CHAPTER FIVE

1106 Words
PAGGISING ni Ivann ay wala na sa tabi niya si Candice. Mabilis na hinahanap niya ito sa buong bahay pero kahit anino nito ay hindi niya na nakita pa. Bumalik siya ng kwarto upang magbihis at doon niya nakita ang sulat sa ibabaw ng side table. Binuksan niya ang sulat. "Umuwi ka na pag-gising mo. Hindi ko bahay 'yan... Thank you for the night." Napakunot na lamang siya sa sinabi ni Candice sa sulat. Parang ganun lang kadali ang lahat dito. Pagkatapos nitong ipinagkaloob ang virginity nito sa kanya ay basta na lamang siya iniwan. Bukod sa pangalan nito ay wala na siyang alam pa sa babae. Nakaramdam siya ng panghihinayang. Hindi lang s*x ang nangyari sa kanilang dalawa kundi isang hindi makakalimutangsex. Malungkot na nagbihis siya. Inikot niya pa ang buong kabahayan baka sakaling nagsisinungaling sa kanya si Candice at may makita siyang anuman doon pero bigo siya dahil walang anumang makakapagturo na nag-uunay kay Candice. Umalis siya ng bahay na iyon na bagsak ang balikat. Pagkatapos ng masarap na gabi ay isang malamig na umaga ang sumalubong sa kanya. "Mukhang pagod na pagod ah?" biro sa kanya ni Jessica, ang kanilang bunso na parte rin ng The Mistress Hunters Group. Ipinagtimpla siya nito ng kape. "Hindi ka naman natulog hindi ba sa opisina dahil hindi mo naman yung ginagawa?" "Interrogation ba ito?" tanong niya. "Hindi ka kaya tumawag na hindi ka umuwi!" irap pa sa kanya ni Jessica. "I was with my friend. Doon ako nakatulog," sagot niyang uminom ng kape. "A girl friend?" nakangiti pang tanong ni Jessica sa kanya. "Lalaki syempre! Nalasing ako kaya hindi na ako nakauwi pa. Paminsan-minsan lang naman lalo na at natapos ko naman ang trabaho ko. Deserve ko naman sigurong i-treat ang sarili ko." "At bakit defensive ang kuya ko?" hagikhik ni Jessica. "Pinipilit mo kasi na may kasama akong babae kahit wala naman." "May nakakita sayo sa bar," sabat ni Tyler na bumababa ng hagdan. Pangatlo ito sa kanila. "At may kasama kang babae," dagdag pa nito. Buking na siya. Nagulat pa siya ng hampasin siya ni Jessica. "Sinungaling!" ani pa ni Jessica. "Mahirap ba talaga sa inyong aminin na may kasama kayong babae?" "Hindi ako yun!" sagot pa ni Tyler kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Tell me, sino ang babaeng yun?" tanong pa ni Jessica. "Tinalo pa ang Nanay natin kung magtanong. Hindi ko siya kilala... Sa bar lang kami nagkakakilala." "At sumama ka sa kanya?" tanong pa sa kanya ni Jessica. "Walang mawawala sa aming mga lalaki okay? Isa pa, sila ang lumapit sa amin---- kapag lumapit sila alangan naman titigan lang namin? Hindi kami santo, okay?" sagot niya pa. "Hay naku! Bakit ba ako binigyan ng mga babaerong kapatid!" irap pang sagot ni Jessica. "Pero tama rin naman kayo. Bakit ba kasi may mga babaeng katulad nila. Isang kalabit lang ay bibigay kaagad. Bakit ba kasi naging babae pa ako." "Don't tell us na tomboy ka?" nanlalaki ang mata na tanong niya kay Jessica. Aminado siyang boyish si Jessica pero hindi naman siguro ito lesbiana. "Tigilan mo nga ako kuya!" irap pa ni Jessica sa kanya. "Ngayon palang Tyler ay hanapan mo na ng lalaki itong kapatid natin." "Tigilan niyo nga ako! Sige na, kumain na kayo diyan at may kailangan akong gawin. May hahanapin pa akong kabit," ani Jessica na nagmamadaling