikipag-usap na rin siya.
"Beer?" alok pa sa kanya ng babae. Nagtatawanan ang grupong kasama nito. Naririnig niya ang mga bulungan na gwapo raw siya. Umupo siya sa buhangin at kaagad naman na tumabi sa kanya ang tatlogng babae.
"I'm Mia," pakilala sa kanya ng babaeng katabi.
"Garrett," ani ng isa.
"Kaila," sabat naman ng isa sabay kindat sa kanya.
Magaganda at sexy ang mga ito at mukhang mga easy to get. Nagpapakita ng interes sa kanya ang tatlo.
Uminom siya ng beer na inabot sa kanya.
"Mag-isa ka lang ba?" tanong ni Kaila na sumandal sa kanyang balikat.
Umiling siya.
"Kasama ko ang kapatid ko pero may trabaho siya rito."
"Ohhh," sagot pa nito sabay inom ng alak.
"Cheers!" ani Mai kaya itinaas niya ang bote ng kanyang beer.
Nagulat pa siya nang biglang halikan siya sa leeg ni Kaila. Hindi siya tumutol sa ginawa ng babae. Hiyaan niya lamang ito.
"Are you game?" tanong ni Garrett sa kanya kaya napatingin siya sa babae.
Alam niya na ang ibig nitong sabihin kaya napangiti siya.
"Kayong tatlo?"
"Kaya mo ba?" tanong pa sa kanya kaya napalunok siya. Never pa kasi siyang nakasubok ng tatlong babae. "Dadalhin ka namin sa langit," malandi pa nitong sagot sa kanya.
Napainom siya ng alak dahil sa naririnig. Napapatitig siya kay Kaila at Mai. Nagtatawanan ang mga ito na tila ba sinasabi na game rin ang mga ito.
Inubos nilang apat ang natitirang beer bago siya nagpasyang umuwi at mukhang seryoso ang tatlong babae na paligayahin siya ngayon gabi dahil sumama ang mga ito sa kanyang cottage. Naparami na rin siya ng inom ng beer kung kaya hinayaan niya na lamang ang tatlo sa masamang balak sa kanya. Naglalakad pa lang sila ay nagiging malikot na ang mga kamay ng mga ito at tila walang pakialam sa mga paligid. Napapapitlag na lamang siya sa tuwing na hinahawakan ni Garrett ang kanyang p*********i. Mukhang kailangan niyang paghandaan ang matinding laban.