tumayo. Inabot lang nito ang jacket nito at lumabas ng bahay. "Kasalanan ninyo ni Gold kung bakit kilos lalaki yang si Jessica. Dapat kasi hindi niyo na pinasali sa grupo natin." "Bakit ako? Siya ang may gusto na sumali sa atin." Napabuntong-hininga na lamang siya sa sinabi ni Tyler. Mabuti na lamang at may kaya ang kanyang ina kaya nang mawala ito ay hindi sila masyadong nahirapan pero ang pagkawala ng kanilang ina ay sobrang sakit sa kanilang magkakapatid lalo na at nagpakamatay ito sa kanilang bahay. Kitang-kita niyang nakasabit ang kanyang ina sa kwarto nito at kung paano ito namatay. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang isipan ang pagkawala ng kanilang ina. Napakabuting tao ng kanilang ina pero malas ito sa asawa------ kanilang ama na ipinagpalit ang kanilang ina sa isang babaeng mababa ang lipad. Seventeen years old lamang siya nang namamatay ang kanilang ina at twelve years na ang nakalipas simula nang mamatay ito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mapatawad ang ginawa ng kanilang ama. Kung hindi ito sumama sa kabit nito sana ay buhay pa ang kanilang ina. Sana ay kinaya ng ina nila ang lahat ng sakit at paghihirap. Ang kataksilan ng kanilang ama ang naging daan kung bakit gumawa sila ng grupo para hanapin ang mga kabit na sumisira ng buhay ng iba. Sinimsim niya ang kape na tinimpla sa kanya ni Jessica. "Maganda ba siya at mukhang natutulala ka diyan?" tukso pa sa kanya ni Tyler. Ngumiti siya. Wala silang itinatagong magkakapatid lalo na pagdating sa babae. "She's f*****g hot," tanging sagot niya. "One night stand?" tanong pa ni Tyler kaya natigilan siya. One night stand nga lang ba ang gusto niya kay Candice? "Gusto ko siyang makilala, Tyler. Sa tingin ko ay iba siyang babae. Iba siya sa lahat." "Paanong iba siya? Anong kaibahan niya sa mga babae na nakikipag one night stand sa mga lalaki?" "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayo na virgin siya ng maangkin ko?" tanong niya kay Tyler kaya natigilan ito. "Virgin?" "Tama ang narinig mo, Tyler and I can't believe it. Hindi ako makapaniwala na ako ang unang lalaki sa kanyang buhay." "Alam mo ba ang vaginal tightening? Nauuso yun ngayon sa mga babae?" "Alam kong virgin siya Tyler at walang anumang surgery. It was her first time." "Do you know her?" Umiling siya. "Bukod sa pangalan niya ay wala na akong alam sa kanya. Paggising ko kanina ay wala na siya." "Ano yun, pagkatapos niyang ibigay sayo ang virginity niya ay basta na lamang siyang naglaho na parang bula?" "Hahanapin ko siya. Gusto ko siyang makilala." "Love at first sight?" Umiling siya sa tinanong ni Tyler. "Iba ang love sa getting to know each other. I want to know her... Yun lang," natatawa niyang sagot. "Saan ba ang punta no'n?" "Ewan ko sa'yo. Para kang si Jessica! Nasaan ba si Gold?" tanong niya dahil hindi niya nakita ang isa niyang kapatid. "Ano pa ba? Eh di nandoon sa babae niya. Alam mo naman yun, kapag nagmahal todo-todo." "Playboy yun! Maniwala ka sa kapatid mong yun," napapailing niyang sagot. Natawa na lamang si Tyler sa kanyang sinabi. "Magpapahinga na muna ako bago ako papasok." "Sige at mukhang hindi ka nakatulog kagabi," biro pa sa kanya ni Tyler. "Sira ulo!" sagot niyang napapailing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD